Invisible (On editing process)

By aira_irish

27.1K 221 62

Matalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May ma... More

Invisible (Prologue) Edited
Chapter 1 (edited)
Chapter 2 (edited)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Irish 1 on 1 (Meet Some of the Invisible Cast)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 (End) ;)

Chapter 38

374 3 0
By aira_irish

Chapter 38

Kasalukuyang nasa botanical garden ng paaralan sina Rj at Fretzie. Tahimik lang silang nakaupo doon habang si Fretzie ay hindi alam ang sasabihin kay Rj pag nagtanong ito tungkol sa nangyari sa kanila ni James.

“Zie, nag-away ba kayo ni James?” sa tono kasi ng pagsasalita mo kanina ay mukhang galit ka sa kanya.”Pahayag sa kanya ni Rj nanatili siyang hindi nagsalita at nakatingin sa ibang direksyon.

“Zie, kilala kita. Di ba bestfriend mo ko? Sana naman sabihin mo naman sa akin kung anong nararamdaman mo.” mahinahon na wika ni Rj sa kanya. Gusto niya sanang huwag sabihin ang tungkol sa away nila ni James ngunit hindi niya maiwasan ang sabihin ang kalooban nito.

“Rj, ang hirap sabihin eh. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sayo. Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko siya matiis na nagkakaganyan dahil kay Ann. He deserves someone better.” Paliwanag nito hindi pa niya natapos ang sasabihin ay sumingit si Rj.

“You mean someone like you.” nakangising wika ni Rj agad natigilan si Fretzie sa sinabi nito. Bakit nasabi ni Rj to sa kanya? Nagbibiro ba siya?

“Bakit natigilan ka diyan? Uy….namumula na siya oh…” asar nito.

“Pinagloloko mo ba ako, Rj? Baka gusto mong makatikim ng suntok? Matagal na rin kitang hindi nasuntok.” Inis na sabi ni Fretzie ngumisi lang sa kanya si Rj.

“Seryosong usapan na to. Kaya ka nasasaktan sa tuwing nasasaktan si James ay dahil nahuhulog na ang loob mo sa kanya, di ba?” nang sinabi yun ni Rj sa kanya ay nabigla siya. Bakit si Rj kay bilis siyang nabasa na meron siyang gusto kay James tapos si James napaka manhid niya para makita yun.

“I’m sorry, Rj. Ako mismo ang sumira ng pangako natin sa isa’t-isa. Hindi ko naman inaasahan na mangyayari to.” Tumulo na naman ang luha sa kanyang mga mata at pinahiran yun ni Rj.

“Zie, bakit ka humihingi ng tawad sa akin? Wala ka namang kasalanan. Naiintindihan naman kita eh bata pa naman kasi tayo noon noong nangako tayo at isa pa lahat ng bagay ay nagbabago sa paglipas ng panahon katulad din ng nararamdaman natin. Alam kong espesyal pa rin ako sayo ngunit ang pinagkaiba mahal mo si James higit pa sa kaibigan.

“Rj, kaya lang balewala naman ako sa kanya eh. Hindi naman ako mahalaga sa kanya.” iyak na sabi nito.

“Huwag ka ngang magsalita ng ganyan.” Pag-aalo sa kanya ni Rj at niyakap siya nito.

“Alam ko balang araw ma-rerealize niya. Ikaw ang nararapat na babae sa kanya at ikaw lang ang taong nagpapahalaga ng sobra sa kanya.” nakangiting wika nito.

“Sana naman magkabati na kayo. Paano na lang iyong duet niyong dalawa? Di ba sa Friday na yun?” dagdag na sabi Rj. Oo nga pala nakalimutan na niya ang tungkol sa duet nila noong hindi sila nagkaintindihan.

“Hindi ko alam Rj. Hindi pa ko handang kausapin siya masama pa rin kasi ang loob ko sa kanya.” malungkot na tugon nito kay Rj.

“Ganito na lang ako na lang siguro magpapanggap na si James pag dating Friday. Ok lang man siguro sayo yun?” suhestiyon ni Rj sa kanya. Ngumiti lang nang-alanganin si Fretzie kay Rj.

“Bakit wala ka bang tiwala sa akin?” pagmamayabang nito habang ginagaya niya kung paano gumalaw at kumanta si James. Tinawanan ni Fretzie si Rj ng sumablay ang tono ng pagka kanta niya. Nagpapasalamat si Fretzie sa mga oras na yun dahil nandiyan si Rj para pasayahin siya sa oras na pakiramdam niya pasan-pasan niya ang mundo.

“Rj, maraming salamat. Masaya ako na lagi kang nariyan para pasayahin at damayan ako. Paano na lang kung wala ka?” seryosong wika nito. Biglang nakita ang pag lungkot ng mukha nito ngunit ngumiti ito at nagsabing.

“Zie, huwag ka ngang mag-drama diyan baka bumaha dito ng luha.” Pang-aasar na wika nito.

Hindi maiwasan ni Rj ang malungkot ngunit pinilit niyang ngumiti para kay Zie. Nag-aalala siya sa bestfriend niya. Paano na lang ito pag nawala na siya? Hindi niya kayang makita si Zie na malungkot at umiiyak. Alam niyang bilang na lang araw niya at habang tumatagal nanghihina na siya.  Anong gagawin niya pag dumating na ang araw na yun? Masasabi ba niya ang kalagayan niya kay Zie ngayon? Hindi niya kaya bigyan ng panibagong problema si Zie.

“Uy! Rj, ano ba nangyayari sayo? Ok ka lang ba?” pukaw nito sa kanya.

“Oo.” Mabilis na sagot nito.

“Punta tayo sa cafeteria kumain tayo. Nagugutom na kasi ako.” Sabi ni Fretzie kay Rj. Tumango lang si Rj sa kanya at umalis sila doon patungong cafeteria.

Continue Reading

You'll Also Like

135M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...