Invisible (On editing process)

بواسطة aira_irish

27.1K 221 62

Matalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May ma... المزيد

Invisible (Prologue) Edited
Chapter 1 (edited)
Chapter 2 (edited)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Irish 1 on 1 (Meet Some of the Invisible Cast)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 (End) ;)

Chapter 51

370 5 0
بواسطة aira_irish

Chapter 51

Isang oras at kalahati ay nakarating din sila sa amusement park. Hindi inaasahan ni Rj na muntik na siyang ma harass sa jeepney papunta dito. Paano ba naman kasi natipuhan siya ng isa sa mga pasahero sa jeepney. Ang masama pa ay bading pa! Sobrang nagtitimpi lang siya kanina. Samantalang si James ay pinipigil niya lang ang tumawa. Pangiti-ngiti lang ito sa kanya.

Nang makababa na sila ay nakahinga na siya ng maluwag.

“Kuya Rj, hindi ko alam na bebenta ang ka gwapuhan mo sa bading.” Nang-aasar na pasaring ni James.

“Sige asarin mo pa ako. Para ipahabol kita sa mga insane mong fans.” Naiinis na sagot nito kay James.

“Kuya Rj, wala namang ganyanan oh. Maaatim mo bang makita mo ang kakambal mo na pahirapan.” Nag-papaawang sambit nito habang nagpapa cute ito sa kanya.

“Yuck! Huwag ka ngang ganyan. Mapag kamalan tayong mga bading. Ew!” nandidiring wika nito. Imbes na mainis na sinabi nito ay tinawanan lang siya ni James.

Unang ride na sinakyan nila ay ang bump cars. Hindi nila maiwasan na tignan ng mga tao paano kasi ngayon lang ata sila nakakita ng kambal na magkasamang maglaro.Tapos ang sunod nila na destinasyon ay ang haunted house. Parang uurong na si Rj noong nandiyan sila mismo sa pintuan nito.

“Huwag na kaya tayong tumuloy.” Sabi ni Rj.

“Hindi pwede Kuya. Ano inatake ka na man ng pagiging matatakutin mo?” pang bubuska nito.

“Hindi no. matapang kaya ito.” Pagmamalaking pahayag nito.

“Talaga lang ha?” dudang sambit ni James at sabay hatak ng kakambal niya papasok ng Hauntd House. Ilang minuto ang nagdaan ay nakalabas din sila sa loob ng haunted house. Hindi inaasahan ni James na magsisigaw at tatakbo sa takot ang kambal niya. Kitang-kita ang sobrang takot sa mukha nito.

“Kuya Rj, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni James.

“Mukha ba itong ok sa lagay na ito?” naiinis na sambit nito at tinalikuran siya nito.

“Kuya Rj, sorry na oh. Huwag ka ng magalit. Libre na lang kita ng hotdog.” Nakangiting wika nit okay Rj.

“Ayoko. Hindi mo ako madadaan sa hotdog.” Nagtatampong sagot ni Rj.

”Kuya Rj, I’m sorry na oh. Hindi na mauulit. Pangako? Sige ka isusumbong kita kay Ann at sasabihin kung takot ka sa haunted house.” Nakangising wika ni James habang inaayos niya ang polo shirt niya.

“Hindi iyan uubra, bunsoy. Alam ni Ann ang tungkol diyan. Siya nga iyong una kong nakasama pumasok ng haunted house.” Kwento nito.

“Ganon ba.” Walang kagana-ganang wika ni James.

“Sige, pinapatawad na kita. Ilibre mo ako ng hotdog tulad ng sabi mo. Damihan mo ha? Alam mo namang paborito ko ang hotdog.”

“Sige ba. Kahit dalawang dosena pa.” masiglang sagot nito habang papunta sila sa pinakamalapit na hotdog stand.

Matapos nilang kumain ay naglibot sila pagkatapos naglaro sila ng video arcade.

“Kuya Rj, nagkausap na ba kayo ni Fretzie? Tanong niya kay Rj.

“Hindi pa nga eh. Ilang linggo ko na rin iyon hindi siya nakikita. Bakit mo pala natanong?” usisa sa kanya ng kambal niya.

