You Are Mine (Published Under...

By DisenchantedNow

9.3M 90.2K 5.6K

Akala niya, siya na ang pinakamaswerteng tao sa buong mundo. Pero ng malaman niyang nage-exist pa pala yung f... More

You Are Mine
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
A MUST READ AUTHOR'S NOTE.
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60 - THE LAST CHAPTER
Epilogue
FINAL AUTHOR'S NOTE

Chapter 13

138K 1.1K 89
By DisenchantedNow

"Honey, nagi-guilty ako sa ginawa natin." sabi ni Christopher.

Nakaupo ang asawa sa kama habang kumakagat ng mansanas. It's 8:00 am in the morning, mamaya madi-discharge na siya sa hospital. Mabuti na lang at naki-cooperate yung kaibigan nilang doktor.

"Don't be, Chris. Isipin mo na lang, it's for Celine's sake. Yun lang." sabi ni Jane.

Napabuntong-hininga si Christopher.

"If you have saw your daughter kung paano siya nag-alala, you'll feel the same thing I am having right now."

Natingnan niya ang asawa.

"I know it's wrong. But it's the only thing we can do for her to agree. Wag ka ng masyadong mag-isip, okay ?" and then she reaches for his hand.

Christopher just nodded.

***

CELINE'S POV

Naibaba ko ang ballpen. Wala talaga sa ginagawa kong essay ang isip ko ngayon.

Pumasok na lang ako ng maaga para sana, hindi ko na muna maisip ang mga nangyari at makapag-concentrate sa school works pero, hindi ko talaga kaya. Naiisip at naiisip ko pa rin ang nangyari kay mommy, at ang decision ko.

Magpapakasal ako kay Shaun. Makikipag-break ako kay James. Hindi na ako magiging masaya.

Mariin kong naipikit ang mga mata ko. Sana pagmulat ko, wala ako dito sa library, sana katabi ko si James, masaya kaming naglalambingan, at hindi nangyayari ang lahat ng ito.

I tried to open my eyes.

But still, I'm in the same place.

And reality hits me.

Damn. It's all true.

Sobrang lungkot ko. Yung tipong, parang guguho yung mundo ko. Yung katotohanang, makikipaghiwalay ako sa lalaking mahal na mahal ko alang-alang sa magulang ko, at sobrang sakit nun sa pakiramdam.

Kasi kailangan ko pang pumili sa kanilang dalawa. Kahit na mahal na mahal ko si James, I will end up losing him even though I really don't want to.

Hindi ko man lang siya naipakilala kila mommy. Hindi nila na-witness kung gaano siya kabait at ka-gentleman.

Pinaglaban ko siya pero, natalo ako.

Bakit ganon, lagi akong natatalo ?

Kay Shaun, talo ako.

Kila mommy, talo ako.

Kay James, talo ako.

Ano bang nangyayari at bakit tuloy-tuloy ang kamalasan ko ?

Kakausapin ko pa si James. I pulled my new phone from my pocket and texted him.

Kabisado ko naman ang number niya eh.

[James, it's me, Celine. I think we need to talk right now. See you at the cafeteria. I'll wait for you, okay ?]

Nagreply agad. My face drew a sad smile.

[See you there. I missed you, hon.]

[I missed you, too.]

[I love you.]

Hindi ko na magawang mag-reply sa huling message niya. Kung magre-reply ako ng i love you too, mababago kaya ang lahat ? Sana. Kaso hindi ganon kadali yun.

Alam kong maiiyak na ako that's why I hurriedly go out from the library with all my things bago pa nila makita kung gaano ako ka-miserable.

At sa kamalas-malasan nga naman talaga, nagkalat ang notebook, ballpen at paper ko sa hallway ng may makabungguan na naman ako.

And there I saw Shaun, na may babae na namang nakakakawit sa braso niya.

Napalunok ako bigla. Babaero talaga. Tsk. Tsk.

Nagulat ako nung pulutin niya rin ang mga gamit ko.

"I'm sorry." sabi niya.

"Jared, tara na." sabi ng babaeng mukhang paa.

She's mean, huh.

Hindi ba makapaghintay ? Kita na ngang tumutulong pa yung tao sa nakabungguan niya ?

He give me my things.

"Thanks." at agad ko silang nilagpasan.

