The Ocean Tail: Loving The Me...

Door Ai_Tenshi

37.2K 3.3K 59

It follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assass... Meer

Part 1: Painting
Part 2: Poison
Part 3: The Silver Moon
Part 4: Yuelo
Part 5: Similarity
Part 6: Legs
Part 7: Special Lesson
Part 8: Mission
Part 9: A New Day
Part 10: City
Part 11: Jihan's Rival
Part 12: The Call
Part 13: First Date
Part 14: Extraordinary
Part 15: Sign
Part 16: Remembering
Part 17: Ancestor's Gift
Part 18: Attraction
Part 19: Courage
Part 20: Chase Me
Part 21: Deal and Confession
Part 22: For Love or For Mission?
Part 23: What If?
Part 24: Kindness
Part 25: Desperate
Part 26: Exhibit
Part 27: Romantic Night
Part 28: Imagination
Part 29: Publicity
Part 30: Contest
Part 31: Model
Part 32: Supremacy
Part 33: Dark Heart
Part 34: Obsession
Part 35: The Best Part
Part 36: Curse
Part 37: Big Night
Part 38: Face Off
Part 39: Moment of Truth
Part 40: Conclusion
Part 42: Successor
Part 43: Failure
Part 44: Escape
Part 45: Seito
Part 46: Secrets
Part 47: Cruelty
Part 48: Sadness
Part 49: New Beginning
Part 50: Missing
Part 51: Value
Part 52: Ancestors
Part 53: Forbidden
Part 54: Extinction
Part 55:Imitation
Part 56: Insecurity
Part 57: Hatred
Part 58: I Found You
Part 59: First Wave
Part 60: Hidden Ability
Part 61: Breathe
Part 62: Play Along
Part 63: Singh Cosmetics
Part 64: Music
Part 65: Offer
Part 66: Shine
Part 67: Vision
Part 68: The Secret Garden
Part 69: Invasion
Part 70: Abduction
Part 71: Monster Within
Part 72: Superior
Part 73: Betrayal
Part 74: Atonement
Part 75: Ocean's Payback
Part 76: To Be With Tomorrow (END)

Part 41: A Night To Remember

428 45 0
Door Ai_Tenshi

Part 41: A Night To Remember

"Cheers! Uminom ka na lang juice, alam ko namang di mo kayang uminom ng alak," ang masayang salita ni Kurt, nagdesisyon silang mag celebrate ni Yue sa isang maliit na store.

"Ayoko naman talaga ng lasa ng alak," ang sagot ni Yue, habang kumakain ito ng crackers.

"Gustong gusto mo pala yung fish crackers?" tanong ni Kurt sa kanya.

"Oo naman, masarap din pala yung ganitong pagkain. Madalas kasi ay puro hilaw na isda lang ang kinakain ko doon sa amin," ang sagot ni yue.

"Hilaw na isda? As in? Ahhh alam ko na, baka naman favorite mo ang Sashimi," sagot ni Kurt.

"Sashimi? Ano naman iyon?" pagtataka ni Yue.

"Isang uri ng Japanese delicacy consisting of fresh raw fish sliced into thin pieces and often eaten with soy sauce. Masarap iyon, next time igagawa kita ng Sashimi," ang paliwanag ni Kurt.

Habang nasa ganoong posisyon silang dalawa ay bumukas ang mini store at dito ay pumasok si Ryou. Hindi naman inaasahan ng binata na makikita niya sina Yue at Kurt dito.

"Bakit nandito kayong dalawa?" tanong ni Ryou.

"Nag c-celebrate kami sir! Bakit nandito ka?" tanong ni Kurt.

"Actually bibili lang sana ako ng bottled water. Iyan na yung celebration niyo?" pagtataka ni Ryou noong makita ang ilang plastic ng crackers at inumin. Hindi naman man lang nililingon ni Yue at parang wala itong nakikita.

"Yes sir, ganito lang talagang mag celebrate ang mga simpleng tao," ang nakangiting sagot ni Kurt.

Parang naawa si Ryou sa dalawa. Agad siyang tumawag sa kanilang bahay upang magpahanda ng masarap na pagkain. "Doon na kayo sa bahay ko mag celebrate. Nakita ko yung hard work niyo at hindi niyo deserve na iyan lang ang kakainin niyo," ang tugon ng binata.

"Naku sir Ryou, huwag na po. Baka maya maya ay sumulpot na naman doon yung baliw na si Jihan at biglang magkaroon ng gulo," ang pagtanggi ni Kurt.

Natawa si Ryou, "Don't worry wala na si Jihan, tiyak na nakauwi na iyon. Sumama na kayo sa akin, naghihintay doon si Gino at yung mga maid na fan ni Yue. Halos malatin yung mga iyon kaka cheer kanina doon sa venue. Baka naman daw maaaring magpakuha ng larawan sa kanya."

Tumingin lang sa kanya si Yue habang kinakagat ang fish crackers, pero hindi ito kumibo. Parang nagtatampo ang binata dahil sa nangyari kanina.

