Hans' POV
"Here"mahina nyang ibinato ang isang maliit na libro
Nagland iyon sa lamesa,kinuha ko agad iyon at inilagay sa bulsa ko.Tumayo na rin ako at aalis na sana pero nagsalita pa sya..
"Wala man lang bang thank you dyan?I wasted my time just to meet you here and give you that"marahan nyang sabi
"Salamat"hahakbang na sana ulit ako kaso nagsalita na naman sya
"Hope that could help..Btw,congrats,finally your mistress gave birth.Sana lang di nya mamana ang traits nyo"kahit hindi ako nakaharap sa kanya ay alam kong nakangisi sya
Napapikit ako ng mahigpit,nagagalit ako kasi nadadamay dito pati ang anak ko.Pero imbes na sagutin pa sya ay lumabas na ako,may sinabi pa sya pero di ko na inintindi.
Pagkalayo ko ng kaunti sa resto ay napahawak ako sa dingding at sumandal doon.Pakiramdam ko nanlambot ako sa konting oras na nagkaharap kami.Kanina nung wala pa sya ay halos di na ko makahinga,nung dumating na sya ay pakiramdam ko ay hindi na talaga ako humihinga.Pinipilit kong wag syang tignan pero shit ayaw makinig ng katawan ko...
Oo nga at galit ako kasi pinaasa nya lang ako at pinaglaruan pero habang kaharap ko sya parang gustung-gusto ko syang hawakan,halikan at yakapin.Pero hindi pwede,ayoko na,ayoko na kasi alam kong paglalaruan nya lang ulit ako...
Napatigil ako sa pag-iisip dahil biglang tumunog ang aking phone,si Cheska.
"Diba sabi ko sayo magpahinga ka?"bungad ko
"I'm sorry,sabi mo kasi madali ka lang pero halos two hours ka nang wala"kahit di ko sya nakikita bakas naman sa tono ng pananalita nya na naiiyak na sya
"Tsk,hinanap ko pa kasi ang bank book ko"
"Nakita mo na?Babalik ka na ba dito?"napahawak naman ako sa sentido ko
Naiimagine ko kasi na nakasibangot sya at nakanguso...
"Cheska,pupunta pa ko ng bangko para magwithdraw.Mabilis na to,magpahinga ka na,okay?"nagsimula na akong maglakad
"Sige,bilisan mo ah?Miss ka na namin ni Zion Anais Twaylem"ano?
"Ano?"napatigil ako sa paglalakad
"Zion Anais Twaylem,pangalan ng baby naten"nang ulitin nya yun naglighten na ang tono nya
Pati ako ay napangiti"Okay lang ba?Gusto mo ba o ayaw?If ayaw mo pwede naman nating paltan"mabilis nyang sabi
"No,that name fits on her.That'll be her name"nakangiti ko pa ring sabi
"Ma'am, magpahinga na po kayo"dinig ko sa background
"Ha,ahm,saglit na lang"sagot ni Cheska
Alam kong nurse yun"Sige na,mamaya na lang tayo mag-usap.Pupunta pa ko ng bangko"hindi ko na hinintay ang sagot nya,pinutol ko na ang tawag
Nilakad ko na lang hanggang bangko kasi walking distance lang naman yun mula sa resto.Agad akong pumasok at kumuha ng withdrawal paper at finill-apan iyon.Buti na lang at wala masyadong tao kaya naman nakausap ko agad yung teller.
"Good morning Sir,how can I help you"bungad nung babaeng teller
"Magwiwithdraw sana ko"diretsa ko sabi at inabot ang papel kasama ang bank book ko
"Ichecheck ko lang po"at nagpipindot na sya sa computer nya
"Sorry Sir,but the accounts already closed"sabi nito
Halos mapatayo naman ako sa narinig ko"Ano?!"di ko napigilang mapalakas ang pagkakasabi niyon
Pano ba namang hindi,parang kahapon lang nagdeposit pa ko tapos ngayon biglang closed na ang account ko?!Ni hindi pa nga ako napunta ng bangko eh,ngayon pa lang...
