The Ocean Tail: Loving The Me...

Bởi Ai_Tenshi

37.2K 3.3K 59

It follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assass... Xem Thêm

Part 1: Painting
Part 2: Poison
Part 3: The Silver Moon
Part 4: Yuelo
Part 5: Similarity
Part 6: Legs
Part 7: Special Lesson
Part 8: Mission
Part 9: A New Day
Part 10: City
Part 11: Jihan's Rival
Part 12: The Call
Part 13: First Date
Part 14: Extraordinary
Part 15: Sign
Part 16: Remembering
Part 17: Ancestor's Gift
Part 18: Attraction
Part 19: Courage
Part 20: Chase Me
Part 21: Deal and Confession
Part 22: For Love or For Mission?
Part 23: What If?
Part 24: Kindness
Part 25: Desperate
Part 26: Exhibit
Part 27: Romantic Night
Part 29: Publicity
Part 30: Contest
Part 31: Model
Part 32: Supremacy
Part 33: Dark Heart
Part 34: Obsession
Part 35: The Best Part
Part 36: Curse
Part 37: Big Night
Part 38: Face Off
Part 39: Moment of Truth
Part 40: Conclusion
Part 41: A Night To Remember
Part 42: Successor
Part 43: Failure
Part 44: Escape
Part 45: Seito
Part 46: Secrets
Part 47: Cruelty
Part 48: Sadness
Part 49: New Beginning
Part 50: Missing
Part 51: Value
Part 52: Ancestors
Part 53: Forbidden
Part 54: Extinction
Part 55:Imitation
Part 56: Insecurity
Part 57: Hatred
Part 58: I Found You
Part 59: First Wave
Part 60: Hidden Ability
Part 61: Breathe
Part 62: Play Along
Part 63: Singh Cosmetics
Part 64: Music
Part 65: Offer
Part 66: Shine
Part 67: Vision
Part 68: The Secret Garden
Part 69: Invasion
Part 70: Abduction
Part 71: Monster Within
Part 72: Superior
Part 73: Betrayal
Part 74: Atonement
Part 75: Ocean's Payback
Part 76: To Be With Tomorrow (END)

Part 28: Imagination

435 45 1
Bởi Ai_Tenshi


Part 28: Imagination

"Dahan dahan lang po ang pagbangon sir Ryou, may masakit po ba sa inyo?" tanong ng maid noong sandaling idilat niya ang mga mata.

"Anong nangyari? Bakit nandito ako?" ang nagpapanic na tanong ng binata noong matagpuan ang sarili na nakahiga sa kanyang silid.

Agad namang lumapit sa kanya ang kaibigang si Gino at pinakalma siya nito, "chillax bro, bakit ka ba nagpapanic? Huminahon ka nga muna."

"Nasaan si Yue? Nasaan ang iba? Anong nangyari sa kanila?" tanong ng binata at noong sandaling ipikit niya ang kanyang mga mata ay naalala niya ang kakaibang pangyayari kagabi. Habang siya nakalubog sa karagatan ay iniligtas siya ng isang merman na may silver na buntot. Niyakap siya nito at mabilis na dinala sa mga batuhan kung saan siya magiging ligtas.

Habang nakahiga ay nagawa pa niyang idilat ang kanyang mga mata at dito ay nakunpirma niyang isang kakaibang nilalang nga ang nagligtas sa kanya.

"Arrghh!" tila kumikirot ang kanyang ulo habang binabalikan niya ang pangyayari kagabi. Ang lahat ng ito ay malinaw sa kanyang isipan. Iyon nga lang ay hindi niya masyadong naaninag ang mukha ng nagligtas sa kanya. At sino naman ang maniniwalang isinalba siya ng isang sirena?

"Bro, ligtas naman ang lahat. Ang nangyari kagabi ay isang natural calamity. Walang nakapag-ppredict ng lindol. At ang pinakamalakas na bahagi nito ay tumama mismo sa ilalim ng karagatan. Mabuti na lamang at hindi nagkaroon ng tsunami o kung anumang mas malagim na sakuna. Ang yateng sinasakyan niyo ay tumagilid ngunit nakasurvive naman ito. Tumagal lamang ng ilang sandali ang paglindol at noong tumigil ito ay bumalik na rin sa normal ang lahat," ang paliwanag ni Gino.

"Nasaan si Yue? Ang ibang mga sakay ng yate?" tanong ng binata.

"Si Yue ay iniligtas ng mga life saver ng bangka at ligtas ito. Wala namang nasaktan at ang mga painting collection mo ay ligtas rin, ngayon ay nasa warehouse na ulit ang mga ito. Siguro mas maganda kung pahinga ka muna," ang wika ni Gino.

Natahimik si Ryou at napaisip, "Sandali, sino yung nagligtas sa akin?" tanong ng binata.

