The Ocean Tail: Loving The Me...

By Ai_Tenshi

37.7K 3.3K 59

It follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assass... More

Part 1: Painting
Part 2: Poison
Part 3: The Silver Moon
Part 4: Yuelo
Part 5: Similarity
Part 6: Legs
Part 7: Special Lesson
Part 8: Mission
Part 9: A New Day
Part 10: City
Part 11: Jihan's Rival
Part 12: The Call
Part 13: First Date
Part 14: Extraordinary
Part 15: Sign
Part 16: Remembering
Part 17: Ancestor's Gift
Part 18: Attraction
Part 19: Courage
Part 20: Chase Me
Part 21: Deal and Confession
Part 22: For Love or For Mission?
Part 23: What If?
Part 24: Kindness
Part 25: Desperate
Part 26: Exhibit
Part 27: Romantic Night
Part 28: Imagination
Part 29: Publicity
Part 30: Contest
Part 31: Model
Part 32: Supremacy
Part 33: Dark Heart
Part 34: Obsession
Part 35: The Best Part
Part 36: Curse
Part 37: Big Night
Part 38: Face Off
Part 39: Moment of Truth
Part 40: Conclusion
Part 41: A Night To Remember
Part 42: Successor
Part 43: Failure
Part 44: Escape
Part 45: Seito
Part 46: Secrets
Part 47: Cruelty
Part 48: Sadness
Part 49: New Beginning
Part 50: Missing
Part 51: Value
Part 53: Forbidden
Part 54: Extinction
Part 55:Imitation
Part 56: Insecurity
Part 57: Hatred
Part 58: I Found You
Part 59: First Wave
Part 60: Hidden Ability
Part 61: Breathe
Part 62: Play Along
Part 63: Singh Cosmetics
Part 64: Music
Part 65: Offer
Part 66: Shine
Part 67: Vision
Part 68: The Secret Garden
Part 69: Invasion
Part 70: Abduction
Part 71: Monster Within
Part 72: Superior
Part 73: Betrayal
Part 74: Atonement
Part 75: Ocean's Payback
Part 76: To Be With Tomorrow (END)

Part 52: Ancestors

356 32 0
By Ai_Tenshi

Part 52: Ancestors

YUELO POV

Nakaupo pa rin kami ni Inay sa likod bahay habang nakaharap sa luntiang bukirin sa paanan ng bundok. Kakaibang senaryo ito para sa amin dahil kadalasan ay sa malawak na karagatan kami nakatanaw.

"Minsan na ring nasabi sa akin ni tiya Marine ang tungkol sa mga ninunong silver tailed mermaid. Ngunit hindi ito ganoon kadetalye, saan niyo nalaman ang ganitong impormasyon?" tanong ko kay Inay.

"Ang kasaysayan ng mga sinaunang sirena na mayroong pilak na buntot at kaliskis ay naisalaysay lamang ng iyong ama na si Romualdo sa amin ng iyong namayapang ina noon. Isinalaysay niya ito sa amin doon sa isla ng Karikit kung saan madalas kaming nagpupunta," ang tugon ni Inay.

"Totoo ba ang alamat na makapangyarihan ang mga silver tailed?" tanong ko sa kanya.

"Makapangyarihan ka kaya't ito ay 100% na proven at totoo, Yue," ang nakangiting tugon ni Inay.

Noong mga sandaling iyon ay isinalaysay sa akin ni inay ang mga nalalaman niya tungkol sa kasaysayan ng aking mga ninuno at kung paano nagsimula ang lahat.

"Halos daang taon na ang nakalilipas magbuhat noong sumibol ang lahi ng mga sinunang nilalang mula sa karagatan. Ito ay mga silver tailed mermaid na sinasabing nagmula pa sa kalangitan, doon sa buwan.

Alam naman natin na ang buwan ang sentro ng gravity ng mundo, ito rin ang responsable sa pagtaas at pagbaba ng alon sa karagatan. Sinasabi sa alamat na ang Diyos ng buwan ay lumikha ng mga nilalang na maaaring mamuno sa karagatan. Ang mga ito ay pinagkalooban niya ng mga buntot na kakulay mismo ng kanyang pilak na kaharian. At ang bawat isa ay binigyan niya ang natatanging abilidad at kapangyarihan.

Nagsimula ang lahi ng mga silver tailed mermaid sa dalawang nilalang, ito ay sina Atlas at Asha. Si Atlas ay isang makisig na merman at si Asha naman ay isang magandang mermaid, kapwa sila nagtataglay ng silver glowing tail na namumukod tangi kapag lumalangoy sila sa karagatan.

"Nilikha ko kayo upang pamunuan ang karagatan. Maaari ninyong gamitin ang lahat ng bagay dito sa ilalim ng tubig. Maliban sa isang pirasong halamang dagat na iyon," ang salita ng Diyos ng Buwan, itinuro niya ang isang gintong halaman sa batuhan. Ang halamang ito ay tinawag niyang "Forbidden Plant."

