Invisible (On editing process)

aira_irish tarafından

27.1K 221 62

Matalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May ma... Daha Fazla

Invisible (Prologue) Edited
Chapter 1 (edited)
Chapter 2 (edited)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Irish 1 on 1 (Meet Some of the Invisible Cast)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 (End) ;)

Chapter 46

350 2 2
aira_irish tarafından

A/N : Please leave a comment and vote...Thanks in advance readers... =)

Chapter 46

“Rj, saan ka ngayon?” tanong ni Ann habang kausap niya ito sa cellphone. Kasalukuyang nasa studio si Ann habang ginagawa ang kanyang photoshoot.

“Pauwi na ako sa bahay Ann. Bakit?” sagot nito.

“Aayain kita sana mag dinner.” Nahihiyang wika nito.

“Ah ganon ba. Sige pupuntahan na lang kita diyan ngayon. Saan ba ang photoshoot mo ngayon? Susunduin na lang kita.” Nakangiting wika ni Rj.

“Talaga?” Hindi makapaniwalang sagot ni Ann. Hindi niya inaasahan na susunduin siya ni Rj kahit papaano ay masaya siya.

“Sa may Yuwei Boutique ang photoshoot ko ngayon. Medyo malapit lang siya sa bahay niyo.”

“Oo naman. Matagal na kasi hindi tayo magkasamang kumain. At isa pa, wala naman akong gagawin ngayon. Sige pupuntahan na kita diyan ngayon”

“Ah. Rj, hihintayin kita dito. Salamat.”

“Sige. Good luck sa photoshoot mo.” masiglang sagot nito.

“Salamat.” Tipid nitong sagot.

Pagkalipas ng ilang minute ay dumating si Rj sa Yuwei Boutique. Papasok pa lang siya ng boutique ay sinalubong siya ni Ann. Ngumiti  sa kanya si Ann at hinalikan siya sa pisngi nito.

“Masaya ako at pumunta ka dito.” Masayang wika sa kanya ni Ann.

“Naku huwag ka nang magpasalamat ayos lang yun.” Tugon ni Rj kay Ann.

“Rj, hintayin mo na lang ako dito. Malapit rin naman matapos ang shoot ko.”

“Sige. Dito lang ako maghihintay.”

Kasaluyang nagbabasa si Fretzie ng libro sa kanyang libro ng tumunog ang kanyang cellphone agad din niya itong sinagot.

“Hello?” sagot ni Fretzie.

“Fretzie…” sabi ng kabilang linya.

“James, ikaw ba yan? Bakit ka napatawag? May problema ba?” nag-aalalang tanong ni Fretzie.

“Pwede ka bang lumabas ng bahay mo? Nandito ako labas.”

“Anong ginagawa mo diyan? Sandali lalabas na ko diyan.” Agad na lumabas si Fretzie ng kanyang silid at hinablot ang kanyang jacket.

Pagkalabas ng gate ni Fretzie ay nakita niya si James nakatayo sa labas nakatingin sa kanya. Matamlay ang anyo nito. Nagulat na lang siya ng lumapit na lang ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

“James, may problema ba?” tanong nito ngunit hindi ito sumagot.

“Ayos lang ako. Gusto ko lang may yumakap sa akin pakiramdam ko kasi nag-iisa na lang ako.” Mahinang wika nito. Mga oras na yun ay gulong-gulo ang isipan ni James sa mga pangyayari. Nadagdagan ang kanyang lungkot ng wala siyang madatnan sa kanilang bahay kaya na isipan ni James na puntahan si Fretzie.

“James, ano ba ang pinagsasabi mo? Hindi totoo yan maraming nagmamahal sayo. Ang mga magulang mo, ang kakambal mo, mga kaibigan mo, mga fans mo at ako.” Natigilan si Fretzie sa huling kataga na binitiwan niya. Napatingin si James sa kanyang mata at namula siya ng wala sa oras.

“Ang ibig kong sabihin nandito rin ako bilang kaibigan mo.” Nakangiting wika ni Fretzie at pambawi sa naunang na sabi niya.

“Salamat Charming Zie.” Nakangiting sambit nito habang kumawala ito sa pagkakayakap niya kay Fretzie.

“James, pasok ka muna sa bahay. Ipaghahanda kita ng dessert.” Alok sa kanya ni Fretzie.

“Sige. Hindi talaga ako tatanggi kapag gawa mong dessert ang pag-uusapan. Masarap ka kasing mag-bake.”

“Hmfp! Puro ka talaga bola, James Reid.” Nakangising wika ni Fretzie.

“Totoo naman ang sinasabi ko eh..” sagot ni James habang nagpapa cute kay Fretzie.

“Oh siya. Pasok na tayo sa loob.”

Nasa isang Italian restaurant sina Rj at Ann pumunta pagkatapos ng photoshoot nito. Ang saya-saya ni Ann ngayong gabi dahil kasama niya ang nag-iisang taong minahal niya at yun ay si Rj. Matagal na siyang may lihim na pagtingin dito simula pagkabata ay lagi lang na siyang nakabuntot sa kay Rj ngunit hindi alam yun ni Rj. Hindi rin niya alam na lihim din niya itong pinagmamasdan sa malayo sa tuwing kasama niya si Fretzie. Minsan nga hiniling niya na sana siya na lang ang mahal ni Rj at hindi si Fretzie na kahit minsan ay maisip din ni Rj na nariyan siya lagi para sa kanya at hinding hindi siya iiwan nito.

