Kabanata 54

1.4K 36 4
                                    


KABANATA 54 — Pagdududa


Kinuha ko ang limang daan sa wallet at binayad sa driver ng taxi. Hindi ko na hinintay ang sukli. Sinalubong ako ng nag-aalalang mukha ni Josef na mukhang hinintay pa ang pagdating ko. Ngunit hindi ko na siya nagawang pansinin dahil sa pagmamadali kong makauwi ng bahay. Sa labas pa lang ay nakita ko na ang dalawa kong pinsan na sina Iris at Ivan. Si tita ay naaaninag ko sa loob at may ginagawa sa kusina. Hindi pa makita ng mga mata ko ang aking ama. Naramdaman ko ang presensya ng isang tao sa gilid ko. Si Josef iyon na sinundan pala ako.

"Si tatay?" Tanong ko kay Iris nang hinihingal pa. Hindi ko na rin hinintay ang sagot niya at kumaripas na sa loob.

Sa sofa ay nakita ko si tatay na nakaupo at may hawak na baso. Hindi tubig ang laman niyon dahil malabo ang likido sa loob. Naisip ko agad na iyon ay gamot nang makakita ako ng basyong pakete sa mesa na may tatak ng gamot niya.

"Tay!" Utas ko at saka tumabi sa kanya. Naramdaman na niya ako pero hindi manlang siya nagbigay ng reaksyon. "'Tay. Ano 'to? Anong nangyari? Bakit naman nawalan kayo ng malay?" Tanong ko sa kanya ng sunod sunod at hindi na makapaghintay ng sagot.

Huminga siya ng malalim. Nanginginig ang kamay niya at dahil siguro iyon sa epekto ng nangyari sa kanya. Pinatong niya ang basong hawak sa mesa at kinuyom ang kamay sa kanyang mga hita.

"Nagtatrabaho pa rin ba kayo?" Tanong ko kahit na sigurado na ako sa sagot.

Umiwas ng tingin si tatay. Bumagsak ang mga mata ko sa isang paa niya at kahit na matagal na panahon nang wala ang isa niyang paa ay hindi pa rin ako masanay sanay sa nakikita. Masakit pa ring tingnan ang naging dulot ng traydor na sakit niya.

"Sinabi na ho kasing tama na sa kakatrabaho. Kaya nga nandito ako sa Maynila at binalikan kayo eh. Ako na nga ang nagtatrabaho para sa atin hindi ba?" Sambit kong ni hindi manlang niya nagawang lingunin o pakinggan.

Nawalan ako ng pasensya.

Minsan hindi ko maintindihan si tatay. Hindi ko alam kung pride lang ba itong umiiral sa kanya o gusto lang talaga niyang may nagagawa kaysa manatili rito sa bahay. Pero kung ano pa mang dahilan ay ito pa rin ang kinalabasan. Hindi na maiging magtrabaho si tatay. Matanda na siya at may sakit pa. May iniinda pa siyang kapansanan. Ni hindi ko maisip kung paano niya nagagawang gampanan ang trabaho niya sa kabila ng mga kulang sa kanya.

Hindi ko siya minamaliit. Mula noon pa man ay masipag na si tatay pagdating sa kahit na anong bagay. Wala siyang sinusukuan at hanggat sa tingin niya ay kaya niya, sisige pa rin siya. Hinangaan ko siya dahil doon. Pero iba na ito. Kalusugan na niya ang nakataya.

Tiningnan ko si tita Nora na nasa kusina at mataman ngunit may awa niya kaming pinapanood. Sigurado akong tutol din siya sa mga nangyayari ngayon. Sigurado rin akong napagalitan na niya si tatay kahit mas matanda pa ito sa kanya. Alam naming lahat na mahirap na para kay tatay ang mabibigat na responsibilidad gaya ng pagtatrabaho. At nagpapasalamat ako na may kakampi ako rito.

Kahit na ilang beses kaming nagkatinginan ni Tita Nora ay hindi na siya nangealam. Alam naming pareho ang katigasan ng ulo ni tatay. Pero hinayaan niya akong kumausap at humarap sa sarili kong ama.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Where stories live. Discover now