Chasing The Bad Girl

By hiamenaj18

4.5M 97.7K 6.6K

#TBR book 2 I am not cold. Actually I am just warming up. Wanting to show everyone that I'm no longer that b... More

Author's Note
Prologue
K1
K2
K3- The Badboy
K4
K5
K6
K7
K8
K9-LM
K10
K11
K12
K13
K14
K15
K16
K17
K18-LM
K19
K20
K22
A/N (2)
K23-Lucas
K24
K25
K26-LM
K27
K28
K29
K30
K31
A/N
K32
K33
K34
K35
Epilogue
SC-1
SC-2
SC-3
SC-4
SC-5
SC-6
SC-7
SC-8
SC-9
SC-10

K21

85.5K 2K 164
By hiamenaj18

It's raining. Obviously, umuulan nga dahil bukod sa nakikita kong umuulan ay two days ng suspended ang klase ng mga anak ko. Ako naman ay hindi pumasok ng trabaho. Nakapajama parin ako at nakahilata sa kama. It's already 10am at pakiramdam ko ay gabi na dahil sa dilim sa labas.

"Vaughny, bakit sabi ng classmate ko wag daw ako lalabas pag uulan, kasi dadami  ako, totoo ba yun?" I heard my daughter asked her brother, kanya-kanya kasi kami ng buhay dito sa kwarto ko, nagfefacebook ako, ang dalawa naman ay nasa ibaba ng kama at gumagawa ng domino.

"Mama! Totoo po ba yun?" Vaughny asked me. Malamang di niya alam isasagot sa kapatid kaya lifeline na naman ako.

Pumunta ako sa pwesto nila at dumapa ako sa kama para makaharap sila sa ibaba ng kama pero bago ako makapwesto sa kanila ay may nireject akong friend request.

Problema nun ni Fortalejo? Akala ko taga bundok tralala pa siya at himala na marunong siya magfacebook. At ako talaga iaadd niya? Kaya pala umuulan eh! Guguho na ata mundo dahil gumagawa siya ng normal na gawain ng tao.tss.

"Anak, sino nagsabi sayo na dadami ka?"

"Si Gian Nicholas po! " Chloe answered.

"Hindi mo naman classmate yun ah, classmate ko yun diba mama? Si Nicholas Sanreal po? Classmate ko po siya diba?" Vaughny said. Lumapit pa ito sa akin at hinawakan ako sa mukha para matuon ang atensyon ko sa kanya.

Sanreal? Anak ni Gio?!

"Paano niyo magiging classmate yun e mas matanda sa inyo yun?" I asked them.

"Nagchicheat in daw po siya." Chloe said. Cheat in?

"Anak baka sit-in.." I told her. Hinawakan ko ang dulo ng buhok nito at kumuha ako ng pink na sanrio para ibraids ito.

Pambihira! Uso na ba sa primary students and sit-in?

"Schoolmate niyo lang siya mga babies, hindi niyo siya classmate..pag schoolmate ibig sabihin same kayo ng school. " paliwanag ko sa kanila.

"Tapos na! Tapos na ko Clawee!" Sabay sigaw ni Vaughny at angat ng kamay.

Sabay naming sinilip ni Chloe ang ginawa ni Vaughny. Nakagawa nga siya ng isang linya gamit ang mga dominos.

"Let's take it down na Vaughny!!" Chloe shrieked excitingly. Pumalakpak pa ito at nagtatalon.

"Wait! Let's take a picture of that tapos ipost natin sa facebook." I suggested. I asked them to sit beside the domino para maisama sila sa picture, pagkatapos ay naggroufie kami.

"Ma'am, kukunin ko po muna sila Chloe para kumain." Their nanny said.

"Babies, eat daw muna. Susunod nalang si mama." I kissed them both.

Nang makalabas na sila ay pasalampak akong bumalik sa kama at iniscan ang mga pictures namin at pinost sa facebook. Saglit kong iniwan ang cellphone ko para tignan sa laptop kung mayroon akong mga emails. After checking, I went back to my bed only to be surprised with flooded notifications on facebook.

Ang daming nagcomment, si Didi ang pinakanauna dahil namimiss na daw niya ang kambal. Precy commented too, well, kung gaano ka demure sa personal ganoon din sa facebook, she simply commented, miss you babies tapos may heart sign.

Marami pang nagcomment, ilan sa mga naging classmates ko sa Harvard at ang iba ay mga kakilala ko lang. Maya-maya ay pakiramdam ko gugunaw na ang mundo.

Luigi Miguel Fortalejo liked a photo you posted.

Luigi Miguel Fortalejo commented on the photo you posted.

"What the?!" Napabusangot ako habang tinititigan ang notif ko, hind ko nga pala napalitan ng privacy ang pinost ko. Dapat pala ginawa ko, for friends only.

I love you babies and I miss you too baby.

Halos bitawan ko ang cellphone ko dahil sa nabasa kong comment nito. Seriously? Anong pinagkaiba ng babies sa baby? Binasa ko ulit ang comment nito pero lalo lang ata akong nahilo.

In the end. Dinelete ko ang comment niya.

Bwisit na Fortalejo na yun! Ano na naman bang palabas niya?  Lumelevel up na naman siya, pati ba naman sa social media!

"I love you babies and I miss you too baby?" Nagulat ako sa biglang pagpasok ni kuya sa loob ng kwarto ko.
I rolled my eyes. Ayan na, mang-aasar na naman yan. Minsan talaga kasumpa-sumpa maging mabuting kapatid ng isang ito.

"Nilike ko na yung post mo, pakideposit nalang sa account ko yung 10k." Sabi pa nito habang hawak nito ang tablet niya. Naupo na ito sa mini sofa ko.

"Anong deposit?" I asked.

"May bayad like ko." He just said. Hindi ko napigilang batuhin ito ng unan.

"Ang mahal ng like mo! Nakakapulubi! Wala ka na bang pambili ng gatas ng anak mo sa ibang babae kaya kahit like pinababayaran mo?"

"Aldea! Nasa baba lang si Bianca, mamaya marinig ka nun at sabihing totoo yang sinasabi mo. Why are you always accusing me of having a mistress? Isusumbong kita kay daddy." He said.

Pinaningkitan ko lang ito ng mga mata at bumalik na ako sa pagkakahiga.

"Bakit hindi ka pumasok ng opisina? Schools lang ang suspended ah." Sabi nito.

"Sinuspend ko rin ang office." I said.

"Funny." He sarcastically.

"Nga pala kuya, wala pa bang dumarating na letter?" I asked.

"Letter? Anong letter?"

"Letter..letter galing sa korte. Like petition for custody." I asked.

Magmula kasi nang huli naming sagutan ni Luigi ay araw-araw ko ng ineexpect na may darating na letter or documents galing sa korte or sa abogado ng lalaking yun patungkol sa mga bata. So far isang linggo na ang lumipas, pero wala parin akong natatanggap.

"Wala naman. Gusto mo ba? Ako na magfafile." Sabi pa nito.

"Bat di ka pa magbigti kuya?" I teased him.

"Sayang lahi ko. " sagot nito. Yabang talaga!

Our attention was caught by a knock.

"Ma'am Aldea, may delivery po." Nanay Pasing said. She's one of our good cooks in here na ititnuturing na naming pamilya.

"Sulat po?" Surprisingly sabay naming sabi ni kuya. I sighed and felt relieve when nanay shook her head.

"Bulaklak po." She said.

"Flowers? Again?" I asked. Nitong nagdaan kasi ay may nagpapadala sa akin ng mga bulaklak at kung anu-ano pa. Minsan ay pagkain every lunch time pero hindi naman sinasabi ng nagpapadala kung kanino galing. Dati naman ng may nagpapadala sa akin pero matagal na iyon dahil ipinagbawal ko nga.

Lumapit si nanay Pasing at iniabot ang isang basket ng waterlilies. Tumango ako para magpasalamat at lumabas na ito ng kwarto.

"Wow! Ang ganda mo kung maka-again ka ah. Araw-araw nakakatanggap?" Pang-aasar ni Ashton. I glared at him.

"Sabi ko nga eh, ang ganda mo." He said. Napansin kong papalapit ito sa akin kaya tinaasan ko ito ng kilay.

"Oh bakit?" I asked.

"Titignan ko kung kanino galing." He said.

"Wala itong pangalan for sure." I said. At tama nga ang hinala ko. Wala na namang pangalan. But there 's a letter though.

It's raining, don't go anywhere. Take care baby.

Then I heard kuya whistled. Bumalik na rin ito sa inuupuan niya.

"Kanino sa tingin mo galing?" He asked. I shrugged my shoulder. Giving him the answer that I don't have any idea.

"Baka kay Landon?" He asked.

