Syrel's POV
Hello sa inyong lahat! So kilala nyo naman ako diba? ^_____^ Pinakilala na kasi ako ni Yael, kung naalala niyo.
At nandito ako sa mesa nagaalmusal, tulog pa pala si Aishna! ^______^
Ewan ko ba, nung unang kita ko sakanya, para bang feeling ko nakahanap ako na ate? Alam nyo un? Ang gaan kasi ng loob ko sakanya. Tapos medyo nahihiya pa siya! Ayan tuloy ang cute niya!~
Gisingin ko na kaya siya? Pero teka, hindi ko alam ang school niya. Tapos wala pa siyang uniform. Alangan naman umuwi siya? Nakakapagod kasi yun, at ayaw ko siyang mapagod! :D
Pumasok ako sa guestroom, hindi naman kasi nakalock eh.
Ang himbing ng tulog niya. Ang sarap niyang titigan, para mo kasing tinititigan ang isang anghel..*___*
Lumapit ako, at niyugyog siya.
"Aishna... Aishna. Gising na." Tapos nagulat ako ng biglang siyang tumayo at sumigaw.
"ASAN?! ASAN/!! ASAN UNG SUNOG?!!" Grabe naman to,hahaha! Hindi ko mapigilang tumawa.
"Wala, hindi ka ba papasok?" Tanong at namula naman siya, siguro nahiya siya sa pagsigaw niya! HAHAHAHA. Takte panalo un!
"Hindi na siguro, wala naman kasi akong uniform." Hmmm, eh kung sama ko nalang kaya siya sa school namin? Hihihihih.
"Gusto mong sumama sa school ko?" Tanong ko tapos yumuko siya. Ang cute niya!
"Uhhmm, pwede ba?" Tumango ako tapos umalis na. Bibigyan ko siya ng susuutin niya, actually meron akong ate kaya ayun nabibigyan ko siya ng mga susuutin niya. =)
Pumasok ulet ako sa guestroom, at nakita ko siyang nakatayo sa kama, at akmang tatalon na sana, grabe ha! Patawa siya! HAHAHAHA
"Eto suutin mo" Binigay ko sakanya ang uniform ni ate. Graduate na kasi si ate dun sa school namin at nasa korea siya ngayon at inaayos ang career niya.
"Salamat ulit." Isinara ko na ang pinto sa guestroom, magbibihis na ako.
Pero ewan ko ba, pagkasama ko siya. Parang hindi ko makuhang magpatawa kasi, inuunahan na niya ako. Nakakatawa siya! XDD
--
Aishna's POV
Ang cute cute naman ng uniform na pinahiram niya sakin, teka wag nyang sabihing bakla siya kaya meron siyang ganito? Nako. Gwapo pa naman niya! Hihihihi
(right side--> ganoon po ang uniform na suot niya.)
Isunuot ko na to, at woah. Ang cute talaga! ^____^ Tinignan ko ang phone ko, nabasa lang naman siya ng konti kagabi, kaya heto gumagana pa.
2 messages from Bessy
From: Bessy (Kyla)
"Bessy gurl? Papasok ka?"
Nagreply ako
To: Bessy (Kyla)
"Hindi, pakisabi. :)"
At itinago ko na, ang cellphone ko.
Lumabas na ako, at nakita ko namang naghihintay si Syrel sa sala, at nagtetext.
Napatingin siya sakin, tapos ngumiti. "Tara na?" Aya niya. Ang gwapo pala niya kapag nakauniform din siya! *O*
Sumakay na kami sa kotse niya, tahimik lang kami habang nagbyabyahe.
"Saan ka nga pala nagaaral?" Tanong ko.
"Sa Music & Arts University. Ikaw?"
"Concepcion Arts & Academic School" Sagot ko, at napawoah naman siya, haluh bakit?!
"Ang yaman mo pala." Nako, kung alam niya lang na nakapasok ako dahil scholar ako!
"Nako, hindi. Scholar kasi ako, kaya tinanggap nila ako." Tumango nalang siya bilang sagot.
Habang nagdridrive siya, may biglang tumugtog sa radyo.
Alam ko to ha!
On A Lonely Night- A Rocket to the Moon
I was sixteen met you out in Ohio
You were only fifteen living life by the mile
We layed under the stars
fell asleep in your backyard
Nakisabay ako sa pagkanta, alam ko kasi tong kantang to eh. Kinanta to sakin ng bestfriend ko. Nung bata pa kami.
You said you could fly
But you never need to
Cause with us you never tried too hard
And you never will
On a lonely night you will see
You're everything to me (you got everything)
On a lonely night oh the truth is
Every night is lonely without you
Every night is lonely without you here
Siguro alam din to ni Syrel, nakisabay na din siya eh. Ang ganda ng boses niya! *_______*
At tinapos namin ang kanta, tapos nagkatinginan kami at tumawa. Siguro dahil ngayon nalang namin namalayan na kumanta pala kami pareho.
"Buti alam mo un?" Tanong nya.
"Kinanta kasi ng kababata ko yan. Kaya ayun, namemorize ko." Tumawa naman siya at itinigil na ang kotse. SIguro andito na kami sa school niya.
Bumaba siya at pinagbuksan ako ng kotse! Omghed kilig much.
Pagkalabas ko, nakangiti siya at ngumiti din ako.
Puro hiyawan ng mga babae, siguro sikat siya dito. Halata naman eh sa gwapo nyang yan! Tapos ang bait pa niya.
Dumiretso kami sa room na nakasulat 'PRIVATE ROOM( TRIPLESTRUM ROOM)'
Nauna siyang pumasok, tapos sinalubong siguro siya ng mga kaibigan niya. Hindi pa ako pumapasok sa room, nahihiya kasi ako ehh! >___< Pero nakikita ko sila, kasi medyo nakabukas ang pinto.
Hinila niya ako papasok sa room. Tapos nagulat ang mga kaibigan nya.
"Wow! Gf mo pare?" Tanong ng isa din nyang kaibigang lalaki.
"Chicks bro! Ganda niya. Hi Miss!" Kumaway siya at ganun din ako tapos nagsmile ako.
"Anong pangalan niya?" Tanong ng serious type sakanila.
"Aishna." Tapos ngumit ako at binati sila.
"Hello sainyo!" Sabi ko habang kumakaway. Tumawa sila at lumapit sakin tapos hinug nila ako isa-isa. Nagulat naman ako doon.
"Ganyan talaga tradisyon namin dito, kapag may bago kaming kaibigan. ^____^ Niyayakap namin." Sabi ni Syrel. Ngumiti ako, pero hindi ko pa sila kilala ah?
"Teka, hindi ko pa kayo kilala." Tumawa sila.
"Hi. Ako si Ivan Arvin Soriano." Tapos inayos niya ung buhok nya, hot shet!!!
"Ako naman si Marlo Tom Yongsin." Sgaot niya ng poker face.
"Kilala mo na ako." Sagot ni Syrel, at tumawa naman ako.
"Teka, wala pa si Yael." YAEL? TEKA.. SINONG YAEL SI SUNGIT?
Bumukas ung pinto at nagulat ako..
SIYA NGA! SI SUNGIT!!
Nagulat siya ng makita niya ako, at sabay naming sabi..
"ANONG GINAGAWA MO DITO?!!"
-->End of chapter 5