"Ganoon naman pala, tara na bahay nila Sir Ryou! Mahaba pa naman ang gabi oh, 1am pa lang," ang masayang wika ni Kurt.

Hinawakan ni Ryou ang kamay ni Yue, "lets go?" ang boses niya ay may panunuyo.

Tumango si Yue pero bago ito tumayo ay kinuha lahat ng fish crackers at isinilid sa kanyang bag. Nangiti si Ryou dahil ang cute niya at parang inosenteng bata sa masarap kurutin ang pisngi.

At iyon ang set up, nagtungo sila sa bahay ni Ryou Guerrero. At noong pagdating nila dito ay napatingala na lang sila dahil para itong isang malaking hotel na may malawak na swimming pool sa harapan ng bakuran.

Pagbaba pa lang ni Yue ng saskayan ay nagtakbuhan na ang mga maid hawak ang kanilang mga camera at nag papicture na agad ang mga ito.

"Sir Ryou, ang pogi pogi pala talaga niya sa personal! Grabe sobrang handsome ng face niya sa malapitan!" ang namamanghang wika ng mga ito.

Nakangiti naman si Yue at isa isang pinaunlakan ng binata. "Ang bait pa niya sir Ryou, unlike kay Sir Jihan na bruha at laging feeling badtrip," ang dagdag pa ng isa.

Natawa na lang si Ryou. Hindi naman siya mahigpit sa mga kasambahay. Ang bawat isa dito itinuturing niyang pamilya. Dahil dito ay talagang mahal na mahal siya ng lahat ng workers niya loob ng bahay.

Maya maya ay lumapit naman si Gino kay Yue at pati siya ay na stun sa angking kagandahang lalaki ng binata. Tinitigan ni Gino ang bawat anggulo ng mukha nito na parang bang sinusuri at kinakabisado. "Perfect.. napaka gwapo mo naman. May boyfriend ka na ba? Pwede ba ako manligaw?" ang salita nito.

Natawa si Ryou at hinila ang kaibigan palayo, "Sira! Huwag mo ngang ipakita kay Yue yung pagiging manyak mo."

"Kaya naman pala medyo nawawala ka sa sarili nitong mga nakakaraang araw. Nababaliw ka na pala sa kanya. Kung hindi mo kayang magtapat sa kanya, ako kaya bro!" ang biro ni Gino.

"Gago! Sira ka ulo ka talaga! Naghihintay lang ako ng tamang pagkakataon," ang sagot ni Ryou.

"Paano si Jihan?" tanong ni Gino.

"Oh edi court her. Best friend kita diba? Ikaw ang bahala kay Jihan, I think kayang kaya mo na siyang ihandle. Ipinauubaya ko na siya sa iyo," ang hirit ni Ryou habang nakangisi.

Nagsimula ang celebration, nagpahanda si Ryou ng masasarap na pagkain para sa kanyang mga bisita. Ang lahat ay naki join sa kasiyahan habang tumutugtog ang masayang music sa labas ng bakuran.

Nagsalin din ng wine si Ryou at itinaas niya ang kanyang baso.

"Cheers! Congratulations Yue and Kurt! Sana ay simula na ito ng magagandang opportunity na darating sa kanilang buhay."

Itinaas ng lahat ng kanilang mga baso..

"Cheers!"

"Dito ka pala nakatira, ang laki ng bahay mo," ang wika ni Yue habang iniikot ang kanyang mata sa malaking tirahan ni Ryou.

Nahiya si Ryou, humble talaga ng binata, "Oo, ito ang resulta ng aking hard work, someday dito ka na rin titira kapag mag-asawa na tayong dalawa," ang sagot niya na may mahinang boses.

"Ano yun? Ang lakas ng music, hindi ko narinig yung sinabi mo," ang tugon ng binata.

"Wala, gusto mo bang ipasyal kita sa loob?" tanong ni Ryou.

Tumango si Yue at ngumiti, "Sure," ang pagsang-ayon niya.

Hinawakan ni Ryou ang kanyang kamay at nagsimulang silang lumakad sa loob ng bahay. Bawat sulok ng bahay ni Ryou ay mayroong paintings. Ang mga kagamitan ay halatang mamahalin kabilang na rito ang mga desenyo ng pader at mga haligi.

Samantala ay proud na proud si Ryou habang ipinapasyal ang binata sa loob ng kanyang bahay. Mula sa dine in area, entertainment room, sa kitchen at ipinakita rin niya ang kanyang work out room na punong puno ng gym equipments upang mapanatiling maganda ang kanyang katawan.

"Gusto mo bang mag work out dito mismo? May alam akong program para sa iyo," ang alok ni Ryou pero wala na si Yue sa kanyang tabi. Habang nagsasalita siya ay napatingin ang binata sa isang malaking aquarium sa isang parte ng bahay kaya't pinuntahan niya ito.

