Kabanata 5

2.9K 55 4
                                    

KABANATA 5 — DJ

“Hoy, saan mo ako dadalhin?” Ito na ata ang pang-sampung beses na tinanong ko ito sa kanya. At wala lang siyang ibang sinasagot sa akin kundi ang tahimik niyang ngisi habang nakaharap ang mukha sa daan.

Kung kanina ay pasigaw akong nagtatanong sa kanya, ngayon ay napagod na ako at malumanay na ang boses ko. Ngunit hindi pa rin naitatago niyon ang irita dahil kahit ilang beses na akong nagtatanong ay wala pa rin siyang matinong sagot kundi ang nakakalokong ngiti niya.

Pumalatak ako at hinampas ang upuan ko. Naiinis ako! Ito na ata ang unang beses na sobrang na-frustrate ako sa isang tao. At hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ito sa isang Terrence Formosa.

Pinagmasdan ko siya na wala pa ring humpay ang pagtaas ng gilid ng labi. God. Sobrang naaaliw na talaga siya sa mga pinaggagagawa niya sa akin. Dito sa kalokohan niya. I don’t know where the hell he’s bringing me. Wala na kami sa paligid ng Formosa University at talagang nakalayo na kami. Kung nasaan man kami, hindi ko na alam.

Wala kami sa highway kaya wala akong signs na makita. Nasa isang street kami na one way lang at hindi ko alam kung saan. Siguro ay nagsho-shortcut siya kaya wala masyadong mga sasakyan dito sa lugar. Nang labasin namin ang street ay saka lang ako nakakita ng two way lane at mga jeep. Pilit kong inaninag at binasa ang nakasulat sa mga jeep. Blumentritt, Divisoria, at Sta. Cruz ang mga nabasa ko. Kung ganun ay nasa Maynila pa rin ako.

Tumikhim siya at agad akong napaayos ng upo. Umaasang sasagutin na niya ang kanina ko pang tanong. Wala na akong magagawa sabihin man niya o hindi. Pero gusto ko pa ring malaman. Hindi ko siya gaanong kakilala at wala akong tiwala sa tulad niya. Yes, maybe Ivan knows him, even Iris. Pero ako, schoolmate ko lang siya noong college. Anak ng may-ari ng eskwelahan ko. 'Yon lang ang alam ko sa kanya.  He’s just a rich arrogant guy for me.

Nang huminto kami sa traffic light ay saka lang siya nagsalita. “I’ll get you a job.” Aniya na parang responsibilidad niyang gawin iyon.

For a moment, I thought of thanking him pero nang makapag-isip pa ako ay hindi pala dapat gawin iyon. This is not what he really wants. Hindi niya ako hinahanapan ng trabaho dahil kailangan ko. Ginagawa niya ito para sa sarili niya. Para sa kondisyong gusto niya oras na mabigyan na niya ako ng magpakakakitaan ko.

“Sinabi ko na sa’yo,” salita ko. “Wala kang mahihita sa akin. Trust me, wala ka talagang makukuha sa akin.” Iyan ang totoo. Wala akong alam sa mga impormasyon tungkol sa pinsan ko. Ilang araw pa lang akong nakakauwi sa pamilya ko at hindi pa nila nababanggit sa akin kung nasaan si Ivan sa Japan. Ni hindi ko pa nga nakakausap ang pinsan kong iyon.

Gusto ko nang aminin na hindi ko naman talaga asawa si Ivan. Na ngayon ko lang nalaman ang sitwasyon ng pinsan ko tungkol sa pangbibintang sa kanya. Pero hindi ko magawa dahil natatakot akong baka magalit ang lalaking katabi ko. Pero hindi naman din ako ang nagsabi niyon kaya bakit naman ako matatakot? Siya ang nagpaniwala sa sarili niyang asawa ko ang pinsan ko.

“Stop that, Therese. Hindi uubra sa akin ang pagsisinungaling mo.” Napalunok ako sa kanyang sinabi. Napagtanto kong tungkol pa rin ito kay Ivan at sa mga impormasyon tungkol sa kaniya.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum