"Remember Me" (FIN)

נכתב על ידי xuehua_8

127K 1.6K 91

FORMERLY KNOWN AS "MY BABY?!" עוד

Remember Me
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6 (EDITED)
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Special Chapter #1 (JOSH + DASH)
Chapter 17
Chapter 18
Special Chapter #2 (PatMine)
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
EPILOGUE
BYE BYE?

Chapter 31

1.1K 15 0
נכתב על ידי xuehua_8

"RUMORS"

A/n: baby cousin is leaving :( Mamimiss ko ang bulinggit na yun. Hays















KEILA's POV

Back to work na naman kami. Hays.







*tok tok

"Keila, pinapatawag ka daw ng ate mo.", sabi sa akin ni Jonah.







"Sige, salamat.", matapos kong ayusin ang ilanv trabaho ko ay agad na akong lumabas ng opisina ko para puntahan si ate. Habang naghihintay ako sa may elevator ay nakarinig ako ng ilang pagbubulungan ng ilang empleyado habang nakatingin sa akin.







'May boyfriend na siya diba at may anak na? Eh bakit may iba siyang fiancé?'



'Oo nga no. Alam kaya ng boyfriend niya iyon?'



'I doubt, kawawa naman iyon, di niya alam na niloloko lang siya.'







Nagpantig ang mga tainga ko sa narinig ko. Nilingon ko sila pero umiwas sila ng tingin sa akin at umastang parang walang nangyari. Shet, saan nila narinig ang mga iyon?







Nang marating ko na ang floor ng opisina ni ate, kakatok na sana ako pero nakarinig ako ng malakas na lagabog sa loob na parang galit na galit si ate. Hampas sa lamesa iyon eh. Nakiramdam muna ako kung papasok na ba ako o maghihintay muna ako.







"You dare ruin my sister's life with the cooperation of your damned father?!"







"Miss Garza, I swear I have nothing to do with my father. I didn't even know that he was gonna come!"







"Leche, Zeke! Alam mo ba ang nangyayari ngayon sa loob ng kumpaniya?! Narinig mo ba ang usap-usapan ngayon?!"







"Alam ko, pero---"







"Shut up! Get out! Kapag nasaktan ang kapatid ko, malilintikan ka sakin, pati na ang ama mo! LAYAS!"







Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto at bumulaga sa harap ko ang gulat na mukha ni Zeke. Agad na napalitan ito ng ekspresyon na parang nagsosorry siya sa akin. Pero nanatili akong neutral na nakatingin sa kaniya. Tumango ako sa kaniya pero hindi ko siya kinausap. Kumatok muna ko sa pinto bago ako tuluyang pumasok. Hawak-hawak ni ate ang sintido niya. Mukha syang stressed-out.







"Ate..", napaangat naman ang tingin nya nang marinig niya ang boses ko. Biglang nanlambot ang ekspresyon ng mukha niya.







"Keila, pasok ka.", tumayo naman siya at umupo sa may mini-sala niya dito sa opisina. "You must've heard me shouting kanina.", tumango lang ako. Not really knowing what to say. "May mga...narinig ka ba?", tumango ulit ako. Bumuntong-hininga siya. "Pasensya ka na Keila. Wala akong nagawa para pigilan ang mga chismis na iyon. Narinig ko lang din iyon kaninang umaga."







"Pero ate, alam mo ba kung paano nagsimula ang chismis na iyon?"







"I'm not really sure pero ang dinig ko ay parang nasa isang website ng kumpaniya ng Gutierrez na maaaring may maganap na merging with our company through marriage. Although hindi namention ang pangalan, pero nakapost ang blurry pictures niyo ni Zeke. Sa talas ng mga mata ng mga tao dito, mukhang namukhaan na ikaw at si Zeke iyon."







Wow! Ito ba ang sinasabi ng tatay ni Zeke? Is this part of his first trial sa akin? Biglang pumasok si Kean sa isip ko.







"Ate, naka-public ba ang post na iyon?", tumango siya. "Shoot, baka nakita na ni Kean."







"Don't worry, nakausap ko siya about doon kanina bago dumating si Zeke. Ako ang tumawag sa kaniya at nilinaw ko ang sitwasyon."







"Salamat ate."







"Sige na, go back to your office. Huwag kang magalala, huwag mo ng isipin iyon. Poprotektahan ka namin ng kuya mo. Okay?", tumango ako at nagpasalamat saka lumabas ng opisina niya. Marahan akong napapikit at huminga ng malalim. Nakakaimbyerna talaga ang tatay ni Zeke. Ugh!







