Hiram Na Pag-ibig (Formosa Se...

By PollyNomial

161K 3.2K 252

Naranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang p... More

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 55
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Wakas
Formosa Series Update!

Kabanata 58

1.5K 46 5
By PollyNomial


KABANATA 58 - Asshole


Pagpasok namin ng opisina ni Nash ay bumigat ang aking paligid. Hindi dahil mabigat ang hanging nasa loob ng kanyang opisina kundi dahil sa inaasahan kong mangyayaring usapan sa loob nito. I am sure this is about Terrence. It's about what they talked about when I heard them talking over the phone. Hindi na ako magugulat kung tungkol nga roon kung bakit ako narito dahil batid ko na ang kinalaman ni Nash dito. Terrence talked to her. He wanted something from her.

Umupo ako sa tinurong upuan ni Nash. Sa couch na nasa harap ng glass window ng kanyang office. Dito pa lang ay sigurado na akong walang kinalaman sa trabaho ang aming pag-uusapan. Dahil kung mayroon ay doon dapat ako nakaupo sa tapat ng kanyang office table. Ngunit nang tabihan niya ako, ngitian at abutin ang kamay ko ay nasigurado kong mas personal at malalim ang usapang ito.

"Therese." Sa pagtawag pa lang niya ng aking pangalan ay napaiwas na ako ng tingin.

Tumingin ako sa kahit na saan maliban sa dalawang bagay, sa kanyang mukha at sa kamay niyang hawak ang akin.

"I noticed that you have improved a lot. More than what I expected." Aniya. "You didn't disappoint us." Sabi niya.

Natanaw ko sa harap namin ang issue ng Fortune Fashions magazine sa buwan na ito. Iyon ang magazine na na-feature ang ilang photoshoot na kasama ako. Marahil iyon ang tinutukoy niya.

"And more than a week from now, mangyayari na ang project na dahilan kung bakit ka nandito." Mahinanong utas niya. Where is this coming? Anong kalalabasan ng mga paliguy-ligoy niya?

Kinuyom ko ang isa kong kamay na hindi niya hawak. Tinago ko iyon sa aking gilid, sa ibabaw ng sofa.

"I don't know why I am so fond of you, Therese. Gustong gusto talaga kita. The moment I met you in Terrence's bar, I know that there is something different in you. At hindi lang ako ang nakapansin noon. Everybody saw it. Even the designers here, they all like you, Therese. We all do. Kahit na hindi mo 'yon alam. Maybe for me, it is because somehow I can see myself in you."

Nais kong nang bumitaw siya at komprontahin na niya ako. Pero naghintay ako. Kahit na dahan dahan ay nasasaktan na ako. Tama siya, pareho kami. Pareho naming hindi nagawang angkinin ang puso ni Terrence ng buong buo.

"Nash..." Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi. Bagsak ang tingin ko sa makinis niyang kamay. Kinalas ko ang kamay ko sa hawak niya. "Anong gusto mong sabihin?" Tanong ko na.

Lumaki ang kanyang mga mata nang tingnan ko siya. Ngumuso at lumunok siya na parang inistorbo ko ang dapat na paunti unting pagsabi niya sa akin ng pakay niya. Binasa niya ang mapulang labi at huminga pa ng malalim bago nagsalita.

Alright, this is going to be hard.

"Hmm. Therese." Aniyang malapit ko nang ikairita. Ngunit nagpigil ako nang magsalita na siya. "Gusto ko sana after na lang ng fashion event ko sasabihin ito. But I think it would be too mean if I tell it after a big event. Alam kong hindi ka 'yong klase ng mag-e-expect ng mas malaki pa sa binigay sa'yo but after the event, everybody would expect something big from you. Makikilala ka ng ibang mga designer bilang nagsuot ng mga design ng FF. Other agencies might get you dahil hindi ka naman kasali sa isa. Or maybe kuhain ka pa ng mga international guests natin sa event para maging model nila." Sabi niya.

Tuloy tuloy ang pagpikit-dilat ng mga mata ko. Totoo ba iyon? Ganoon ba talaga ang mangyayari pagkatapos ng malaking event na iyon. But I'm just new here. I am not a professional model. Who am I?

