Kabanata 44

1.9K 40 3
                                    

KABANATA 44 — What I Intend

Ilang beses ko pang pinilit si Terrence sa aking mga bulong na sa harap ng kotse sasakay ang kanyang ina at ako naman sa likod. It’s a sign of respect but he couldn’t understand that. Sa huli ay ako pa rin ang nanalo dahil sa banta kong hindi ako sasama sa kanila kapag hindi siya pumayag. Banta lang naman iyon at hindi ko naman talaga gagawin, pero nanalo ako roon.

Mrs. Formosa is sophiscated and all the words you could describe for a rich and successful woman like her. Kailangan kong maipakita sa kanya ang respeto ko. Unang kita ko pa lang noon sa kanya ay sumisigaw na siya ng karangyaan. She’s nice when I first met her. She’s funny but still intimidating. Hindi ako naipakilala ng maayos ni Terrence sa kanya noong una kaming nagkitakita at hula ko ay hindi na niya maalala kahit ang unang letra sa pangalan ko.

“So?” Tanong ni Mrs. Formosa.

Agad ang matinding kabog sa aking dibdib sa katarayan ng kanyang boses. I haven’t known anything about her even if I am in FF building everyday. Except the fact that she’s Terrence mother. I can only count in my one hand the times when I see her there. Napakamailap ni Mrs. Formosa na naririnig ko na lamang ang pangalan niya ngunit hindi ko naman siya nakikita.

“Yes, Ma?” Balik na tanong ni Terrence dito. Hindi marahil sila nagkakaintindihan pero ako ay nakuha agad ang punto ng kanyang ina.

“How’d you two met? And why are you having dinner together?” She asked frankly. Rinig na rinig ang pagiging straightforward niyang tao. Walang paliguy-ligoy kaya mas lalo lang akong nakaramdam ng tensyon sa sarili ko.

“Can we talk about this while having dinner, Ma? I’m starving that I can’t even speak another word.” Mataray din si Terrence. O mas tamang salita ang suplado. Kahit pala sa nanay niya ay ganoon siya.

Nasilip ko sa rearview mirror ang kinang sa mga mata ni Mrs. Formosa. Her eyes made me want to believe that she’s a nice woman. That she isn’t like those from the movies I’ve watched. Her eyes were like those of Terrence. Ang pinagkaiba lang ay mahirap hulaan ang nasa mga mata ng matanda.

“Hm, that made me expect for more explanation.” Aniya.

Buong biyahe ay mabigat ang mga hinga ko. Mabuti na lang ay matapos ng bente minutos ay huminto si Terrence sa tapat ng isang restaurant na ngayon ko lang napuntahan. Sa labas pa lang ay kitang kita na ang pagiging Italian nito. An indication that it only serves Italian food. Noon ay madalas lang kami ni Terrence sa mga American restaurant o kaya ay sa restaurant na puro seafoods ang nasa menu. Alam kasi niyang gusto ko ang mga pagkain doon.

Bago bumaba si Terrence ay nilingon niya ako. Alam ko na agad na siya ang magbubukas ng pinto ko at hindi ako dapat bumaba mag-isa. Nakakagulat pa rin ito pero sa isang tingin lang talaga niya ay batid ko na ang mga gusto niya.

Inuna niya ang kanyang ina at sinunod ako. He breathed on my ear and whispered, “This is her favorite cuisine. Sorry I can’t bring you to yours.” Aniyang nabasa ata ang laman ng isip ko nang huminto kami rito.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Where stories live. Discover now