You Are Mine (Published Under...

By DisenchantedNow

9.3M 90.2K 5.6K

Akala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung f... More

You Are Mine
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
A MUST READ AUTHOR'S NOTE.
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60 - THE LAST CHAPTER
Epilogue
FINAL AUTHOR'S NOTE

Chapter 25

134K 1.2K 40
By DisenchantedNow

CELINE'S POV

Pagdating ko sa school, sumalubong agad si Patrice.

"How's the date ?"

I frowned.

"Date ?"

Ngumiti naman ng nakakaloko si Patrice.

"Sus, kunwari ka pa. How's Jared my loves ? Sweet ba siya ? May surprise ba ?"

Eto talagang bestfriend ko, kung makapagtanong, parang imbestigador, eh. Oo nga pala, akala niya nag-date kaming dalawa kahapon ni Shaun. Hindi pa rin alam na may nangyari na sa amin. At ayoko namang i-open yun sa kanya, no ! Unless she will ask, then, I'm willing to tell her the truth. Bestfriend ko siya and we swear to each other that we will not keep secrets.

"Hindi nga kami nagdate."

"Then what ? Ano'ng ginawa niyo nung pag-uwi niyo ?"

"W-wala ... eh di hinatid ako sa condo."

"Yung lang ?!" parang nagulat pa.

"Oo. Eh ano pa bang gusto mong gawin ?"

Mukhang disappointed ang hitsura.

"Ang boring naman ! Ayaw mo yata kasing pumayag na mag-date kayo."

Ikaw kasi, nabayaran ko na tuloy yung utang ko sa kanya.

"Pat, nood daw tayo ng game niya mamaya. 2pm."

At nagliwanag na naman ang mukha niya, yung ngiti, abot hanggang tenga.

"Talaga ?! Ininvite ka niya ?"

I nod.

"Sige, sige ! Excited naman ako dun ! Yessss ! Makikita ko na naman ang mga abs ng Jared ko !" at parang ewan na nagdaydream na naman. Abs na naman niya. Puro na lang abs.

Well, wala akong masabi. six pack ba naman kasi.

"Tapusin na nga natin to." at nailabas ko na ang libro at notebook ko sa linguistics.

"Alam mo best, ang swerte mo talaga kay Jared. Kahit nag-aaway kayong dalawa. Ang gwapo niya kasi, ang sexy pa, ang hot pa, ang daming babaeng naghahabol. Hindi ka ba nagseselos ?"

Natingnan ko siya.

Selos ? Ako magseselos ? Sus, hindi no ! At bakit naman ? Wala naman akong karapatan eh. Isa pa, wala na akong magagawa, sadyang, babaero talaga ang unggoy na yun.

"Hindi no. Bakit naman ?"

"Talaga ? Kahit may lumpait pa sa kanya ? Kahit halikan siya sa harap mo ? Kahit konti, hindi ?"

Ano daw, halikan sa harap ko ? Hindi naman ba sila mahihiya nun ? Sabagay, marami ng babae ngayon ang masyadong liberated. Hindi na marunong mahiya. Basta gusto, go lang ng go. Na parang globe.

"Eh bakit ko naman hahayaang sa harap ko pa sila mag-halikan ? Pwede namang sa ibang lugar na lang."

"Eto naman ! Alam na ng buong school na mag-fiancee kayo. Hindi kaya ma-issue kayo niyan kung wala kang pakialam. Na purely for business purpose lang ang relationship niyong dalawa. Nagkalat pa naman ang press."

Eh baka naman kasi sabihin ng unggoy na yun na nagseselos ako, ang lakas pa naman nun mang-asar.

"Hindi yun, okay ? Gumawa ka na nga lang. Ang dami mong tanong. Hmp !"

Ayoko ng sagutin ang tungkol kay Shaun. Nauubusan ako ng sasabihin.

Pero paano nga kung mangyari yun ?

***

JARED'S POV

And now we're warming up for today's game against St. Paul. Dumadami na yung tao sa court, pero may hinahanap ang mga mata ko. I told her to be early. Bakit wala pa rin hanggang ngayon ? 15 minutes na lang, magi-start na yung game. Wala pa rin sila Jason and Marcus. meaning, wala pa rin talaga sila Celine.