"I know what you're thinking. That you don't qualify to what I said. Pero hindi, Therese. Napansin kita at napansin din ni DB ang kakayanan mo. You are beautiful in your own way. You have the body an aspiring model would wish for. At kaya mong kunin ang atensyon ng iba. Not just by what you wear but because of who you are, Therese. That's special." Paliwanag niya. "Pero hindi 'yon pwede. One person won't allow such things to happen." Aniya.

Si Terrence. She is referring to Terrence.

"I'm sorry because I would be the one to say this even though I don't want to. And I'm sorry because I know this job is important to you." Nagdahan dahan siya pagdating sa huling mga salita. Bumaba ang tono ng boses niya kahit na pansin doon ang panghihinayang. "After the event, wala nang ibibigay na project ang FF sa'yo, Therese. You will be fired but we'll still give you benefits. A thank you for working for us." Kumislap sa lungkot ang mga mata ni Nash. Labag ito sa kanyang loob.

Wala naman akong naging reaksyon. Blangko at hindi na kumurap ang mga mata ko. Nang sa wakas ay nagawa kong isaisip ang kanyang mga sinabi ay saka lang ako ngumiti at tumango.

"I understand." Hangin lamang ang salitang iyon mula sa aking bibig. Nilinawan ko ang mga susunod kong sasabihin. "Alam ko nang mangyayari ito." Utas ko.

Lumaki ulit ang mata ni Nash at napatayo siya. "Alam mo na? Sinabi na sa'yo ni Terrence? God, that asshole!" Mura niya bago hinawi ang buhok. Namewang siya at nagpabalik balik ng paglalakad sa harap ko.

Nabigla ako sa pinakita niyang reaksyon. And I wanted to cry. Pinapatunayan ng kilos ni Nash ang mga pinaplano ni Terrence.

"Ginamit pa talaga niya ako para sabihin ito? Damn it! Ang hirap nito." Aniya. Tiningnan niya ako. Ang galit sa mga mata niya ay nawala nang magkatitigan kaming dalawa. "I am sorry, Therese. Naguguluhan lang si Terrence. He'll get through this. Mawawalan ka pa tuloy ng trabaho dahil lang sa gago siya."

Nanginig na ang labi ko at mariin ko iyong tinikom. Namumuo ang mga luha ngunit pinilit kong ikulong iyon upang hindi makatakas.

Napansin ni Nash iyon at nawala ang pag-aalburoto niya. Nagulat ako nang bumagsak siya sa harap ko hanggang sa nakaluhod na siya at sinisilip ang mukha ko. "I'm sorry. I am really really sorry. Alam ko ang nararamdaman mo..." Huminto siya sa pagsasalita at napapikit siya sa frustration. Siguro ay dahil na rin iyon sa awa sa akin. "He only thinks of himself. He is selfish. Sometimes I despised his selfishness but he has his reasons. Especially with you, Therese."

Halos agawan ako ng hangin sa katawan. Lumipad ang lahat ng lakas ko at hindi ko na iyon mahanap. Parang nasilaw ako sa kalinawan ng lahat. Kay Nash na nanggaling. Terrence is selfish. He won't give his love, his heart.

Tumulala ako sa mukha ni Nash. Inangat niya ang mga daliri sa dulo buhok ko at hinawakan niya iyon. Tumigil ang panginginig ng labi ko hanggang sa mawalan na ako ng pakiramdam.

Ngumiti akong muli sa kanya. Ngumiti rin siya pabalik ngunit may kalungkutan sa likod niyon. Tumayo kaming dalawa at inaalalayan niya ako.

"Pagkatapos ng event, wala na akong trabaho." Sambit kong hindi sa tonong nagtatanong. At wala na rin si Terrence sa akin. Gusto ko iyang idugtong ngunit masakit na ngang isipin iyon, paano pa kung isasatinig ko iyon?

Tumango si Nash. "I am so sorry, Therese." Sabi niya.

Nanlumo ako ngunit nakatayo pa rin ako ng diretso. Naglakad ako patungong pinto upang makatakas na sa mabigat na pakiramdam na dala ng silid na ito.

