Invisible (On editing process)

By aira_irish

27.1K 221 62

Matalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May ma... More

Invisible (Prologue) Edited
Chapter 1 (edited)
Chapter 2 (edited)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Irish 1 on 1 (Meet Some of the Invisible Cast)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 (End) ;)

Chapter 47

348 3 2
By aira_irish

Chapter 47

Excited silang lahat sa kanilang outing maaga silang umalis para makapamasyal sila pagdating nila doon. Sa resort na pag-aari ng Tita ni Ivan sila pumunta. Namangha sila sa kagandahan ng lugar. Hindi ito ang typikal na resort na nakikita nila sa telebisyon. Habang naglilibot sila sa lugar ay namangha si Fretzie sa waterfalls na nadaanan nila.

“Tricia, ang ganda naman ng falls. Parang gusto ko ng maligo at magtampisaw sa tubig.” Masayang sabi niya sa kaibigan.

“Ako rin.” Nag sang-ayun si Tricia sa sinabi ni Fretzie.

“Nagugutom na ba kayo? Nagluto si Tita ng kanyang specialty. Nagtext siya sa akin ngayon lang.” tanong sa kanila ni Ivan.

“Sigurado akong magugustuhan niyo ang luto niya dahil masarap siyang magluto.” Dagdag na wika ni Ivan.

“Hindi pa naman kami nagugutom.” Wika ni Ann. Nawili si Tricia sa kakakuha ng larawan sa lugar.

“James, sana isinama mo si Rj mas marami mas masaya.” Pahayag ni Fretzie kay James.

“Sinabihan ko siya na sumama sa atin. Kaya lang ayaw niya. Tinatamad daw siyang magbiyahe.” Paliwanag naman ni James kay Fretzie.

“Ganon ba. Sayang naman sana nandito din siya.” Naghihinayang na sabi ni Fretzie.

“Ann, may alam ka ba sa nangyari sa kay Kuya Rj? Mga nagdaang araw kasi parang wala siya sa kanyang sarili. Tahimik lang siya sa tabi masyadong madaldal ang taong iyon kaya nabigla ako sa kinikilos niya.” kwento ni James kay Ann.

“Malay ko ba sa kakambal mo. alam mo naman iyon may kalog ang turnilyo. Baka nasobrahan ka hyper kaya ayun na drain lahat ng lakas sa kanyang katawan.” Naiinis na sagot ni Ann kay James.

Nabigla si James sa inasal ni Ann ngunit sa halip na usisain ito napatawa na lang siya.

“Kung ano man ang nangyari sa inyong dalawa ng Kuya ko sa inyo na lang iyon. Hindi na ako magtatanong. Basta ayusin niyo na lang.” Nakangising wika ni James habang tinapik tapik nito ang balikat ni Ann.

“Ano ba ang pinagsasabi mo ha?” naiiritang sagot nito habang tinapunan niya ito ng matatalim na tingin.

“Ann, relax. Don’t get mad at me. I’m just kidding.” Natatawang sambit ni James. Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Ann sa sobrang inis.

“Che! Huwag mo akong idaan sa Australian accent mo!” nangigigil na sambit ni Ann kay James.

Pinakawalan ni James ang kanyang malulutong niyang tawa na siyang kinaasar ni Ann.

Bago siya tamaan ng pagka bad trip ni Ann sa kanyang kapatid ay tumakbo na siya. Hindi niya inaasahan na hahabulin siya ni Ann.

“Hoy! Bumalik ka dito.” Sigaw ni Ann kay James sa halip huminto ay patuloy pa rin siya sa kaka takbo at binelatan pa ito.

“Ayoko! baka pagnahuli mo ako hindi na ako mabalik sa amin.” Dagdag na kantiyaw dito.

Napatingin na lang si Fretzie sa kanilang dalawa. Para silang mga batang naghaharutan. Hindi niya mapigilan ang makaramdam ng selos habang nakatingin siya kina Ann at James.

