Chasing The Bad Girl

By hiamenaj18

4.5M 97.7K 6.6K

#TBR book 2 I am not cold. Actually I am just warming up. Wanting to show everyone that I'm no longer that b... More

Author's Note
Prologue
K1
K2
K3- The Badboy
K4
K5
K6
K7
K8
K9-LM
K10
K11
K12
K13
K14
K15
K16
K17
K18-LM
K19
K21
K22
A/N (2)
K23-Lucas
K24
K25
K26-LM
K27
K28
K29
K30
K31
A/N
K32
K33
K34
K35
Epilogue
SC-1
SC-2
SC-3
SC-4
SC-5
SC-6
SC-7
SC-8
SC-9
SC-10

K20

95.5K 2K 161
By hiamenaj18

Tahimik ang naging byahe namin pauwi. Si Lucas ang tahimik na nagdadrive, katabi nito ang secretary kong taksil. Ako naman ay nasa likod kasama ang mga bata. Si Chloe ay nakatulog na sa kandungan ko, habang si Vaughny ay nagdodrawing.

Tignan mo nga naman ang trip ng anak ko oh, ang tiyaga magdrawing kahit hindi niya maitapat sa papel ang hawak niyang lapis at crayola dahil nga gumagalaw ang sasakyan! Duda na akong sa akin nagmana yan!

I can't help but frown.

Naalala ko na naman kung paano kami nagkausap ni Luigi kanina. Minsan napapagod na rin ako. Yun bang lagi kang maghahanda ng punchline para lang barahin siya. Ang sakit kaya sa bangs kahit wala akong bangs!

Ang sarap ding tuktukan minsan sa kakapalan ng mukha. He even had the guts to threaten me about my children's custody. Aaminin ko medyo nabother ako sa sinabi niya, knowing that jerk, gagawa at gagawa ng paraan iyon.

Ano ba kasing ginawa ko sa kanya at muhing-muhi siya sa akin? Baka naagawan ko kasi ng lollipop noon di ko lang maalala. And again, I frown.

"Hey. Gusto mo plantsahin ko na yang mukha mo?Lukut na lukot na eh. Stop frowning" Nagulat ako nang mukha na ni Lucas ang nasa harapan ko.

"Ha?" I asked habang nililinga ko ang paligid. Nakahinto na pala ang sasakyan. Wala narin ang mga bata sa tabi ko.

"Kanina pa ba tayo nandito?" I asked.

"Mga isa't kalahating oras na." He answered. Inalalayan ako nitong makalabas ng sasakyan.

"Weh?!" Sagot ko. Chura nito! One and half an hour?

"Magtatanong ka tapos di ka maniniwala? Para sa ikatatahimik mo, 10 minutes palang naman." He said. Napakagentleman talaga sumagot nitong ungas na ito. Kanina lang kung makasilent treatment kala mo guguho na mundo, tapos ngayon makaasar wagas.

"Hindi ka papasok sa loob? Uuwi ka ba sa condo mo or kayla Ate Ada?" Tanong ko. Nakasandal lang kasi ito sa sasakyan.

"I'm going somewhere else." He simply said. Tatango sana ako nang bigla kong maisip kung saan siya posibleng pupunta.

"Pupunta ka doon? It's unhelathy for you. Dumito ka nalang kaya muna--"

He cut me off.

"Tell me what you were thinking."he said.

"Alin? I mean ang dami kong iniisip alin doon?" I asked.

"What you were thinking while frowning. Is it about Luigi?" He asked.

I rolled my eyes.

"We are seriously not gonna talk about him. Alam mo, bahala ka na kung gusto mong pumunta sa dati niyong bahay pero ako may ibibigti pa akong secretary. "I said. As much as I wanted to talk to him, I chose not to. I turn my back only to be stopped by what he said next.

"You know..seeing like that reminds me of myself. Just imagine how he felt earlier. He's not recognized by his children--"

"Saan pupunta ang usapan na to? I'm tired of this. Same topic na kailangan ko pa bang idiscuss kay dad, sa secretary ko at ngayon naman sayo? Si kuya nalang ba ang nakakaramdam sa akin dito?" I said.