"Therese..." Tumigil ako ngunit hindi na lumingon. Tinanggap na ni Nash iyon at siya ay nagsalita. "Please don't tell this to anybody yet. At least after the event." Tumigil siya at nang akala ko'y tapos na siya ay may isinunod pa siya. "Hindi rin 'to alam ni Ella. Don't mention this to her. She'll be upset. It's bad for her health." Aniya.

Kumunot ang noo ko at na-curious sa kanyang sinabi kaya lumingon ako.

May ngiti sa labi ni Nash. "She's pregnant." Utas niya matapos ay nilakad na ang patungo sa table niya.

Saglit akong napako sa aking kinatatayuan hanggang sa makuha ko ang mga nais ni Nash. Tahimik akong lumabas mula sa kanyang opisina.

Sapat na ang paglabas ko para sa naghihintay na pagkawala ng mga luhang pinigilan ko. Tinago ko ang aking mukha sa mga nakakasalubong ko. Walang nakapansin sa akin. Halos isigaw ng puso ko ang pasasalamat ng hindi nila mapansin ang lugmok na presensya ko habang naghahanap ng lugar kung saan ako maaaring magtago.

Mabilis kong nilakad ang lugar ng elevator. Nang walang makitang tao sa loob ay napansandal na lang ako at doon nagsimulang manghina ang mga tuhod ko. Bumagsak ako sa sahig ng elevator. Iniisip ko kung ilang floor pa bago ito makarating sa lobby. Kakayanin ko kayang tumayo? Paano kung bumukas ito bigla at may makakita sa sitwasyon ko? Wala na ang mga konsepto sa utak ko at tanging alam ko lang ay humikbi ng tahimik. Natuto na akong magpigil, natuto na akong manahimik at hindi ipakita ang sakit. Ngunit ngayong nag-iisa ako sa masikip na lugar na ito ay kumawala na ang lahat ng hinagpis sa aking katawan.

Pinilit kong hagilapin ang natitirang lakas ng katawan ko. Nakatayo ako ngunit nakaalalay sa pader. Nakikita ko ang luhaan kong mukha sa salamin ng elevator. Umiwas ako ng tingin doon dahil mas kumikirot ang dibdib ko sa nakikitang sitwasyon ko. I am miserable. Kahit kailan ay hindi ko nakitang ganito ako nang mamatay si Chris. I was never this devastated and hurt. It's unfair to feel this way right now. Bakit ako masasaktan ng taong hindi naman pala ako minahal?

Pagdating sa lobby ay saka ko lang naalala ang naiwan kong bag. Tapos na ang rehearsal ngunit dahil pinatawag ako ni Nash ay hindi ko agad iyon naalala at nakuha. Ngunit ayoko nang bumalik doon. Shit! I don't even want to be in this building anymore! I have to get out! I need to escape!

Nagdire-diretso ako sa exit ng building nang hindi namamalayan ang mga taong nasa paligid ko. Wala na rin akong pakealam kung napansin nila ang miserable kong hitsura. Nakahinga lamang ako ng maluwag nang nasa harap na ako ngunit agad na nanakawan ng lakas nang bumangga ako sa matigas na bagay.

Iiwas ako at hindi sana papansinin iyon nang iyon ay magsalita.

"Therese?"

"Terrence." Nautal ko sa aking sarili na parang normal na lang ang paglabas niyon sa aking bibig. Parang sa isang tawag lang na iyon ay kilala ko na agad ang may ari ng boses. Takot at kabado akong nag-angat ng mga mata sa kanya. Hindi ko alam kung gawa gawa lang ba ito ng aking isipan o tunay na narito siya. Kinapa ko ang dibdib niya at para bang napaso ako nang napagtantong nasa harap ko nga siya.

Agaran akong lumayo sa kanya.

"Therese! God, I've been trying to call and text you for the hundrenth time now! Why aren't you answering me?" Tanong niya. Hawak hawak na pala ako sa magkabilang balikat.

Tinapunan ko iyon ng masamang tingin. Iritado ngunit may pag-aalala sa kanyang mga mata. I can't read anything other than that.

"I went to you last night. Ayaw akong papasukin ng tatay mo at sinabi niyang pagod ka raw kaya hindi ko na pinilit. Did you fix your problem with him? I was so damn worried about you. I kept on-"

"Tama na!" Sigaw ko at lumipad sa mga tainga ko ang dalawa kong kamay. Tinakpan ko ang aking pandinig. Hindi ko na kayang marinig ang boses niyang sumusugat lamang sa aking puso. Masyado nang malalim ang sugat, ayoko nang dagdagan pa niya iyon.