“Uy, Fretzie, anong nangyayari sayo?” pukaw ni wika ni Tricia habang napapansin niya ang kanyang kaibigan napatingin sa dalawa nilang kasama.

“Ah. Wala.” Tipid nitong sagot habang nakatingin na ito kay Tricia.

“Fretz, may napapansin na ko sayo ha? Ano ba talaga si James kaibigan lang ba talaga ang tingin mo sa kanya? O higit na sa magkaibigan?”

“Ano ba ang pinagsasabi mo, Tricia?” pa inosenting wika ni Fretzie.

“Alam mo ang gusto kong malaman, friend. Huwag mo ng ilayo ang usapan, umamin ka nga may gusto ka ba kay James?” diretsahang tanong ni Trish.

“Wala. Si James ay kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Bakit mo kasi natanong ang bagay na yan?” paliwanag niya kay Trish. Ang totoo nahihiya siyang magsabi ng totoo sa kaibigan ng tunay niyang nararamdaman kay James. Hindi sa wala siyang tiwala dito kaya lang mas mabuti na lang itago niya na lang.

“Sige paniniwalaan ko ang sinabi mo pero iba talaga ang pakiramdam ko eh.”

“Hay naku Trish, gutom lang iyan.”

Sa kabilang daku naman ay nagmamasid lang si Rj sa bintana ng kanyang silid. Kung gaano siya katagal sa ganong posisyon ay hindi niya alam. Hindi mawala sa kanyang isipan ang nangyari noong nakaraang araw. Gusto niyang kausapin si Ann pagkatapos noong nangyari ngunit hindi ni Ann sinasagot ang tawag niya. Hindi siya makapaniwala may tinatago pa lang pagtingin si Ann sa kanya. Masyado na ba siyang manhid para hindi niya mapansin si Ann? Obvious naman ang sagot sa tanong niya. Naantala ang kanyang malalim na pag-iisip ng bumukas ang kanyang pinto sa silid.

“Rj, anong ginagawa mo dito? Akala ko sumama ka kay James sa outing.” nagtatakang tanong ng kanyang Mama. Nilapitan siya nito at umupo sa tabi niya.

“Mama, tinatamad kasi akong sumama.” Dahilan ni Rj sa kanyang ina.

“Bakit may dinadamdam ka ba?” Nag-aalalang tanong ng kanyang ina.

“Wala po. Ma, may sasabihin sana ako sayo. Huwag ka sanang mabibigla.” Pagtatapat nito sa kanyang ina.

“Ano ba yun, anak?”

“Ma, wala po akong malubhang sakit. Hindi po ako mamatay.” Imbes na sumbatan siya ng kanyang ina sa hindi pagsabi ng totoo ay niyakap siya nito ng mahigpit at ngumiti.

“Anak, masaya ako dahil hindi mawawala sa akin ang anak ko. Bakit parang hindi ka masaya? May problema ba?” kumalas ang kanyang ina sa pagyakap dito.

“Ma, si Ann kasi masama ang loob niya sa akin.”

“Ano ba kasi ginawa mo para sumama ang loob niya sayo?”

“Kasalanan ko na po eh. Kaya masama an loob niya sa akin. Sinubukan ko siyang kausapin sa pone hindi naman niya sinasagot.” Paliwanag ni Rj sa kanyang ina.

“Hay ang anak ko. Binata na talaga.”

“Ma, naman eh.” Untag ni Rj.

“Bakit hindi ba totoo? Huwag kang mag-aalala kung ano man ang naging problema niyo ni Ann. Maayos din yan at isa pa botong-boto ako kay Ann para sayo.”

“Si Mama talaga. Kaibigan ko lang po si Ann at impossible na maging kami.”

“Kaibigan lang ba talaga?” nandududang tanong ng kanyang ina sa kanya.

“Kaibigan lang ba talaga?” ulit na tanong ng kanyang isip. Aba nakisabay din ang isip niya sa hirit ng kanyang ina.