"Pare, nasaan na si Celine ?" tanong ni Arthur.

Alam kasi nila na pupunta siya ngayon. I told them.

"Wala pa nga eh. Baka padating na."

"Ano yun, inspiration ? First time mo lang yatang ginawa yan, ha." asar ni Mark.

Napangiti lang ako.

I saw the audience. May nakita akong mga banners.

I love you Jared !

Marry me, Jared !

Ako na lang ipalit mo kay Celine !

I want your abs !

Be mine, Jared !

Mas magaling ako kay Celine !

Ha ? Talagang may ganon ? Gusto kong matawa. I'm sorry, but I think, I only want her body, no one else. Hindi nga siya magaling pero, I will make her aggressive when we make love.

Pumunta ako sa bench, para kunin ang phone.

Ida-dial ko na ang number niya ng ...

"Pare, sila Celine." tawag ni Mike.

Nalingon ko agad ang itunuro niya.

And there I saw her, with Patrice and the bodyguards.

I smiled. Nasa side court lang sila. Talagang nagbayad ako just to reserve their seats.

She smiled at me, also Patrice.

Hiyawan naman ang mga tao nung makita nila si Celine, but they were more shocked nung nilapitan ko sila at hinalikan ko siya.

"Waaaaaaaaaaaa !!!!!!!!!!!!!" I hear them screaming when I do it.

I saw how she blushed.

"S-Shaun ....." at napatungo pa.

But I hold her chin and tilt her head up, looking direactly in her eyes.

"That's for good luck, baby." and I smile.

"Ayyyyyy ! Why so sweet Jared ! Good luck, ha !" natutuwang sabi ni Patrice.

"Good luck." she said while smiling.

"If we win, I should have my price." it's almost a whisper.

Pero ngiti lang ang sinagot niya sakin. Does it mean yes ?

Hahahaha. Gaganahan ako lalo nito maglaro. Ang ingay na ng crowd.

"Okay, players. Get ready and we will start the game within 5 minutes." narinig ko na ang commentator sa speaker.

May mga supporters din ang St. Paul. But since it's our home court, mas marami kaming fans.

"Nakaiskor tayo dun, ah !" tuya ni Clyde.

"Of course, kailangan yun, eh !" proud kong sagot.

"Masarap ba yung lips ni Celine ?" si arthur.

"G'go !" at naitulak ko siya, for him to know that I didn't like what he said.

Naitaas naman niya ang dalawang kamay niya, saying that it was only a joke. Hindi ko na lang pinansin.

Para pa yatang pagpapantasyahan yung fiancee ko. Pwes, ako lang ang may karapatan nun !

Maya-maya pa, tinawag na kami isa-isa para sa mga players ng bawat team.

"Monteverde for power forward." at rinig ko kung gaano kalakas ang hiyawan ng mga tao.

I once look at her again, just smiling at me. Nakakamotivate naman yung ngiti na yun. Gusto ko tuloy kagatin yung labi niya.

Pumunta na kami sa gitna ng court, for the jump ball.

Pumito na ang referee, at naihagis na ang bola.

I jump as high as I can for me to grab the ball.

"Monteverde having the ball ..." sabi ng commentator at masigabong sigawan ulit.

***

CELINE'S POV

Grabe, ganito pala ang crowd ng basketball, ganito pala ang feeling kapag nanonood ng live game. Sobrang nakaka-excite. Parang isa ka rin sa mga players.

I saw Shaun dribbling the ball while running and pass it to his team mate. At ang dami niya ring supporters, nabasa ko kanina yung mga banners nila. may nabasa pa nga ako na MARRY ME JARED. Tss. Ikakasal na siya sakin, a month from now.

Kahit naglalaro, ang gwapo pa rin.

Ang galing niyang mag-rebound, ang taas tumalon. Kaya naman hindi ako magtataka kung sa kanya ang unang point ng team namin.

"Monteverde for two !" announce ng commentator.

Hiyawan lahat, mostly mga babae. Nakakabingi ang tilian nila.

Lalo naman si Patrice.