***

JARED'S POV

"What ? Pinapaalis mo na ako ? But why ? Di ba pupunta pa tayo ng cafeteria ?" malambing na sabi ni Jenny, yung babaeng nakakapit sakin kanina pa na akala mo tuko.

"There's something I need to do here in the library. Just go, please." ayokong masigawan ang babaeng to.

Ayoko lang talaga ng babae kapag naiisip ko si lampa.

Bwisit ! Ano ba kasing problema mo, Jared ?! Nakabungguan mo lang si Celine, inaayawan mo na naman ang isang putahe.

Damn this. Damn all of this !

"O sige, see you around, okay ?" sabay halik sakin.

But I don't mind. Agad akong tumalikod at pumasok sa library.

Naupo ako sa sulok. Kumuha ng isang algebra book.

I tried to concentrate on what I'm reading pero napasubsob ako sa libro.

Ano bang ginagawa mo sakin, lampa ?

I sighed.

I saw her face, again. Halatang problemado, nabawasan tuloy ang ganda.

Siguro, hindi pa rin siya pumayapag sa fix marriage namin. Hindi niya mahiwalayan yung boyfriend niya eh. Mahal na mahal niya siguro yun.

Kaya ganon ang hitsura.

I saw her grew up, at ngayon ko lang siya nakita na ganon ka-problemado. Na akala mo, wala ng solusyon sa problema niya.

Well, ako, sumusunod lang ako sa magulang ko. Wala naman akong seryosong relationship kaya, hindi ako nahihirapan ng ganito. Pero naiisip ko rin siya kaya, medyo stressed din ako.

Eh kasi bakit ko ba siya naiisip ?

Yun ang napapala ng mga nagseseryoso sa relasyon eh. Puro sakit ng ulo.

Kagaya ko noo----

And I dropped off what I am thinking. Wag na nating ituloy. Kinalimutan ko na yun eh.

At wala na akong balak pa na magseryoso sa relasyon, not after what I have suffered before.

Dahil ang mga babae, walang isang salita.

Puro pangako, hindi naman magawa.

Kaya naman dapat lang silang pinaglalaruan. Pang-kama lang sila, at hindi sila pang-puso.

***

CELINE'S POV

There I saw James, sa cafeteria.

Bumungad sakin yung ngiti niya na isa sa mga reason kung bakit ako nainlab sa kanya. Sobrang ganda kasi ng mga ngiti niya. As if, it's every girl's dream to see.

I hugged him, yung mahigpit na mahigpit. Ito na siguro yung mga huling yakap ko sa kanya. After talking to him.

"Honey ... Nagkita na rin tayo. Nakabili ka na ng bagong phone ?"

Natingala ko siya at tumango ako. Pinilit kong ngumiti sa kanya, just to lighten the mood.

"Oo. Kaya tinext agad kita. I missed you so much."

Naramdaman ko yung paghalik niya sa buhok ko. He's still holding me.

"I missed you too. And I love you."

"I love you always, James."

"Wait, you said that we need to talk. Tungkol saan naman ?"

"Can we talk about it inside my car ? Start na ba ang class mo ?"

"Hindi pa naman. 11 am pa. O sige."

"Okay, importante lang kasi."

Tumango siya at hinawakan na ang kamay ko heading to the parking lot.

I looked at him. Poor James. Nasasaktan na ako, ngayon pa lang.

Nakarating nga kami sa parking lot, at pumasok na kami sa kotse ko. Mas private kasi dito. Makakapag-usap kami ng maayos.

"Hon, how's tita ? Okay na ba siya ?"

"Yah. Madi-discharge na siya ngayon. Pinapasok na lang ako ni daddy because I need to attend school, after all." pumayag na rin ako sa sinabi ni daddy na pumasok na lang dahil, kailangan ko rin talaga siyang maka-usap.

"Good. Kelan tayo pupunta sa kanila ? Para mabisita din natin ang mommy mo. We can bring fruits for her." sabi niya.

And then my tears start to fall. James, lalo mo lang akong pinapahirapan. Masyado kang mabait para masaktan.

"Hon, what's the problem ? Why are you crying ?" tanong niya habang pinapahid ang mga luha ko.

I looked at him. Nag-aalala na naman siya.

"James ... You're too kind. You're handsome, talented, youre a ... wonderful person I have met. And I thank God everyday for giving me such guy like you. I love you always, James." and then I hugged him while sobbing.

