The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 25

56.3K 2K 160
By risingservant

Nang makalabas kami sa school ni Divine, kaagad naman kaming nagtatakbo patungo sa terminal ng jeep.


"Divine sandali, hinihingal na ako." Sambit ko habang nakahawak sa aking dibdib. Para bang lalawit na ang dila ko.


"Konting tiis lang Morx, kinakabahan ako sa maaaring mangyari." Giit ni Divine. Ang lamig ng kaniyang mga kamay, tense na tense siya.


"For father's sake, walang pagod-pagod. Kaya natin ito!" Masigla kong sambit at sumakay na nga kami ng jeep.


Pagkarating namin sa labas ng simbahan, nakasarado ang pinto. Marami ring taong nagtataka kung bakit ito nakasara.


"Excuse me po, ang pong nangyayari rito? Bakit po sarado ang simbahan?" Tanong ni Divine sa usiserong mamang nakatambay dito.


"Naku hija, hindi rin namin alam. Ang sabi eh kusa raw nagsara ang pinto ng simbahan sa hindi nila alam na kadahilanan." Turan nito.


"Ah sige po, maraming salamat!" Aniya.


Naglakad kami palayo muna roon dahil iba na ang amoy na nalalanghap namin.


"Dibs, ano na gagawin natin? Mukhang may nangyayari nang hindi maganda kay Padre Santiago." Aligaga kong tanong.


"Subukan kaya natin sa likod ng simbahan?" Mungkahi niya.


"Tara, malay natin ay nakabukas doon." Tugon ko.


Nagtatakbo kaming tinahak ang daan patungo roon. Pagkarating namin, nakasara ang pinto.


"Awts, sarado." Sambit ko.


"Bukas iyan. Itulak niyo lang ang pinto." Bulong ng isang malamig na tinig sa aking tainga.


"Dibs, bukas daw ang pinto. Tara itulak natin." Ani ko.


"Sige."


Nang itulak namin ang pinto, walang palya, bumukas nga ito.


"Salamat Ethel." Bulong ko sa hangin at pumasok na kami sa loob.


"Padre Santiago!" Sigaw namin ni Divine nang makita namin itong natataranta at hindi malaman ang gagawin habang nakatayo malapit sa may hagdan ng ikalawang palapag.


Nakita kong ngumiti sa direksyon namin si Helga bago mauyot si Father para mapadausdos sa hagdan.


"Father!" Sigaw namin at nilapitan ang katawan nito na nakalupasay sa sahig. Duguan ang kaniyang mukha kaya hindi ko alam ang gagawin.


Nakita ko si Ethel na pinapalakas ang loob ko. Naniniwala siyang buhay pa si Padre Santiago. Si Helga namin, humahalakhak pa sa pagtawa. Akala niya, panalo na siya.


"Morx, humingi ka ng saklolo dali!" Sigaw ni Divine habang nakaagapay sa katawan ng tito niya.


"Sige."


Dali-dali kong tinungo ang pinto. Bago pa ako makalapit dito, bigla itong bumukas kaya malaki ang aking pasasalamat.


Dagsa ang mga usisero't usiserang pumasok sa loob ng simbahan nang magbukas ito. Kaagad din namang may rumispondeng mamamayan para madala kaagad si Father sa ospital.


Tinawagan na ni Divine ang daddy niya para maipaalam nito sa pamilya ni Father na nasa ospital ito.


Nakaupo lang ako ngayon dito sa labas ng room ni Father at heto sa tabi ko si Divine habang may kausap sa phone. Nagmamasid lang ako sa paligid pero may nararamdaman akong kakaiba. Mabigat sa pakiramdam.


"Morx, na-inform ko na rin sina Thirdy at Jerwel na hindi tayo makakapasok. Sabi ko pahiramin na lang nila tayo ng notes dahil nandito tayo sa ospital." Pahayag niya habang nag-aayos ng gamit.


Nagliwanag bigla ang aklat sa loob ng aking bag kaya inilabas ko ito kaagad. Nagulat kaming dalawa sa mensaheng ipinarating nito.


"Mabuhay! Ika'y nagtagumay, nakapagligtas ka ng isang buhay!"


Muli itong lumipat sa susunod na pahina.


Alphabeto: Ha

Mensahe: Ang hagdan kaya ang magdadala sayo patungong langit? O sa impiyerno ika'y lalangitngit?

Kamatayang dapat ipataw: Hagdan


Napangiti kaming bigla ni Divine dahil nagtagumpay kami. Nailigtas namin ang buhay ni Father!


Sa gitna ng pagdiriwang namin ni Divine ay biglang lumabas si Doktora sa silid ni Father kaya naman dali-dali kong isinilid sa loob ng aking bag ang libro.


Napatayo kaming bigla para alamin ang kondisyon ni Father.


"Doktora, kumusta na po ang tito ko?" Bungad ni Divine.


"Kamag-anak ka pala ng pasyente? Okay. Ayos naman na ang lagay niya, mabuti na lang at kaagad siyang naisugod dito." Anito.


"Hay, salamat." Napabuntong-hininga na lang kaming bigla.


"As of now, he's in a state of comma. Hindi natin alam kung kailan siya gigising." Pahayag nito.


"Sige po, salamat sa inyo. I know na malakas si Tito kaya makakabawi rin siya kaagad ng lakas." Dugtong ni Divine.


"I hope too." Turan ni Doktora at naglakad na siya palayo.


"Yes! We did it! Let's celebrate?" Segunda ni Dibina pagkaalis ni Doktora.


"Naman! Isama natin yung dalawang bugok. Haha!" Turan ko.


"Tara, pasok muna tayo sa loob. Doon tayo magkwentuhan." Pahayag ni Dibs.


"Okay."


Pagkapasok namin doon, nagulat kami dahil mayroong patak ng dugo ang sahig. Fresh blood.


"Morx, anong ibig sabihin nito?" Giit ni Dibs habang nangangatal dulot ng takot.


"Hindi ko rin alam Dibs. Baka dugo ni Father?" Nakakunot kong tugon.


Nakahawak kami sa braso ng isa't isa habang nakasandig sa may pader.


Naglalakad kami paurong para makalabas ngunit may naapakan akong matulis na bagay kaya napasigaw ako bigla.


"Ahhh!"


Continue Reading

You'll Also Like

383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
1.7M 100K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
9.3M 392K 86
"Hindi kami nawawala, Cielo! Nagtatago kami dahil kami nalang ang natitirang buhay! Patay na silang lahat sa taas! Yung mga nandun, hindi na sila ta...