The Return of ABaKaDa (Publis...

Av risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... Mer

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 10

67.1K 2.6K 433
Av risingservant

Pagkatapos ng makarubdob-damdaming tagpong iyon, dumiretso na ako kaagad sa aking kwarto. Nabagabag akong bigla nang dahil sa pag-ibig.


Pagkaupo ko sa aking kama, biglang sumulpot sa harapan ko si Helga.


"Hindi ka niya mahal Morixette, niloloko ka lang niya." Panunukso niya. Isa siyang multo na dapat katakutan ko ngayon pero wala, dedma lang siya sa akin.


"Hindi lahat ng tao ay manloloko. Kaya hindi ko hahayaang malason mo ang isipan ko." Sumbat ko sa kaniya.


"Ganun?" Mapang-unsyami niyang sagot.


Nilapitan ako ni Helga at pumwesto siya sa aking likuran. "Sa panahon ngayon, wala ka ng makikitang taong malinis. Lahat, makasalanan. Kaya huwag kang iiyak-iyak kapag nalaman mong niloloko ka lang pala ah?" Bulong niya sa akin at bigla siyang humagalpak ng tawa.


"Oo madaling matukso ang tao. Pero hangga't mayroong kabutihan sa aming puso, kaya pa rin naming pigilan ang tukso." Supalpal ko sa kaniya.


"Well, tingnan na lang natin." Pambubuska niya at bigla na lang siyang nawala.

Paano kung niloloko o lolokohin ako ni Charlie? Ano nga ba ang gagawin ko sa kaniya?


Nagulat ako nang biglang may magliwanag sa loob ng aking silid. Hinanap ko kung saan nanggaling ang liwanag na iyon at natagpuan ko ang librong ABaKaDa na umiigtad-igtad habang nagliliwanag.


"Oras na. Magsisimula na ang pagbabalik ng ABaKaDa." Bungad ng isang boses sa 'di kalayuan.


Paglingon ko sa kaniya, nakatayo lang siya sa may tabi ng bintana.

"Anong ibig mong sabihin Ethel?" Nagugulumihanan kong tanong habang tangan-tangan ang ABaKaDa book na nagliliwanag.


"Kailangan mo na silang hanapin at iligtas sa binggit ng kamatayan. Kikilos na ang ABaKaDa upang patayin sila't likumin ang kanilang kaluluwa." Pahayag niya.


"Ano ba ang dapat kong gawin para mailigtas ang mga buhay nila?" Tanong ko.

"Nandyan ang kasagutan sa loob ng libro. Buklatin mo at bibigyan ka nito ng clue." Paliwanag niya.


"Nandito ako para gabayan ka. Wala akong ibang maitutulong sayo kung hindi ang paalalahanan ka. Buhay iyan Morixette, mapagtagumpayan mo sana ito." Dugtong pa niya at bigla na lang siyang nawala.


Dahil sa tinuran niya, napagpasyahan kong buklatin na ang libro. Bumungad sa akin ang mga katagang ito...


Hindi ka makakatakas,

Buhay ay lalagaslas.

Mawawalan ka ng lakas,

Sa katotohanang ipapamalas.


Anong sandata ba ang mayroon ka?

Para mailigtas mo sila?

Mabagsik ang ABaKaDa,

Wala ka nang kawala pa.


Ano ang ibig sabihin ng mga katagang ito? Hudyat na ba para magwakas ang aming mga buhay? Pero paano? Saan? At kailan?


Nagulat ako dahil kusa itong gumalaw at nalipat sa ikalawang pahina.


Lingon dito,

Lingon doon.

Huwag mahilo,

Maging kalmado.


Bato-bato sa paligid,

Kay sarap magmasid.

Sa iyong isip sumisisid,

Katanungang 'di mabatid.


Huwag magpapapatid,

Sa daang pagkakitid-kitid.

Mga suso sa bukid,

Dulot sayo'y pagkaumid.


Maging alerto,

Kung ayaw ma-insulto.

Itaas ang kamay,

Ito'y iwagayway.


Tanong na 'di masagot-sagot,

Masasagot 'wag lang magpakahindot.

Papalakpakan ka,

Matutuwa ka pa.


Ano ang ibig sabihin nito? Hindi ko maintindihan ang nais iparating ng ABaKaDa.


"Iyan ang dapat mong alamin. Clue iyan sa unang mabibiktima. Pag-isipan mong mabuti kung ano ang nais ipahiwatig niyan." Paliwanag ni Ethel na biglang sumulpot sa aking tabi.


"Pero nalilito ako. Wala na bang iba pang clue?" Tanong ko.


"Sa muling pagliwanag nang libro kong ABaKaDa, magkakaroon ka muli ng clue patungkol sa kaniyang biktima." Aniya.


"Ikaw ang nagsulat nito 'di ba? Bakit hindi mo pa sabihin sa akin para hindi ako nahihirapan ng ganito?" Tanong ko.


"Dahil nagkaroon nang sumpa ang aking libro, na-revised na ang nilalaman nito kaya hindi rin kita matulungan. Gabay nga lang 'di ba ang maitutulong ko sayo?" Pahayag niya.


Patay, mahina ako sa mga ganito. Ano ang gagawin ko? Paano ko matatalo ang ABaKaDa? Ano ang nais ipahiwatig nito? Sino ang makakatulong sa akin?


"Alam kong kaya mo. Magtiwala ka lang sa kakayahan mo." Aniya.


"Tandaan mo, 'Walang mahirap sa taong nagsusumikap.'" Dugtong pa niya.


Kailangan ko itong kayanin, para sa mga taong maililgtas ko, at para sa Ate ko.

Kaya ko ito!

Fortsett å les

You'll Also Like

14K 421 19
Book 3 | IKWKM Trilogy "Sa larong ito, buhay mo at ng iyong asawa't mga anak ang nakataya. Kailangan mong malagpasan ang isang linggong pagsubok na s...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
Pagsamo Av Señorita M

Historisk fiksjon

73.2K 523 4
In the Filipino town of Santa Crusiana, a young man named Leonor marries a woman whose head has been torn off from an old photo. Within the Seguismun...
55.6M 1.7M 53
Having enhanced senses cannot help one earn a living. A useless special ability--or at least, that's what Shia Sheridan believes. But when she is cau...