"Sorry Sir pero according dito sa record namin closed na po ang account nyo"paliwanag nito
"Pano nangyari yun?!"di ko na napigilang ilabas ang inis ko
"Sorry Sir pero yun po kasi--"
"Pano nga yun nangyari!"galit kong sabi
May lalaking lumapit naman sa akin,nakasuit sya"Excuse me Sir, I'm the bank manager here.May problema po ba kayo?"tumayo ako
"Oo,meron.Maaari nyo bang iexplain kung paano na close ang account ko?Hindi pa naman ako napunta ng bangko"medyo mahinahon kong paliwanag
"Sandra,tama ba ang account na natingnan mo?"tanong nito sa babae
"Yes po Sir,the account is under the name Hans Patrick dela Fuerte"basa nito sa screen
Pangalan ko nga yun,pero imposible talaga.."The account was closed last Friday"dagdag pa nito
Bigla namang may pumasok sa isip ko pero ayokong tanggapin"S-Sino ang nagpaclose ng account?"wala sa sarili kong tanong
"The account was closed by Mrs. Zanaia Marie dela Fuerte"sagot nito
"Paano?"napaupo naman ako kasi parang naubos ang lakas ko dun
"May authorization letter po syang pinresent na binibigyan nyo sya ng authority sa kung anumang gusto nyang gawin sa account nyo"sagot ulit nito
Napayuko naman ako at napahawak sa sentido ko.Paanong..wala akong natatandaang...
Bigla kong naalala yung time na may pinapirmahan sya sa akin,pero binasa ko yun eh.Then something struck me..Hindi kaya...Aish!Ang tanga ko!Napaglaruan na nga nya ko nagawa pa nya kong maloko!
"Sir?"yung bank manager
Pinilit kong icompose ang sarili ko at tumayo na.Kinuha ko na rin ang bank book ko at umalis na.Nakakapanglambot ang nalaman ko,di ko inakala na kaya nya yung gawin.
Muli ay tumunog ang phone ko,kinuha ko iyon sa bulsa ko..Si Cheska...
Hindi ko iyon magawang sagutin.Pano kung magtanong sya?Anong isasagot ko?Hindi ko naman kayang sabihin sa kanya kasi ayokong mamroblema pa sya.Dapat kong magawan agad to ng paraan...
----
"Sorry pare pero wala din akong pera ngayon eh.Natalo ko nung isang gabi sa sugal"sabi ni Mike
Tsk,ang dami ko nang nalapitan pero wala.Kung hindi kapos sa pera may pinaglalaanan na rin.Tapos etong si Mike ayun nga hindi pa rin pala nagsasawa sa pagsusugal.
"Sige pare,salamat at pasensya na rin sa abala"tumayo ako at tinapik siya sa balikat
Tumayo na rin sya"Teka pare,di ba ang dami mong ipon?Ano yun,naubos na agad ng..ahh,ni Cheska"
Nakangiti akong umiling at sinuntok sya ng mahina sa braso"Loko,kulang kasi.Sige,una na ko"
At nagfist bump kami"Sige"
Umalis na ako,sino pa ba ang maaari kong lapitan?Bigla namang pumasok sa isip ko si Marie at ang ginawa nya.Naggalit na naman ako...
Pera mo yun kaya may karapatan kang bawiin yun...sabi ng utak ko
Tama naman sya,kaya lang galit pa ako at natatakot ako sa pwede kong magawa at masabi pag kaharap ko na sya...
Pero ewan ko ba kasi eto ako at nasa tapat na ako ng dati naming bahay.Hapon na at kanina pang tumatawag si Cheska..
Kumatok na ako at ilang saglit lang at bumukas na iyon.Mukha namang hindi sya nagulat na dumating ako.