“Oh siya. Kaibigan na kung kaibigan. Alis muna ako. Ayos ka lang ba dito?” tanong ng kanyang ina. Tumango lang siya at umalis na sa silid.

Tahimik lang si James nakaupo sa papag habang iba niyang kasama ay  masayang naliligo sa may talon. Si Ivan naman ay naghanda ng kanilang kakainin sa meryenda. Sina Tricia, Ann at Fretzie ang masayang naliligo. Umahon na sina Ann at Tricia at umupo sa papag kasama niya.

“Trish, saan si Fretzie? Di ba kasama niyo siya?” tanong nito kay Trish.

“Nagpaiwan sa talon. Gusto pa niya kasing maligo.” Paliwanag ni Trish.

Nang mga oras na iyon ay nakaramdam si James ng kaba at hindi siya mapalagay kaya naisipan niyang puntahan si Fretzie sa talon. Sakto na pagpunta niya ay nakita niya si Fretzie nalulunod agad na tumalon siya sa tubig para iligtas sa pagkakalunod. Grabe ang takot niya ng makita niya si Fretzie sa ganong sitwasyon.

Inilagay niya si Fretzie sa malapad na bato at mukhang nawalan siya ng malay.

“Fretzie, naririnig mo ba ako?” niyugyog ni James ang balikat nito ngunit hindi ito sumagot kaya binigyan niya ito ng CPR. Buti na lang nailabas ni Fretzie ang tubig na inum niya.

Hindi napigilan ni James nayakapin si Fretzie sobrang natakot siyang may mangyaring masama dito. Binuhat niya si Fretzie at wala pa rin itong malay hindi mapigilan ni James natignan ang kanyang maamong mukha.

Pagdating niya sa kanilang cottage ay nabigla sina Ann at Tricia kung bakit buhat-buhat niya si Fretzie.

“Anong nangyari kay Fretzie?” nag-aalalang tanong ni Trish kay James. Dahan-dahan inilagay ni James si Fretzie sa kama.

“Muntikan na siyang malunod kung hindi pa ako dumating.” Paliwanag ni James.

“Pasaway talaga ang kaibigan kong ito. Sinabihan ko nga siya na sumama kanina sa amin ni Ann baka kung mapanu siya ayaw makinig eh. Buti na lang nandoon ka. Salamat pala James sa pagligtas mo sa kanya.”

“Walang anuman yun, Trish. Mahalaga din naman sa akin si Fretzie eh.”  Nakangiti  si Trish ng sinabi niya ang katagang iyon.

“Trish, huwag mo namang bigyan ng malisya iyong sinabi ko at isa pa magkaibigan kami ni Fretzie.” Naasar na wika nito.

“Hay naku, nahihiwagaan na ako sa inyo ng kaibigan ko. Mga indenial at pakipot. Ang sarap niyong untugin.” Naiinis na sambit ni Trish habang kumuha siya ng damit ni Fretzie sa bag nito.

“James, bakit ka namumutla? Ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Ann sa kanya.

“Ah wala to. Sige alis muna ako. Kayo ng bahala kay Fretzie.” Paalam ni James sa kanila at lumabas na siya ng kwarto at pumunta sa kwarto nila ni Ivan.

Mahimbing natutulog si Fretzie nang ginising siya ni Ann para maghapunan. Bumangon siya sa kama at nag-ayos ng kanyang sarili. Nagtaka siya kung papaano siya nakapunta sa kanilang kwarto. Huling naaalala ay naliligo siya sa may talon at tatakas na sana siya ng mapulikat siya buti na lang may tumulong sa kanya. Kaya lang sino ang nagligtas sa kanya?

“Fretzie, ano pa ginagawa mo pa dito? Kakain na tayo ng hapunan.” Wika ni Trish sa kanya.

“Trish, mauna ka na lang. susunod na lang ako.” Sagot nito sa kaibigan.

