Kabanata 22

1.9K 35 2
                                    

KABANATA 22 — Confused

Pag-uwi namin ay isang malaking banner ang aking naaninag na nakasabit sa loob ng bahay nila Iris. Bukas na bukas ang bahay nila at maliwanag kaya naman ito ang una kong napansin.

Ngumiti ako at siniko ang aking pinsan. “Mukhang pinaghandaan ang pagbabalik ni Ivan.” Sambit ko kay Iris.

Tumagilid ng isang beses ang ulo niya at lumawak ang kanyang ngisi. “Oo naman! Siyempre na-miss din namin si Kuya.” Aniya.

Nagpakita muna ako kay tatay bago ako sumunod kay Iris sa kanilang bahay. Napag-alaman kong alas-nuwebe ang dating ni Ivan dito mismo sa aming lugar. Hindi na ito nagpasundo dahil sayang lang daw sa pamasahe at uuwi na lang daw itong mag-isa. Sumang-ayon naman si Tita Nora at napag-isipan paghandaan na lang si Ivan dahil pag-uwi nito.

“Tita!” Tawag ni Michelle. Tiningnan ko siya at ngumiti muna siya sa akin bago lumapit sa aming tita.

“Oh, bakit, Michelle?” tanong ni Tita rito.

“Sabi ni tatay nasa trabaho pa siya. Hintatid ata 'yong anak ng boss niya sa Bulacan. Hindi pa sure eh pero hahabol daw siya.” Sabi ni Michelle.

Tinanguan siya ni Tita Nora habang abala sa paghahalo ng isa sa mga putaheng niluto niya.

“Si Kuya Jhonel naman kinuha na ang mga upuan.” Sabi ni Michelle.

Mukhang malaking party ang gaganapin. Bakit hindi? Si Ivan ang darating at kahit papaano ay maraming naka-miss sa kanyang tao rito sa amin. Lalo na ang mga kaedad naming barkada niya rito. Kahit ako ay gusto na rin siyang makita ulit sa personal. Ni hindi ko pa nga siya nakakausap.

Humantong tuloy ako sa desisyong 'wag na lang bisitahin ang Bermuda ngayon. Marami pa lang kaganapan dito sa aming lugar at magtataka ang lahat kung ako ay wala. Kaya naman imbes na umalis na upang tumungo sa bar ni Terrence ay tumulong na lang ako sa paghahanda nila.

“Kumusta ang paghahanap mo ng trabaho, Therese?” Ani Tita nang maliliit na lang ang kanyang ginagawa. Nilalatag niya ang tatlong putaheng naluto niya sa mesa.

Maliit ang naging ngiti ko. “Maayos naman po. Hindi na ako nahirapan dahil 'yong trabaho na mismo ang lumapit sa akin.” Sagot ko.

Kumuha ako ng mga serving spoon at tinabi iyon sa mga pagkain.

“Mabuti naman at nakahanap ka ng iba. Nag-aalala ang tatay mo tuwing wala ka pa at patulog na kaming lahat.” Aniya.

Hinawi ko ang aking buhok patungo sa kanan kong balikat dahil mainit kahit gabi na. “Oo nga po.” Maikling sagot ko sa kanya.

Sana ay 'wag nang ipaalam ni Ivan sa kanila ang nangyaring pagtatrabaho ko kay Terrence. I remind myself to tell this to Ivan when I see him later. Kailangan ay maunahan ko na siya bago pa niya masabi ang lahat sa aming pamilya.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Where stories live. Discover now