The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 19

62.8K 2.2K 587
By risingservant

Ayaw na ayaw kong nakakakita ng multo. Pero infairness sa kaniya, ang gwapo ni Kuyang multo kanina kahit pugot yung ulo niya. Imbes na putulin ang kaniyang kaligayahan, ulo talaga ang pinugot sa kaniya.


Sayang si Kuya, kung ganun kagwapo ang manliligaw sa akin, aba! Sasagutin ko kaagad. Hindi na ako magpapakipot pa. Sayang nga lang at wala na siya.


Sa totoo niyan, hindi naman siya nakakatakot. Parang tinutuya niya lang ako para matakot ako sa kaniya. Sana malaman ko ang pangalan niya para maipagdasal ko ang kaniyang kaluluwa.


"Hoy babae! Bakit ka ba gumawa ng eskandalo sa burol ni Sir Brenan? Nakakahiya!" Patutsada ni Divine nang makarating kami sa parking lot.


May dalang sasakyan si Thirdy. Mayaman sila, hindi lang halata kasi hindi naman mahilig iyon sa mga materyal na bagay.


"Huwag kang high blood Divine." Dugtong ni Jerwel habang nakapamulsa at nakasandal sa kotse ni Thirdy.


"Hindi ako high blood. Para namang hindi kayo sanay sa akin. Ganito talaga ako. Okay?" Turan nito.


"Patawarin niyo ako guys. May multo kasing nagpakita sa akin kanina kaya nataranta ako. By the way, nais kong humingi ng dispensa sa pamilya ni Sir Brenan dahil sa panggagambala ko." Pahayag ko.


"So ibig mong sabihin ay papasok tayong muli sa loob?" Ani ni Thirdy.


"Oo." Sagot ko.


Alam kong pati sila nahihiyang bumalik dahil sa eskandalong nagawa ko. Pero kung hindi nila kaya, ako na lang. Tutal, ako naman ang may kasalanan.


"Kung hindi niyo kaya guys, ako na lang ang babalik." Sambit ko.


"Naging magkakaibigan pa tayo kung mag-iigawan lang din naman." Pahayag ni Divine sabay sakbit ng kaniyang bag sa balikat niya.


"That's what friends are for!" Singit ni Thirdy.


"Walang iwanan, hanggang sa dulo ng walang hanggan." Pambubuska ni Jerwel.


"Oh tama na iyan. Baka magkaiyakan pa tayo rito haha!" Biro ko.


Pabalik na sana kami sa loob ng simbahan nang mapansin ni Thirdy na may nagliliwanag sa loob ng bag ko.


"Sandali Morixette!" Sigaw niya kaya napahinto kaming lahat sa paglalakad.


"May nagliliwanag sa loob ng bag mo! Hindi kaya may mensahe na naman sayo ang libro?" Dugtong pa niya.


"Hala oo nga! Malay natin baka ang susunod na biktima ang isisiwalat niya." Pahayag naman ni Jerwel na wari mo'y nag-iisip.


Hindi na ako nagdalawang-isip pa at inilabas ko kaagad yung libro. Nagulat kami sa mensaheng ipinarating nito.


"Ang taong mapagkunwari, magulo ang pakiwari. Buhay ay tataningan, ihahanda ang hukbong sandatahan."


"Guys, dinudugo ako. Masyadong malalim. Tissue please!" Biro ni Divine.


"Ano iyan? Taong hindi kayang magpakatotoo?" Turan ni Jerwel.


"Isa siguro iyang manloloko. Dapat lang sa kaniyang mamatay." Giit ni Thirdy.


"Huwag kang ganiyan! Baka nagsisisi na iyan sa mga nagawa niyang kasalanan." Paliwanag ko.


Sa gitna ng aming pagpapahayag ng aming kuro-kuro, biglang nagliwanag muli ang aklat at ito'y lumipat sa ibang pahina.


Mga tao'y niloloko,

Sa pagsasabi ng hindi totoo.

Masyadong abusado,

Kilos ng bawat isa'y sa kaniya'y gisado.


Hakbang dito,

Hakbang doon.

Sa kaniyang pagparito,

Gamit niya'y nakasuson.


Humayo't magpakarami,

Mag-anak ay dumadami.

Dahil sa maling katuruan,

Maraming naliligaw ng daan.


Akala mo'y malinis,

Iyon pala'y sadyang nagmamalinis.

Tuktok na makinis,

Nahapyawan ng buno't walis.


Huwag susubo,

Kung hindi kayang lunukin ng buo.

Maghinay-hinay lang,

Baka pulutin ka sa parang.


"Seriously guys? Naiisip niyo ba ang naiisip ko? Haha!" Bungad ni Divine humahalakhak sa pagtawa.


"Hoy Dibina! Kababae mong tao huwag kang ano! Haha!" Biro ni Jerwel.


"Grabe, hindi ko kinaya ang pag-iisip mo Divine. Iyon talaga unang pumasok sa isip mo 'no? Haha!" Panunuya ko.


"Ayokong isipin ang mga iniisip niyo. Ayokong magkasala." Giit ni Thirdy.


"Ehen, huwag ka nang magmalinis tsong! Haha!" Pambubuska ni Jerwel sabay tapik sa braso ni Thirdy.


"Hay, ewan ko sa inyo haha!"


"Pilit talagang ginugulo ng ABaKaDa yung mga utak natin. Tuyo na nga utak ko sa kakaisip." Pahayag ko sabay silid ng libro sa loob ng aking bag.


"Asus, may utak ka pa pala sa lagay na iyan? Haha!" Pang-aalaska ni Jerwel.


"Huwag ka nga! Malamang may utak ako 'no!" Giit ko.


"Naku, kapag dumaan siguro yung zombie, lalagpasan ka lang. Haha!" Dugtong naman ni Thirdy.


"Bakit naman nila ako lalagpasan? Wala ba akong ka-poist-poist?" Ani ko.


"Hindi sa ganun. Wala ka kasing utak! Haha!" Turan ni Thirdy.


"Wala silang mapapala sayo haha! Congratulations!" Pambubuska nung dalawang bugok at nag-apir pa.


"Divine! Ipagtanggol mo naman ako!" Pagpapaawa ko.


"Labas ako diyan. Kaya mo na iyan. Haha!" Anito habang paimpit pang tumatawa.


"Hay naku, imbes na iyan ang pag-usapan natin, ang misteryo muna sa ABaKaDa ang ating lutasin." Giit ko sabay irap sa kanilang tatlo.


"Opo, madam!" Pagsang-ayon nilang tatlo.


Sino nga kaya ang sunod na mabibiktima nito? Sana naman, magtagumpay kami para iligtas siya.


"Tara na sa loob ng simbahan. Baka abutan pa tayo ng ulan dito sa labas. Makulimlim na oh." Turan ni Thirdy.


Kung natalo kami sa una, kailangan naming bumangon at bumawi ngayon. Kaya namin ito!

Continue Reading

You'll Also Like

WISH GRANTED By ♪

Mystery / Thriller

30.5K 2.2K 105
Enigma I ❝ they say that not all wishes come true... they are wrong. because with only some clicks, your desires will be granted with this app. but o...
14K 421 19
Book 3 | IKWKM Trilogy "Sa larong ito, buhay mo at ng iyong asawa't mga anak ang nakataya. Kailangan mong malagpasan ang isang linggong pagsubok na s...
Pagsamo By Señorita M

Historical Fiction

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
383K 1.7K 1
Ang University na ito ang namamahala upang tulungan ang napiling humanimal na protektahan ang mundo laban sa gustong sumakop nito. Humanimal, half hu...