"Kawawa niyo naman, siguro namimiss niyo na ang dagat? Hayaan niyo kakausapin ko si Ryou na ibalik kayo doon sa tirahan ninyo," ang wika niya habang kinakausap ang mga isda sa loob ng aquarium.

Natawa na lang si Ryou habang nakatayo ito sa kanyang likuran, "Don't tell me nauunawaan mo yung mga sinasabi nila?"

Tumango si Yue, "Oo, ang sabi nila ay gusto na nilang umuwi at mas gusto nila ang salt water kaysa sa fresh water. Bigyan mo ako ng asin," ang sagot ng binata.

"Asin?"

"Oo, bigyan mo ako ng asin," ang sagot niya.

Agad na kumuha ng asin si Ryou at ibinigay sa binata. Ibinudbod ni Yue ang asin sa tubig at dito ay kitang kita ni Ryou kung paano maging masigla ang mga isda sa loob ng aquarium. Umiikot ikot pa ang mga ito na parang nagsasayaw sa kanilang harapan. Namangha si Ryou, napatingin na lang siya sa mukha ni Yue na noon ay masayang masaya habang sinusunda ang mga isda sa loob ng aquarium.

"Kakaiba talaga siya, ang cute," ang bulong ni Ryou sa kanyang sarili.

Makalipas ang ilang saglit ay nagdesisyon naman si Ryou na dalhin si Yue sa kanyang silid. Nais niyang ipakita sa binata ang kanyang painting. At nais rin niyang makita ang reaksyon nito.

Pagpasok nila sa loob ay agad na isinama ng binata si Yue sa kanyang working area. Marahan niyang kinuha ang kanyang artwork at inialis niya ang puting tela na nakacover dito.

"Ito ang aking painting, nais kong marinig ang iyong comment," ang wika ng binata.

Tumambad sa harapan ni Yue ang art work ni Ryou. Imahe ito ng isang lalaki na nakalubog sa karagatan at yakap siya ng isang merman na may silver na buntot.

Noong mga sandaling iyon ay nagbalik sa ala-ala ng binata ang ginawa niyang pagligtas sa binata noong kasagsagan ng lindol sa karagatan. Halos ganitong ganito ang senaryo nilang dalawa. Hindi niya akalaing ipipinta ni Ryou ang mga bagay na ito na kanyang naranasan.

"Ang lalaking iyan sa larawan ay ikaw, tama?" tanong ng binata.

Tumango si Ryou, "Oo, at hanggang ngayon ay naniniwala ako na isang sirena ang nagligtas sa akin. Alam kong iniisip mo na weird ako pero ito talaga ang mga bagay na gusto kong panindigan," ang sagot ni Ryou sa kanya.

"Naniniwala ako sa iyo, at huwag mong isiping pinagtatawanan kita," ang sagot ni Yue at may kinuha siyang isang bagay sa loob ng kanyang bag.

Isang maliit na container ito na naglalaman ng kulay puting cream na animo glue. "Ano iyan?" tanong ni Ryou.

"Isa itong espesyal katas ng sea weeds na matatagpuan sa isang isla sa karagatan. Ginamit namin ito ni Kurt para mas mapaganda pa ang aking costume kanina sa contest," ang paliwanag ni Yue.

Kumuha siya ng kaunting amount ng cream sa container at ipinahid sa buntot ng mermaid sa painting. Makalipas ang ilang saglit ay nag glow ang silver na buntot nito noong tamaan ng liwanag mula sa lampshade.

Ito ay kapareho na rin ng painting na ginawa niya noon.

Namangha si Ryou at lalo siyang natuwa noong makita ang malaking pagbabago sa kanyang artwork. Mas lalo itong nabuhay at mas lalong naging realistic pagmasdan.

Humarap sa kanya si Yue at ngumiti.

Tumingin sa kanya si Ryou, marahang niyang hinaplos ang makinis na mukha ng binata

Tahimik sa buong silid..

Marahang gumalaw ang mukha ni Ryou at hinalikan niya ang binata sa labi..

Ito ang unang pagkakataon na hinalikan ang labi ni Yue at hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam. Tila ba huminto ang kanyang mundo..

Ito ang gabi na hinding hindi niya makakalimutan.


Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

152K 9K 59
Shawn, the fifth gate keeper of Kosmos. Genre: Fantasy/Action/Romance
238K 9.1K 47
[BoyXBoy|Yaoi|Historical Fiction] ~The Queen's Secret~ Sa panahon na ang bawat kontinente, bansa, at bahagi ng mundo ay napapsailalim sa pamamaraan n...
266K 10.1K 48
Highest Rating XD # 3 in Nerdy xD Salamat sa Support Love lots xD ang kwento na ito ay tungkol kay Daniel na isang lalaking mukhang babae na nanggal...
48.2K 3.2K 200
Kung nabasa mo na ang "I LOVE YOU SINCE 1892" o basta may alam ka lang sa story nato ay probably alam mo na ang point ng story na to. But don't ya wo...