The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 24

59.9K 2K 225
By risingservant

Hindi namin alam ni Divine kung paano kokontakin ang tito niya. Oras na ng aming klase ngayon pero wala pa kami sa aming silid-aralan.


"Morixette, kung gusto mo talagang mailigtas natin si Tito, kailangan nating lumiban sa klase." Bungad ni Divine habang naglalakad kami.


"Okay lang naman sa akin, buhay ang nakasalalay dito. Pero paano tayo makakalabas dito sa school?" Tanong ko.


Napahinto kami bigla. "Doon tayo sa likod ng school." Mungkahi ni Divine at hinila niya ako papunta roon.


Naalala kong bigla sina Jerwel at Thirdy, baka nag-aalala sa amin ang dalawang iyon dahil hindi kami nakapasok.


Pagkarating namin doon, kinausap ko kaagad si Divine.


"Divs, baka hinahanap tayo ng dalawang mokong. Hindi tayo nagpaalam sa kanila." Ayuda ko.


"Morx, wala ka dapat ipag-alala. Tinext ko na sila." Aniya.


"Okay. Pero ano ang gagawin natin dito ngayon? Paano tayo makakalabas?" Tanong ko habang nagkakamot ng ulo.


"Nakikita mo yung bakod na iyan?" Tanong niya habang nakaturo rito.


"Don't tell me na gagawin natin ang over the bakod thing?" Nakabusangot kong tanong.


"Well, you're right." Pagsang-ayon niya.


"Eh? Paano? Hindi ko kaya!" Pagmumuryot ko.


"Huwag ka nang mag-inarte pa. Kaya mo iyan!" Giit pa niya.


Nagpapadyak ako sa sahig na parang bata habang nakakunot ang noo. Hindi kasi ako bulugan na kagaya niya.


"Tumatakbo ang oras. Kailangan na nating kumilos." Aniya.


"Oo na!" Sambit ko kahit labag sa aking kalooban.


Padre Santiago's POV


Ang sarap maging pari, dito sa simbahan ay para akong hari. Utos dito, utos doon. Naging masagana ang aking buhay simula nung maging pari ako. Hindi ko na kailangan pang magpakahirap dahil ibinibigay na ng mga tao ang lahat ng aking pangangailangan.


Minsan, napapaisip din ako dahil sa mga anumalyang ginagawa ko. Nakakakonsensiya rin minsan dahil naturingan pa akong pari para ipaalam sa mga tao ang nais ipagawa sa kanila ng Diyos.


Pangaral ako nang pangaral sa mga tao pero ako mismo, hindi ko nasusunod ang nais ipagawa ng Diyos. Madalas, ako pa ang sumusuway sa lahat ng nais Niya.


Dumating sa point na marami na akong nilolokong tao. Halos ako na ang sambahin nila imbes na ang Panginoon. Masyado akong nagpapakasilaw sa yaman at kapangyarihan. Tuwang-tuwa ako kapag sinasamba at niyuyukuran nila ako. Hindi ko alam, masyado na akong nagiging gahaman.


Sa tagal nang pananatili ko sa simbahang ito, napakarami na pala ng anumalyang nagawa ko. Tao rin naman ako, nagkakasala.


Ang pondo ng simbahan na aking ibinubulsa, ngayo'y naipagawa ko na ng aking inaasam-asam na hasyenda. Mali ito pero kailangan ko itong gawin para sa aking ikauunlad.


Naiinggit ako sa ibang mga paring mayayaman na kaya napagpasyahan kong tularan sila. Alam kong magagalit ang mga tao sa maling desisyon ko, lalo na ang Panginoon dahil dinudungisan ko ang kaniyang pangalan.


Tao rin ako na natutukso. Sabi nila, kapag ika'y nagpari, ang buhay mo ay para sa Panginoon lamang, pagsisilbihan mo siya habang buhay. Pero hindi ko maiwasan ang tawag ng laman. Sa edad kong 34, hinahanap-hanap kong may magpasaya sa aking lamang lupa. Kaya madalas, ako'y nagkakasala. Nakakabot ding nasa loob ka lamang ng simbahan habang nagdadasal.


Hindi rin ako nagpaawat na waldasin ang pera ng simbahan sa pagsusugal. Ang dami kong nilolokong tao, hindi ko na kaya.


Alam kong makasalanan akong nilalang at hindi nararapat na tawaging pari. Ngayon, balak ko nang umalis sa aking pwesto. Kinokonsensiya na ako ng Panginoon sa lahat ng aking nagawang kasalanan.


Nandito ako ngayon sa simbahan, pinipilit kong huwag nang gumawa ng kasalanan. Bago ako bumaba sa aking pwesto, gusto kong humingi ng kapatawaran sa Panginoon at sa mga tao ng bayang ito.


Pagkatapos kong manalangin, napatingin ako sa pasilyo ng simbahan. Nakita ko ang repleksyon ko't nagtaka akong bigla nang mapansin kong may nagliliwanag sa aking noo.


Lumapit ako rito para makita kung ano ba ang nasa aking noo. Nanlaki ang mga mata ko nang biglang maaninaw ko ang letrang "Ha" rito. Napaupo ako bigla sa sahig.


"Magdasal ka pa, humingi ka pa ng kapatawaran sa Panginoon. Magpalinis ka sa mga nagawa mong kasalanan. Magsisi ka!" Bulong ng isang boses babae sa aking kanang tainga. Nang tingnan ko siya, isang babaeng nakaputi ang patuloy akong inuusig sa aking mga nagawang mali.


"Ah! Layuan mo ako!" Sigaw ko nang dahil sa takot. Dahan-dahan kong isinisikad sa sahig ang aking paa palayo sa kaniya.


Nakalutang na siya ngayon sa ere habang unti-unting lumalapit sa akin.


"Pagsisihan mo ang iyong mga kasalanan." Sambit niya kaya hindi ako nagdalawang-isip na itutok sa kaniya ang krus na nasa aking bulsa.


"Lumayo ka sa akin masamang espirito!" Sigaw ko habang nakatutok sa kaniya ang krus.


Pumayapa bigla ang aking pakiramdam sa kaniyang paglaho.


"Ang sumpa'y nakakapit sayo, hindi mo na matatakasan pa ito." Bulong ulit ng isang boses babae sa aking kanang tainga.


"Ah!" Sigaw ko nang biglang sumulpot ang isang babaeng nakaitim.


"Layuan mo ako!" Sigaw ko sabay hagis sa hawak kong krus.


"Haha! Mamamatay ka!" Sambit niya habang humahalakhak pa. Nanlilisik ang kaniyang mga mata na puno ng pagkamuhi.


"Kampon ka ng kadiliman! Layuan mo ako!" Sigaw ko dulot ng takot. Hindi ako magkandaugaga sa pagkapa ng holy water sa aking bulsa.


Nang ito'y aking matunton, kaagad ko itong inilabas.


"Sa ngalan ng ama, anak at espirito santo, maglaho ka!" Sambit ko sabay saboy sa kaniya ng holy water na hawak ko.


Para akong nabunutan ng tinik nang mawala na siya sa harapan ko.


Laking gulat ko dahil hindi ako makapaniwala na nandito na ako ngayon sa ikalawang palapag ng simbahan. Hindi ko alam kung paano ako napunta rito.


Napatingin akong bigla sa salamin. Isang mensahe ang ibinigay nito na nagliliwanag sa aking noo habang patuloy pa rin sa pagliliwanag ang letrang Ha.


"Mabuti man o masama, isa lang ang kasasadlakan ng iyong lamang-lupa."


Kinusot-kusot ko ang mga mata ko at nagbabaka-sakaling namamalikmata lang ako. Pero isang mensahe na naman ang lumabas dito.


"Ang hagdan kaya ang magdadala sayo patungong langit? O sa impiyerno ika'y lalangitngit?"


Ipinikit ko na lang ang mga mata ko dahil nagugulumihanan ako.


"Hindi pa huli ang lahat, magsisi ka! Magsisi!"


Napamulat ako bigla dahil sa narinig kong iyon. Pilit akong kinukumbinse ng babaeng nakaputi na magsisi.


"Magpakasaya ka lang! Makiayon ka sa mundo! Gumawa ka pa nang maraming kasalanan!"


Pilit naman akong tinutukso ng babaeng nakaitim na gumawa pa ng kasamaan.


"Tigilan niyo na ako! Tama na!" Sigaw ko habang nakatakip sa aking dalawang tainga.


Nakapikit akong tumayo sa pagkakaupo sa sahig. Pagewang-gewang akong naglalakad sa kung saan. Nakakabingi ang paulit-ulit na sinasambit ng dalawang kaluluwa. Natutulilig ang aking tainga.


"Padre Santiago!"


Napamulat akong bigla dahil may sumigaw ng aking pangalan. Dalawang dalaga, si Divine at ang kaniyang kaibigan.


"Mamamatay ka!" Sigaw ng babaeng nakaitim kaya naman nauyot ang aking paa at akong dumausdos at nagpagulong-gulong sa mataas na hagdan.


"Father!"

Continue Reading

You'll Also Like

Runaway By Reynald

Mystery / Thriller

64.4K 2.5K 13
Maayos na pagkakaibigan, masayang samahan. Ganyan ang turingan nila sa isa't isa. "J-Jessica napatay natin si Mica" Isang pangyayari ang gugulo sa mg...
55.6M 1.7M 53
Having enhanced senses cannot help one earn a living. A useless special ability--or at least, that's what Shia Sheridan believes. But when she is cau...
2.4M 88K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
1.7M 99.9K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...