"Bakit ngayon ka lang?Kanina pa kitang iniintay"nakangiti nyang sabi at medyo gumilid sya,sign na pinapapasok nya ako
Umupo ako sa sofa habang sya naman ay nagpunta sa kusina.Pagbalik nya ay may dala na syang juice at sandwich.
"So,bakit ngayon ka lang?"nakangiti pa rin sya
"Bakit mo nagawa yun?"nakayuko kong sabi,ayoko syang tignan kasi ayokong mas magalit sa kanya
"Alin?Ah alam ko na,bakit?You gave me the right to do that atsaka isa pa may karapatan din ako sa perang yun"napatingin naman ako sa kanya dahil dun
Tinignan ko sya ng masama at puno ng galit pero parang wala lang sa kanya yun.Kumain lang sya ng sandwich at uminom ng juice.
"Niloko mo ko,hindi ko alam na ganun pala ang pinirmahan ko"pigil sigaw kong sabi
"Well it's not my fault na"chill pa rin nyang sabi
"For God's sake Marie,kelangan yun ng anak ko!"di ko na napigilan pang sumigaw
"Don't use God's name here Hans kasi wala syang kinalaman dito!At yung perang yun,para naman dapat yun sa anak naten diba?So kinuha ko lang kung anong dapat na samen"ibinagsak nya yung sandwich at tumayo
"Pero wala na ang anak naten at ang anak namin ni Cheska ang nangangailangan na nun!"napatayo na rin ako
Mabilis syang humakbang palapit at sinampal ako"Ang kapal ng mukha mong hayop ka!Ganun na lang?!Matapos nyong patayin ang anak ko,porket wala na sya wala ka na ding pakialam sa kanya?!At ano,yung anak mo sa kabet mo na ang tanging mahalaga sayo!Ang kapal ng mukha mo!"sigaw nya habang dinuduro ako
"Hindi yun ganun Marie,mahal ko ang anak natin pero-"I tried to calm down
"Pero ano ha Hans?!Walang pero pero!Nasa akin na ang pera at wala ka nang magagawa para makuha pa yon!And don't ever think na maaari mo kong makasuhan kasi I have papers,legal papers na binibigyan mo ng authority sa account mo"ngumisi sya at naglakad palayo
"Marie naman,wag mo namang idamay ang bata"nagmamakaawa kong sabi
Hinarap nya ko ng nakangisi"Sorry ka,damay na sya"at naglakad sya papunta sa pintuan"Inaantok na ako,umalis ka na"
"Marie"lumapit ako sa kanya
"Gusto mo ba talagang ibalik ko sayo ang pera mo?"nagcross arms sya
Pero imbes na sumaya ako at kinabahan ako,alam kong may ipapagawa na naman syang hindi kanais-nais...Pero kailangan eh...
"Ano yun?"kabado kong sabi
"Let me be her mother,tayo na ang magiging pamilya nya"diretso nyang sabi
Nagulat naman ako sa narinig ko"Ano?Marie ano bang pinagsasasabi mo?"
"Ang dali daling intindihin ng sinabi ko Hans,iwan mo si Cheska at kunin mo ang anak mo.I'll be her mother"relaxed nyang sabi
"Marie alam mong hindi pwede yun"
"Don't worry,di kita mamadaliin.I'll give you till tomorrow to decide.If it'll be a yes then youll get your money back.If no then bahala ka na sa buhay mo"napatanga naman ako sa mga sinabi nya
Naramdaman ko na lang na inaalalayan na pala nya akong palabas at napabalik na lang ako sa mundo ng ibagsak nya ang pinto.Sinubukan kong buksan pero wala na,inilock na nya ang pinto.
Ano ba to?Hindi,hindi ko tatanggapin ang alok nya.Kanya na ang perang yun didiskarte na lamang ako...
*-*-*-*-*-*
A/N:
Hi guys!Salamat sa pagbabasa ah?But to be true,nalulungkot ako kasi pagtinitignan ko kung ilan ang reads ng bawat part bumababa na. :( I thought nagiging thrilling na ang uds ko pero pababa pa rin ng pababa ang reads... :(