Kabanata 46

1.8K 45 2
                                    

KABANATA 46 - Because

Panic is all over me! Umalis ako ng bahay upang tumungo sa pinaka malapit na mall na maaari kong bilhan ng damit. Kahit na kasama ko si Iris na mayroon namang fashion sense ay hindi pa rin ako makapili sa angkop na isusuot sa dinner na mamayang gabi na gaganapin. Nakarating na kami sa ilang mamahaling boutique at department store pero wala pa rin ako mapili.

"Ang dami daming damit, Therese. Wala ka bang magustuhan?" Tanong sa akin ni Iris na napilit kong samahan ako.

Umiling ako at sumimangot. Hawak ko ang dalawang bistida sa aking harap. One of them is a navy blue wrap dress and the other one is a black halter dress. Mas gusto ko ang una kung ako ang pipili. Pero gusto kong malaman ang opinyon ni Iris.

"Ano sa tingin mo?" Tinaas ko sa lebel ng kanyang mukha ang gusto ko sa dalawa.

Ngumuso si Iris na parang nag-iisip. "Kung ako kasi, itong halter ang pipiliin ko. But since ikaw si Therese, alam kong mas babagay sa'yo 'tong isa." Aniya at hinawakan ang mas gusto ko sa dalawa. "Simple but elegant ika nga." Ngumisi siya at sa wakas matapos ng dalawang oras na pamimili ay nakapagdesisyon na ako.

Mahal ang damit dahil may pangalan ang boutique. I don't want to disappoint Terrence. Gusto ko, kapag humarap ako sa pamilya niya, ay hindi niya ako ikakahiya. I want to fit in his family. Gusto kong ipagmalaki niya ako bilang kasintahan niya. Kagaya ng pagmamalaki ko sa kanya.

"Hindi ba masyadong mahal 'yan?" Tanong ni Iris nang makita ang presyo nito.

Nagkibit balikat na lang ako. "May credit card naman ako." Ngiti ko sa kanya upang hindi na siya mag-alala pa sa presyo.

Nakangiti buong magdamag ang saleslady na kanina pa kami sinusundan. Nang makapili ako ay kinuha niya iyon, binigyan ako ng tamang size at hinayaan akong sukatin iyon. Halos tumulala si Iris sa harap ko nang lumabas ako suot ang damit.

"Perfect, Therese! Super perfect!" Aniya sa akin.

Ngumiti rin ang saleslady at sumang-ayon. Nang naglalakad na kami patungong cashier ay dalawang saleslady ang nadaanan naming nag-uusap. Hindi nakalagpas sa akin ang mga bulungan nila.

"Model 'yan eh." Anang isa.

"Oh?" Tanong naman ng isa.

"Oo. Nakita ko siya sa isang magazine. Dun sa sikat na Fortunes Magazine."

"Ah. Kaya pala. Ang ganda naman niya."

Pumantay ang labi ko at napalunok sa mga narinig. Ako ba ang pinag-uusapan nila? Kilala nila ako? Napatalon ako nang sikuhin ako ni Iris.

"Sikat ka." Bulong niya sa aking tainga.

Umiling agad ako at bahagyang ngumiti. "Hindi naman. Nakita lang nila siguro ako nung na-feature sa magazine 'yong designs na sinuot ko." Sambit ko at tumaas lang ang kilay niya.

Matapos sa damit ay bumili rin kami ng babagay na sapatos. Pumps ang pinili ni Iris para raw hindi ako mahirapan. Si Iris ang pumili at may tiwala naman ako sa kanya. Nakauwi kami ng bahay nang alas-tres ng hapon. Sapat na para makapaghanda akong maigi bago ako sunduin ni Terrence.

Nagpatulong ako kay Iris sa make-up. Pinaalala ko sa kanya na simple at natural lang ang gusto ko na babagay pa rin sa dress na nabili ko. Ginawa niya iyon. Kinulot din niya ang dulo ng buhok ko upang mas umayos ang natural na alon niyon at nilagyan ng kumikintab na ipit ang buhok sa gilid ng tainga ko. Hinawi at inipon niya ang buhok ko patungo sa kanang balikat.

"Hayaan mong ganyan 'yan. May silbi ang ipit na nilagay ko sa'yo." Aniya at tumingin ako ng maayos sa salamin.

Ang natural na kulay tsokolate kong buhok ay pinapalamutian ng isang hairclip na may makikintab na bato. Tama ang sinabi ni Iris na bagay iyon sa akin lalo na kung nakahawi lang sa isang tabi ang buhok ko.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon