The Ocean Tail: Loving The Me...

By Ai_Tenshi

37.2K 3.3K 59

It follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assass... More

Part 1: Painting
Part 2: Poison
Part 3: The Silver Moon
Part 4: Yuelo
Part 5: Similarity
Part 6: Legs
Part 7: Special Lesson
Part 8: Mission
Part 9: A New Day
Part 10: City
Part 11: Jihan's Rival
Part 12: The Call
Part 13: First Date
Part 14: Extraordinary
Part 15: Sign
Part 16: Remembering
Part 17: Ancestor's Gift
Part 18: Attraction
Part 19: Courage
Part 20: Chase Me
Part 21: Deal and Confession
Part 22: For Love or For Mission?
Part 23: What If?
Part 24: Kindness
Part 25: Desperate
Part 26: Exhibit
Part 27: Romantic Night
Part 28: Imagination
Part 29: Publicity
Part 30: Contest
Part 31: Model
Part 32: Supremacy
Part 33: Dark Heart
Part 34: Obsession
Part 35: The Best Part
Part 36: Curse
Part 37: Big Night
Part 38: Face Off
Part 39: Moment of Truth
Part 40: Conclusion
Part 41: A Night To Remember
Part 42: Successor
Part 43: Failure
Part 44: Escape
Part 45: Seito
Part 46: Secrets
Part 47: Cruelty
Part 48: Sadness
Part 49: New Beginning
Part 50: Missing
Part 51: Value
Part 52: Ancestors
Part 53: Forbidden
Part 54: Extinction
Part 55:Imitation
Part 56: Insecurity
Part 57: Hatred
Part 58: I Found You
Part 59: First Wave
Part 60: Hidden Ability
Part 61: Breathe
Part 62: Play Along
Part 63: Singh Cosmetics
Part 64: Music
Part 65: Offer
Part 66: Shine
Part 67: Vision
Part 68: The Secret Garden
Part 69: Invasion
Part 71: Monster Within
Part 72: Superior
Part 73: Betrayal
Part 74: Atonement
Part 75: Ocean's Payback
Part 76: To Be With Tomorrow (END)

Part 70: Abduction

289 31 0
By Ai_Tenshi

Part 70: Abduction

YUELO POV

"Maayos ka na ba?" tanong ni Ryou noong bumalik ang aking malay. Masakit pa rin ang aking ulo at gayon rin ang aking buong katawan.

"Maayos na ako, teka, ano ba ang nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo talaga matandaan kung ano ang nangyari? Parang sinaniban ka ng kung ano noong nakaraang gabi. At magbuhat noon ay ngayon ka pa lamang nagkamalay," ang sagot ni Ryou.

Noong mga sandaling iyon ay natahimik ako at sinubukan kong balikan ang pangyayari noong nakaraang gabi. Ang naalala ko lang ay masyadong malakas ang liwanag ng buwan noong mga sandaling iyon at binigyan niya ako ng mga pangitain at mga babala na maaaring maganap sa hinaharap.

Ang buwan ay naka-konekta pa rin sa akin, patuloy pa rin niya akong ginagabayan. Marahil ang mga pangitaing iyon ay babala ng aking mga ninuno mula sa kalangitan o kung saan man sila.

"Naalala ko na, may mangyayari sa Tsunaria, ito ang babalang sinabi sa akin ng buwan. Ito ay isang malagim na trahedyang babago sa ating kasaysayan! Maraming mamamatay at maraming mapapahamak!" ang wika ko noong naging malinaw sa aking isipan ang lahat.

Natahimik sina inay at tiya Marine, "Yue, ang pangitain mo ay naganap na. Bumagsak na ang Tsunaria at maraming mga kalahi natin ang nasawi at napahamak," ang sagot ni inay.

"Maging ako ay hindi makapaniwala, napakabilis ng pangyayari, naririnig ko pa rin ang iyak at panaghoy ng mga kalahi natin na pinahihirapan at pinapatay ng walang kalaban laban," ang naiiyak na sagot ni Tiya Marine.

Kung ganoon ay naganap na pala ang lahat?

"Inay, paano niyo ito nalaman? Bakit hindi niyo agad sinabi sa akin? Sana ay natulungan ko sila?" ang tanong ko na hindi halos makapaniwala sa aking narinig.

"Naramdam lamang namin ito, alam namin na noong mga oras na iyon ay sinasalakay na ng mga tao ang Tsunaria at lahat ng mga sirena dito ay pinapatay nila at hinuhuli. Noong nagaganap ang malagim na pangyayaring iyon ay walang ka pa ring malay at hindi pa bumabalik ang iyong ulirat. Saka ano ang laban natin sa malulupit na taong nagtataglay ng mga sandatang nakakapinsala sa ating mga katawan? Tiyak na mapapahamak lamang din tayo kung nakialam tayo noong mga sandaling iyon," ang paliwanag ni Tiya Marine.

"Kung ganoon ay huli na ang lahat? Ilang oras lamang akong nawalan ng malay," tanong ko sa kanila.

