You Are Mine (Published Under...

By DisenchantedNow

9.3M 90.2K 5.6K

Akala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung f... More

You Are Mine
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
A MUST READ AUTHOR'S NOTE.
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60 - THE LAST CHAPTER
Epilogue
FINAL AUTHOR'S NOTE

Chapter 40

126K 1.3K 112
By DisenchantedNow

CELINE'S POV

This guy can't get enough. Ang dami yatang energy na nireserved nito.

Kung hindi pa talaga niya pinilit na lumabas ng kwarto, malamang talaga, may round two pa.

Now I'm cooking paella and other spanish dishes.

Buti nga at hindi pa late.

And at the same time, may stock na pagkain sa ref ang caretaker ng bahay nila Shaun.

Napangiti ako ng maramdaman ko ang mga braso niya sa bewang ko.

Ang sweet lang. Lalo akong naiinlove sa yo, kung alam ko lang.

Gusto ko ng sabihin kaso, mukhang hindi pa ito ang right time, eh.

Isa pa, hindi ko rin alam kung paano ako aamin.

Paano nga ba ?

Hindi ko pa naman kasi nagagawang ako ang gumawa ng paraan para maamin sa isang lalaki ang nararamdaman ko.

Pero kung hindi pa ito ang right time, eh kelan pa ?

"Matagal pa ba yan, baby ? Gutom na ako, eh." at hinahalik-halikan ang buhok ko.

"No, it's nearly done. Just a couple of minutes more."

Lalo akong napangiti ng hapitin pa niya lalo ang bewang ko.

"House wife na house ang dating ng asawa ko, ah. Gusto mo kumpletuhin na natin ? Magkaroon na tayo ng captain at fast forward kagay ng daddy ?"

"You must be kidding."

"No, I'm not ! Gusto ko talagang magkaroon na tayo ng baby."

Nalingon ko siya at natitigan.

Talaga ?

Totoo ba yung sinasabi niya ?

Gusto niyang magkaanak kami ?

Wow. Kasi ako gusto ko din. Gustong-gusto.

"Baby, baka masunog na yung niluluto mo." sabi niya.

"Oh ! ..." at parang nagising naman ako sa panaginip kong yun.


Iniimagine ko kasi kung gaano kami kasaya kapag may baby na kami.

Yung tipong mamamasyal kami hawak sa magkabilang kamay ang baby namin habang nakangiti kami sa isa't-isa.

Isn't that a picture of a happy family ?

"... I-I'm sorry." at wala sa loob na natikman ang niluluto ko.

"Done !" at napatay na ang electric gas stove.

Bumitaw na rin si Shaun sa pagkakayakap sakin.

"I'm sure masarap yang luto ng asawa ko. Excited na akong matikman !" and I saw how he smirked with his remark.

Natawa ako.

"I'm sure mahihimatay ka kapag natikman mo to !"

"Aba ..."

At tinapik ang noo ko.

Talaga naman o !

"Ouch ! Bakit mo ginawa yun ?" nakangusong sabi ko habang sapo ang noo ko.

Todo ngisi ang unggoy.

"... Eh kasi naman umabuso ka, porke't pinuri lang eh ! Sige kapag nahimatay ako, iki-kiss mo ko, ha. Yung tipong mala-snow white." at inilapit ang nguso sakin pero agad kong nilayo iyon.

"Tse ! Tara na nga, maghanda na tayo." at nag-asikaso na ako para maghanda na ng pagkain namin.

***
JARED'S POV

Halos mahimatay nga ako sa sarap ng luto ng asawa ko.

Hahaha. Pero walang halong biro, masarap talaga ang luto ni Celine.

Hindi ko alam kung kanino niya nakuha, kay mommy Jane ba o kay mommy Jasmin ba.

Pareho kasing magaling eh.

Kaya sigurado akong hindi ako magugutom kapag bumalik na kami sa Pinas.

Wala yatang hindi kayang gawin ang babaeng to.

Ang swerte ko lang talaga.


Pagkatapos naming kumain, tinungo namin ang living room para mag-movie marathon.

Niyaya ko kasi siyang manood, buti na lang may stock ng mga cd and dvd copies dito sa bahay.

And now, A Walk To Remember is already playing.

One of her favorites.

Yakap ko sa bewang si Celine habang nakasandal naman siya sa dibdib ko at nakaupo kaming dalawa dito sa couch.

Pero masyadong madrama ang pinapanood niya.

Hindi ko magets.


Wala kasi akong hilig sa drama eh.

Kaya sinimulan ko na lang siyang dampian ng little kisses sa baba ng tenga niya hanggang sa leeg niya.

"Baby ..." and I continue what I'm doing.

Pero deadma lang.

What ?