"Imposible. Nasa Texas pa si Landon ngayon. Marami siyang inaasikaso sa Casino. Besides, problema din ng isang yun si Seige." I said.

Saglit kaming natahimik pareho.

"Hindi naman siguro si Luigi?" Hirit nito.

" God kuya! Talaga bang gusto mo ng gumuho ang sandaigdig? Asa namang magbigay yun ng bulaklak? Sa laki ng galit nun sa akin?" I said.

"I just thought. Hindi ka parin kasi niya napapadalhan ng letter na ineexpect mo, maybe he thought he just wanted to reconcile." Napasimangot na naman ako at kunot noong tinignan si kuya na mukhang naglalaro na sa tab.

"Hindi. I'm sure hindi siya yan. I tried tracing kung sino nagpapadala pero wala parin akong makuhang sagot, pero siguradong hindi si Luigi yan." I said.

"Baka pangit at matanda na matandang businessman na natotorpeng magpakilala sayo." He said.

"Kung ganun nga, tama lang na huwag na siyang magpakita pa." I said. Tumayo na ako sa kama. Tinalian ko ang buhok ko at pumasok ng banyo. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas. Nagpalit ako ng shorts at naglong sleeves dahil malamig. I tied my hair in a messy bun.

Papalabas na ako ng pinto ng banyo nang makita kong nag-uusap si Bianca at Kuya.

"Wala bang masakit sayo by? " kuya said. He's caressing Bianca's face and kissing her on her hair. Nakayakap naman sa baywang nito si Bianca.

"Wala po. Hinahanap lang kita, baka kasi inaasar mo na naman ang kapatid mo." Malambing na sabi ni Bianca. Niyakap siya ni kuya.

"Hindi ah! Ang bait ko kaya sa isang yun. " kuya said. Liar! Narinig kong tumawa si Bianca. Inangat ni kuya ang ulo nito para halikan sa labi. Kinikilabutan ako sa kasweetan ng dalawang ito.

Bago pa kung saan mapunta ang ginagawa ng mga ito ay tumikhim na ako at nagkunwari pang naubo.

" Sammy! Sorry, ito kasing kuya mo." Sabi ni Bianca.

"Akala ko naflush ka na sa banyo eh." Kuya said. Tatawa-tawa pa.

Lumakad ako papalapit dito.

"Alam mo kuya, minsan, nagtataka pa ako kung bakit nakakahinga ka pa ngayon. Dapat noon palang tinapos na kita eh." I bluntly said. Napangiwi naman ito. Natawa naman si Bianca.

"Ang harsh mo. Naiinggit ka lang kasi wala ka pang asawa. Ang sweet at ang bait ko kasing asawa eh. Di gaya mo, single forever. Magiging matandang dalaga ka. Kaya ako sayo, patulan mo na yung secret admirer mong matabang, matandang businessman. "

Pakiramdam ko uusok ata ang ilong ko sa sinabi ni kuya. Argh! Aping-api talaga ako sa isang ito pag usapang lovelife!

I gave him a daggering look. Bago pa ako makaganti sa kanya ay inaya na nitong lumabas si Bianca.

Bwisit! Hindi ako nakabawi ah! Makikita ng isang yun.

-----------------------------------

A/N

Pambawi :) Light mode muna tayo. Haha.

Please vote and comment! :) Happy Reading!

Clarification: Hindi po nagmakaawa ng kusa si Sam nung K20. As you can see, kung maalala ko pa, she mentioned "kung kailangan dramahan gagawin niya" which means umaarte lang siya na nakikiusap. The last words she said when "Okay lang photocopy lang naman iyan eh" means, it wasn't her intention to deal with Luigi in a serious way. Supposedly kasi sa POV pa ni Luigi ko sasabihin kung anong naramdaman niya noong hinawakan siya ni Sam which I will now tell you since gusto niyo ng malaman, he felt Sam was playing around and was just acting. Kaya nga siya nakitaan ni Sam ng pain and sadness. He thought that Sam was serious on kneeling for him but it turned out na hindi kaya niya tinanggal ang kamay ni Sam sa braso niya at nagwalk out.

OK NA po? :)

Continue Reading

You'll Also Like

24.5M 250K 99
UNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks.
2.9K 349 72
A story in which Gayle Johanna met again her rival, after six years. What will happen? Are they going to have another comeback, or another series of...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

84.2K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
1M 28.5K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...