Invisible (On editing process)

By aira_irish

27.1K 221 62

Matalik na magkaibigan si Zie at Rj simula sa pagkabata pero dahil sa mapaglarong manipula ng tadhana. May ma... More

Invisible (Prologue) Edited
Chapter 1 (edited)
Chapter 2 (edited)
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Irish 1 on 1 (Meet Some of the Invisible Cast)
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61 (End) ;)

Chapter 29

382 3 0
By aira_irish

Chapter 29

Matapos ang buong araw nakasama ni Fretzie si Rj ay masayang-masaya siya na nakabonding niya ito ngunit pinagtataka niya bakit parang nakikita niya si James kay Rj. Possible naman na mangyari yun dahil kambal silang dalawa ngunit ang nararamdaman niyang kilig at excitement nito pag nakikita niya si James ay ramdam na ramdam niya kanina.  Di kaya naloloka na siya? Sa sobrang kakaisip? Napabuntong hininga na lang ito habang nakahiga siya sa kanyang kama.

Biglang niyang hinaplos ang kanyang labi habang inaalala niya ang nangyari kanina sa park.  Hindi niya iyon inaasahan na mangyayari yun pagkatapos ng pangyayari ay hindi nila ni Rj pinag-usapan ang tungkol sa halik. Sa totoo lang noong hinalikan siya ni Rj ay si James iniisip niya. Alam niyang nangako silang dalawa sa isa’t-isa na magiging sila sa takdang panahon. Paano niya ito sasabihin kay Rj na hindi na niya matutupad ang pinangako nila sa isa’t-isa? Sigurado siyang masasaktan si Rj pagnangyari yun ayaw niyang masaktan ang kaisa-isang bestfriend niya.

Sa kabilang dako. Pinipilit ni James na makatulog ng maaga ngunit hindi pa siya dinadalaw ng kanyang antok. Pabalik-balik sa kanyang isipan ang nangyari kanina lalong-lalo na ang na pinagsaluhan nila ni Fretzie na halik. Hanggang ngayon ay damang-dama pa niya ang malambot na labi ng dalaga sa kanyang labi. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Hindi naman siya nagkakaganito pagdating sa babae. Noong sa Australia pa siya ni minsan ay hindi niya pinapansin ang mga babaeng naghahabol sa kanya at hindi siya natukso minsan dahil mahal na mahal niya si Ann. Gulong-gulong ang isip niya ngayon hindi niya alam kung ano talaga tumatakbo sa kanyang isipan.

Maagang pumunta si Fretzie sa school papasok pa lang siya ng gate nang makita niyang kumakaway sa kanya si Ann mula sa malayo. Hinintay niyang makalapit si Ann sa kanya at binati ito.

“Hi! Ann.” Wika ni Fretzie sa kanya.

“Hello! Fretzie.” Ganting bati nito sa kanya. Sabay silang dalawa na pumasok sa loob ng paaralan.

“Siya nga pala Fretzie. Kumusta ang pamamasyal niyo ni James kahapon?” tanong nito kay Fretzie. Nagtaka si Ann ng tinitignan siya ni Fretzie na parang nagtataka sa tinatanong nito sa kanya.

“Ha? Anong ibig mong sabihin? Si James? Eh si Rj kasama ko kahapon.” Nalilitong sagot sa kanya ni Fretzie.

“Ah ganon ba. Akala ko kasi si James kasama mo kahapon. Pasensiya ka na mukhang nagkamali ako.” Sabi nito kay Fretzie.

“Bakit kaya hindi alam ni Fretzie na si James kasama niya kahapon? Impossibleng si Rj ang kasama ni Fretzie sapgkat buong araw kong kasama si Rj sa ospital dahil inatake siya ng sakit niya. Mukhang may nangyayari dito na hindi ko alam ah.” Sabi nito sa sarili.

“Naikwento pala sa akin ni James na kakanta pala kayong dalawa sa darating na school ball. Sabi nga sa akin ni Rj ay manonood siya ng performance niyong dalawa.”

“Talaga? Masaya ako kapag makapunta si Rj.” Nakangiting wika nito kay Ann ngumiti din si Ann sa kay Fretzie. Hindi lingid sa kaalaman ni Ann na may gusto si Rj kay Fretzie pero hindi yun naging hadlang para patuloy niyang mahalin si Rj ng palihim.

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 509K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
27.1M 718K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...