"Yue, matagal ka ring nawalan ng malay. Marahil ay masyadong nilamon ng kapangyarihan ng buwan ang iyong enerhiya kaya't natagalan rin ang pagbabalik ng iyong ulirat. Alam kong mabibigla ka sa masamang balitang ito ngunit ang lahat ay nangyari na," ang sagot ni Inay.

"Ang mahalaga ay binigyan mo sila ng babala, hindi ka nagkulang ng pagbibigay ng warning kay Seito. Ngayon ay nasa kanila na ang desisyon kung pinaniwalaan nila ito o hindi," ang sagot ni Ryou sabay haplos sa aking pisngi.

"Ngunit sa tingin ko ay hindi nila ito pinaniwalaan kaya't marami ang napahamak. Kung sabagay, kasalanan ito ng mga matatandang gabay dahil wala silang ibang pinaniniwalaan kundi ang kanilang mga sarili," ang tugon ni Tiya Marine.

Noong mga sandaling iyon ay naisipan kong bumangon pero pinigilan ako nina Ryou,"Kailangan kong magtungo sa Tsunaria, baka mayroong nangangailangan ng tulong natin doon," ang pagpupumilit ko.

Hinawakan ni Ryou ang aking braso, "Yue, nanghihina ka pa, kailangan mo ng sapat na pahinga."

"Pero paano sila?" tanong ko.

"Yue, sa ngayon ay tiyak na wala ng naiwan sa Tsunaria, ang lahat doon ay tumakas na rin hangga't mayroon silang pagkakataon na makatakas. Sa ngayon ay wala kang ibang magagawa kundi ang palakasin ang iyong katawan at ibalik ang iyong lakas," ang pagpigil sa akin ni Inay.

Wala akong nagawa kundi ang humiga ulit at matahimik na lamang. Noong mga sandaling iyon ay hindi ko halos maipaliwanag ang matinding takot at kaba na aking nararamdaman. Kumakabog ang aking dibdib at halos lumabas na ang aking puso sa aking lalamunan.

Hindi ako makapaniwala na habang wala akong malay ay nagaganap na pala ang pinakamalalang bangungot sa aming kalahi. Ang masaklap at ang nagbibigay sa akin ng ibayong kalungkutan ay kapag sumasagi sa aking isipan na wala akong nagawa para tulungan sila.

Napuno ng nakakabinging katahimikan sa loob ng silid.

Maya maya ay bigla na lamang kaming narinig na mga putok ng baril sa paligid! Para bang may engkwentrong nagaganap sa loob ng private resort.

"Ano iyon?" tanong ni tiya Marine sabay silip sa bintana.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay biglang bumukas ang pintuan ng silid at dito ay pumasok ang mga tauhan ni Ryou hawak ang kanilang mga baril.

"Sir Ryou, sinasalakay tayo! Tumakas na kayo!" ang sigaw nila, maya maya ay bigla na lamang silang pinagbabaril sa kanilang likuran at saka bumulagta sa sahig! Napasigaw sila inay sa sobrang takot!

At hindi pa kami nakaka kilos noong may pumasok na mga armadong lalaki sa aming silid. Magulong magulo ang sitwasyon, parang kanina ay mapayapa naman ang lahat ngunit ngayon ay napapalibutan kami ng mga lalaking may hawak na mga baril.

Walang nagawa si Ryou kundi itaas ang kanyang dalawang kamay, indikasyon na hindi siya lalaban. "Sino kayo? Anong ginagawa niyo dito sa loob ng aking teritoryo?" tanong niya.

"Naparito kami para kunin si Yue! Sige! Dalhin na sila sa sasakyan!" ang utos ng isang lalaking armado ng sandata ang kamay.

"Teka sino ba kayo?! Lumayo kayo sa amin!" ang sigaw ni Ryou at humarang ito sa aking harapan.

Habang nasa ganoong posisyon kami ay isang lalaki pa ang pumasok sa loob ng aming silid. Ang lalaking ito ay nakasuot ng itim na corporate suit at may hawak rin na baril sa kanyang kamay. Gulat na gulat kami ni Ryou noong mag alis ito ng kanyang cover sa mukha.

"Mr. Fredrick Singh?! Anong ibig sabihin nito?" ang tanong ni Ryou.

Ang lalaking dumating ay si Mr. Singh, siya ang may pakana ng kaguluhang ito!

"Ano ito? Bakit ginagawa mo ito Mr. Singh? Bakit pati ang mga tauhan ko ay pinatay mo?!" ang singhal ni Ryou.

Sumagot si Mr. Singh, "Pasensya na ngunit sa tingin ko ay tapos na ang laro ng pagpapanggap na ito. Kailangan ko si Yue dahil siya ang susi sa mas maunlad na Singh Cosmetics!"

"Ano ang ibig mong sabihin?" tanong ni Ryou.

"Ryou Guerrero, c'mon hindi ako pinanganak kahapon. Alam ko ang sikreto ni Yue na isa siyang merman na itinatago mo dito sa iyong private resort. Makipagtulungan na lamang kayo sa akin upang hindi na dumalak ang dahas sa pagkakataong ito," ang mahinahong sagot ni Mr. Singh.