“Pakiramdam ko kasi parang iniiwasan ako ni Fretzie.” Pagtatapat nito.

“Baka may ginawa ka namang kalokohan, ano?” seryosong sabi ni Rj.

“Kuya, iyon na nga po eh. Wala akong maalala na ginawa ko para iwasan niya ko ng ganito. Sabi nga sa akin ni Ann merong dalawang mabigat na dahilan para iwasan kan g isang tao kung may ginawa kang mali sa kanya o gusto ka niyang kalimutan.” Paliwanag ni James.

Napangiti si Rj sa sinabi niya. “Sinabi iyon ni Ann sayo?” hindi makapaniwala si Rj sa sinabi ni James. Tumango lang si James bilang pag tugon sa tanong niya.

“Si Ann talaga ang galing magbigay ng payo. Alam mo bang ako ang nag-sabi niyan sa kanya. James, ang masasabi ko lang. Ikaw mismo ang makakasagot sa tanong mo.” Sabay tapik nito ng kanyang balikat.

“Kuya, nakakainis kayo ni Ann. Mahilig kayong mambitin.” disappointed na wika ni James. Tinawanan lang siya ni Rj.

Uuwi na sana si Fretzie sa bahay nila pagkatapos ng klase nila. Napa aga kasi ang kanilang uwian nila. Wala na talaga siyang puntahan noong araw na iyon ngunit nagdahilan lang siya kay James na meron kasi iniiwasan niya ito. Nag-aabang na siya ng taxi nang nadaanan siya ng sasakyan ni Trish.

“Fretzie, samahan mo muna ako.” Sabi niya sa akin.

“Bakit saan ka ba pupunta? Tanong niya dito.

“Basta sumama ka na lang sa akin.” Hindi na si Fretzie ulit nagtanong. Pumasok na lang siya sa loob ng sasakyan at tumabi kay Trish.

Nagulat si Fretzie ng dumating sila sa pupuntahan ni Trish.

“Trish anong ginagawa natin dito?” naguguluhang tanong niya kay Trish habang nakatingin sa amusement park.

“Makikipagkita ako sa kaibigan ng Mama ko dito. Dito siya kasi nagtata trabaho sa loob ng amusement park.” Paliwanag ni Trish.

“At isa pa, napapansin ko na ang lungkot mo lately kaya dinala na lang kita dito.” Dagdag na sabi nito.

“Trish, nakakahiya naman sayo. Salamat.”

“Walang anuman iyon. Ikaw pa. Suotin mo pala ito. Hindi pwedeng pagala-gala ka naka school uniform.” Nakangiting sabi ni Trish habang inabot nito ang paper bag. Hinintay siya ni Trish sa labas ng comfort room. Sinuot ni Fretzie iyong pale blue dress na may kasamang bolero with matching white sandals.

“Alis na tayo. Hinihintay na ako siguro ni Tita Mel.” Habang naglalakad sila sa loob ng amusement park ay nakita na ni Trish ang kaibigan ng Mama niya.

“Hi Tita Mel.” Bati ni Trish sabay beso sa pisngi nito.

“Hello hija. Sino pala iyang kasama mo?” tanong ng ginang kay Trish. Ngumiti lang si Fretzie sa kanya.

“Tita Mel, siya po pala ang kaibigan kong si Fretzie.” Pakilala ni Trish kay Fretzie.

“Fretzie, siya si Tita Mel ang kaibigan ng Mama ko.”

“Hello po.” Magalang na sabi ni Fretzie.

“Hija, gusto mo bang sumama sa amin ni Trish?” aya nito sa kay Fretzie.

“Naku po. Nakakahiya naman po sa inyo. Maglilibot na lang muna ako. Babalikan ko na lang pagkatapos si Trish.” Nahihiyang sambit nito.

“Fretzie, ayos lang ba sayo na mag-isa ka lang maglilibot?” tanong sa kanya ng kaibigan.

“Oo naman. Tatawagan na lang kita mamaya pag may problema.”

“Hija, mauuna na kami ni Trish. Mag-iingat ka.” Bilin sa kanya ng ginang.

“Sige po. Salamat.”