Dad once initiated me to stop making things difficult between me and Luigi. Noong binibili ko ang Brgy. Tomasino, ay nasermunan na niya ako lalo na't nalaman nito na dahil sa Fortalejo na iyon kaya ko binibili ang lupa. He's not agreeing with my actions, though I have kuya Ashton by my side. Ayaw lang daw nito na magaya ang mga anak ko sa akin na nalayo sa ama noon.

I get his point, but they're not on my shoes to know my feelings. At ang hindi ko parin kasi maintindihan ay kung ano ang ibig nilang sabihin sa "stop making things difficult between me and Luigi" dahil honestly, ano ba ang nasa pagitan namin? I really don't get it.

I sighed and look away. I once again saw pain on Lucas's eyes. I knew it, hes relating his situation to Luigi when in fact, magkaibang-magkaiba sila. Hindi ko napigilang lumapit sa kanya at gagapin ang kamay nito.

"Lucas, magkaiba kayo ni Luigi...you are never gonna be like him." I convinced him.

"I was just wondering, he could be a better father compared to me." He said and I felt my heart sunk.  Hindi ko siya kayang makitang ganito.

Where is Lucas..my old Lucas? I thought.

Napapikit ako nang halikan ako nito sa noo. I felt the cold air rushed into my skin when he left.

How I wish I could fix him..pero hindi, hindi ko rin kaya. Paano ko gagawin kung sarili ko nga ay hindi ko maayos.

*****

"Ah eh..ma-ma'am si-sigurado ka po ba na a-ako po ga-gawa nito?" My secretary asked. I glared at him. Napalunok ito.

"Ano sa tingin mo, prank ito? Pagkatapos mong magtaksil? Tapusin mong ifile lahat yan." I said.

"Ma-am, wa-wala po ba dito yung mga nakaassign dito?" He asked.

Tinaasan ko ito ng kilay at pinameywangan. Napatingin ako sa pinto ng filling room, at namataan ko ang empleyadang sumisilip sa pinto. I glared at them and then they left.

"Pinagleave ko silang lahat. " I said.

"Lahat? Ma-ma'am naman! Sampu nga p-po sila dito, hindi n-nila matapos ng isang araw a-ako pa po kaya?" reklamo nito habang kakamot-kamot sa batok.

"Ah so nagrereklamo ka? Odi sige, ako gagawa niyan, tapos ikaw na boss, tutal mas marunong ka naman na ata kesa sa akin. Basta ba sisiguruhin mo na matapos ang araw na ito ay nasa Aparri ka na at huwag ng magpapakita sa akin." I threatened him.

"Sa-sabi ko nga po gagawin ko na eh. Kayang-kaya ko po ito. Ako pa ba?" He said while starting to pile up the documents.

Tatalikod na sana ako para bumalik sa opisina ko nang marinig ko ang pagmamaktol nito.

"Ano ba naman kasi itong pinasok ko, damn! Matatapos ko ba ito? Sana pala di nalang ako nagresign kay Lui--"

"May sinasabi ka?" I asked.

"Po? Wala po..wala..ano, kako, a-ano..tingin ko-ko po, kaya ko talaga i-ito. Excercise din p-po ito." He said but I can feel his sarcasm.

Iniwan ko na ito at dumire-diretso ng table ko. Sinuot ko ang eyeglasses ko at nagsimulang magtipa sa harap ng laptop. Saka ko tinignan ang mga schedules ko, I'll be needing to check one of D&C's newest warehouse sa Laguna which means magiging abala ako sa araw na iyon at hindi ko makakasama ang mga anak ko ng isang araw.

I sighed.

"Ma'am?" I heard my girl secretary's voice. Sinuspinde ko kasi si Stutter at ayun nga nasa filling room para ifile lahat ng documents ng kompanya.

"Ma'am?" Ulit nito. Hindi ako sumagot. Hinihintay ko kasi ang susunod na sasabihin nito.

"Ma--"

"Oo na, naririnig kita." I said. I look at her through my eyeglasses.

"Ay, sorry po. Si Atty. Ygo po kasi nariyan. Gusto daw po kayong makausap. Papapasukin ko po ba?" Tanong nito.

"Yes please. " I asnwered while reading some documents.