"Tumilapon ka daw sa karagatan, mabuti at alerto ang mga life guard ng yate. Isa doon ang nagligtas sa iyo," ang sagot ni Gino.

"Life guard? Sigurado ka? Parang iba yata ang nakita ko doon sa ilalim ng tubig," ang sagot ng binata na hindi maiwasang magtaka at mag isip.

"Kakaiba katulad ng? Don't tell me na iniisip mong isang sirena ang nagligtas sa iyo?" tanong ni Gino.

Inilapit ni Ryou ang mukha niya kay Gino at saka bumulong ito, "maniwala ka sa akin bro, hindi life guard ang nagligtas sa akin. Iba ang nakita ko, isang nilalang na may silver glowing tail na parang isang sirena," ang seryosong sagot ni Ryou.

Natahimik si Gino at napatingin ng seryoso sa kaibigan, maya maya nagbago ang ekspresyon ng mukha nito at biglang humagalpak sa pagtawa. "Bro, huwag mo nga akong biruin ng ganyan."

"Hindi ako nagbibiro, totoo yung sinasabi ko dahil iyon ang nakita ng dalawang mata ko," ang katwiran ni Ryou.

"Bro, alam mo ba na may paniniwala ang mga matatanda na kapag raw ang isang tao ay nalagay sa life and death situation ay nagkakaroon siya ng hallucination. Maaaring nagkaroon ka nito at ang nasa isip mo ay ang makakita ng isang sirena na magsasalba sa iyo. Kaya iyon ang ipinakita ng iyong mga mata sa iyo. Maaaring isa itong uri ng visual projection na kung ano ang nasa isipan mo ay iyon makikita mo. Halimbawa kung ikaw ay nasa isang lumang bahay at iniisip mo na may multo doon, the moment na humarap ka sa binata ay nakakita ka ng white lady pero ang totoo ay gawa gawa lang ito ng mata mo dahil hindi naman talaga white lady ang nandoon kundi isang kurtinang puti na lamang. Marahil ay na-misinterpret mo ang life guard into mermaids. Well, iyan ay isang scientific explanation lamang," ang paliwanag ni Gino.

Natahimik si Ryou at pinigilan ang sarili sa pagsasalita. Expected naman niya na hindi maniniwala sa kanya ang kaibigan. Nagsisi tuloy siya na sinabi niya ito, napagkamalan lang tuloy siyang hinahangin ang ulo o kaya ay nasisiraan ng bait.

Samantala ay naging laman ng balita ang nangyaring lindol kagabi. Naramdaman din sa buong city ang malakas na impact nito. Nagpasalamat na lamang ang kampo ni Ryou na hindi nasira o tumaob ang yateng sinasakyan ng kanyang mga guest dahil tiyak na malalagay na naman sa front page ng newspaper ang kanyang pangalan.

Kaya noong mga sandaling iyon na starting next year ay sa hotel na lamang gaganapin ang exhibit at hindi na ito ilalabas sa outdoor.

Makalipas ang ilang araw bumalik sa normal ang lahat. Naging maayos ang pakiramdam ng binata at nakabalik na ito sa kanyang opisina. Gayon pa man ay paulit ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang pangyayari doon sa ilalim ng karagatan.

Sa tuwing pumipikit siya ay nakikita niya ang nagliliwanag na kaliskis, palikpik at buntot ng mermaid na nagligtas sa kanya. At ito ang paniniwalaan niya dahil ito ang kanyang naranasan.

Naniniwala si Ryou na hindi ito isang imagination at lalong hindi ito gawa gawa lang ng kanyang mapaglarong isipan.

Tahimik sa buong silid.

Habang nasa ganoong pag iisip siya napadako ang kanyang tingin sa painting ni Yue at habang tinititigan niya ito ay nag f-flash sa kanyang isipan ang blurred na mukha ng taong nagligtas sa kanya sa sakuna.

Ito ang eksenang habang nakahiga siya sa batuhan ay pilit niyang inaaninag at minumukhaan ang nilalang nagdala sa kanya doon. Hinaplos pa nito ang kanyang mukha bago tumalon sa karagatan. Nakita pa niya silver na buntot nito na nag "splash" sa tubig bago tuluyang mawala.

Paano siyang paglalaruan ng kanyang isipan kung ganoong siguradong sigurado siya sa kanyang nakita? At sa bawat pagpikit ng kanyang mata ay ito ang madalas niyang naalala?

****

Samantala, sa seawall ay naroon si Yue, malayo ang kanyang tingin habang hawak ang basket ng kanyang mga paninda. Hindi pa sila nagkikita ni Ryou noong mga sandaling iyon at nangangamba siya na baka nakilala siya ng binata noong isalba niya ang buhay nito sa ilalim ng karagatan.