Kasalukuyang nanginignig sa lamig si James at sumasakit pa ang kanyang ulo. Magpapalit pa sana siya ng damit ngunit hindi niya magawa kaya napahiga siya sa kama. Hindi niya namalayan na nakatulog siya.

Makalipas ng ilang minuto ay may pumasok sa kwarto, sa sobrang sama ng pakiramdam niya ay hindi na niya mabuksan ang kanyang mga mata. Naririnig niya mahinang yapak ng mga paa papunta sa kanyang kama.

“James, anong ginagawa mo dito? Bakit hindi ka pa sumunod kina Trish sa hapunan.” Nag-aalalang wika nito ngunit hindi siya sinasagot ni James. Nilapitan siya nito at umupo sa tabi niya. Nang haplusin nito ang kanyang noo ay napasinghap siya.

“James, ang taas ng lagnat mo at ang t-shirt mo basa. Bakit hindi ka man lang nagpalit?” sa sobrang taranta niya ay agad siyang kumuha ng tubig at towel pampunas dito. Tahimik lang niyang pinupunasan ito at pinalitan ng bagong t-shirt.

“James, sandali lang ha. Ikukuha lang kita ng pagkain.” Tatayo na sana siya upang kumuha ng pagkain ng hawakan nito ang kamay niya.

“Ann, pakiusap huwag ka munang umalis dito ka lang.” mahinang sambit nito. Ang buong akala niya magkakaroon siya ng konting pag-asa sa puso ni James. Nagkakamali siya kahit kailan hindi niya kayang palitan si Ann sa puso nito. Parang sampal sa kanyang mukha ang narinig mula sa labi nito.

Hindi niya namalayan na tumutulo naman ang kanyang luha pilit niya mang pigilan ay patuloy pa rin sa pagdaloy.

“Alam mo hindi mo naman kasalanan kung bakit mahal na mahal mo si Ann eh. Kahit hindi mo sinasadya pakiramdam ko parang pinamumukha sa akin ni hindi ko kayang higitan ang pagmamahal mo sa kanya kahit masakit tatanggapin ko iyon. Wala ka namang alam ang kaibigan mong ito mahal na mahal ka.” Wika nito sa kanyang isipan.

“Ann, salamat at hindi mo ako iniwan.” Paos na wika nito habang hawak-hawak pa rin nito ang kamay niya.

Imbes na sumagot siya ay hinaplos niya ang kanyang mukha. Nang mga panahon na iyon naisip niya siguro ito na ang tamang oras para kalimutan ang nararamdaman niya para dito.

Para sa ikakabuti din niya ito. Tama na ang umasa sa walang patutunguhang pag-ibig wala din kasing magandang naidulot sa kanya kundi sama ng loob. Nang mapansin ni Fretzie na nakatulog si James ay ikinalas niya ang kamay niya sa pagkakahawak nito. Bago siya umalis ay hinalikan niya ito sa noo at umalis ng tuluyan sa silid.

Nasa hapagkainan na sina Trish, Ann at Ivan nang mapansin ni Ivan na wala pa sina Fretzie at James.

“Trish, akala ko ba sinabihan mo si Fretzie na pumunta dito. Bakit wala pa siya dito?”

“Susunod naman si Fretzie dito eh yun ang sabi niya.” sagot ni Trish.

“Ang mabuti pa puntahan ko na lang ulit si Fretzie tapos daanan ko na lang si James para isa na lang.” Suhestiyon ni Ann.

“Salamat Ann. Nagugutom na kasi ako eh.” Seryosong wika ni Ivan. Tumayo agad si Ann sa kanyang kinauupuan at umalis patungo sa cottage nila.

Habang papunta na si Ann sa cottage na pansin niya na bukas ang pinto sa kwarto nina Ivan at James. Nang malapit na siya pintuan ay sinilip niya kung sino ang naroroon tanging ang lampshade na sa may tabi ng kama tanging ilaw sa loob ng silid. Nabigla siya ng makita niya si Fretzie sa loob ng silid pinupunasan niya si James at imbes na pumasok sa loob ay lihim lang siyang nagmamasid. Nang matapos niya itong punasan at pagbihisan ay aalis na sana ito nang biglang hawakan ni James ang kamay ni Fretzie.

