Kabanata 3

3K 55 3
                                    

KABANATA 3 — Asawa

Walang alinlangan akong tumungo kay Josef sa harap at kinuha ang mic. Nagpalakpakan ang mga kapitdbahay ko. Iilan lang sa kanila ang nandito. Lahat sila ay mga malalapit na kaibigan ko. May mga kaedad ako at ang iba naman ay matatandang naging malapit sa akin noong bata pa ako hanggang sa paglaki ko. Ilang buwan akong nawala at hindi sila nakita ngunit kahit katiting ay walang nabago sa pakikitungo nila sa akin. Wala ring nabago sa tingin ko sa kanila.

“Woohoo! Go, Therese!” tili ni Iris na tinawan ko. Narinig mula sa speaker ang malakas kong tawa dahil nakalapit sa bibig ko ang mic. Tumawa rin ang lahat.

“Anong kakantahin mo?” tanong sa akin ni Josef. Nakalapit na siya sa karaoke at nakatapong doon ang mga daliri niya.

“Teka lang, Josef. Pipili pa ako.” Kinuha ko ang clearbook kung saan nakalista lahat ng kantang meron doon. Nakalimutan ko na ang mga numero ng kanta. Dati ay kabisado ko ang mga numero ng mga paborito kong kanta pero sa tagal kong hindi nakakapag karaoke ay nakalimutan ko na.

Ini-scan ko ang list papunta sa mga parati kong kinakanta. Nakita ko ang pangalan ni Celine Dion, Whitney Houston, at iba pang sikat na singer. Napapangiwi ako at parang hindi ko type na ito ang kantahin. Hanggang sa bumagsak ako sa singer na si Eric Clapton at nakita ko ang pinakasikat niyang awit sa lahat.

Tears in Heaven.

May pumitik sa dibdib ko nang makita ang kanta at maalala ang lyrics nito. I know this song, but I’ve never sung this song before. Hindi ko 'to gusto dahil masyadong malungkot at walang dahilan para kantahin ko ito. Pero alam ko kung paano ito kantahin. Napalunok ako at tiningnan si Josef na nakakunot noo na sa akin. Lumapit siya.

“Ano? May problema ba?” tanong niya sa malamlam na boses. Tiningnan niya ang hintuturo kong nakalapat sa title ng kanta.

Pagbalik ng tingin niya sa akin ay nabasa ko kaagad ang pag-aalala sa mga mata niya. Alam ko na kung bakit ganyan siya makatingin sa akin. Siyempre, alam ni Josef kung anong ibig sabihin ng napili ko. Lahat sila na nandito ay alam iyon. Alam nilang namatay na ang asawa ko. Kung kakantahin ko ba ito ay maaawa sila sa akin? Matatahimik kaya sila at mawawala ang saya nila dahil sa kakantahin ko? Dahil sigurado akong mararamdaman nila ang lungkot na nararamdaman ko.

“Tears in Heaven?” tanong ni Josef. Nakalayo ang mic kaya ako lang ang nakarinig ng tanong niya.

Tumango ako sa kanya at pinadaanan ng tingin ang mga kaibigan kong excited na sa kakantahin ko.

“Sigrado ka?” tanong niya pa na tinanguan ko lang ulit. Bahagya siyang ngumiti at kinuha sa akin ang mic. “Kakanta na si Therese!” sambit niya sa masiglang boses ngunit alam kong pinilit lang niyang pasiglahin iyon. Mabuting kaibigan ko si Josef at nakikita ko sa mga mata niya ang pag-aalala sa akin.

“Yes!” sabay sabay na sigaw ng mga kapit bahay ko. Nakita ko ang tatay ko sa malayo habang nakikipag-inuman sa mga kaibigan niya. Nakatingin siya sa akin at pumalakpak din nang mahawakan ko na ang mic.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Where stories live. Discover now