"Ayyyyyyy ! Go Jared ! Go Jared ! Jared I love youuuuuuu !" sigaw nito.

Hayy ... Kung hindi ko lang bestfriend to, katabi mo ang fiancee niya, no ?

"Ano ba yan ! Nakapuntos na din tuloy yung St. Paul !" inis na sabi niya.

Oo nga, naka-2 points na din kasi yung kalaban.

"O best, kita mo na kung paano maglaro si Jared ? Ang galing-galing niya, no ?" tuwang-tuwa ito sa panonood.

"Kakaumpisa pa lang kaya. Magaling na agad ?"

Pero honestly, nai-impress talaga ako sa galaw niya sa court.

Ang galing mang-agaw, ang galing mag-rebound, ang galing na shooter.

Kaya ba magaling din siya sa kama ?

Celine, ano ba tong pinag-iisip mo.

Tumatakbo ang oras. Lamang kami ng 3 points.

I saw him, sweating already. Nasa side court lang naman kasi kami kaya, kitang-kita namin siya.

At ang hot niya sa pawis niya. Gusto ko tuloy punasan. Di bale, pagkatapos ng 1st half. Mapupunasan ko din yang katawan niya.

Naku, nagiging naughty na rin yata ako, ah !

"Monteverde, steal the ball from Sta. Ana, running to the ring ... and oh ! Slam dunk !"

I was really in awe. Slam dunk ?!

Hiyawan ng hiyawan ang mga tao. Palakpakan, sigawan, puro papuri kay Shaun.

Eh nag-slam dunk ba naman sa fast break na yun, eh.

Hindi ko maiwasang mapanganga sa paghanga sa kanya.

"Ayyyyyyyyyyy ! Ang galing mo talaga, Jared ! Ang galing mooooooooo !" hindi kaya mamaos kakatili at sigaw tong si Patrice.

"Nakita mo ba yun best ? Nakita mo ???!!! Ang galing-galing ng fiancee mo ! Nag-slam dunk ang Jared ko !" at niyuyugyog pa talaga ako.

"Oo, nakita ko. Makayugyog naman to, o."

"Ay, sorry naman, exciting kasi ang laban eh ! Look, we are ahead of 5 points already." at nakita ko ang score board.

35-30. At si Shaun ang nangunguna sa team nila.

Hindi ko maiwasang pumalakpak. Pinahanga ako ng lalaking to.

Malapit ng matapos ang 2nd quarter. And the crwod was cheering for him.Now I know why there are so much fans, and mostly girls. Ace player kasi ng team. Sa galing niyang maglaro, siya ang nagdadala ng team ngayon.

I saw him dribbling the ball again after stealing it from the opponent. Bantay sarado siya ng 3 kalaban while his team mates are all there, waiting him to pass the ball.

"20 seconds left. Will monteverde make it to a 10 point lead for his team or Ablanez will steal it and stop him ?" ang sabi ng commentator.

"Jared !"

"Jared !"

"Jared !"

"Jared !"

Ang ingay ng crowd, including Patrice. Even me, I'm holding my breath while waiting of what he will do. 3 vs. 1. Paano naman siya lulusot ? Nakita ko yung isang team mate niya, sinenyasan siya na ipasa niya ang bola pero, masyado siyang confident at unti-unting lumalapit papuntang ring. Hindi niya binigay.

Ang damot naman sa exposure nito ! Hmp. Gusto niya siya lang ? Siya lang lagi ang bida ?

15 seconds ... 14 ... 13 ... 12 ...

Sinimulan niyang sumugod. Iniwasang magkaroon ng offensive foul, and in one swift move, nasa ilalim na siya ng ring, 3 tao ang handang pumigil sa kanya.

Tiningnan ko ang oras.

5 ... 4 ... 3 ... 2 ...

At hiyawan ang mga tao.

"And yess ! Monteverde for two ! Without minding that he could get a foul for that move ! What an amazing work inside the court with 3 opponents surrounding him !" announce ng commentator na halata ring proud sa kanya.

Masigabong palakpakan. And I'm one of them. I'm proud of him. So brave of doing that. Thank God at walang foul.

Tumunog na rin ang buzzer, hudyat na tapos na ang first half.

Tilian na naman ang mga babae.