"Ngayon na po?" She asked. Tinapunan ko muli ito ng tingin.

" Hindi, next month. Nandiyan na diba? Sinabi ko papasukin mo na. Oh kailan mo pa balak papasukin? Busy ka ba ngayon? Inform mo naman ako kung ayaw mo magpapasok. Gusto mo ikaw na rito sa upuan ko, ikaw na boss. Karol naman!" I said sarcastically.

"Karla po ma'am." She said habang kagat nito ang daliri.

"Tapos ako na naman mali dahil sa pangalan mo? Papalitan mo yang pangalan mo gawin mong Karol, dahil yun ang kaya kong maalala." I said.

" Pwede po ba yun?" Nahihiyang tanong nito. I palmed my face.

"Sige na Vivian, papasukin mo na si attorney." I said.

"Ma'am akala ko po ba Karol?" She asked.

"Ano ba talagang pangalan mo?" I asked.

"Karla po." She asnwered.

"Karla pala eh, saan galing yung Karol?" I asked. Pambihira naman! Ano ba nangyayari dito?

Nahinto kami sa pagtatalo ng tungkol sa pangalan niya nang may tumikhim sa likuran nito.

"I guess that will be enough.Matatagalan kayo niyan kapag pangalan ang pag-uusapan. I can manage from here Karla, thank you." Ygo said.

"Sige po ma'am, lalabas na po ako." My girl secretary said.

"Hindi, baka gusto mo dito muna at makipagkwentuhan sa akin?" I sarcastically said. Napangwi nalang ito at lumabas na.

"You are seriously freaking out your employees Aldea." Ygo said. Umupo na ito sa harap ng table ko habang inaunbuttoned ang suit.

"And you are freaking me out as well, ano itong naririnig kong dinedate mo si Preciousa? Sinasabi ko sayo, hurt her at meron kang kalalagyan sa akin."

Natawa ito. Napasimangot ako.

"I won't hurt her. Baka ako pa nga ang masaktan. Anyway, I am sorry for not informing you about my intention to your bestfriend  pero I am not here to tell you the details about it. I have something important to tell."

Bigla akong napahinto dahil sa seryosong tinig nito. Behold, mukhang hindi maganda ang ibabalita ng abogado na ito.

"Bad news?" I asked.

"Yes." He said. Napakuyom ako ng palad. Isa lang ang pwede niyang ibalita, ang tungkol sa lupa.

"Spill it." I said. Pilit kong pinapatatag ang sarili ko kahit pa kinakabahan na talaga ako.

"We lost it. Hindi ko alam kung paano pero ibinasura ng korte ang appeal natin about the land. "He said.

Napahigpit ang hawak ko sa ballpen.

"I thought it was already fixed? Akala ko mapapasaatin na ng tuluyan? Paanong?"

"Noon palang naramdaman ko ng may mali. Connections Aldea. Iyon ang sa ngayon ay wala ka pa. Luigi has a lot of defenses and connections at hindi na rin ako magugulat na pati sa korte ay magawa niya iyon for I don't know how." He said.

Napapikit ako at napahilot ng sentido. Napasandal ako sa swivel chair at tinatap ang hawak kong ballpen.

"And you know I can make it easier. "

Luigi. What a dirty player. Ito ba ang sinasabi niyang kaya niyang padaliin ang lahat? And worst, posible niya rin itong gawin para makuha ang mga anak ko.

"What's your plan?" Ygo asked. I then open my eyes.

******

I am silently singing while waiting inside the conferrence room. Kanina ko pa pinapaikot-ikot ang ballpen na hawak ko habang nasa ibabaw ng tatlong papel ang isa kong kamay.

"Nandito na po siya ma'am." My girl secretary said. Napatango nalang ako at tumingin sa kawalan.

"I thought I can never get an invitation from you. Knowing how you loath me so much." He said.

I gasp.

"You proved me well enough Mr. Fortalejo, ngayon alam ko na kung anong kaya mong gawin para mapadali ang gusto mo. " I said. He smirked.

Umupo na ito sa harap ko. Malayo ang distansya namin. He's fixing his cuffs and unbuttoning his lower suit.

"What's with this private meeting?" He asked.