"Panginoon, ano ang mayroon sa gintong halaman na ito?" tanong ni Atlas.

"Ang halaman na ito katakam takam at kaakit akit, ngunit dito magsisimula ang pagbabago sa karagatan. Dito magsisimula ang kaguluhan at ang walang katapusang digmaan. Ito ang pagmumulan ng mga kasinungalingan at walang hanggang panlilinlang," ang sagot ng Diyos.

"Kung ganoon ay bakit nandito ito?" tanong ni Asha na may halong pag aalala.

"Ito ang magsisilbing paalala sa inyo na ang lahat ay may limitasyon. Hindi niyo maaaring kainin ang gintong halaman na ito. At sana ay maging matagumpay ang inyong pamumuno sa mundong ito. Humayo kayo at magpakarami," ang sagot ng Diyos at unti unti siyang nawala sa paningin ng dalawa sirena.

At dito magsisimula ang kanilang kasaysayan. Ito ang unang yugto ng kanilang buhay. Naging maligaya sina Atlas at Asha. Ginawa nila ang kanilang makakaya upang pamunuan ang lahat ng mga nilalang sa ilalim ng karagatan. Nagtayo rin sila ng kanilang magarbong palasyo na para isang literal na hari at reyna ng karagatan.

Sina Atlas at Sasha ay gumawa ng isang espesyal na Isla at tinawag itong Karikit. Dito silang dalawang umaahon upang pagsaluhan ang kanilang pagmamahal at upang magparami. Ang isla ng Karikit ay naging sagrado sa kanilang pag iisa at dito na rin sila nagdarasal at sumamba sa kanilang Diyos na matatagpuan sa buwan.

Sa paglipas ng mga taon ay biniyayaan sila Atlas at Asha ng mga anak. Dito nagsimulang dumami ang kanilang lahi. Kung dati ay dalawa lamang silang silver tail na lumalangoy sa karagatan. Ngayon ay isang buong pamilya na sila na masayang nakatira kanilang kaharian.

Noon, ang mga silver tailed mermaid ay mayroong mahabang buhay, sa katotohanan, sina Atlas at Asha ay tumagal ng daang taon at gayon rin ang kanilang buong pamilya. Itinuri nina Atlas at Asha ang mga aral na dapat nilang malaman tungkol sa karagatan. Kabilang na dito ang isang mahigpit na patakaran.

"Bawal lapitan at galawin ang gintong halaman na naroon sa batuhan. Dahil pagmumulan ito ng kaguluhan dito sa karagatan. Ang lahat ay maaari nating gamitin at pamunuan, ngunit huwag na huwag niyong papakialaman ang "forbidden plant" na iyon dahil magagalit sa atin si Bathala!" ang mariing salita ni Altas sa kanyang mga anak.

"Ano ba mayroon sa gintong halaman na iyon?" tanong ng panganay na anak niya na si Donno na may halong pagtataka.

"Kasamaan at kadiliman, iyan ang laman ng gintong halamang iyan. Donno, balang araw ay mawawala rin kami ng iyong ina at ikaw ang mamumuno sa ating kaharian at buong karagatan. Nais kong ipagpatuloy mo ang ating lahi at ituro mo sa kanila ang lahat ng aral at alituntunin na ituro namin sa iyo," ang sagot ng kanyang ama na si Atlas.

"Opo, ama. Gagawin ko ang lahat upang maipagpatuloy ang ating lahi," ang sagot ni Donno.

Sa paglipas ng mga taon ay mas dumami ang lahi ng mga silver tailed mermaid. At dala ng katandaan dulot ng daang taong pananatili sa mundo ay pumanaw na sina Asha at Atlas. Sila ay umakyat sa kalangitan sa piling ng kanilang lumikha.

At dito magbubukas ang ikalawang yugto sa kasaysayan ng mga silver tailed mermaid. At ito ang pamumuno ni Donno, ang panganay na anak ni Atlas at Asha.

Lumaking responsable at mabuting pinuno si Donno sa kanyang lahi. Nagkaroon siya ng maraming anak at dito nagsimula ang kanilang pagdami. Hanggang sa ang bawat isa ay nagkaroon ng pamilya at nag sanga sanga na ang kanilang lahi.

Itinuro ni Donno ang mahalagang aral at alituntunin sa kaniyang mga kalahi at magalang naman siyang sinunod ng mga ito. Itinuring siyang hari at ang lahat ng respeto at pagkilala ay pinagkaloob sa kanya. Tuwing kabilugan ng buwan ay umaakyat sila sa Isla ng Karikit upang magdasal, magpasalamat at manghingi ng biyaya sa kanilang lumikha.

Madaming naging asawa si Donno, at sa bawat asawa niya ay nagkakaroon siya ng maraming anak. At sa paglipas ng mga taon ay umibig naman siya sa isang magandang sirena na ang pangalan ay Caldina.

Si Caldina ang pinakamagandang silver tail mermaid sa buong kaharian. Ginamit ni Donno ang lahat ng kanyang kapangyarihan upang mapasa kanya ang dilag.