Tumayo na kami. Gusto ko siyang yakapin and tell him how good he was while he's in the hard court.

Lalo pang nagtilian ang mga ito ng hubarin ni Shaun ang jersey niya, revealing his sweaty body, and his oh so yummy abs.

"Tara na puntahan na natin si Jared." yaya ni Patrice.

Pero natigil kami ng may makita kaming babae na bigla na lang sumulpot galing sa kung saan at agad na lumapit sa kanya. Saka siya pinunasan, na akala mo dinadama talaga yung katawan niya at hinalikan pa sa lips.

What ?!

Hinalikan siya sa lips ?!

Ginawa niya yun ? Ginawa yun ng babaeng yun sa kanya ? Ni hindi ko nga nakita kung saan galing yung babae. Saan ba yun dumaan ?

At ito namang lalaking to, hndi man lang umiwas ? Hindi man lang tinulak yung babaeng yun ? Gustong-gusto niya talaga ?

Bumitaw ako kay Patrice. Hawak niya kasi yung kamay ko. Aalis na ako. Hindi naman ako kailangan dito eh.

"Pat, CR lang ako."

"Ha ? Cel------" pero nagmadali na akong tumalikod at nakipagsiksikan sa mga tao just to get out of here. Wala akong pakialam kung sundan man ako nila Jason. Basta ayoko na dito. Ayoko na dittooooo !

***

JARED'S POV

Naitulak ko ang babaeng bigla na lang humalik sakin at pinunasan pa ang katawan ko.

How did she get here ?

"Ah, miss ... what do you think you are doing ?" Naiinis ako, ano ko ba siya para umakto siya ng ganon ? Ni hindi ko nga siya kilala eh.

"I'm sorry, I'm just here to congratulate you." namumungay pa ang mga mata at ngiting-ngiti pa. Well, hindi ko kailangan ng ganong pag-congratulate. At hindi ako magkakagusto sa kanya because she do that.

"I'm sorry but you don't have the right to do that. Respeto naman sa fiancee ko. She's watching." inis na sabi ko sa kanya at natingnan ko ang pwesto nila. I frowned when I only saw Patrice on their side. Papunta na siya sakin. Where's Celine, Jason and Marcus ?

Bakit nawala ?

Sinalubong ko si Patrice, iniwanan ko agad yung babaeng makapal ang mukha na feeling girlfriend ko.

"Good job, Jared !" nakangiting bati niya sakin.

I smiled back.

"Thanks, but where's Celine ?"

"She's in the comfort room." Don't worry, kasama naman niya sila Jason."

CR ?

"Hoy, sino naman yung babaeng yun ? Mamaya magselos pa si Celine ! Ang lakas ng loob humalik sa yo, ang sarap sabunutan, ha ! Do you know her ?"

Natingnan ko siya. Umiling lang ako at kinuha ko agad yung cellphone ko.

Pero puro ring lang ang naririnig ko.

"Are you sure nag-CR lang ?"

"Yun yung sabi sakin, eh. Nagmamadali pa nga. Baka nagpupu kaya ganon." at natawa pa siya, ha.

I dialled Jason's number.

"Yes, sir."

"You're with Celine ?"

"Opo."

"Nasaan kayo ?"

"Nasa CR po si ma'am."

"Okay, bumalik na kayo pagkatapos."

"Yes, sir."

And I drop the call. Akala ko nagalit sakin, for sure kasi, nakita niya yung kanina.

,


Continue Reading

You'll Also Like

612K 7.9K 23
[COMPLETED] "Asawa mo ko pero hanggang papel lang yon!" sigaw niya sa akin at umakyat na siya sa kwarto ng bagong bahay namin. Great! Ang gandang hon...
66.3K 1.9K 37
In which she fell in love again with the same man who ditched her on their wedding six years ago.
140K 4K 25
Brianna Mariel's life was mapped out and she's okay with it pero niloko siya ng lalaking dapat ay mapapangasawa niya, ang masaklap ito pa ang kinamp...
2.3M 57.7K 44
#2 in Romance [ Highest Ranking in Romance Genre 07.11.20 ] A ROMANCE STORY WRITTEN BY JONQUIL