Maging siya mismo ay nabigla rin sa pangyayari, dahil noong mga sandaling iyon ay wala siyang ibang inisip kundi ang iligtas ang buhay ni Ryou dahil may posibilidad na mamatay ito lalo't malakas ang alon sa karagatan at hinihila nito paibaba ang kanyang katawan. Ngayon ay hindi niya alam kung nakilala ba siya nito o hindi. Basta ang mahalaga sa ngayon ay ligtas si Ryou Guerrero at wala siyang pinagsisihan sa kanyang ginawa.

Habang nakatanaw ang binata sa karagatan ay tumabi sa kanya si Marine at ngumiti ito, "hanggang ngayon ba ay iniisip mo pa rin yung ginawa mong pagligtas sa buhay ni Ryou?" tanong nito.

Tumango si Yue, nakapako pa rin ang tingin sa kalayuan, "Sa tingin ko ay tama lamang ang iyong ginawa. Kung ako ang nasa iyong posisyon ay ganoon rin ang gagawin ko. Hindi ko hahayaang mawala o may mangyaring masama sa taong nagbibigay ng kaligayahan sa aking puso," ang paliwanag niya.

"Paano kung nakilala niya ako? O namukhaan kaya?" tanong ni Yue na may halong pag aalala.

"Sa tingin ko naman ay itatago ni Ryou ang iyong sikreto, poprotektahan ka niya dahil isa siyang mabuting tao. Well, kung iyon nga ang sitwasyon na maaaring mangyari. Pero madilim sa ilalim ng karagatan, kahit tayong mga sirena ay nahihirapang lumangoy sa ganoon uri ng madilim na kapaligiran at kinakailangan lamang natin mag rely sa vibration ng ating pandinig at gayon rin sa ating malakas na pandama. Tiyak na hindi nakita ni Ryou ang iyong mukha dahil siya ay ordinaryong tao lamang," ang dagdag pa ni Marine.

"Umaasa pa rin ako na ganoon nga ang nangyari tiya," ang tugon ng Yue sabay bitiw ng isang malalim na buntong hininga.

"Kung anuman ang mangyari ay naniniwala ako na hindi ka ipapamahak ni Ryou dahil batid kong espesyal ang turing niya sa iyo. Alam mo ba kung ano ang pinakamasamang epekto ng ginawa mo?" tanong ni Marine.

Tumingin sa kanya ang binata, "ano po iyon?" pagtataka nito.

"Sana lamang ay hindi malaman ng mga elder mermaids ang ginawa mong pagligtas sa buhay ni Ryou. Tiyak na iisipin nila na nagtaksil ka sa ating lahi. At hindi mo ginawa ng tama ang iyong misyon," ang paliwanag niya.

Natahimik si Yue at binalot ng takot ang kanyang buong pagkatao. Dito ay muling bumalik sa kanyang ala-ala ang ginawang pagsalba sa buhay ni Ryou.

Noong mga sandaling tumigil ang paglindol ay agad na lumangoy si Yue sa karagatan para kuhanin ang kanyang kasuotan na lumulutang lutang tubig. Agad niya itong isinuot at nagpanggap rin na walang malay sa pampang ng karagatan kung saan siya nakita ang mga tao.

Umarte na lamang siya na kasama niyang nahulog si Ryou sa yate at kapwa sila iniligtas ng life guard ng bangka at dinala sa pampang. Hindi na siya nagpaliwanag ng kahit na anong detalye, sinubukan siyang dalhin ng mga medics sa clinic upang gamutin pero tumanggi ang binata. Sa halip ay si Ryou ang pinadala niya dahil marami itong nainom na tubig at hanggang ngayon ay wala itong malay.

Agad na umuwi si Yue, hindi na siya nagpakita kina Kurt at sa iba pa. Ang bukod tanging nasa isipan lamang niya noong mga sandaling iyon ay lumayo at umiwas sa mga katanungan ng mga tao lalo't hindi nila mahanap kung sino ang life guard na naglitas sa kanilang dalawa ni Ryou dahil wala naman talaga.

Patuloy sa pagkabog ng malakas ang kanyang dibdib noong mga sandaling iyon. Ngunit gayon pa man ay ligtas si Ryou at iyon ang mahalaga.

Habang naglalakad siya patungo sa seawall ay natawa na lamang ang binata dahil iniligtas pa niya ang taong nakatakda niyang patayin.

Ganito ba mapanuya ang buhay?

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.3M 53.6K 72
Highest Achievement: #4 Fantasy themed Sundan ang magulong mundo ni Julian matapos makatanggap ng isang kakaibang regalo. Warning: this is an M2M Sto...
48.2K 3.2K 200
Kung nabasa mo na ang "I LOVE YOU SINCE 1892" o basta may alam ka lang sa story nato ay probably alam mo na ang point ng story na to. But don't ya wo...
1.6M 63.9K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
20.8M 763K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...