Kabanata 40

1.9K 51 2
                                    

SPG: S

---

KABANATA 40 — Seal

Katatapos lang ni Terrence na gamutin ang sugat ni Ella gamit ang first aid kit na hiningi niya sa empleyado ng resort. Niligpit ko ang first aid kit na ginamit at tinabi iyon sa side table. Nandito kami sa loob ng kwarto ni Terrence. Kanina ay sumunod si Ella sa utos ni Terrence na sundan kami para gamutin siya. Nag-alala ako dahil tama siya na malalim ang hiwa ng sugat ni Ella na nanggaling sa bubog. Kung hindi pa nga pumayag si Ella na gamutin ay hindi pa malalaman ni Terrence na may nabaon ditong maliit na bubog mula sa baso na sanhi ng pagdudugo nito.

“Kahit na may band-aid na ay dumudugo pa rin.” Sambit ko nang makita ang mantsa ng dugo mula sa ilalim ng band-aid.

Ngumiwi sa akin si Ella. Lumabas si Terrence mula sa banyo at napansin ko ang pagpapalit niya sa t-shirt.

“Hindi na masakit. Mahapdi na lang.” Sagot sa akin ni Ella.

“You sure you don’t wanna go to the clinic? Meron naman daw sabi ng staff—” Pinutol niya si Terrence.

“I’m sure, Terrence. And please, please don’t tell this to your brother, okay? Alam mo naman kung gaano ka OA 'yon.” Sabi niya na tinawanan naman ni Terrence.

“He is, Mikaella. At baka ako pa ang pagalitan nun oras na malaman niya 'yan.” Sabi niya habang tinuturo ang sugat.

Nagpabalikbalik lamang ang tingin ko sa dalawa habang nakangiti. Nang huminto ang mata ko kay Ella ay umawang ang bibig niya.

“My husband will be furious if he finds out about this small cut.” Sabi niya sa akin. “'Wag kayong maingay kay Vincent ah?” Aniyang nakikiusap at tumayo na.

“Ihahatid na kita.” Sabi ni Terrence at nilahad pa ang kamay kay Ella. Umiling naman si Ella kaya natigil ang pag-abot ni Terrence sa kanya.

Nakatalikod na si Ella sa akin kaya hindi ko na makita ang mukha niya. Si Terrence lang na kumukunot ang noo ang nakikita ko. Bumuka ng bahagya ang bibig niya, tumango at tumingin sa akin. Sinalubong ko siya ng ngiti ko.

“Good night, Ella.” Sabi ko at tumayo na rin.

Lumingon si Ella sa akin at mahinhin siyang ngumiti. “Good night, Therese.” Sabi niya at saka lumabas sa kwarto ni Terrence. Parehas naming pinanood ang paglabas niya at pagsara ng pinto bago ako tumikhim.

“Babalik na rin ako sa kwarto ko.” Sabi ko habang nililingon siya. Inangat ko ang mata sa kanya at napansing nakatitig na pala siya sa akin.

Bumuntong hininga siya at binigyan ako ng isang ngiti na parang nagdadalawang isip pa siyang ipakita sa akin.

Tinaas ko ang aking kilay.

“Therese…” Bulong niya ng aking pangalan at humakbang ng isa palapit sa akin. Inabot niya ang kamay ko. “About the things that Carmela said…” Huminto siya at ako naman ang bumuntong hininga.

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)Onde histórias criam vida. Descubra agora