"... uy... Seryoso naman to, o."

"Ano ?" at hindi man lang ako nilingon.

"Pahinging kiss." bulong ko sa kanya.

Hindi na siya kumibo.


Seryoso talaga siya sa pinapanood ?

Ah ganon, ha.

Sige.

Nagsimulang bumaba ang kamay ko, at humaplos sa kaliwang hita niya.

Suot niya pa rin kasi ang t-shirt ko hanggang ngayon.

Just my tshirt and her undies.

"Shaun ... no." at hinawakan ang kamay ko para pigilan.

"Celine, yes." at nagsimula ulit gumalaw ang kamay ko, pataas.

Dun sa taas, sa pinaka-gusto kong part.

Maya-maya pa, natigil ako ng maramdaman kong gumagalaw ang mga balikat niya.

And she's starting sobbing.

Umiiyak siya ?

"Hey ... baby, are you crying ? What happened ?" at iniharap ko siya para makita.

And now she's wiping her tears away.

Ano'ng nangyari ? Ayaw niya ba nung ginagawa ko ? Nabastos ko ba siya ?

No. No. No.

Hindi pwede.

"Baby, what's wrong ? May ginawa ba akong mali ?"

Kapag umiiyak talaga tong babae na to, natataranta ako eh.

Lalo na kapag ako ang dahilan. Ayaw na ayaw kong ako ang magiging dahilan ng pag-iyak niya. Ayokong nasasaktan ko siya.

"N-No." sabay iling niya.

"Then why are you suddenly crying now ?" at ako na ang nagpunas ng mga natitira niyang luha.

"Because Jamie died." maikli niyang sagot.

Ha ?

Yun lang ?

Natingnan ko ang tv.

Si Jamie yung babaeng bida and si Landon naman ang lalaking bida.

Nagmo-monologue na si Landon after Jamie died.

Napatanga ako.


Si Celine, iniyakan yung movie.

My goodness. Mga babae nga naman talaga.

Masyadong mababaw ang emosyon.

"Baby naman eh. Akala ko naman kung ano na. Akala ko may ginawa akong mali kaya umiiyak ka. Yun pala, movie lang." and I sighed.

Nagtaas siya ng mukha at nangitian ako.

"I'm sorry, Shaun. Ganito lang talaga ako kapag napapanood ko yung A Walk To Remember. Ikaw naman kasi, hindi ka nanonood. Kung ano-ano yang ginagawa mo."


I smiled. Siya lang ang babaeng hindi ko natitiis na hindi mahawakan, saan mang parte ng katawan niya.


Lagi kasi akong nae-excite sa kanya.

Ayaw na ayaw kong malayo kay Celine.

Yung hindi ko siya makikita at hindi ko siya mahahawakan.

Hindi pwede yun sakin.

Kaya sisiguraduhin kong, lagi kaming magkasama, kahit na ano'ng mangyari.

"Hindi ko kasi matiis eh." at dinampian ko siya ng isang mabilis na halik.

"Matuto ka ng self control."

"Wala ako nun kapag ikaw ang katabi ko."

At napaigtad ako ng kurutin niya ako sa tagiliran na ikinatawa naman niya.

Salbaheng babae talaga to.

Pero okay lang, akin naman siya eh.

Akin na akin at walang pwedeng kumuha.


"Baby ..."


"Hmmm ?"


"... Paano kung ako naman ang namatay ? Will you be like Landon ?" wala sa loob kong tanong.

Hindi ko alam kung saan ko rin napulot yung tanong na yun.

Bigla na lang sumulpot sa isip ko.

Pop-up question, ikaw nga.

Nakita ko kung paano sumeryoso ang mukha ni Celine.

She stared at me, and suddenly hug me, so tight.

Napayakap na rin ako sa kanya.

"No. Don't say that Shaun. Wag kang magbiro ng ganyan."

"I'm just asking."

"Then don't ask me questions like that. Hindi ko kaya kapag wala ka."

Oh God. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag yung eksaktong nararamdaman ko ng mga oras na yun.

Kung mahigpit ang yakap niya, mas humigpit ang yakap ko sa kanya.

Hindi ko na rin alam kung gaano na ako katagal nakangiti.

Sobrang sarap sa pakiramdam nung marinig ko yun.

Hindi ko kaya kapag wala ka.

I feel needed.

Needed by her.

Kay Claire, hindi ko narinig tong mga ganitong salita.

Ako lagi ang nagsasabi.

Ako lagi ang nangangailangan.

Hindi ko man lang narinig sa kanya ni minsan na kailangan niya rin ako.

Kaya hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko kung tuluyan na akong ma-inlove sa kanya.

"No, baby. I won't. I will never leave you."