"Ano ba ang kailangan kong gawin upang ibigin mo rin ako? Ayaw mo ba sa akin? Makisig naman ako, gwapo at makapangyarihan," ang tanong ni Donno sa dilag.

"Kailangan mong patunayan sa akin na totoo ang iyong pag ibig. Alam ko naman na kapag nakuha mo na ako ay aanakan mo lang ako at pagsasawaan hanggang sa mawala ang aking kagandahan," ang sagot ni Caldina.

"Bakit ko naman gagawin iyon? Pangakong mamahalin kita at aalagaan ng buong puso," ang sagot ni Donno.

"Kung ganoon ay patunayan mo sa akin na totoo ang pag ibig mo sa akin. Bibigyan kita ng tatlong pagsubok," ang sagot ni Caldina.

"Ako ang hari ng buong karagatan, ang lahat ng kapangyarihan ay iginawad sa akin ang aking ama at ina. At halos daang taon rin ako nagpalakas upang maging mahusay na haligi para sa lahat. Walang pagsubok na hindi ko kayang gawin. Ngayon, sabihin mo sa akin kung ano ang iyong nais?"

Noong mga sandaling iyon ay masyadong nabaliw si Donno sa kagandahan ni Caldina. Mas mahirap kunin ang isang babae ay mas lalo siyang nagiging atat na makuha ang mga ito. Kaya't hindi siya papayag na hindi makuha si Caldina.

Tinanggap ni Donno ang mga pagsubok at noong gabi ring iyon ay sinabi ni Caldina ang unang pagsubok na dapat niyang gawin.

"Nais kong gumawa ka ng isang espeyal na tirahan para sa ating lahi. Isang espesyal na lugar kung saan makakapagtago tayo at magiging ligtas sa kamay ng mga mananakop o sa mga bagay na maaaring makasakit sa atin," ang wika ni Caldina.

Nangiti si Donno, hindi niya akalain na mabuti naman pala ang hangarin ni Caldina para sa kanilang lahat. Mas lalo lamang siyang nahumaling at nahulog dito. Sumang-ayon si Donno at binigya siya ni Caldina ng dalawang linggo upang maisagawa ang kanyang pagsubok.

Noong mga sandaling iyon ay ginamit ni Donno ang kanyang kapangyarihan upang gumawa ng isang malawak na lupain, nilagyan niya ito ng espesyal na barrier upang maitago sa lahat ng mga banta sa kanilang kaligtasan. Sinigurado rin niya na ang lupaing ito ay matatagpuan sa pinakamalalim na parte ng karagatan, sa lugar na hindi mararating ng ordinaryong nilalang.

Samantala ay humanga naman si Caldina sa husay na ipinamalas ni Donno dahil saktong dalawang linggo ay nagawa niya ang pagsubok ng walang kahirap hirap.

"Ang lugar na ito ay inihahandog ko sa iyo, mahal ko. Nakita mo naman na walang imposible sa aking kapangyarihan. Lahat ay kaya kong gawin at ibigay sa iyo," ang mayabang na wika ni Donno.

Ngumiti si Caldina, "ang ganda ng iyong ginawa mahal na hari. Ngayon ay tiyak na magigong ligtas na ang ating mga lahi. Ang lugar na ito ay tatawagin nating "Liquara". Ito ang magiging tahanan ng lahat ng mga sirena sa buong karagatan," ang sagot ni Caldina.

"Liquara, magandang pangalan, dito magsisimula ang ating mga pangarap," ang sagot ni Donno.

"Hanga rin ako sa husay mo, salamat sa pagbibigay ng seguridad at kaligtasan sa ating lahi," ang tugon ni Caldina.

"Huwag kang mag-alala, ang Liquara ay tatagal ng daang taon. Ito ang ating magiging pamana sa mga susunod na henerasyon. Ano bilib ka na ba sa akin?" tanong ni Donno.

"May dalawa pang pagsubok, handa ka na bang gawin ito?" tanong rin ni Caldina.

"Oo naman, ano ba ang susunod?"

"Magkita tayo sa isla ng Karikit mamayang gabi, doon ko sasabihin ang ikalawang pagsubok," ang tugon ni Caldina, habang nakangiti.


Continue Reading

You'll Also Like

437K 13.9K 64
Si Dio Agustin ay isang mayabang, arogante, siga at gwapong anak ng may ari ng isang sikat na kolehiyo. Sa kabila ng posisyon sa buhay, di maitatangg...
686K 17K 60
Hesiod Cruz is just a typical home grown Baguio boy. Nagmula sa simpleng pamilya. Nag-aral sa mga pampublikong paaralan mula elementarya at high scho...
1.9M 182K 206
Online Game# 2: MILAN X DION
11.5K 868 32
Make up. Wig. Pompoms. Short skirts and red lipstick. Ramdam ni Fluke Spellman ang panginginig ng kaniyang tuhod pagpasok sa gym ng Lauren High Insti...