I took a glance at him before I started signing the papers infront of me. Pagkatapos ay binitawan ko na sa ibabaw ng table ang ballpen. Iniabot ko sa secretary ko ang tatlong papel para iabot sa kanya, pagkatapos ay sinensyasan ko ang secretary ko para lumabas na.

Tinignan kong mabuti ang magiging reaction niya sa tatlong papel na hawak niya. 2 of those are papers regarding the transfer of the land on his name. I'm giving him the freedom to take the land. Kitang-kita ko naman kung paanong halos lukutin nito ang ikatlong papel na hawak niya. Tiim ang bagang nito at mahigpit abg hawak dito.

"As you can see. Mukhang gustung-gusto mo yung lupa, hindi naman ako maramot, I'm giving it to you. " 

He gave me a half smile. An evil half smile.

"Kapalit ng ano? Ng pagkawala ko sa landas ng mga anak ko?" He asked.

And yes, the third paper is about asking for the full custody of the children. It was like a contract restraining him from getting closer to my children. Unfair man kung matatawag, but I only want to protect my children. Mukha mang gusto sila ni Luigi, pero hindi ko parin naman alam kung ano ang totoong intensyon nito. Malay ko ba kung gusto lang nitong gamitin ang mga anak ko para pasakitan na naman ako.

I have learned well enough from my past.

"It's just fair enough Luigi. You get the land, and I'll have my children--"

"Nasa iyo naman na talaga sila, why do I need to choose between the land and my children? Anak ko rin sila. You did not give me a chance to be their father, and now what...you are asking me to reconcile with this matter? By choosing the land over my children?"

I sighed. Hindi ko inakalang mahihirapan pa pala ako dito.

"Nakuha mo naman na ang gusto mo. Ayan na ang lupang inaagaw mo.  sayung-sayo na. Ngayon..iyan lang ang hinihiling kong kundisyon--"

Natigil ako dahil sa sunod na ginawa nito. He tore down the papers into pieces. Napasinghap ako nang makita ang nag-aalab na tingin na pinupukol nito.

"Do you really think na mas pipiliin ko ang lupa kaysa sa mga bata? Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin?"

Oo dahil gago ka! Gusto ko sanang ipagsigawan sa kanya kaya lang ay ayokong gumawa ng gulo lalo na't nasa loob lang kami ng kompanya.

"I won't buy the land then, kung ang mga bata ang kapalit. I am not gonna change my mind, I'll file petition for their custody on court. Siguro naman alam mo na ngayon kung anong kaya kong gawin para maipanalo ang kaso."

He said. He was about to turn his back when I held his arm.

"Luigi..." I said while trying to calm myself. Tinignan nito ang kamay kong nakahawak sa kanya. His lips are partly open.

"Ano pa bang gusto mong gawin ko? Gusto mo bang lumuhod pa ako?"

Para lang hindi tigilan na niya kami ng mga anak ko, ayoko kasing maging official nilang kapatid ang anak ng bruhang si Laureen. I thought. Kung kailangang dramahan ang isang ito, gagawin ko.

I don't know if I was just dreaming but I saw pain and sadness in his eyes na napalitan din ng pagiging cold. Napasinghap ako nang hawakan nito ang kamay kong nakahawak sa kanya para alisin sa braso niya saka ako nito muling tinapunan ng tingin at umalis.

I squint my eyes just to follow his back turning away. Muli kong tinignan ang mga nagkapira-pirasong papel sa sahig.

"Okay lang, photocopy lang naman yan eh. " bulong ko sa sarili bago muling mapaupo sa swivel chair.


-----------------------------------

A/N

Kaunti lang ang mairereveal ko tungkol kay Lucas dito :) Pero magkakaidea parin naman kayo. As for now, hanggang sa ending, ano man po ang malaman niyo tungkol sa kanya, makuntento nalang po tayo at maghintay sa "Devoted To You"

Thank you for waiting for updates at sa lahat din ng nagfollow at nag-add sa fb at sa mga masisipag magcomment. ;)

Continue Reading

You'll Also Like

6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
Mío By Yiling Laozu

General Fiction

84.1K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
199K 7.8K 53
"You will always be mine and I will always be yours."
192K 4.2K 31
"do you love me because of who I am, or because I remind you of her?"