At wala akong balak na bawiin yung mga salitang yun. Instead, I wanna prove it to her.

Hindi ko man maamin sa ngayon yung totoong feelings ko para sa kanya, sana kahit ngayon, maramdaman man lang niya na mahal ko siya, at sobrang mahalaga siya sa buhay ko.

Gusto kong ipakita sa kanya na hindi niya pagsisisihan ang pagpapakasal sa akin.

Na ako ang asawa niya, at hindi ang hinayupak niyang ex.

Na ako ang makakasama niya, hanggang sa pumuti na ang mga buhok namin.

She lets go of me.

"Really ?" at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

Agad akong tumango.

"Yes."

And she draws a pretty smile on her face.

"Oh Shaun !" and she puts me on silence with a long and passionate kiss.


Pero ayokong simulan ang dapat naming simulan hangga't hindi ko pa nagagawa yung kanina ko pa binabalak.


Ayoko mang kumawala pero, kailangan eh.

Don't worry Shaun, marami ka naman niyan mamaya.

"Baby, una na ako sa room, ha." at napilitan na akong tumayo.

She frowned.

"Hindi mo ko hihintayin ? Papatayin ko lang naman tong dvd and tv. Sabay na tayo." and she holds my right hand.

"I can't. Inaantok na kasi ako. Sunod ka na lang, okay ?"

At gusto kogn matawa ng makita ko siyang napasimangot.

"O sige na. Una ka na." and she lets go.

Excited na ako sa reaction niya.

Tumalikod na ako para umakyat sa hagdan pataas at hindi na nagpaalam pa ulit dahil baka hindi ko na siya matiis at hindi na matuloy yung plano ko.

***
CELINE'S POV

At hindi talaga ako hinintay.

Para papatayin ko lang yung tv at dvd, hindi pa ako kayang hintayin ?

Ang sama, no ?

Mabigat sa loob ko na umakyat ng hagdan matapos patayin ang mga ginamit namin sa panonood ng A Walk To Remember.

Pero hindi ko rin maiwasang maisip yung sinabi sakin ni Shaun kanina.

He will never leave me.

Oh my goodness.

Sana lang hindi siya nagbibiro sa sinabi niya sakin.

Sana lang totoo ang lahat dahil paniwalang-paniwala na ako ngayon pa lang.

Sapat na saking malaman na hindi na matatapos ang pagsasama namin after 3 months, gaya ng napag-usapan namin noon.

Pero mas masarap palang marinig sa taong mahal mo ang mga salitang ganon.

Na hindi ka niya iiwan.

Hindi ako iiwan ni Shaun.

Hindi ko na mapigilang mapangiti.

Nawala na ang kaninang pagtatampo ko.

Madaling napawi ng mga sinabi niya ang konting tampo na naramdaman ko kanina.

Sana lang talaga, ganon pa rin siya pagdating namin sa Pinas.

Hindi sana siya magsawa sakin.

Hindi sana talaga niya ako iiwan.

Nakapagdesisyon na rin ako. Kung hindi ko man maamin dito sa honeymoon namin na mahal ko siya, pagkadating na pagkadating namin sa Pinas, sasabihin ko na ang totoong feelings ko sa kanya.

Mahirap din kasing magtago.

Mabigat sa pakiramdam.

Mahirap magkunwari, at magpigil ng nararamdaman.

Lalo na at nasa tabi mo lang ang taong mahal na mahal mo.

Bahala na kung paano ko sasabihin, ang importante, malaman niya.

Gagawin ko lahat, matutunan niya lang akong mahalin at tuluyan na niyang makalimutan si Claire.

Aayusin ko ang relasyon namin ni Shaun.

Gusto kong maging maganda ang pagsasama namin hanggang sa magkaanak na kami.

I want to show our future kids that me and their dad have a great and wonderful relationship.

Gusto kong kami mismo ang maging role models ng mga magiging anak namin.

Sarap mangarap !

Pero nagulat ako ng pagkabukas ko ng pintuan ng kwarto namin, wala akong ibang nasilayan kung hindi ang lampshade sa bedside table namin.


Maya-maya pa, may narinig na akong musika. At nakita ko si Shaun, palapit sakin, at iniabot sakin ang kamay niya.

"May I have this dance with you ?" and his eyes were full of promise.

Hindi ko tinanggihan yun at agad na inabot.

I know that the bridges that I've burned along the way
Have left me with these walls and these scars that won't go away
And opening up has always been the hardest thing
Until you came

Oh God. Ang ganda ng kanta.

Naipulupot ni Shaun ang mga kamay niya sa bewang ko while my arms were resting on his shoulders.

Wala akong pakialam kung nakasuot lang ako ng tshirt.