Naglibot si Fretzie sa amusement park. Nang madaanan niya ang carousel hindi niya mapigilan mapangiti habang nakatingin sa may batang lalaki at babae na nakasakay sa iisang kabayo parang sila ni Rj dati. Hindi niya lubos maisip na matagal na iyong nangyari na parang kailan lang iyon.

Sa kabilang daku naman, nagpaalam si Rj kay James na pupunta ito ng CR.  Medyo natagalan si Rj nakabalik kaya naglibot-libot muna siya dito. Sa paglilibot ni James ay nakaagaw pansin sa kanya iyong dalawang bata na kasakay sa iisang kabayo sa carousel. Minsan hindi niya nasabi kahit kanino pati kay Rj may napapanaginipan siyang batang babae halos ka-edad niya lang. Nakasakay sila sa carousel at nagseshare sa iisang kabayo. Ilang ulit din niya itong napanaginipan. At alam niya siya ang batang iyon. Gusto niyang magtanong tungkol sa panaginip niya kaya lang nag-aalangan.

Naantala ang kanyang malalim na pag-iisip na may biglang nagtakip ng kanyang mga mata.

“Ano namang kalokohan to?” naiinis na sabi ni James agad namang tinanggal ang mga kamay nito sa kanyang mga mata. Sa paglingon nito nabigla siya kung sino ang nasa likod niya.

“Fretzie.” Iyon lang nasabi niya.

“Bakit gulat na gulat ka? Naka kita ka ba ng multo? Natatawang sabi ni Fretzie.

“Nang gugulat ka kasi. Ano ba kasi ginagawa mo dito?” usisa niya kay Fretzie.

“Sinamahan ko lang kasi si Trish na puntahan ang kaibigan ng Mama niya. Kaya lang hindi na ako sumama sa lakad nila. Naisip ko na maglilibot muna ako dito. Tapos na tiyempuhan kitang nakatingin sa carousel.” Kwento niya dito.

“Ganon ba. Gusto mong maglibot tayo? Matagal din tayong hindi nagkita at nag-usap.”

“Sige.” Nakangiting sagot nito.

“Saan mo gustong pumunta?” tanong nito kay Fretzie habang nakatayo pa rin sila sa may carousel banda. Habang nag-iisip si Fretzie ay nakatingin pa rin ito sa carousel.

“Gusto mo bang sumakay diyan?” nakangiting tanong ni James.

“Oo pero gusto mo ding sumakay diyan? Naalala mo ba noong mga bata pa tayo. Minsan na tayong nakasakay diyan. Iisang kabayo pa nga tayong nakasakay eh. Tapos ang saya saya natin noon. Kinuhanan pa nga tayo ng litrato ni Ate Jackie. Teka, nandiyan pa ba sayo iyong litrato? Sobra kung iningatan iyong larawan nating dalawa. Isa kasi iyon pinakasayang araw sa buhay ko.” Hindi makuha ang ngiti sa mga labi ni Fretzie habang kinukwento niya iyon.

“Iyong litrato nandoon iyon sa bahay nakatago. Masaya nga iyong araw na iyon. Sige sakay tayo diyan.” Masiglang pahayag niya.

Hindi maiwasan ni James ang magtaka sa kwento ni Fretzie parang ang pamilyar kasi baka nagkataon lang siguro nakasakay din sila siguro ng Kuya niya kaya ganon.

Sobrang nag-enjoy siyang kasama si Fretzie at sobrang na miss niya ito paano kasi noong mga nakaraang linggo ay parang iniiwasan siya nito. Nag text siya kay Kuya Rj niya baka sakaling hinahanap na siya nito. Buti na lang at nakuha niya ang mensahe nito.

Kasalukuyan silang nakasakay ni Fretzie sa Ferris Wheel. Tahimik lang si Fretzie nakatingin sa bintana. Habang siya ay lihim niya pinagmamasdan kitang-kita ang lungkot sa mata nito kahit naka ngiti ito sa kanya kanina.

“Fretzie.” Tawag nito sa kanya. Lumingon ito sa kanya at binigyan siya nito ng alanganing ngiti.

