Kabanata 26

2K 48 4
                                    

KABANATA 26 — Meet Him

Hindi ako mapakali at ang itsura at tono pa rin ni Terrence kanina ang nasa isipan ko. Lalo lang akong nawala sa sarili nang maalala kong kanina lang ay nakilala ko ang nanay niya. They are really alike. Hindi mapagkakailang mag-nanay ang dalawa. Parang naghihiraman lang ng mukha ang dalawa. Iba lang ang features at korte ng mukha ni Terrence dahil lalaki siya. Pero parehas na matapang at matigas ang anggulo ng mga mukha nila.

Akala ko kanina ay susupladan ako ng nanay ni Terrence. Most rich mothers are like that. Kapag nakikita nila ang anak nilang nakikipag-usap sa kung sinong babae ay nagagalit na sila. Not that I’m just some random girl. In one way or another, magkaibigan kami ni Terrence at hindi ako kung sino lang. Siguro dahil iyon sa pagseselos ng isang ina o kaya naman ay labag talaga sa kanila ang pakikipagkaibigan ng kanilang mga anak sa mga babaeng hindi naman sila ang nagpakilala.

Well, those are just the scenes in the movies. Hindi ko alam sa totoong buhay. Mama Bea didn’t make me feel that way. Nang ipakilala ako ni Chris sa kanya bilang nobya ay agad niya akong tinanggap. Kahit na nalaman niyang mahirap lang ako at scholar lang sa university kung saan kami nagkakilala ng anak niya. She was very nice and kind to me.

Pero paano kung si Mrs. Formosa ang makaalam niyon? Mabuti na lang talaga ay inayos ko ang pananamit ko. I was not judged and maybe she thought that I am one of those sophisticated models who came from a well-known family. Baka akala niya ay nanggaling ako sa mayamang pamilya kaya niya ako kinausap kanina. O pwede rin naman kinausap niya ako dahil gusto niyang kilalanin ang babaeng hinabol at kinausap ng anak niya.

Napapilig ako ng ulo nang maramdaman ko ang hawak ni Josef sa braso ko. Tiningnan ko siya at ngayon ko lang nalamang nakabalik na pala siya.

“Anong iniisip mo?” Tanong niya habang pinapatong sa mesa ang isang tray na hawak niya. Laman niyon ang pagkain naming dalawa.

Umiling ako at ngumiti. “Wala naman. 'Yong trabaho ko lang.” Sagot ko sa kanya.

Nakita ko ang malalim na paghinga niya bago siya umupo.

“Nakahanap ka ba ng trabaho?” Tanong ko sa kanya.

Tumigil siya sa paglalagay ng straw sa softdrinks namin. Kumurap ang mga mata niya.

“Actually…” Huminto siya at tila nagdalawang isip kung sasabihin ba sa akin ang nasa isip niya.

Tinaasan ko na lang siya ng kilay at naghintay.

“Hindi naman ako naghanap. Hinintay lang kita kanina doon sa lobby ng building.” Ngumiwi siya at tinagilid ang ulo.

Nabigla ako roon at humilig pa ako sa kanya para suwayin siya. “Ano ka ba? Ba’t 'di ka naghanap? Nasayang lang ang oras mo.” Sambit ko sa medyo naaasar na tono.

Sumandal ulit ako at inisip kung ilang oras ba akong nawala kanina. Mahigit tatlong oras din iyon at sinayang lang ni Josef ang pagkakataon.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Where stories live. Discover now