Kabanata 37

1.9K 44 1
                                    

KABANATA 37 — Init ng Katawan

Kinuha ako ni Terrence paalis doon at dala niya ang mga gamit ko. Nasundan ko pa ng tingin si Carl nang tumalikod siya at pinuntahan si Carmela na katatago lang ng cellphone sa dalang bag. Nahuli ko ang pagtingin nilang dalawa sa amin ni Terrence bago kami tuluyang nakalabas ng building.

“Bakit ka nandito?” Tanong ko at hindi pa rin niya ako binibitiwan. Hindi na ako nagreklamo sa ginawa na naman niyang paghila sa akin. Nasanay na siya rito at nasanay na rin ako.

Ngumuso siya at tiningnan ako ng mabuti. “I already told the reason why.” Sambit niya.

“Iniwan mo ang pinapagawa sa’yo ng Papa mo?” tanong ko.

Bahagya siyang ngumiti. “I got everything settled. Ang sabi ko ay doon ko na lang gagawin sa Palawan ang trabahong binigay niya. And then I’ll send it through email.” Aniya. “He just wants me to make a report regarding a business proposal he was making. Madali lang 'yon and he allowed me.” Ngumisi siya na parang nagmamalaking pinayagan siyang umalis nito.

Bumagsak ang tingin ko sa kamay niyang nakakapit pa rin sa pulsuhan ko. Binalik ko ang tingin sa kanya nang mapagtantong hindi niya iyon papakawalan. “Ikaw ba ang magmamana ng kompanya ninyo?” Bigla ay natanong ko. Wala na akong masabi at ito ang naisip ko dahil ang alam ko ay ayaw niyang pamahalaan ang kompanya ng kanyang pamilya. Hindi man niya sabihin iyon ay napansin ko na iyon noon pa lang. Ngunit heto siya at may ginagawa para sa tatay niya.

Kinunotan niya ako ng noo. Para bang sinuri muna niya ang hitsura ko at ang tanong ko. “Why are you asking me that question?”

Tumaas ang kilay ko at umawang ang bibig. “Wala lang. Nahahalata ko kasi noon na parang ayaw mong maging tagapagmana? You have your bar, your own business. Some sons won’t build their own businesses because they are already rich and they know that they have a company to run someday. May mamanahin naman sila kaya bakit pa sila maghihirap magtayo ng sariling negosyo nila?” Ngumiti ako at bumuntong hininga. “I guess you really are different from those people, Terrence. May sariling isip ka.” Salita ko.

Siya naman ang nag-awang ng bibig. Napagmasdan ko ang pagbabago ng ekspresyon niya. Ngumiti at lumambot ang mga mata niya sa akin at nagulat ako sa paglapit niya. Hinila niya pa ako sa kanya at hinaplos ang pisngi. “The reason why I am inlove with you, Therese. You can see the real me. You just don’t see the Formosa, you are seeing Terrence. Which I really really love.”

Napakagat labi ako at nalito sa kanyang pinagsasabi. Nag-init ang pisngi ko nang mabasa sa mga mata niya ang katotohanan sa likod ng mga salita niya. Mas lalo niya akong nginisihan. “Yeah… I don’t like running my father’s company. Pero kailangan eh. Ako na lang kasi ang pwede. Si kuya na ang namamahala sa negosyo ng pamilya ng asawa niya. One of these days, ipapasara ko na ang Bermuda so I could focus on running the Formosa Corporation.”

Napakurap ako sa paglungkot ng kanyang mga mata. “Mangyayari talaga 'yan?” Tanong ko habang nakatitig sa kanya.

Nawala ang ngisi niya pero may munti pa ring ngiti sa labi niya. “I’m afraid it will happen, Therese.” Aniya.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Where stories live. Discover now