Nakita kong nakatingin ang secretary ni ate sa akin pero agad itong nag-iwas ng tingin nang mapansing nakatingin ako sa kaniya. Pati ang ilang empleyado na nadadaanan ko ay napapatingin sa akin. Hay, bahala sila sa buhay nila. Hanggang chismis lang naman ang alam nila. Tss.







Pagkarating ko ng floor ng opisina ko ay sinalubong ako ng ilang close workmates ko dito.







"Uy beh, ano 'tong naririnig namin na may fiancé ka daw?"







"Oo nga, paano na si boyfie mo?"







"Alam na ba niya?", kaloka naman tong mga 'to. Kailangan sunud-sunod ang tanong nila?







"Nako, huwag niyong pansinin iyon dahil hindi totoo iyon. May di-pagkakaunawaan kasi sa pagitan namin ng tatay ni Zeke. He's using this method to give me a hard time."







"Grabe naman. Nako girl, basta if you want kausap or gusto mo eh resbakin na natin ang tatay niya eh nandito lang kami. Okay?", natawa nalang ako. 'nako, baka mas matinding resbak ang gawin sa inyo nun.', nasabi ko nalang sa isip ko.







"Salamat.", matapos no'n ay nagsitungo na sila sa kani-kanilang trabaho.







Pagkapasok ko ay napatalon ako sa gulat nang may biglang yumakap sa akin. Magtataka pa sana ako kung sino iyon pero amoy palang niya, kilala ko na.







"Are you okay?", the first thing he asked me. Humarap ako sa kaniya. Puno ng pagaalala ang mga mata niya. Ngumiti ako sa kaniya at hinaplos ang pisngi niya.







"Matibay ata girlfriend mo. Hehe, okay lang ako.", napabuntong-hininga siya at saka ako hinila papaupo sa may mini-couch ko dito.







"Pasensya ka na. Kamag-anak ko pa ang gumagawa nito sa iyo."







"You have nothing to be sorry about. Besides, di ko hahayaan na maapektuhan ang relasyon natin, ang pamilya natin. Sa totoo lang, kahit nakakainis ang tito mo eh natatawa ako kasi ang childish niya. Talagang ginawa nya iyon para lang gumawa ng chismis? Psh, very childish.", natawa naman si Kean sa inasta ko at isinukbit niya sa likod ng tainga ko ang ilang hibla ng buhok ko.







"You're strong, baby. Pero nandito lang ako lagi para sa iyo. Kahit na hindi ka nahihirapan sa sitwasyon mo, I still want you to lean on me.", napangiti naman ako. Shemay, kinikilig ako sa kaniya.







"Thank you baby."







"Alright, para ma-relax ang isip mo, lalabas tayong tatlo mamaya ni Luke. Sounds good?", tumango ako na parang eksayted na bata. "Great, it's settled. I'll pick you up later. Sige na aalis na ako. May mga kailangan pa 'kong tapusin sa kumpaniya sa kabila. Love you."







"Love you too.", pagkatapos no'n ay hinalikan niya ako sa labi for about 10 seconds at saka ko siya inihatid dito lang sa may pintuan ng opisina ko. Nang makasakay na siya ng elevator ay humarap siya sa gawi ko at kumaway. Nagkawayan lang kami hanggang sa magsara na ang pintuan ng elevator. Isinara ko na din ang pintuan ng opisina ko at nagsimula ng magtrabaho ulit. Feeling ko napagod na agad ang utak ko dahil sa mga nangyayari.













KEAN'S POV

Kalmado ako sa labas, pero nagiinit ng husto ang dugo ko. Nagtatype lang ako ng ilang report na kailangan ko ipareview kay kuya Angelo kasi magpapasahan na kami ng mga files sa main branch pero kawawang keyboard kasi napapaglabasan ko siya ng inis ko.







"Hinay hinay naman. Baka masira ang keyboard.", napalingon naman ako sa nagsalita. Si kuya Angelo pala. "I was knocking but you seemed to be occupied."







"Sorry sir Garza."







"Pfftt, kuya Angelo nalang. Tutal tayong dalawa lang ang nandito."







"Ah osige kuya."







"I heard of what's going on. Sa totoo lang eh nagiinit din ang dugo ko sa narinig ko. Mas lalo pang nag-init nang makita ko ang post sa website ng kumpaniya ng Gutierrez. Pero walang magagawa ang galit natin. Ang kailangan nating gawin ay protektahan ang kapatid ko. Hindi natin kailangang mag-spread ng masamang chismis laban sa kumpaniya na iyon, unless that's the last thing to do. Pero kailangan ay makumpronta si mr. Gutierrez."







"Believe me, kuya Angelo. It won't be easy. Uncle George is not an easy person to persuade."







"Alam ko. Pero hindi ako natatakot sa kaniya. Dahil determinado akong protektahan ang mga kapatid ko.", tama si kuya. Hindi ako dapat matakot at panghinaan ng loob at unahan ng galit. Kailangan kong unahin ang sitwasyon at nararamdaman ni Keila.







"I'll do whatever I can, kuya."







"That's the spirit. Gagawa tayo ng plano next time. For now, mag-brainstorm tayong dalawa ng mga dapat gawin."







"Sige kuya. I'll let you know as soon as possible."







"Awesome. Sige mag-rarounds muna ko ha.", tumango ako at saka siya lumabas ng opisina ko. Poprotektahan ko ang mag-ina ko, kahit labanan ko pa ang sarili kong mga kadugo.







---







"Luke, eat slowly, walang humahabol sa iyo.", suway ni Keila sa anak namin. Kasi panay ba naman ang subo ni Luke na parang hindi na nginunguya ang kinakain niya.







"But mommy, I wanna go play in the playground."







"Yes I know, but first, eat properly then you can play."







"Fine.", natawa nalang ako. Nakikita ko ang younger version ko kay Luke.







"Bakit ka naman nakangiti diyan?", nahuli pala ako ni Keila. Kahiya -///-







"Oh nothing, he reminds me of myself when I was younger. Nagmamadaling kumain para lang makapaglaro sa playground."







"Wow, namamana rin pala iyon?", tapos napatawa nalang kaming dalawa. Matapos naming kumain ay pumwesto kami sa may malapit sa playground para nababantayan namin si Luke.







Tahimik lang kaming dalawa. Tiningnan ko siya. Kahit na nakatingin siya sa direksyon ni Luke pero nakikita ko sa mga mata niya na may iniisip siya. Hinawakan ko ang kamay niya. Tumingin siya sa akin ng may pagtataka.







"Bakit?"







"Don't think about it.", napatungo naman siya. "Alam kong parang binablackmail ka ng tatay ni Zeke.", napaangat ang tingin niya sa akin na parang tinatanong niya ako kung paano ko nalaman iyon. Oh, so binablackmail nga siya? Taena.. "well, si tito George pa. Diyan naman siya magaling eh. Pero huwag kang magalala. Huwag mong sarilinin ang mga iniisip mo. Nandito ako para sa iyo."







"Nakakainis, Kean. Gustong gusto kong pagsasapukin ang tito mo pero.. hay. Nakaka-frustrate ng husto. Like as if kapag naman binura niya ang post na iyon eh may magbabago? Shempre kumalat na ang issue na iyon sa kumpaniya. Iba na ang tingin ng ilang mga empleyado sa akin eh."







"Chin up, baby. Wala kang ginagawang masama kaya bakit mo papansinin ang mga iniisip ng iba? Hayaan mo sila. Wala naman talaga silang alam sa nangyayari."







"Nakakainis lang kasi na iniisip nila na niloloko lang kita.", tumayo ako at lumuhod sa harap niya. Napansin kong nagluluha ang mga mata niya marahil ay dala na ng pagkainis niya na hindi niya mailabas.







"Alam natin ang totoo, okay? That's what matters the most.", pagkatapos ay hinalikan ko siya sa labi niya saka pinagpatong mga noo namin.







Nang marinig na namin ang pagtawag sa amin ni Luke ay nagdesisyon na kaming umuwi. It's been a long day for us, specially for Keila.















===



A/n: hope y'all liked it.

המשך קריאה

You'll Also Like

58.4K 998 14
Cally Saavedra & Charmaine Kim Story ❤ Short Story A not so cold guy and a Happy go lucky girl. (SECOND GENERATION) 10 Chapters + Epilogue
251K 4.4K 59
Hanggang saan nga ba masusukat ang pag mamahal mo sa isang tao? Isa lang naman akong hamak na teenager na nagsisimula palang matutong umibig. Bakit k...
795K 12.8K 76
Isang gabing pinagsaluhan ng dalawang taong hindi kilala ang isa't isa. What if mabuo ang isang gabing yun? Will they meet each other again in the fu...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...