“Ann, ayos ka lang ba?”

“Ok lang ako, Rj. Bakit?”

“Kasi ang ganda ng ngiti mo eh. Parang aabot na sa noo.” Tuksong wika ni Rj kay Ann.

“Hindi no. Masaya lang ako dahil nilibre mo ako ng dinner.haha” depensa ni Ann sa sarili habang sinusubo niya ang spaghetti na kinakain niya.

“Saan pala ang kapatid mo?” tanong ni Ann sa kay Rj.

“Hindi ko sigurado baka nandoon na yun siguro sa bahay o sa condo niya. Alam mo naman yun hindi pumipirmi sa isang lugar.”

“May punto ka nga. Siya nga pala, Rj. Saan pala sina tito at tita ngayon?”

“Nasa business trip sila ngayon.”

“Ganon ba. Siya nga pala, Rj. Bakit hindi tayo mamasyal pa minsan minsan? Matagal nating hindi nagagawa iyon.” Yaya nito kay Rj. Hindi niya mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan niya ito.

“Sige ba. Kailan mo ba gusto?” masayang pahayag nito.

“Okay lang ba sayo? Hindi makakasama sa kalusugan mo. Alam ko namang may sakit ka.” Nag-aalalang wika ni Ann sa kanya. Ngumiti siya sa kay Ann at hinawakan nito ang kamay nito.

“Ann, may sasabihin sana ako sayo pero huwag kang mabibigla.”

“Bakit ano ba yun, Rj?” interesadong tanong nito.

“Sana magtapat na si Rj sa akin. Kung iyon ang mangayayari hindi ko alam kung ano ang gagawin.” Kinilig si Ann kapag iniisip niya na magtatapat ito. Matagal niya na itong hinihintay na mangyari.

“Ann, ang totoo niyan. Wala akong malubhang sakit. Nagkamali ang doktor sa pagbigay sa akin ng results. Kaya ako nagkakasakit noong mga nakaraang araw dahil sa pagod at stress.” Pag-amin ni Rj sa kanya.

Hindi alam ni Ann kung matutuwa siya sa nalaman niya o maiinis kay Rj. Hindi niya alam kasi kung gaano siya nag-aalala sa kanya dahil sa kalagayan nito. Pagkatapos malalaman niyang inilihim nito sa kanya ang tungkol dito. Hindi niya namamalayan na lumuha na siya.

“Ann, bakit ka umiiyak?” sambit ni Rj habang pinahiran nito ang luha ni Ann.

“Alam mo nakakainis ka talaga, Rj.  Papaano mong nagawang ilihim to?” sumbat nito sa kanya.

“Ann, pasensiya ka na oh. Sasabihin ko naman talaga eh. Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon.” Paliwanag nito kay Ann.

“Lagi ka namang ganyan eh. Unang-una tungkol sa pagpapalit niyo ni James, tapos ang pag-alis mo patungong Australia ng hindi nagsasabi sa akin. Hindi mo alam kung gaano akong nasasaktan sa ginagawa mo. Pilit ko mang magtanim sa iyo ng sama ng loob sayo hindi ko magagawa dahil mahal na kita,Rj.” Sa sobrang sama ng loob niya ay nasabi niya ng wala sa oras lihim niyang nadarama kay Rj.

Nagulat si Rj sa kanyang narinig mula kay Ann. Mahal na mahal siya ng kanyang kababata na si Ann. Hindi niya inaasahan na may lihim itong pagtingin sa kanya.

“Alis na ako.” Paalam nito kay Rj. Nahihiya siya sa kanyang sarili. Bakit ba niya sinabi yun kay Rj? Nagmukha na naman siyang tanga sa harapan nito.

“Ann, sandal!” sigaw ni Rj. Habang patuloy pa rin siya sa paglakad palabas ng restaurant. Gusto mang habulin ni Rj si Ann ngunit hindi na niya ito ginawa. Napabuntong hininga na lang siya habang tinatanaw niya si Ann sa labas.

“James, Bakit hindi tayo mag-bakasyon na magkakaibigan? Sina Tricia, Ivan at Ann. Ano sa tingin mo?” magiliw na sabi ni Fretzie. Habang hinihiwa niya ang mocha cake na ginawa niya at ibinigay kay James.

“Maganda iyang naisip mo. Matagal na rin kasi ako hindi nag-oouting nakasama mga kaibigan ko. Tamang-tama walang tayong klase sa biyernes, hindi ba?”

“Oo. Di bale tuloy na tuloy na ang outing natin?” pagkumpirma nito. ngumiti lang ito sa kanya at tumango.

“Tatawagan ko nalang mamaya si Tricia. Sigurado akong sasama iyon sa outing.”

“Ako nang bahala kay Ivan at Ann.”

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
27.1M 718K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
36.6K 1.3K 98
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...