Suddenly, Everything Has Chan...

By LeyDelosSantos_

1.9K 180 12

Paano kung ipagtabuyan ka ng lalaking sobra mong mahal? Paano kapag nalaman mong dati pala, kinamumuhian ka n... More

Prologue
Chapter1: Mr.Antipatiko
Chapter2: Why so Misteryoso?
Chapter3: Pagbabakasakali
Chapter4: Wag sya iba nalang
Chapter5: Curiousity
Chapter6: Timaan nga ako
Chapter7: Im so dead
Chapter8: Nabihag mo
Chapter9: Parang gusto ko na sya
Chapter10: Walang puso
Chapter11: Ayoko kasi ng ganyan ka
Chapter12: Nahulog na sayo
Chapter13: Ayokong mapahamak ka
Chapter14: Kaba
Chapter15: Pain
Chapter16: Ramdom Thoughts
Chapter17: Mga hinanakit
Chapter18: Bastardo
Chapter19: Back to normal
Chapter20: Ilangan mode
Chapter21: Pag-amin
Chapter23: GORG!
Chapter24: Dito ka nalang
Chapter25: Broken
Chapter26: Walang sisihan
Chapter27: Confusion
Chapter28: Walang "kami"
Chapter29: Eto nanaman tayo
Chapter30: Kuya's love
Chapter31: Patawarin mo ako
Chapter32: Akin ka na
Chapter33: Day One
Chapter34: Moments
Chapter35: Sweetness
Chapter36: Ice Buko
Chapter37: Yosi
Chapter38: Mga halik
Chapter39: Serena Cruz
Chapter40: Xavier Madrigal
Chapter 41: Hello, Canada.

Chapter22: Let's do this

32 4 0
By LeyDelosSantos_

Nadurog ako sa huling salitang sinabi niya. Nageecho padin ito sa utak ko hanggang sa tuluyan na siyang makalayo at pumasok sa music room. Naiwan akong tulala doon. Naguguluhan ako. Hindi ko na maintindihan.

I was about to go inside the comfort room ng biglang magring ang cellphone ko na nasa bulsa pala. Agad ko din itong kinuha at sinagot ang tawag.

"Hello?" mahinhin kong sabi.

"Hay sa wakas! Ano ba Gab? Kanina pa kita tinetext. Hindi ka nagrereply.Nakalimutan mo na ba? May lakad tayo ngayon!" sermon sakin ni Colline mula sa kabilang linya.

Inalis ko sumandali sa isip ko ang mga bagay na nakakapagpagulo sa akin. Huminga ako ng malalim at nagfocus sa kausap kong si Colline.

"Oo nga pala no? Ngayon yun. Anong oras ba?" tanong ko ng wala sa sarili.

"Im on my way there Gabby. Magayos ka na ha." aniya.

Nanlaki ang mata ko. Saglit kong inalis sa tenga ang cellphone at tiningnan ang oras. 1:30 na pala.

"Okay okay. Drive well Colline." nasabi ko nalang.

"Sige na mauubusan na ako ng load. I love you gabby!" aniya.

Napangiti ako kahit alam kong hindi naman niya nakikita, "I love you too Colline. Bye." sabay patay sa linya.

Suminghap ako. Inayos ang sarili ko sandali at naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Humanap ako ng pinakasimpleng damit kung saan ako komportable.

Ilang sandali lang pagkatapos kong magayos, bumaba na ako. Habang tinatahak ko ang hagdan pababa, nilingon kong sandali ang music room. Napasinghap nalang ako.

Dirediretcho na akong bumaba at nandun na nga si Colline. Pinapanood niyang magsayaw si Aiden at ang barkada nito. Simula pa ng bata pa kami, fan na fan na ni Aiden 'tong si Colline sa pagsayaw.

Nakita ko ang kinang sa mga mata ni Colline. Agad kong binasag ang eksena.

"Tara na!" untag ko.

Lumingon siya sa akin at kumunot ang noo, "Panira ka talaga!" aniya.

Tumawa ako, natawa nalang din siya at agad na kaming lumabas.

"Bye Aideeeeen." pagpapaalam niya.

Ngumisi lang ito at nagtuloy ng pagsasayaw. Sasakyan ni Colline ang gagamitin namin. And yes! Si Colline ang magdadrive nito. Marunong na siya, dati pa. Ngayon lang talaga sya mas inallow gamitin ito.

Ang daldal daldal niya sa byahe kaya hindi ako nabored. Ni hindi ko na nga napapansin ang phone ko dahil parang hindi sya natatapos sa pagkukwento.

Hanggang sa ilang minuto ang lumipas, ipinarada niya ang sasaktan sa parking lot ng isang mall.

"We're here!!" tiningnan niya ako ng may pangaasar. "Handa ka na ba sa changes Ms.Trinidad?" aniya.

Napatawa nalang ako sa facial expression niya. Hinatak ko na siya agad. "Tara na nga."

Hindi na siya kumibo. Naglakad na kami papasok ng mall. Ang daming tao. Dahil nga siguro sa weekend ngayon.