Nanigas siya at tumigil ang nagsisimulang pag-igting ng panga niya nang makita ang nanlilisik kong mata. Tumulala siya sa akin habang gusot ang gitna ng mga kilay niya. Hinihingal siya sa harap ko, tila nanggaling sa mahabang pagtakbo. Pero nang masilip ko ang kotse niya sa kanyang likod ay nalaman kong may iba pa itong dahilan.

"What?" Halos pabulong niyang sinabi. Unti unti ay namutla siya at parang may naalalang nakakatakot dahil sa tinapon niyang reaksyon sa akin. "Therese, nasabi na ba sa'yo ni Nash?" Nanginig ang boses niya.

Napapikit ako sa lahat ng klase ng sakit na dinulot ng sinabi niyang iyon. Inutos niya nga kay Nash. But the break up part will come from him. Ang kamay kong nasa tainga ko kanina ay bumagsak sa dibdib ko. I have to protect myself from him. Somehow, even if the pain is already killing me, I still have to shield it from more.

"Ayoko na." Sagot ko sa dalawang tanong niya.

Namataan ko ang taxi'ng pinara ng isang lalaki sa harap ng building at bago pa siya makalapit doon ay nauna na ako. Tumakbo ako ng mabilis at sumakay doon. Sinabi ko ang lugar na unang naisip kong makakatakas ako mula kay Terrence. Sa lugar na alam kong hindi niya ako hahanapin.

Bermuda.

Inutos kong bilisan ng driver ang takbo at magbabayad ako kahit na magkano 'wag lang kaming masundan ng tinatakasan ko.

Sa likod ay natanaw ko pa si Terrence na mistulang estatwa na napako sa kinatatayuan niya. Masikip ang dibdib ko kaya hindi ko magawang makahinga ng maluwag dahil sa wakas ay natakasan ko siya. Sinandal ko ang ulo ko headrest ng aking inuupuan at pinikit ang aking mga mata.

Pagkapasok ko ng Bermuda ay maaga pa para sa inaasahan kong ingay sa loob niyon. Mahina at magaang na musika ang umaalingawngaw sa paligid ng bar. Ang hindi lang nagbago ay ang kadiliman sa loob na ginuguhitan ng matitingkad at makulay na linya ng ilaw.

"Therese?" Ngumiti agad ako nang makilala ang boses ni Marx. Nilingon ko siya at ang ilang mga customers na maaga pa lang ay umiinom na.

"Pwede ba akong mag-stay dito hanggang mamayang gabi?" Tanong ko sa kanya.

Naglakad ako patungo sa bar counter at sumunod naman siya sa akin. "Alam ni Terrence?" tanong niya.

"Yup." Pagsisinungaling ko habang nakatalikod sa kanya. Ayokong makita niyang hindi ako nagsasabi ng totoo. Kahit imposible iyon dahil hindi naman niya ako kilala para malaman kung kailan ako nagsisinungaling.

Umupo siya sa tabi ng stool kung saan ako nakapwesto. Tinawag niya ang bartender na nakilala ko noong mga panahong kumakanta pa ako rito.

Binati niya ako. "Kumusta, Therese? Kakanta ka ulit dito?" tanong niya sa akin.

Umiling ako at nahihiyang ngumiti. Sa kabilang banda ay naawa ako sa bartender at mga waiters na nag-iikot sa bar. Kailan nga ba ito magsasara?

"Anong gusto mo? Water? Softdrinks?" Tanong ni Marx at tumaas ang kilay niya nang ilingan ko ang mga inalok niya.

"Alcohol, pwede?" Tanong kong nangingiti. I shouldn't show any sign of what I am feeling right now. Kailangan magmukhang cool ako at nagpapalipas lang ng oras. But what kind of girl does that in the middle of the day? Ni hindi pa nga lumulubog ang araw sa labas.

