Invisible (On editing process)

By aira_irish

27.1K 221 62

Matalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May ma... More

Invisible (Prologue) Edited
Chapter 1 (edited)
Chapter 2 (edited)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Irish 1 on 1 (Meet Some of the Invisible Cast)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 (End) ;)

Chapter 41

340 4 0
By aira_irish

Chapter 41

Hindi maalis-alis sa isipan niya ang mga sinabi ni Fretzie. Mukhang alam pa yata ng Kuya Rj niya ang tungkol sa lalaking lihim na iniibig ni Fretzie. Bakit wala man lang nasasabi si Kuya Rj niya tungkol dito? Bakit niya kasi iniintindi mga bagay na wala naman siyang kinalaman? Bakit masyado siyang naapektuhan? Nahuhulog na kaya ang loob niya kay Fretzie? Impossible naman na mangyari yun dahil matagal siyang may gusto kay Ann. Di kaya unti-unti na siyang nakakapag-move on?

“Anong nangyayari sa akin?” napabuntong hininga na wika ni James habang nakatingin sa kisami ng kanyang kwarto.

Naantala ang pag-iisip niya ng may kumatok sa kanyang pintuan.

“Pasok.” Tipid na sagot niya. Hindi niya inaasahan na ang kuya Rj niya ang pumasok ng silid. Nakatingin lang ito sa kanya na para bang binabasa ang nasa isip niya.

“James, musta ang pag-ensayo niyo kanina ni Fretzie?” tanong sa kanya ng Kuya niya.

“Ayos lang naman. Mukhang hindi naman siya nakahalata na ako si James.” Diretsang sagot nito. Gustong-gusto ni James na tanungin ang Kuya niya tungkol sa lalaking lihim na minamahal ni Fretzie. Pakiramdam niya kasi parang nag-uudyok sa kanya na alamin ang bagay na yun hindi niya alam kung bakit.

“Mabuti naman kung ganon” Sagot naman ni Rj sa kanya.

‘Kuya Rj, may itatanong lang ako sayo.”

“Ano ba yun?”

“Sino ang lalaking lihim na iniibig ni Fretzie?” tanong ni James kay Rj. Medyo nabigla siya nang itanong sa kanya ni James ang tungkol dito. Nang oras na yun ay parang gusto niyang batukan sa ulo si James. Hindi siya makapaniwala napakamanhid ng kambal niya. Palaging magkasama sina James at Fretzie sa paaralan at magkaibigan pa sila ni hindi niya ba napapansin nahuhulog na ang loob ni Fretzie sa kanya? Kinamot na lang ni Rj ang ulo niya sa sobrang pagkadismaya.

“Kuya, may alam ka ba? Kasi noong binabanggit niya ang tungkol sa lalaking yun parang nararamdaman ko na nasasaktan si Fretzie at hindi ko mapigilan ang maramdaman na parang wala akong magawa upang maibsan ang kalungkutan niya. Tapos idagdag pa na nag-away kami.” Nag-aalalang sabi ni James kay Rj.

“Alam mo James, kung hindi lang masyadong sirado ang puso mo sa  mga bagay sa paligid mo. maiintindihan mo ang nararamdaman ni Fretzie kaso masyado ka kasing bulag sa isang bagay at kung minsan nakaligtaan mo pa ang mga importanteng bagay sa buhay mo.”

“Kuya, hindi kita maintindihan sa mga sinabi mo.” nalilitong wika ni James sa kuya niya.

“James, balang araw maiintindihan mo rin ang mga sinabi ko sa takdang panahon. Sana ma realize mo ang mga bagay-bagay pag dumating ang panahon na yun.” yun ang sagot ng kanyang Kuya Rj at lumabas ng kanyang kwarto. Habang siya ay nalilito pa rin sa mga sinabi nito.

Dumating na ang pinakahinihintay ng lahat sa paaralan ni Fretzie ang annual school ball nila.

Kinakabahan si Fretzie dahil first time niya dadalo sa school ball nila ni minsan ay hindi ito pumupunta. Nasa auditorium nila ang ball malapit na siya sa auditorium nang makasalubong niya si Trish at Ivan. Lumapit siya sa dalawa at binati niya ito. 

“Hi Trish, Hi Ivan.” Bati niya.

“Kanina pa ba kayo dito?” tanong niya sa dalawa.

“Medyo kanina pa. nagkasabay lang kami ni Trish kanina.” Nakangiting wika ni Ivan sa kanya. Napakagwapo ni Ivan sa suot nitong amerikana. Samantalang si Trish ay nakasuot ng color peach na halter gown at bagay na bagay din sa kanya ang suot nito.

“Fretz, bonggang-bonga ang ayos mo. I’m sure mabibingwit mo mamaya ang award na Ms. Queen of the Night.” Komento ni Trish sa kanya. ngumiti lang ito sa kaibigan. Suot niya ngayon ang light blue na gown na binigay ng tita ni trish sa kanya. Medyo nahihiya nga siya ng tanggapin niya ang gown noong inalok nito sa kanya.

“Fretz, by the way, narinig kami na usapan ng mga taga campus got faces na kakanta ka ng solo mamaya? Totoo ba yun?” tanong sa kanya ni Trish. Nabigla si Fretzie sa tanong ni Trish. Akala pa naman niya ay hindi malalaman nina Trish tungkol dito. Mukhang nabuking siya ata ng wala sa oras. Kaysa ideny niya ang tungkol dito ay inamin niya na lang.

“Oo. Totoo nga yun. Isusuprisa sana kita. Pagkatapos malalaman mo din lang pala.” Sambit niya dito kay Trish.  Ilang araw bago ang school ball ay kinausap niya ang isa sa mga campus faces na-in charge sa whole program ng school ball na kung pwede siyang kumanta ng solo. Tamang-tama din kasi ang timing niya dahil nag-hahanap sila noong panahon na magbibigay ng intermission number. Nakiusap din siya na huwag ipaalam kahit kanino tungkol sa song number niya. Kaya nanatili itong lihim sa lahat kahit si Devon ay hindi alam tungkol dito.

“Alam mo Fretz, Hindi ko talaga inaasahan to. I’m so happy for you. God bless sa performance mo at ni Rj mamaya.” Nakangiting wika sa kanya ni Trish.

“Siya nga pala, Fretzie. Hinihintay ka na ni Rj sa backstage.” Wika naman ni Ivan sa kanya.

“Sige, magkita na lang tayo mamaya.” Nakangiting wika nito sa dalawa at dumiretso na siya patungong backstage.

Pagdating niya sa backstage nakita niya magkasama sina Rj at James sa kwarto. Pumasok na siya sa loob. Kitang-kita sa mata ng dalawa na pagkamangha sa kanyang ayos.

“Zie, mabuti at nandito ka na.” nakangiting wika ni Rj.

“Anong ginagawa niya dito?” seryosong wika ni Fretzie habang nakatitig ito kay Rj habang si James ay nanatiling nakayuko.

“Fretzie, Sana man lang magkaayos kayo ni James. Kung ano ang problema niyo sana maayos niyo na kayong dalawa. Pasensiya ka na hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon. Hindi ako ang makakaduet mo ngayon kung hindi si James.” Medyo napapaos na sabi ni Rj at maputla ito na parang may sakit.

“Naiintidihan ko.” Yun lang ang katagang na sabi ni Fretzie kay Rj. Tama si Rj dapat silang dalawa ni James ang mag-ayos ng kanilang problema. Mahirap din naman ang mag-tanim ng sama ng loob.

“Sige, Zie. Labas muna ako.” Paalam nito sa kanya at tuluyan na itong lumabas ng backstage.

Naiwan silang dalawa sa loob nagkatinginan silang dalawa ngunit hindi nila alam ang sasabihin sa isa’t-isa. Si James ang bumasag ng katahimikan sa pagitan nila.

“Fretzie, alam kung masama ang loob mo sa akin at may karapatan kang magalit sa akin dahil nasaktan ko ang damdamin mo. gusto kong sabihin na taos puso akong humihingi ng tawad sayo.” Sinserong wika nito habang nakatingin ito sa kanyang mga mata. Hindi mapigilan ni Fretzie alanganing tingin ang binigay niya kay James. Noong panahong yun hindi alam ni Fretzie ang sasabihin. Nabigla siya ng lumapit sa kanya si James at hinawakan ang kamay niya at tinignan siya nito na parang nagmamakaawa sa kanya.

“James, pwede bang bitiwan mo ang kamay ko. Pakiusap huwag mo nga akong tignan ng ganyan.” Umiwas si Fretzie sa tingin nito. Agad namang binitawan ang kamay nito.