"Ayoko nyan. Masyadong mapula!" untag ko ng tangkain nyang itry ang pulang lipstick sa labi ko.

"Urgh! Pwede namang i-light lang. Mas matingkad, mas bongga!" aniya.

Umirap ako, "Yung light lang muna. Hindi ba parang sobra naman kapag red agad?" untag ko.

Kumuha ulit siya ng iba pang lipstick.

"Okay. Whatever! Pink nalang." aniya sabay try sa labi ko ng pink lipstick.

Hinayaan ko siyang gawin ang lahat ng gusto niya para sa akin. Alam ko naman na the best ang gusto nitong si Colline para sa changes ko.

"Perfect!" aniya sabay palakpak.

Nilingon ko ang sarili sa salamin. Kumbinsido naman ako sa pagkabagay nito sa akin.

Pagkatapos ng lipstick at iba pang make-up kit, nagpunta naman kami sa isang salon. Ipapaayos niya daw ang buhok kong dry at bagsak. Wala daw kasing kabuhay buhay.

Maaga kasing nagayos itong si Colline. Walang wala ako sa pagaayos niya. Maganda ang buhok niya. Bagsak sa itaas at kulot ang tips na kulay blonde. Napakaganda ng kabuuan niya.

Hinayaan kong ayusan ako ng mga nasa parlor. Pinalinis din niya ang kuko ko sa kamay at sa paa na halos mamatay na sa sobrang kawalan ko ng pakielam dito.

Sapat na kasi sakin ang malinis, hindi ko na ito inaartehan pa. Inayos din nila ang kilay ko. Inahit nila ito. Halos lahat na ata ng magagawa, nagawa na nila sa akin.

Tiningnan ko si Colline na kumikinang ang mata habang tinitingnan ako. Ilang oras ang nakalipas ay hinarap ng parlorista ang upuan ko sa direksyon ni Colline.

"Gorgeous Alexa Gabrielle Trinidad! Clap clap!" aniya habang nagniningning ang mga mata, may malaking ngiti sa labi at pumapalakpak.

Tumayo na kaagad ako sa kinauupuan ko at humarap sa salamin para harapin ang sarili. Pag tingin ko, woooooooah? Ako ba ito? Si Alexa Gabrielle Trinidad ba talaga itong nakikita ko? Hindi pa makinis ang mukha ko ng lagay na ito ah.

Ginupitan ang buhok ko. Nilagyan ito ng landi. Medyo naging bouncy ang dulo nito at naging coffee red na ang kulay. Napakaganda ng pagkakayos nila sa buhok ko.

Nilapit ko ang mukha sa salamin, nakita kong maganda din ang pagkakaahit ng kilay ko. Nagmukha akong may dating. Mukha ko lang talaga ang problema. Maayos naman sana kundi lang ako naging tigyawatin. Tadtad nanaman ng tigyawat ang mukha ko. Mula noo hanggang pisngi. Haaay.

Pagkatapos ay umalis nadin kami kaagad ni Colline. Lumabas na kami at kumain muna sandali.

"Next, we will buy your new clothes! OMG. Im soooo excited Gabby!" aniya.

Napangiti nalang ako. Kitang kita ko na ang isang malaking pagbabago sa akin. Ilang sandali lang pagkatapos kumain ay naglibot na kami kaagad.

"Itatapon mo na lahat ng ugly clothes mo after mong makabili ng bago ah." untag ni Colline sakin habang namimili ng tops.

"Ha?!" reklamo ko.

"Yes gabby! Why? Nagmumukha kang tomboy o di kaya ay manang sa way of dressing mo e!" aniya.

Hinead to foot ko ang sarili ko. Nakita kong marahil ay tama nga siya. Hindi nalang ako nagsalita.

After ng sobrang daming inikutan, sa wakas tapos nadin kaming mamili ng damit. Pinagpalit nadin niya ako. Mukha daw kasi akong manang, hindi bagay sa new look ko.

Ngayon e naka crop tops na ako at naka skinny jeans. Together with parisian shoes. Napapawoah nalang ako sa itchura ko. Bakit ba kasi ngayon ko lang ito naisipang gawin? Magwowork naman pala.

Napakarami naming pinamili. Dati naman na akong may nga ganitong damit pero wala akong lakas ng loob na suotin ang kahit na ano kaya medyo naiilang ako.

"Ang ikli naman neto. Nakakainis." reklamo ko sabay hatak pababa ng damit ko.

Umirap siya, "Kaya nga crop tops e! Boba!" aniya.

"WHATEVER." nalang ang nasabi ko.

Nagpatuloy kami sa paglakad bitbit ang mga pinamili namin. Nakakapagod nadin. Nakakaramdam na ako ng pananakit ng paa.

"Final destination, ang mahiwagang DERMA." ani Colline sabay hatak sakin.

Continue Reading

You'll Also Like

20.1M 840K 63
In fairy tale, it is always the prince who will bring back your missing slipper. He will kneel in front of you with a sweetest smile on his face, tre...
1.1M 86.1K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...
32.4K 1.6K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...