"Shhhh.. I know. I know that. And I love you too, always. Alam mo, feeling ko, ang laki-laki talaga ng problema mo. Tell me, ano na bang nangyayari ?"

Parang gusto kong mabulunan para hindi ko na lang masabi sa kanya. Pero, mas lalo lang siyang mahihirapan kung hindi ko ipapaalam sa kanya ang desisyon ko.

"I-I ... I have agreed to the fix marriage." I said, finally. Revealing it to him made him stunned.

I saw how shocked he was. Nakatingin lang siya sakin.

"N-no ... Hindi yan totoo, di ba ?"

"I'm sorry. I'm very sorry." at doon na ako napahagulhol, with my hands covering my face.

"Celine ... tell me it's not true. Mahal mo ko, di ba ?" and he was like choking, para lang pigilan ang pag-iyak niya.

I faced him.

"J-james .. I'm very sorry. I'm sorry for choosing mommy over you. I have no choice. I-I can't afford seeing her sick. Mahal na mahal kita."

"No ! Hindi mo ko mahal ! And me ?! How about me ?! You'll leave me like this, huh ? Ganon ba, Celine ?! I told you I'll help you ! Kaya ba ayaw mo akong ipakilala sa kanila ?! Because you've made this stupid decision ?!" sinisigawan niya ako. But for James, I'll bear it. I'll endure it. Kahit masakit ang mga naririnig ko. If only he knew, lumuhod ako sa mga magulang ko para sa kanya. Para ipaglaban siya. Pero sa huli, natalo pa rin ako.

I did everything. Pero kulang pa rin.

And now he's sobbing too. Tears pooled in his eyes.

"I love you ... I love you, C-Celine. Why ? ..." at nalingon niya ako.

"I love you too, James ..." at niyakap ko siya ulit.

"... I'm sorry for my decision. Pero wala akong magawa. I just wish I don't need to choose." malungkot kong sabi.

Pero itinulak niya ako at agad na lumabas sa kotse.

There I continue crying.

Wala na siya. Kailangan ba talagang umabot sa ganito ? Ang masaktan ko ang taong mahal na mahal ko ?

Why did we end up like this ?

***

She knew it. Nandito na naman ang babaeng to sa ilalim ng puno. Bakit ba ang hilig nitong tumambay dito, lately ?

Ngayon na lang ulit nakita ni Patrice ang bestfriend niya. Hindi niya kasi ito ma-contact sa number nito na pinagtataka niya. Mabuti na nga lang at nasaktuhan niyang nandito ito. Kanina pa kasi siya naghahanap at nagbabasakaling Makita si Celine.

And she saw her here, with her eyes closed.

"Celine ? ... Celine ?" tawag niya dito.

"James ? ..." sabay dilat ng mga mata nito.

"... Pat. Ikaw pala."

she frowned. "Ano'ng nangyari sa mga mata mo ? Bakit namamaga ?" tanong niya.

"Ah, ito ? ... Wala to." alibi nito.

As if naman maniniwala siya. Naupo siya sa tabi ng dalaga.

"Wag mo nga akong lokohin. Ano'ng nangyari ? Bakit umiyak ka ng ganyan kagrabe para maging ganyan ang mga mata mo ?" sabi niya dito.

Tumahimik ang kaibigan. At napasandal ulit sa katawan ng punong acacia.

"Celine, magtatampo na talaga ako sa yo niyan. You didn't answered all my calls, hindi kita ma-contact. I don't know kung pinapatayan mo ko ng phone. Sabihin mo naman sakin o. Nag-aalala na ako sa yo eh."

"Sira na yung phone ko. Bumili ako ng bago." sabi nito.

"Then why didn't you text me ?"

"I'm sorry, may emergency lang kagabi."

"Ano'ng emergency ?"

"Si mommy, inatake sa puso. So we brought her to the hospital. Wala rin akong gaanong tulog."

"Oh my goodness .. Okay na ba si tita ngayon ? Kamusta na siya ? I'm sorry, best."

Hindi niya maiwasang maawa sa bestfriend niya. Naiimagine niya ang hitsura at feelings ng bestfriend niya ng mga oras na yun. At wala man lang siya sa tabi nito. Ni hindi man lang niya ito nadamayan. And she is feeling sorry for her.

Tumango ito. "Nag-text si daddy sakin, discharged na daw siya. Nasa bahay na sila ngayon. Makakapagpahinga na si mommy."