Nagalit si Ryou at sinugod niya ang lalaki, "sinungaling ka! Ang lahat ng ito ay palabas mo lang pala! Isa kang demonyo!" ang galit na sigaw ni Ryou pero hindi siya nakalapit kay Mr. Singh dahil humaharang ang mga tauhan nito at pinag susuntok siya ng malakas!

"Sige! Dalhin na ang lahat ng iyan sa ating secret base!" ang utos ni Mr. Fredrick Singh at dito ay lumapit sa amin ang mga armadong lalaki at lahat kami ay tinurukan ng gamot sa katawan dahilan para unti unting mawala ang aming mga malay!

Sinubukan kong lumaban ngunit sadyang nanghihina pa ang aking katawan. Wala akong nagawa kundi ang mapa pikit at ang paligid ay biglang nagdilim. Ang huli ko na lamang nakita ay binuhat nila sina Inay, tiya Marine at Ryou palabas ng silid. Lahat sila ay halos wala ng malay.

Hindi ko akalaing ganito kasama ang mga tao, sila pala talaga ang literal na halimaw sa mundong ito at marami silang kayang gawin na ikasisira ng kanilang kapwa. Sila ang pinaka malupit na nilalang nabubuhay sa sanlibutan at sila rin ang pinaka mapaminsala sa lahat.

Hindi ko alam kung ilang oras akong nawalam akong nawalan ng malay basta ang alam ko lang ay dinakip kami ng mga tauhan ni Mr. Singh. Natagpuan ko na lamang ang aking sarili na nakakulong sa isang silid at wala na ang aking taong anyo. Inalis nila ang aking saplot at maging ang kwintas sa aking leeg. Tao pa naman kami noong mga sandaling iyon, walang epekto ang kwintas.

Ang silid ay punong puno ng salamin at mag isa lamang ako dito. Hindi ko alam kung nasaan na sila Ryou at sina tiya Marine. Sana ay maayos lamang sila at walang ginagawa sa kanila na masama.

"Gising ka na pala Yue," ang wika ni Mr. Fredrick Singh, pumasok ito sa silid at naupo sa aking harapan.

"Nasaan ako? Bakit mo ito ginagawa? Ang akala ko ay mabuting tao ka?" tanong ko sa kanya.

"Yue, isa akong mabuting tao. Iyon nga lang ay kailangan ko ring mabuhay at kailangan ko ring mapanatili ang tagumpay ng aking negosyo. At ikaw ang magiging susi ng lahat ng ito," ang sagot ni Mr. Singh.

"Hindi kita maunawaan ngunit kung ang plano ay saktan ako at ang aking kalahi ay tiyak na malaking kabayaran ang naghihintay sa iyo," ang sagot ko sa kanya.

Natawa siya, "hindi ako naniniwala sa mga ganyang bagay. Makapangyarihan ako at ang lahat ay kaya kong gawin. Ang lahat ng bagay na nais ko ay madali kong nakukuha sa isang kumpas lamang ng aking mga kamay. Ang iyong rare type na buntot ang magdadala sa akin ng mas malaking kayamanan. Kay tagal kong pinaghandaan at pinangarap ang araw na ito," ang sagot niya sa akin.

"Ang ibig sabihin ay matagal mo na pa lang alam ang aking sikreto?" tanong ko sa kanya

"Oo, simula noong unang araw na makita ko ang konsepto ng iyong painting ay alam ko na agad na may kakaiba sa iyo. Alam mo ba na matagal na akong nangangarap na makahuli ng isang sirenang nagtataglay ng silver na buntot? Ikaw ang katuparan ng aking pangarap at dahil sa iyo ay nakatitiyak ako sa tagumpay ng Singh Cosmetics sa mga susunod na maraming taon. Marahil ay hindi mo pa maunawaan ngunit handa akong ipaliwanag ang pinakamahalagang role mo sa aking negosyo," ang nakangiting sagot ni Mr. Singh habang nakangising demonyo ito.

Noong mga sandaling iyon ay wala akong kamalay malay na dinala kami ni Mr. Singh sa kanyang sikretong base. Sa isang isla kung saan nila isinasagawa ang mga sikretong operasyon ng Singh Cosmetics! Wala rin akong idea na dito rin nila dinala ang lahat ng bighag na sirena mula sa Tsunaria.


Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 53.6K 72
Highest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Sto...
11.4K 868 32
Make up. Wig. Pompoms. Short skirts and red lipstick. Ramdam ni Fluke Spellman ang panginginig ng kaniyang tuhod pagpasok sa gym ng Lauren High Insti...
132K 4.2K 14
1st Book Of The "When" Series. [Para to sa mga lovers na kahit sinubok ng kahit anong problema ay hindi pa rin sila sumusuko.] --------- Si Blaze. K...
48.2K 2.6K 36
A woman that rules men got transmigrated to a Duchess who is a slave of a mere man.