Kabanata 61

1.6K 47 5
                                    


KABANATA 61 - Kailangan Kita


Hindi tumigil ang panginginig ng aking kamay. Pati ang takot sa aking mukha ay hindi pa rin nabubura ng nangyari ilang minuto lang ang nakalipas. Walang sumunod sa akin dito sa restroom. Maybe Nash and Ella are trying to find me somewhere but here. Kinapa ko ang masakit kong tiyan at bumagsak ang titig ko roon mula sa salamin.

"No..." Nanghihina kong bulong sa aking sarili. Umiling ako ngunit nahilo lang ulit ako. Tinigil ko agad iyon sa takot na sumuka pa kahit wala nang mailalabas pa mula sa aking tiyan.

Tinakpan ko ang aking bibig nang bumaliktad na naman ang aking sikmura.

May nagpabalik balik sa aking isipan na mga eksena. Mga eksena na nangyari nitong mga nakaraang araw. Pagkatapos naming maghiwalay ni Terrence, nagsimula akong mawalan ng gana sa lahat ng aking ginagawa. I am trying to deal with the heartache and I am handling it well but there is still something different in my body.

Nahihilo ako tuwing gigising sa umaga. Hindi ko malaman kung bakit ayaw kong kainin ang almusal na parati namang hinahanda ni tatay sa araw araw. Hindi sa nagsasawa na ako kaya hindi ko kinakain iyon ngunit hindi ko lang talaga maatim ang lasa at amoy ng pagkain.

Ito ang unang beses na sumuka ako. But I always feel like vomitting every time after I eat or when I am tired. Napipigilan ko lang hanggang sa balewalain ko na iyon.

Alam kong may mali ngunit isinawalang bahala ko iyon dahil inisip kong dahil lang iyon sa lungkot na nararanasan ko mula nang maghiwalay kami ni Terrence. It happened after my break up with him so I thought it was the reason.

Maling nahihilo ako, mali na nawawalan ako ng gana sa pagkain, at mali itong pagsusuka ko. Morning seakness. I already attented several seminars about family planning when I was with Chris. May ilang parteng nagtuturo tungkol sa pagbubuntis at pag-iingat. Naalala kong sa ilang beses na may nangyari sa amin ni Terrence ay wala kaming proteksyon at pag-iingat sa aming dalawa.

God, what if I am pregnant? What will happen?

Inayos ko ang aking sarili. Sinuklay ko gamit ng daliri ang aking buhok. Natuyo na ng kaunting hanging umiikot sa restroom ang basa kong mukha. Namumutla pa rin ako kaya naman kinagat ko ang labi ko upang mamula ng kaunti iyon. Huli kong inayos ang aking damit at saka lumabas ng restroom.

Busy ang ilang taong naglalakad sa hallway. Nakasara naman ang pinto ng kwartong pinanggalingan ko kanina. I have to come inside so I can get my bag. Wala akong choice kundi ang harapin ang mga tao roon na nagtaka sa aking inasta kanina.

Wala akong nakitang Ella at Nash sa aking pagpasok. Nakahinga ako ng maluwag. Tanging naroon na lang ay ang ilang female models na pinagmamasdan pa rin at hinahangaan ang mga gowns na nakasuot nang muli sa mga mannequin. Hindi na nila ako napansin dahil doon kaya mabilis na lang akong tumakbo upang makuha ang aking bag sa nasa hanay ng mesa.

Lumabas agad ako, nakahinga ng maluwag nang hindi na ako pinansin o kinausap ng sino man. Dumiretso ako sa elevator at doon ay tinawagan ko ang unang taong naisip kong matutulungan ako.

"Oh, Therese!" Sagot nang nasa kabilang linya.

"Busy ka ba?" Tanong ko kay Iris. Sa kanyang background ay may naririnig akong mga boses ngunit hindi naman maingay.

"Nasa trabaho ako pero lunch break kaya nandito pa ako sa labas, kumakain. Ba't ka tumawag?"

Wala pang alam si Iris. Kung ano mang alam ni Ivan ay hindi niya ito ikinwento sa kapatid. Marahil wala rin si Iris nang hanapin ako ni Terrence noong bigla ko na lang siyang takbuhan para makatakas.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Where stories live. Discover now