Feeling ko nasa prom ako, nakikipagsayaw ng isang sweet slow dance sa isang heartthrob who happened to stole my heart.

So lay here beside me, just hold me and don't let go
This feeling I'm feeling is something I've never known
And I just can't take my eyes off you
And I just can't take my eyes off you

Isa na naman sa mga sweet moves niya.

Hindi na nauubusan ng idea tong lalaking to.

Na sobrang kinakatuwa at ikinakikilig ko.

Mas hinapit pa ako ni Shaun habang patuloy kaming nagsasayaw ng mabagal.

"You like it, baby ?"

"No. I love it. That's the exact feeling I have right now." hindi mawala ang ngiti ko habang sinasabi ko yun sa kanya.

Sana hindi na matapos ang mga oras na to.

Ayoko kasing matapos.

Ang sarap-sarap sa pakiramdam na yakap ko siya ng ganito, parang kami lang ang tao sa mundo.

And how I felt when I'm hearing his heartbeat.

How I wish ako ang tinitibok ng puso ni Shaun.

Ako na lang sana.

I love when you tell me that I'm pretty when I just wake up
And I love how you tease me when I'm moody, but it's never too much
I'm falling fast, but the truth is I'm not scared at all
You climbed my walls

"Sana hindi ka magsawa sa mga kacornihan ko."

Gusto kong tumawa. Corny ? Naisip niyang korni siya ?

Pero ayokong ma-spoil ang moment na to.

Ayokong masira ang sweet and romantic moment naming dalawa.

"Paano ako magsasawa kung nagugustuhan ko naman ? Tsaka ikaw, corny ? Creative ang tawag dyan."

Lumayo ng bahagya si Shaun para matitigan ako.

"You're so beautiful." and I saw how he reacts when he said it. Tagos hanggang kaluluwa ko ang mga sinabi niya.

Feeling ko, maganda talaga ako kapag si Shaun ang nagsasabi nun.

Hindi ko maiwasang mag-chin up nung marinig ko yun at maging proud na maganda nga ako.

Marami ang nagsasabi na maganda ako, pero, mas special yata kapag siya ang nagsasabi.

Ganon naman talaga, di ba ?

Mas masarap pakinggan kapag sa taong mahal mo galing ang mga compliments na naririnig mo.

So lay here beside me, just hold me and don't let go
This feeling I'm feeling is something I've never known
And I just can't take my eyes off you
And I just can't take my eyes off you, off you, off you

"Even though I'm just wearing a tshirt and didn't take a shower, yet ?"

He flashed a boyish smile.

So lay here beside me, just hold me and don't let go
And Oh, this feeling I'm feeling is something I've never known
And I just can't take my eyes off you
And I just can't take my eyes off you

"Even though you only wears simple, you are still pretty and will remain pretty in my eyes."

God. Pwede bang kiligin na parang bulate ?

Mag-asawa na kami pero ang daming ginagawa ng lalaking to para pakiligin ako.

"Thankyou. And you'll be the only most handsome guy for me."

"Let's have babies, Celine. Let's create our own family. I promise to you, I will be the husband you ever dream of, at hindi ako papayag na may sumira ng pagsasama namin. Gusto kong makita ng mga magiging anak natin balang araw kung gaano kita piniprotektahan, at gusto kong gayahin nila ako. I will never let anyone harm you. Never."

Gusto kong maiyak sa mga narinig ko sa asawa ko.

Bakit ganito siya magsalita ?

Hindi ko pa nakikita na ganito kaseryoso si Shaun.

Yung tipong, gagawin niya ang lahat, para sakin.

Ganito ba talaga siya ka-commited sa mga binitawan niyang pangako sa parents ko ?

Para ipakita sa kanila na tutuparin niya ang lahat ng sinabi niya sa kanila ?

Muli akong yumakap sa kanya.

Wala na akong pakialam kung ano man ang dahilan niya.

Ang importante sakin, nandito siya, kasama ko.

Hindi niya ako iiwan.

At gusto niyang bumuo ng pamilya, kasama ako.

Masaya na ako doon.

As long as I have him.


And soon we will have our future little ones.

u

Continue Reading

You'll Also Like

10M 103K 56
Mark Dave Fuentabella is a man of every woman's dream, a certified badboy who doesn't believe in LOVE. Magbabago kaya ang paniniwala niya ngayong na...
66.3K 1.9K 37
In which she fell in love again with the same man who ditched her on their wedding six years ago.
6.6K 150 10
By Angelu Via (anrols) This story was published by Lifebooks. Rian had almost everything in life - a mansion, best education and a very loving family...
1K 102 43
Kung torpe nga naman ang pag uusapan siguro, Siya na 'yung pinakagwapong torpe. 'yun nga Lang, TORPE.