IDTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 2 - Pt. 3
Charice POV
Naguguluhan ako dito. Tumingin ulit ako sa likod. Tumingin naman ako gamit ang cold eyes ko dun sa Gosu. Ang pangit naman ng name na Gosu pero may itsura. Para nga syang familiar eh, kamukha nya yung Daryl Seuk Kang na nasa ID----
"FCK, YOU STOLE MY ID RIGHT?!" - yung gagung Gosu.
Shet, baka isipin ng mga tao dito, stalker ako kung malaman nilang nasa akin nga yung ID nya! Pakshet, patay malisya dapat, patay malisya!
"ID?" - tanong ko with my very convincing patay-malisya-look.
"WHERE'S MY ID?!" - Gosu.
Nasa, bahay @#$%
Napatingin naman ako dun sa mga gagong apat. Nag tatawanan sila.. yung parang tawang tawa. Teka, pinag didiskitahan yata ako ng mga to eh. Baka gusto nilang ipakita sa mga tao dito na 'stalker' ako para gantihan ako dahil sa ginawa ko dun kay Ji kahapon tapos ayun, ma-bubully ako, tapos magiging outcast ako! Nooooooo
Bigla akong napatingin dun sa left ko. Nakita ko si Bianca. Ganito face niya: O__O
Napatingin naman ako dun sa Gosu. Sya nga ba yung Daryl? Eh bakit kahapon eh anghel sya, pero ngayon, para syang asong ulul? At saka,
"Psh, ang pangit naman ng Gosu -- parang Gagu"
Wait, parang may nasabi yata akong mali.. @#$%? Bigla kasing tumahimik yung mga tao. Don't tell me.. nasabi ko na naman yung nasa isip ko ng malakas? Etu minsan problema ko eh. Nakakapamula kasi agad ako kaya andami kong haters nung elem :|
Napatingin ulit ako dun sa mga apat pang mga gagu. Lalo silang tumawa. Yung isa, pulang pula na sa kakatawa, yung isa naiiyak, yung isa pinupunas yung mata, yung isa hawak yung bibig at patago pang tumatawa. Aminin nyo, anong ibig sabihin nito?!
"ANO-SABI-MO-NINA?" - yung Gosu.
"Sabi ko----"
Bago ko pa napag patuloy yung sinasabi ko'y nagkagulo. Parang lahat nabigla ah. Tapos yung iba kinikilig, yung iba tuwang tuwa. May naririnig pa akong "ISA PA! ISA PA!"
Ano ba yan. Tutal, kagulo na -- tayo ng -- TUMAKAS >:)
Tumakas na naman ako pero di natakbo. Kase nga, nadulas ako remember? Sabi ko nga kasi, masakit yun eh! At ayun, hanggang pataas na ko ng hagdan, naririnig ko pa rin yung "ISA PA ISA PA", "ONE MORE ONE MORE" at "HANA DEO! HANA DEO!" -- na iisa lamang ang kahulugan. Isa pa daw. Ano bang gusto nilang iulit? Yung pag-arte nung Gosu?
Tumaas na ako. Nakita yata ako ni Bianca kaya sumunod.
"Bianca, ano bang---" - pinutol nya ang tatanungin ko, K.
"OMG, NAGSALITA S'YA NG TAGALOG! ANG GWAPO *O*" - Bianca.
"Sino ba yun?" - tanong ko para ma-confirm ko na kung ano nga.
"Ah, oo nga pala! Di mo pa yun nakikita! Siya si..." - lumapit pa siya.
"Daryl Seuk Kang.. yung First King! O di ba, ang gwapo nya nu?" - Bianca.
Napatingin ulit ako sa kanya. Nagtitigan kami ni Bianca. Di kasi ako makapaniwala na yung taong yun yung nanlibre sa'kin sa bus +plus+ sya yung nasa ID na inosente ang mukha?! Seryusli?
Pumunta na kami sa classroom. Pagkita namin makikita mo lang dun na nakaupo ang mga:
- tunay or Straight na lalaki *check*
- mga nerds *check*
- mga tahimik * check*
- mga kadadating lang *check* oops, pababa na din sila so cross na.
Umupo na kami dun sa upuan namin. Mga 7:53 am (specific talaga), nagdatingan na yung mga kaklase namin. Nakarinig na ko ng mga ingay sa may corridor. Yung mga ingay na parang sayang-saya sila sa nangyari kanina.
Pagpasok nila, nilapitan nila ako.
"Nasayo ba yung ID ni Gosu?" - yung isang parang determinadong alamin.
"Wag mo ibigay jan, kasi ID yun ni Gosu my labs ko~" - yung isang kinikilig.
"Wala sakin eh, nagkamali s'ya. Wala sakin." - sabi ko.
Napatigil yung dalwa at yung iba, halata namang nakikinig eh sa malayo pa pumwesto. Lapit na lang kayo kesa mahirapan kayong magpasa-pasahan ng balita =__=
"Aww, ganun ba~" - sabi nung kinikilig.
"Sayang naman!" - sabi nung determined.
What's the big deal over that ID?! Yayaman ba sila pag nakuha nila yun? Yayaman ba ako kung sinangla ko yun?!
Mamaya, dumating na si Sir.. si Sir na nakakatakot. Ayun, nag discuss. Wala naman akong maintindihan pero pag tinatanong kung may tanong, sagot naman kaming "Wala" daw. DAW. Pero pag labas naman ni Sir, bulungan kung may nakaintindi ba daw.
"NAKITA KO SIYA! PAPUNTA NA SYA SA TAAS!" - mala-news reporter na sabi nung isa na nasa may labas.
"OMG, AATTEND SIYA NG CLASS?!"
"OO, NAKITA KO SIYA DUN, DALA YUNG BAG NIYA!"
"OMG, SWERTE NAMAN NG CLASS A!"
"SAYANG CLASS C AKO!!!"
Napatigil yung teacher namin. Kumunot yung noo at nagbigay ng nakakatakot na aura. Lumabas siya tapos sinuway (minura) yung mga babae.
"Hoy, kayong mga malalandi d'yan, wag kayo dito magsigawan!!! Hallway to, at nagdidis----"
Nabigla nga kaming lahat kasi tumigil si Sir sa sermon. Paglingon ko, ngiting-ngiti sya at nag bobow siya dun sa: Lalaki..? Nakatalikod kasi----
"Good morning Sir." - sabi nung--- NARINDI AKO SA SIGAW AT TILI NG MGA BABAE. SI BIANCA NGA EH NAKIKISIGAW DIN KAYA NGA NAKA-CAPS LOCK AKO E! BAKA DI NYO KO MARINIG @#$% Si Gosu pala yung taong pinagkaka-guluhan eh. Kala ko naman artista.
Boring! Kaya pumikit muna ako. Nakakarindi kasi eh
.
.
.
.
.
(. . .)
Biglang tumahimik ata? Ako na lang ba ang nandito?! Na-cucurious na ko ah. Baka pumunta silang baba?! Ba't di man lang ako tinawag ni Bianca---
Yu.. yu.. yung Gosu..
"Sir, I'm going to swap classes. From now on, I'm Class B.. same as Ji and YoonJae." - sabi nya sabay lapit sa'kin.
Dahil na-stunned si Bianca, natigilan sya at parang makinang tumayo para paupo-in si Gosu. Sumandal sya na parang feel na feel nya yung upuan sabay tingin sa'kin ng nakangiti.
What the FGHIJKL! @#$%