Kabanata 65

2.3K 68 5
                                    

This is the last chapter! Yehey!

(Hindi pa 'to end. May Wakas pa.)



KABANATA 65 - She'll Stay


Hindi nagpapigil si Terrence. Inulit namin ang ultrasound at ang kabuuan ng check-up kahit na pangatlong beses ko nang ginawa iyon sa linggong ito pa lang. Hindi naman daw iyon makakasama ayon sa doctor. Pinapaliwanag din niya sa doktora kung anong ibig sabihin ng mga nakasulat sa papers na nasa envelope kanina. Kung bakit ganoon pa lamang ang hitsura ng baby sa picture at kung kailan niya ito makikita ng buo sa larawan. Nagpalista siyang muli ng mga reseta ng aking gamot at mga pagkain dapat ko lang kainin. Lahat ng bawal ay hiningi rin niya rito. Napapailing ako sa tuwing dumarami ang kanyang mga gustong marinig mula sa doktora habang tumatagal kami sa loob ng opisina nito.

He was teary-eyed the whole time. Namamangha pa rin ang mukha ng doktora sa tuwing mapapanood ang kanyang mga reaksyon kahit batid ko namang marami na siyang ganitong nakita. Sa huling sambit niya ng 'oh, God' kanina ay hindi ko na napigilan ang aking pagtawa. Doon siya natauhan at doon din tumigil ang pagluha niya. Pero mula nang pumasok kami sa loob ng opisina ng doktor at dinidinig ang mga paliwanag at bilin nito, nagsimula na naman ang mga nakakagulat niyang mga reaksyon.

"Naintindihan mo naman ba?" Tanong ko sa kanya, hawak niya ang mga binigay na reseta ng doktora at nakayuko siya roon.

"Of course, I understand everything." Aniyang hindi man lang nag-aangat ng tingin sa akin. Iniintindi niyang mabuti ang mga gamot na nasa reseta kahit na hindi naman maintindihan kung paano ito sinulat ng doktora.

"Akin na 'yan. Mayroon na ako ng mga gamot na 'yan." Sabi ko sa kanya. "Namili na kami ni Iris nung isang araw."

Saka pa lamang siya napatingin sa akin. Umigting ang bagang niya at tinitigan ako. "I can't believe you didn't tell this to me." Sumeryoso ang tinig niya. Hindi iyon galit kundi nagtatampo.

Naiwas ko naman ang paningin ko. "I was schoked. Hindi ko alam ang una kong gagawin. At hiwalay tayo noon. Ang nasa isip ko lang noon ay takot na baka kapag nakumpirma na buntis ako ay magalit ka sa akin." Sabi ko ng mga naiisip ko noong nasuka ako sa FF.

Huminto sa paglalakad si Terrence at pumunta sa harap ko. "You thought of that, Therese? Really?" Umiling siya. "I would never ever get mad because of this, Therese. I'd be shock, yes. Pero hindi ako magagalit."

Isang tango lang ang nagawa ko. Ang reaksyon niya kanina nang malaman ito ay patunay na totoo ang sinasabi niya ngayon. Nagsisi rin ako na hindi ko siya agad sinabihan.

"I am going crazy, you know. Those days were the most awful days of my life. Nakipaghiwalay ka sa akin at hindi ako sigurado kung babalikan mo pa ako. Tapos pinagdaanan mo ito ng mag-isa lang?" Huminga siya ng malalim. "Don't ever do this again, Therese. This our child. Don't ever think na magagalit ako dahil dumating siya sa atin..." Tumigil siya sa kanyang pagsasalita. Napatulala na naman siya sa aking harapan. "Oh, God, I still can't believe it. Magiging mga magulang na tayo." Aniya ngunit wala nang isinunod doon.

I was expecting something more. Pero wala pa siyang nababanggit tungkol sa mga inaasahan ko gayung alam na niyang buntis ako.

Dumiretso kami sa drug store para bilhin ang mga vitamins na kailangan ko. Ilang beses kong inulit sa kanya na mayroon na ako niyon pero bumili pa rin siya. Siya raw dapat ang nag-asikaso ng lahat ng iyon at hindi 'yong ako lang mag-isa. Bumabawi siya, oo, pero sayang naman kung napakarami nang vitamins ang nakatago sa cabinet ko.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon