Kabanata 52

1.9K 32 3
                                    


KABANATA 52 — Daughter-in-law



Paggising ko ay naramdaman ko agad na ang umagang ito ay iba sa mga nakaraan. Magaan ang aking pakiramdam na para bang lumulutang ako sa ere. Nakabalot ako sa kumot na tinatabunan ng braso ni Terrence. Ang isang braso pa niya ay naging unan para sa ulo ko. Ngumiti ako sa alaala ng nakaraang gabi. Sa bawat beses na naging isa kami ni Terrence ay naramdaman ko ang pagmamahal niya. Walang nakaligtas doon at ni minsan ay hindi niya nakaligtaang sabihing mahal niya ako sa bawat pagkilos niya sa ibabaw ko.


Kagabi, akala ko ay gigising akong pagod kinaumagahan. Pero kabaligtaran ng mga inakala ko ang nangyayari ngayon. Mas ginanahan pa akong tumayo ng kama at kumilos upang ipaghanda si Terrence ng almusal niya.


Tumungo ako sa bathroom para naman mapresko ang pakiramdam ko. Pagkatapos ay hinanap ko ang long sleeves ni Terrence na tinapon niya kung saan kagabi para isuot. Hawak ko ang cellphone ko nang maisip na wala kami sa condo ni Terrence at walang kusina rito. Simpleng kwarto lang ito ng hotel na tinuluyan namin. Ngumuso ako at napaupo sa kama nang mapagtantong hindi ko siya maipagluluto ng almusal. Dahil sa lumilipad kong isip ay nakaligtaan ko nang sa hotel nga pala kami nagpalipas ng gabi ni Terrence.


Isang daing ang narinig ko sa aking likod. Nilingon ko si Terrence na bahagyang dumidilat ang mga mata upang silipin ang paligid. Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa labi niya nang madaanan ako ng kanyang mga mata.


"Good morning." Paos pa ang boses niya dahil galing sa tulog. Nginitian ko na rin siya nang makitang mukhang maganda rin ang gising niya.


Nilihis niya ang kumot na nakatabing sa kanya hanggang sa tumigil iyon sa ibabang bahagi ng katawan niya.


"Ipagluluto sana kita ng breakfast. Kaya lang wala nga palang kusina rito." Sabi kong nililibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto.


Mahina siyang tumawa at umupo sa kama. Inabot niya ang likod ko hanggang sa nahila niya ako papunta sa kanya.


"We can order if you're hungry. Gutom na rin ako." Aniya habang pinapadaanan ng maliliit na halik ang aking leeg.


Tinagilid ko ang ulo upang bigyan ng lugar ang munting mga halik niya. Ngumiti ako nang makiliti ako at nilingon ko siya. Nakatingin pa rin siya sa aking leeg nang magtapat ang aming mga mukha.


"Ite-text ko si Mama Bea. Pasabayin natin siya sa atin." Masiglang sambit ko sa naisip. Naalala kong narito rin pala si Mama Bea at baka hindi pa siya nakakakain. Sa tagal na nakasama ko siya sa bahay nila sa Laguna, alam ko nang hindi kakain si Mama Bea hanggat walang nagpapaalala sa kanya.


Tinaas ni Terrence ang isang kilay niya at kinuha niya ang pulsuhan ko. "Okay. Maliligo muna ako and then you call Tita." Aniya.


Ako naman ang nagtaas ng kilay sa kanya. "Tita?" Tanong ko. Nawala ang ngiti sa mukha niya at nag-iwas siya ng tingin.


"I mean, Mrs. Franco—"


"No, no!" Utas ko kaagad nang mabasa ang pagkabigo sa kanyang mukha. "It's alright. Natuwa lang akong tita ang tawag mo kay Mama. She's important to me and I'll be very happy if you see her that way. Hindi mo iniisip na..." Humina ang boses ko hanggang sa huminto na ako sa pagsasalita. I don't know if what I am thinking is the right thing to say.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Where stories live. Discover now