“ Alam mo ba Charming Zie sobrang na miss kita. Pakiusap bati na tayo. Hindi mo ba  ako na mimiss?” Sinserong wika nito. Pinagmamasdan siya nito na parang hinihintay ang isasagot niya.

“Hmpf! Ang sabihin mo na mimiss mo lang ang binebake kong cookies at hindi ako na mimiss mo.” seryosong wika nito. Tinalikuran ni Fretzie si James nang biglang siyang niyakap ng mahigpit sa likod. Sa sandaling yun ay lumakas ang kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung nararamdaman yun ni James.

“James, Oo na bati na tayo.” Mahinang wika nito. Alam niyang kahit anong pilit na lumayo kay James ay pakiramdam niya parang may humahatak sa kanya pabalik dito.

“Talaga? Seryoso ka?” tanong sa kanya habang nasilayan niya ang matamis na ngiti sa kanya ni James.

“Bakit ayaw mo? Sige babawiin ko na lang.makaalis na nga.” Sambit ni Fretzie at tinalikuran ito. Nabigla siya ng hinila siya nito sa braso at napalapit ito ng husto sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa na parang may sarili silang mundo ng panahon na yun. Sa sobrang lapit ng mukha nila sa isat-isa unti-unting lumalapit ang mukha ni James sa kanya.

“Gosh! Hahalikan ako ni James.” Bulalas ng isip niya. Napapikit ang kanyang mga mata.gusto niya sanang itulak siya at kumaripas ng takbo ngunit hindi niya magawa. Malapit ng maglapat ang kanilang mga labi.

“Ahem! Kayong dalawa ayaw niyo namang paawat, ano?” nakangising wika ni Trish. Nabigla silang dalawa ng makita nila si Trish na nandiyan sa may bandang pinto ng backstage agad silang dumistansya sa isa’t-isa. Hiyang-hiya si Fretzie sa nangyari nararamdaman niyang nag-init ang kanyang magkabilang pisngi. Habang si James ay umakto lang na parang walang nangyari.

“Kanina pa kayo hinahanap sa labas kayo na ang susunod na magpeperform.”  Wika sa kanila ni Trish.

“Sige, susunod na lang kami.” Tipid na wika ni James kay Trish at tumango lang si Trish at umalis.

“Fretzie, sorry sa nangyari kanina. It was a huge mistake.” Seryosong wika nito.

“Alam ko.” Sagot naman ng isip niya. ramdam-ramdam ni Fretzie na parang piniga ang puso niya.

“James, pakiusap huwag lang nating pag-usapan. Ang mabuti pa ay lumabas na lang tayo kanina pa tayong hinihintay.” Tumango lang si James at lumabas na sila ng backstage.

“Rj, ayos ka lang ba? Kanina ka pa kasing namumutla.”nag-aalalang wika ni Ann kay Rj.

Tumango lang sa kanya ang binata.

“Sabihan mo lang ako pagsumama ang pakiramdam mo para samahan na lang kita na umuwi sa inyo.” Matamlay lang na ngiti ang binigay sa kanya ni Rj.

“Good evening ladies and gentlemen. This is the moment we’ve been waiting for. The dashing pop star James Reid and Fretzie Bercede will be giving us a song number. Let’s give them a round of applause.” Masigla na wika ng kanilang emcee. Lahat ng babae sa auditorium ay pinagsisigawan ang pangalan ni James. Mas lalong lumakas ang palakpakan at sigawan nang lumabas ang dalawa sa stage.

Nagkatinginan si James at si Fretzie. Ngumiti lang sila sa isa’t-isa.

Hindi maiwasan ni Trish ang makilig habang pinagmamasdan niya ang dalawa sa may entablado.

“Naku, ang dalawang iyan palagi nila akong sinusurprisa.” Nakangiting wika ni Trish.

“Ano ba ang pinagsasabi mo, Trish?” interesadong tanong sa kanya ni Ivan.

“Nakita ko kasi kanina sa backstage sina James at Fretzie. Mukhang hahalikan ni James si Fretzie kung hindi lang ako dumating.” Pabulong na wika ni Trish kay Ivan. Hindi makapaniwala si Ivan sa sinabi nito.

“Talaga? Mukhang malabo mangyari yun. Isa pa patay na patay si James kay Ann.” Paliwanag ni Ivan sa kay Trish. Habang nakatuon ang kanilang mata sa sa dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

122K 3.1K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
20.6M 508K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...