"Buti naman. Pero ano bang nangyari Celine ? Bakit inatake si tita ? Yun ba yung iniyakan mo ?"

"Marami akong iniiyakan, Patrice. Hindi naman aatakihin si mommy kung hindi lang ako nakipagtalo sa kanila about the fix marriage ... You know, I said I'll fight for James. I even kneeled down to them para lang hindi matuloy ang fix marriage. But in the end, I end up losing him."

Nagulat si Patrice sa sinabi nito. She even kneeled down just for James ? but is that true ? She ended up, losing him ? Hiwalay na silang dalawa ? after what she did ?

And she started crying again.

Niyakap niya ng mahigpit si Celine.

"Shhh ... Tahan na."

"I lose him, Pat ... W-wala na si James. I chose to agree to the fix marriage, just for mommy. I chose mommy o-over him. Nakipaghiwalay na ako sa kanya." at lalo pang lumakas ang iyak nito.

Ramdam na ramdam niya kugn gaano nasasaktan ang kaibigan ngayon. And she wish she could take away the pain, that easily.

Hindi lang akalain ni Patrice na ganito pala kahirap maging anak ng sobrang yaman na mga tao. Buti na lang, hindi uso sa pamilya nila ang fix marriage.

Mahal na mahal nito si James. Nagmamahalan talaga silang dalawa. At witness siya sa love story nilang dalawa.

Isa pa, siya ang first boyfriend ni Celine, at first sa lahat. Bukod sa virginity ng bestfriend niya. Wala pa kasing nangyayari sa kanila eh.

"Wag kang ma-guilty, ano ka ba ... Tahan na. Hindi mo naman kasalanan yung nangyari, eh." at hinagod niya ang malambot nitong buhok.

"No, it's all my fault. Kasalanan ko na ... i-inatake si mommy. At kasalanan ko kung bakit, wala na si James. Natalo ako, Pat."

"Ano ka ba ... wag ka na ngang umiyak ng umiyak, tingnan mo yang mata mo o. Naniningkit na."

Pero hindi pa rin ito tumitigil.

"Celine, you don't have to blame yourself. I know how you love James. At ganon din siya. Pero, siguro God has it's purpose why all this things need to happen. And malay mo, kayo pa rin hanggang huli. Malay mo, maghiwalay agad kayo ni Jared my loves at balikan ka ulit ni gwapong James tapos magpapakasal na kayo. Oh di ba ? Hindi naman malabong mangyari yun. Alam ko namang hindi mo talaga gustong makasal kay Jared even though na sobrang gwapo at hot niya."

SHe tried to lighten up her mood, ayaw niya kasi itong iyak siya ng iyak, nasasaktan rin kasi ako para sa bestfriend ko.

She knew Celine as a bubbly person, mahilig ngumiti, madaling mapatawa.

And seeing her like this, it's hurting her too. Magkapatid na kasi ang turingan nilang dalawa.

Doon ito tumigil. Kahit na hindi ito natawa, at least natigil ito sa pag-iyak.

"I don't know, Pat. Hindi ko alam kung ano'ng kasalanan ko kung bakit nangyayari to. I've been kind all throughout the years." and she sighed.

Hindi rin kasi talaga niya alam kung bakit ito nanyayari sa bestfriend niya. Alam niya kung gaano kabait si Celine. Alam niya kung gaano ito ka-obedient pagdating sa mga magulang nito. Pero hindi ang bagay na to. Naiintindihan ko rin kasi siya. It's her happiness. Lahat naman tayo, ,ay free will na pumili ng taong makakapagpasaya sati. Pero hindi niya rin maintindihan kung bakit umabot sa puntong, ang mga magulang niya ang magpapasya kung sino ang makakapagpasaya sa kanya. Which is not happening at this moment. Because Celine is completely devastated and hurt of what's going on.

Pero isa lang naman ang nasisigurado niya, na ang Diyos lang ang nakakalam ng sagot. At, pumayag na si Celine na makasal kay Jared.

��������хZ!�


Continue Reading

You'll Also Like

142K 767 4
Jaycelle Cleo Ramirez Indigo Vergara
21.6M 257K 71
Euphy Jane Ramirez found herself tying the knot with her arrogant and cold-hearted boss, Charles Ocampo. How did this happen? (Photo not mine. Credit...
766K 27K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...