“Ann, pakiusap huwag ka munang umalis dito ka lang.” mahinang sambit ni James.

Kahit medyo madilim ang silid ay kitang-kita ni Ann ang pagtulo ng mga luha ni Fretzie sa kanyang mga mata. Hindi niya inaasahan ang nakita niya. Medyo naguluhan si Ann sa kanyang nakikita saka niya naaalala ang noong nangyari sa school ball.

Flashback:

“Excuse me, nakita mo ba si Fretzie? Kanina pa namin siya hinahanap.” Seryosong wika ni Ann sa kausap nito.

“Si Fretzie ba hinahanap mo?” singit na wika ng bagong dating na estudyante.

“Saan mo siya nakita?” tanong ni Ann.

“Sa may bench na malapit sa auditorium kaya lang umalis siya kasama si Ivan. Alam mo ba bago siya sumama kay Ivan. Umiiyak  siyang mag-isa. Kitang-kita amg lungkot sa kanyang mukha.” Sagot ng kausap ni Ann.

“Ganon ba. Salamat.” Agad na lumapit si Ann kina Trish at James.

END OF FLASHBACK

Nagtataka din siya noong sa intermission number ni Fretzie parang may gusto siyang ipahiwatig sa kantang pinili niya. Hindi niya alam kung napansin din nila o siya lang talaga nakakapansin. May gusto kaya si Fretzie kay James? Possible talagang magkagusto si Fretzie kay James dahil lahat ng qualities na gusto ng babae sa isang lalaki ay nandiyan na pero iba ang sitwasyon nila parang serendipity ang nangyari kay Fretzie matagal siyang naghintay sa taong espesyal sa buhay niya. Hindi niya alam matagal na niyang nakita ito at nakasama pa niya. Naramdaman din kaya nila ang koneksyon sa isa’t-isa?

Kung alam kaya ni Fretzie ang buong katotohanan mababago ba ang lahat? Maibabalik ba ang nawalang pagkakataon sa kanya? Matatanggap niya kaya ang totoo? Gusto niyang tulungan si Fretzie kaya lang hindi niya alam kung papaano. Tanging si Rj lang makakaayos ng problema nila. Si Rj din ang rason kung bakit sila naghiwalay dapat si Rj din ang dapat gumawa ng paraan para sila ay magkatagpo.

Bumalik na lang si Ann kina Trish at Ivan magbibigay na lang siya dahilan kung bakit hindi niya kasama ang dalawa.

“Ann, nasaan si Fretzie at James? Nauna na kaming kumain ni Trish ang tagal mo kasing bumalik.” Sabi ni Ivan sa kanya.

“Ah… Hindi ko kasi sila nakita. Kaya natagalan ako dahil hinahanap ko sila.”

“Ganon ba. Teka, Ann nandito pala ngayon si Rj. Gusto ka niyang makausap doon lang kayo mag-usap sa may hanging bridge banda. Hinihintay ka niya doon.” Sabad ni Trish.

“Sige, puntahan ko muna si Rj. Balik din ako ka agad.”

Naghintay si Rj malapit sa may hanging bridge. Dito kasi sila madalas tumambay ni Ann kapag pumupunta sila dito. Nakita niya si Ann papalapit sa kanya.

“Rj, anong ginagawa mo dito?” walang kagana-ganang wika ni Ann.

“Ann, kaya ako narito. Gusto kong humingi ng tawad sayo. Dapat hindi ako naglihim sayo.”

“Rj, naririnig mo ba ang sarili mo?  Sa tingin mo, mababago ng sorry mo ang lahat?” Hindi ni mapigilan ang inis na nadarama niya ngayon kay Rj.

“Alam ko naman iyon eh. Ano ba ang dapat kong gawin para mawala ang galit mo sa akin?”