“Rj, ano ba itong pinag-gagawa ko?” pagtatapat nito sa kanya. Naguguluhan si James sa mga sinabi ni Fretzie.

“Rj, sumuko na ako sa kanya. Hindi ko na kaya ang sakit-sakit eh. Alam ko sasabihin mo na huwag kang sumuko at kailangan mong tibayin ang loob mo para sa kanya. Papaano ko iyong gagawin kung harap-harapan na niyang pinapakita na kahit kailan ay hindi niya kayang suklian ang pagmamahal ko. Isang sampal iyon sa mukha ko.” Naging emosyonal ng sandaling iyon si Fretzie. Hindi alam ni James kung papaano niya mapapagaan ang loob nito kahit siya mismo ay naguguluhan.

“Sobrang bigat-bigat ng pakiramdam ko. Gusto ko man sarilihin ang problema ko. Hindi ko na kaya eh.” Naiiyak na sabi ni Fretzie. Lumapit si James para yakapin siya.

“Rj, papaano ko siyang makakalimutan? Kung pinagsasabihan ko nga ng mga hinaing ko kamukha niya. Ano ba namang kalokohan pinagsasabi ko? Natural kakambal mo kaya iyon.” Napatawang wika nito.

Nagulantang si James sa rebelasyon ni Fretzie. Mabuti na lang nakayakap si Fretzie sa kanya  kung hindi mabubuking siya ng wala sa oras. Ibig sabihin nito siya iyong taong lihim na iniibig ni Fretzie? Kung ganon pala ang nag-alaga sa kanya noong sa resort sila. Nakaramdam siya ng konsensiya ng sandaling iyon. Ngayon niya lang naintindihan ang mga sinabi ng Kuya Rj niya at ni Ann. Bakit ngayon lang? Sana noon pa para hindi sana umabot sa ganito ang lahat. Hindi siya makapaniwala na sobrang manhid manhid niya hindi man lang naisip ang nararamdaman nito.

“Alam ko kung gaano niya kamahal si Ann kaya lang hindi pa rin ako sumuko at umaasa pa rin ako na balang araw mapapansin din niya ako. Rj, mahal na mahal ko siya. Patuloy ko pa rin siyang minahal kahit iba ang nasa puso niya at kahit balewala lang ako sa kanya. Hindi niya naman kasalanan ni James kung iba ang mahal niya. Sobrang tanga lang ng kababata mo.”

Nakaramdam si James nga galit sa kanyang sarili. Papaano niya nasasaktan ng ganito si Fretzie. Pakiramdam niya ang sama-sama niyang tao. Hindi siya karapat-dapat sa pagmamahal nito.

“mabuti na lang natauhan ako sa katangahan ko. Pasensiya ka na kung ikaw na naman napag buhusan ko ng sama ng loob. Ikaw lang kasi makakaunawa sa akin. Sa pagkakataong ito, kakalimutan ko na si James.” Pahikbing wika ni Fretzie. Nang sinabi ni Fretzie ang katagang iyon bakit nasasaktan din siya merong parte ng puso niyang tumututol.

“Hindi ko alam kung papaano ko mapapagaan ang loob mo, Zie. Patawad kung wala akong magawa para ibsan iyong sakit nararamdaman mo ngayon.” Seryosong wika ni James. Kumalas sa pagkakayakap ni James si Fretzie at tinignan siya nito. Patuloy pa rin pagdaloy ng mga luha sa mga mata ni Fretzie. Pinahiran niya iyon ng kanyang panyo.

“Rj, ano ka ba? Wala ka namang kasalanan eh. Sobra-sobra na nga naitulong mo sa akin.”

“Zie, saktan mo ko. Sampalin mo ko o kahit anong gustuhin mo para kahit papaano mapalabas mo lahat-lahat ng sakit. Sabihin mo kung anong gusto mong sabihin mo kay James.”

“Sa dinami-dami ng taong pwede kung mahalin. Bakit ikaw pa napili ko? Hindi ko naman sinasadyang mahalin ka eh. Sinubukan kung pigilan ang nararamdaman ko ngunit hindi ko nagawa. Gust ko ngang magalit sayo kaya lang ano ba ako sayo? Ni wala nga akong karapatan magalit o mag selos.” Puno ng hinanakit na sambit ni Fretzie.