Nanliit ang mga mata ni Marx at sinuring maigi ang aking mukha. Hindi kami gaanong magkakilala ngunit natakot ako sa pinapakita niyang panunuri at pagbasa ng aking isipan. Baka bigla ay tawagan niya si Terrence dahil nahulaan na niya na may problema. But then it's all on me and my good acting. Nanatili akong confident at siniguradong hindi manginginig ang aking labi dahil sa kaba. Tinago ko sa dulo ng pagkatao ko ang mga hinanakit ng aking puso.

"Cocktail." Aniya at tinaas ang hintuturo sa bartender. May tinuro siya at agad na tumalima ang kanyang inutusan.

Nakahinga na ako ng maluwag. Mamaya ay saka na lang ako hihirit ng mas matapang na alak. Maybe when more customers come in that will make him busy. Sa ngayon ay magtitiis ako sa strawberry cocktail na wala akong malasanan na alak. Parang juice lang iyon sa naghahalong tamis at asim.

Kumalam ang sikmura ko at naalala kong hindi pa pala ako kumakain. Nang makita ko ang waiter na patungo sa akin ay humingi ako ng nachos. Dumating agad iyon ngunit ngumiwi ako dahil nakulangan ako sa cheese na naroon. Tinawag ko itong muli at pinadagdagan ng melted cheese na gustong gusto ko ang isang plato ng nachos sa harap ko.

Hindi ko namalayan ang oras. Wala akong relo o kahit cellphone para malaman kung ilang oras na ba akong narito. Madilim ang bar at wala ni isang bintana upang malaman kung may sikat pa ba ng araw sa labas.

Kumawala ang takot kong masundan ni Terrence. He won't suspect that I am here. The first place he will go to find me is our house. Sumunod ay tatanungin niya si Iris kung nasaan ako. I feel sorry for her. Siguradong pipilitin at kukulitian siya ni Terrence kahit na wala siyang ideya kung saan ako mahahanap bukod sa FF. Maaaring tanungin din niya si Josef. Josef will get worried at madadamay pa siya ngunit wala akong magagawa. I want this escape.

Parang pinag-isipan kong maigi ang gagawing pagtakas dahil sa planong nagpapaikot-ikot sa aking isip.

Nag-alala lang ako nang maalala si tatay. Siguradong mag-aalala iyon kapag hinanap ako ni Terrence sa kanya. Siguradong ikikwento ni Terrence ang mga nangyari. O baka hindi dahil takot siyang mapagalitan ni tatay dahil naputol ang pangakong binitiwan niya rito.

Suminghap ako at napaupo ng diretso. Paano kung mag-drive si Terrence papuntang Laguna? I'm sure he won't do that. He's not stupid. Hindi niya ako hahanapin doon. Pero maaaring gawin iyon ni Terrence. Napapikit ako sa frustration at sa hilong nararamdaman ko.

Tinawag kong muli ang bartender. "Kahit kaunti pwede bang haluan mo 'to ng tequila?" Inis kong utos.

Ngumuso lamang siya sa iritado kong mukha na agad ko namang pinagsisihan. Kung sinu-sino na ang nadadamay sa galit na nararamdaman ko.

Nilingon at hinanap ko ang nawalang si Marx. Mabuti na lang at wala na siya at makakainom na ako ng maayos. Pero bago pa man masipsip ng aking bibig ang pinaghalong strawberry cocktail at alak ay may kumuha na niyon at naglayo sa akin.

I was terrified for a moment. Afraid that Terrence is already here to talk and confront me. Pero nang takot kong nilingon ang umagaw ng inumin ko ay lumuwag ang naninikip na pakiramdam ko.

"Ivan." Binalik ko ang tingin sa aking baso. Kukunin ko sana iyon pero hinawakan lang iyong muli ni Ivan upang mailayo pa sa akin.

"What are you doing here?" Tanong niya.

Napangisi ako, sa kanya at sa aking sarili. What am I doing here? Escape. That's all I wanted just for this day.

"Therese, alam mo bang nanggaling sa atin si Terrence?" Tanong niya. Hindi ko na iyon kinagulat.

Nanahimik ako at nais ko nang tawagin ang bartender para humingi ng kapalit ng aking alak. Pero nagsisimula nang magdatingan ang mas marami pang customer ng Bermuda at sila ay mga abala na.