“Wala ka namang dapat gawin sa akin eh. Kay James at kay Fretzie meron.”

“Anong ibig mong sabihin?” naguguluhan tanong ni Rj kay Ann.

“Magtapat ka nga sa akin Rj. Alam mo ba na may gusto si Fretzie kay James?” diretsahang tanong sa kanya ni Ann. Hindi siya agad nakasagot rito.

“Oo alam ko.” Nakayukong sagot nito.

“Alam mo ba ang ginagawa mo Rj? Ginagawa mong komplikado ang lahat. Sabihin mo sa kay Fretzie ang totoong nangyari sa totoong kababata niya.”

“Ann, hindi ko pwedeng gawin iyon.”

“Bakit hindi? Naiiritang sambit ni Ann.

“Ann, hindi mo ako maintindihan. Pag ginawa ko iyon maaalala ni James ang lahat ng nangyari sa kanya. Ayokong maalala niya ang nakaraan.”

“So, hahayaan mo na lang si Fretzie na masaktan sa pinaggagawa mo? Rj, hindi mo matatago habang buhay ang katotohanan. Papaano pagmalaman ni James ang totoo? Sa tingin mo ba hindi siya magagalit sayo?”

“Alam kung mali pero balang araw maiintindihan din nila kung bakit ko ginawa iyon. Hindi pa ang tamang panahon para malaman nila ang totoo.”

“Rj, aminin mo man sa hindi napaka selfish mo. sarili mo lang ang iniisip mo kung talagang mahalaga si Fretzie at James sayo. Sana isipin mo rin ang mararamdaman nila. Kailan ang tamang panahon? Kung sa iba pa nila malalaman ang lahat. Natatakot ka ba na pag nalaman nila ang totoo ay magalit sila sayo. Natural na magalit si James at Fretzie sayo alang namang magtatalon iyon sa tuwa.”

Hindi siya makapagsalita sa sinabi ni Ann. Totoo naman kasi ang sinasabi niya. Hindi siya makatingin ng diretso kay Ann. Kung minsan ay nakokonsensiya na siya kaya lang kailangan niya panindigan ang ginawa niya kahit mali.

“Pakiusap, Ann. Stay out of this. Wala ka namang kinalaman dito at labas ka na.  Sabihin mo na ang gusto mong sabihin.” Matatag na sambit ni Rj kay Ann.

“Oo nga pala matagal mo na palang pinanindigan itong malaking pagkukunwaring ito. Simula noong inako mo ang pagkatao ni James. Dapat ka ngang parangalan  Best Actor in the most promising role.” Sarkastikong pahayag at sabay palakpak ni Ann.

“Ann, alam mo naman ang dahilan kung bakit ko ginagawa ito, di ba? Para naman kay James itong ginagawa ko. Akala mo hindi ako nahihirapan? Nahihirapan din ako, Ann. Mas mabuti pa nga noong mga panahong akala ko mamatay ako. I can make the most of my time into something worthwhile. Noong nalaman ko na hindi ako mamatay at mabubuhay pa ako ng matagal natakot ako dahil hindi ko alam anong gagawin ko.” Hindi napigilan ni Rj ang maging emosyonal.

“Iyon na nga ang problema, Rj. Pakiusap sana huwag na lang palagi ang sarili mo ang isipin mo. Alam kung magagawa mo iyan ng paraan. Sana sa bawat desisyon na gagawin mo isipin mo sana si James at si Fretzie sila kasi naapektuhan.” Mahinahong wika ni Ann at tuluyan na siyang umalis.

Author's Note: 

Sana patuloy niyo pa ring supportahan ang istoryang ito by commenting and voting..

thanks in advance readers...=)

Continue Reading

You'll Also Like

9.3K 560 18
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
5.7K 62 18
When the Sexy surgeon Wandee Ronnakiat becomes involved with boxer Yeo Yak and their relationship develops from friends with benefits to something mo...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...