“patawad kung parang iniiwasan kita ngayon kasi sobrang sakit na eh. Hindi ko na kakayanin. Alam ko namang wala naman akong pag-asa diyan sa puso mo.” Tumutulo na naman ang luha sa mga mata ni Fretzie.

“Rj, pwede bang humingi ng pabor sayo?” pinahiran ni Fretzie ang kanyang mga mata at nakatingin ito sa kanya.

“Sige. Ano ba iyon?” usisa nito kay Fretzie.

Nag-aalangan si Fretzie kung sasabihin niy ang pabor na hihilingin niya rito.

“Pwede ka bang magpanggap bilang si James?” nahihiyang wika ni Fretzie. Napaubo si James sa sinabi ni Fretzie. Sa dami ng pwedeng hilingin bakit iyon pa? Kung alam niya lang sana.

“Alam ko, kung ano ang pumapasok sa isip mo. masochista ka ba? Bakit lagi mo na lang pinapahirapan ang sarili mo?” ginagaya-gaya ni Fretzie kung paano magsalita si Rj.

“Lubos-lubusin ko na lang to. Pakiusap Rj. Pumayag kana.” Pangumgumbinsi sa kanya ni Fretzie. Hindi makatanggi si James sa hinihiling nito kaya umu oo na lang siya.

Nang bumaba sila sa ferris wheel ay pumunta sila sa winter wonderland. Masaya silang dalawa naghahabulan at naglalaro sa pekeng nyebe. Hindi maiwasan ng ibang tao na mainggit sa kakaibang sweetness nila.

Habang naglalakad sila ay nakaagaw pansin kay Fretzie iyong malaking teddy bear na brown.

Lingid sa kaalaman niya lihim siyang pinagmamasdan ni James agad siyang hinila papunta doon.

“Sir, gusto niyo bang maglaro?” tanong sa kanya ng nagbabantay.

“Oo sana. Papaano po pala mapapanaluhan iyong malaking teddy bear na Brown?” usisang wika ni James.

“Simple lang po. Kailangan niyo lang matamaan ang pinaka gitna na target.” Paliwanag sa kanya.

“Sige. Maglalaro ako. Pwede po pabili ng tatlo.” Sa una at pangalawang tira ni James ay pumalpak siya. Sa huling tira niya ay tamang-tama natamaan niya ang gitna.

“Charming Zie, para sayo.” Sabay abot nito sa teddy bear. Masayang tinanggap ni Fretzie iyon at niyakap ng mahigpit.

“Salamat, James. Ang cute-cute niya.” nakangiting sambit nito habang hawak-hawak niya ang teddy bear.

Nang napagod sila ay saglit silang nagpahinga sa bench habang kumakain ng ice cream. Enjoy na enjoy si Fretzie sa pagkain ng kanyang ice cream nang biglang may tumawag sa kanya agad niyang kinapa ang cellphone niya sa may bag at sinagot nito.

“Fretzie, nasaan ka ngayon? Alam mo bang kanina pa akong tumatawag sayo. Akala ko kasi may nangyari ng masama sayo.” Nag-aalalang sabi ni Trish.

“Trish, pasensiya ka na kung nakalimutan kung tumawag. Huwag ka ng mag-aalala ayos lang ako. Kasama ko nga pala ngayon si Rj.”

“Ganon ba. Sige mag-enjoy ka lang diyan. Sabay na tayong uuwi mamaya.”

“Sige. Bye.”

“Charming Zie, ano pa ang gusto mong gawin?” masiglang pahayag nito.

“Mag-boating tayo tapos punta tayo sa picture booth.” Excited na wika ni Fretzie.

“Your wish is my command, my princess.” Seryosong wika nito.

Kinuha ni James ang kamay ni Fretzie at hinalikan. Biglang namula ang magkabilang pisngi ni Fretzie sa ginawa nito. hindi niya maiwasan ang kiligin sa ginawa nito.