"What happened? May problema ba kayo?" Naramdaman ko ang pag-angat niya ng baso. Inamoy niya ang laman niyon. "Bakit ka umiinom?" Mahinahon ang kanyang boses. Tila nag-iingat sa mga sinasabi.

Hindi ko iyon pinansin. "Masama bang uminom kahit isang beses lang?" Masungit kong sagot.

Hindi niya rin pinansin ang naging sagot ko. "Bakit hindi kayo mag-usap imbes na nagmumukmok ka rito?" Tanong niya.

Inilingan ko siya at tinawanan. "Mukha ba akong nagmumukmok?" Tanong ko pabalik.

Suminghap siya. My cousin is frustrated. Good. Nang sumuko na siya sa pang-iistorbo sa pagtakas na nais ko. "I will call him."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang mapatayo ako. "'Wag!" Utas ko sa malakas na tinig. Hindi niyon natalo ang nagsisimulang ingay sa loob ng bar ngunit sapat na upang marinig ni Ivan.

Ang kanyang noo ay kumunot. Naging isang linya ang kanyang bibig habang tumitiim ang kanyang panga.

"Isa na lang tapos uuwi na ako. Gusto ko lang mapag-isa saglit. Ayoko muna siyang makausap..." Bumalik ako sa stool na inuupuan ko.

Sumuko na rin sa wakas si Ivan at binalik sa harap ko ang aking baso. "Don't get drunk. Babantayan kita kahit nasa stage ako." Aniya. "I don't know what the problem with you two is but I'm concern with you, Therese. 'Wag kang uuwi ng lasing kasi mag-aalala si tito." Iyon lang at tumigil na siya sa kanyang mga pangaral.

Tumayo siya, ilang saglit pa akong tinitigan at saka umalis upang simulan ang kanyang trabaho.

Pinaikot ko ang dulo ng daliri ko sa bilugang ibabaw ng baso. Ngumiwi ako roon. Ngumiwi ako sa aking sarili. What am I doing to myself? Why am I escaping from the truth? Bakit ko ba pinagdadamot sa sarili ko ang pakinggan siya at ang paliwanag niya? Ang dahilan kung bakit niya ito nagawa sa akin? I have too many questions in my mind and I can only get the answers from him. Bakit ako nananahimik sa sakit na aking nararamdaman kung maaari ko naman itong isumbat lahat sa kanya?

Sinimsim ko nang madalian ang laman ng pinaghalong tamis at pait ng likidong nasa baso. Nilapag ko sa counter ang baso nang maubos ang laman nito at tumalon ako mula sa pagkakaupo. Wala akong pambayad ngunit si Terrence naman ang may-ari nitong bar. Siguro naman ay mapapatawad niya ako sa kaunting halaga ng nainom ko.

Umikot ang aking paligid ngunit pinilit kong tumayo ng tuwid at humarap sa direksyon ng exit. Pero bago ko pa iyon magawa ay napasinghap na ako sa mainit na palad na dumapo sa baiwang ko.

Lahat ng init sa katawan na dulot ng alak at nang palad na iyon ay umakyat sa utak ko. Napalunok ako dahil kilala ko ang mga haplos na ginawa ng palad sa akin. Tumindig ang mga balahibo ko sa batok nang maramdaman ko ang kanyang hininga.

Those are the familiar feelings which I can't let go. I want to feel the sensation of his touch every single moment of my life. I want his breath on my skin. I want the warmth he's giving into my body. Lahat ng nanggagaling mula sa kanya ay gusto ko. Nakakatakot isiping kahit ang sakit na dulot niya ay nais ko.

"Therese..." Anang boses sa aking tainga.

I gasped and closed my eyes. Nahihilo ako ngunit kailangan kong manatiling gising dito.

"I am sorry, Therese. I'm an asshole. But believe me, kahit kailan hindi ko ginustong saktan ka."

Continue Reading

You'll Also Like

3M 105K 72
She's a servant of the church with pure and innocent heart. He's a badass tattooed man. An Atheist. Will their different beliefs become a hindrance t...
207K 4.7K 39
What's more painful than not being loved back?
6.3K 442 51
'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang k...
174K 2.4K 65
Coleen Andrea Salazar knew that spending the night with that stranger was a mistake. It was a stupid move to get drunk and even more stupid to give i...