Hawak kamay silang naglalakad habang hawak-hawak ni James iyong teddy bear. Palihim na sinusulyapan ni Fretzie si Rj kung si James talaga ang kasama niya ngayon sobrang saya niya siguro. Nagpapasalamat pa rin siya dahil nandiyan si Rj para sa kanya. Panatag ang loob niya habang kasama niya ito. Kung maaari lang turuan ang puso san si Rj na lang pinagbalingan niya ng kanyang nararamdaman at hindi si James.

Walang kaalam-alam si Fretzie na tinititigan din siya ni James. Alam niyang nahihirapan si Fretzie ng dahil sa kanya kung pwede niya na lang akuin ang paghihirap nito sana hindi ito sobrang nasasaktan ng dahil sa kanya. Makita niya lang masaya si Fretzie ay masaya din siya. Kung paglayo niya ang tanging solusyon para maibsan ang sakit nito gagawin niya dahil mahalaga sa kanya si Fretzie.

“James, magpa picture na tayo.”magiliw na sabi ni Fretzie pagkababa lang nila sa bangka.

“Sige.” Nakangiting sagot nito.

Pumunta silang dalawa sa photobooth. Papasok pa lang sila sa loob ay nakangiting sumalubong sa kanila ang photographer.

“Magpapakuha ka ng litrato?” nakangiting sabi ng photographer.

“Opo.” Sabay nilang sagot.

“Magkasintahan ba kayo?” usisa sa kanila nito. Nag-alangan silang dalawa kung sasagutin nila ang tanong.

“Sige pumuwesto na kayo diyan.” Bilin sa kanila ng photographer.

Ang unang kuha nila ay nakatingin sila sa isa’t isa na nakangiti, iyong pangalawa ay nag make face sila. Tapos iyong huli ay hinalikan siya sa pisngi ni James.

Pagkalipas ng ilang minuto ay nakuha na nila ang mga larawan nila. Nakangiti silang dalawa habang pinagmamasdan nila ang mga larawan.

”Ang ganda ng kuha mo dito.” Sinserong sabi ni James kay Fretzie.

“Ikaw, din naman eh? Ang gwapo-gwapo mo kaya diyan.” Ganting puri ni Fretzie. Nilagay na ni Fretzie sa kanyang bag ang mga larawan.

“Siya nga pala, James. Salamat. Hindi ko  makakalimutan itong araw na ito.”

Nang mga sandaling iyon hindi napigilan ni James ang maging emosyonal.

“Zie, hindi ka dapat magpasalamat. Kulang pa nga iyan sa lahat ng ginawa mo sa akin eh.” Malungkot na wika nito. Hala, anong ginagawa niya? Nagsasalita siya kung anong nararamdaman niya noong mga oras na iyon.

Alanganing ngiti lang itinugon ni Fretzie sa kanya.

“Fretzie, pwede kayang huwag mo na lang akong kalimutan?  Pwede bang bigyan mo pa ako ng pagkakataon?” nagsusumamamong wika nito.

Nalilito si Fretzie sa kinikilos ni Rj. Ano itong pinaggagawa nito? Kasama ba ito sa pag-papanggap? Sa halip na sawayin ito ay hinayaan niya na lang. Tutal, nagpapanggap lang naman sila. Bakit hindi niya sagutin ang hinaing nito.

“James, huling-huli ka na eh. Bakit kasi ngayon ka lang nagparamdam kung saan handa na akong kalimutan ka?” sagot niya dito.

Hindi maipinta ang mukha ni James nang sabihin iyon ni Fretzie. Akala siguro ni Fretzie nagdadrama siya.

Walang siyang kaalam-alam na tumutulo na ang mga luha niya. Pinahiran ni Fretzie ang mga luhang iyon.

“I really love you, James but i have to say goodbye.” Matatag na wika nito at tinalikuran niya ito at nag simulang maglakad habang hawak-hawak pa rin niya iyong teddy bear na bigay nito.

Nagulat si Fretzie nang hinila siya papalapit nito at naglapat na lang ang kanilang mga labi. Sinubukan ni Fretzie na makawala dito. Nararamdaman niyang nanlalambot ang kanyang tuhod.

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
8.6M 320K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
Connection بواسطة Ara

قصص الهواة

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...