The Return of ABaKaDa (Publis...

By risingservant

6.1M 204K 33.4K

AlphaBakaTa Trilogy [Book2]: The Return of ABaKaDa (Reviving the Dead) Sulitin ang mga oras na nalalabi sa 'y... More

The Return of ABaKaDa
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Elmo's Note
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100 (part 1)
Chapter 100 (part 2)
Epilogue
Wattys 2016
Announcement
Announcement II
Announcement III
Announcement IV

Chapter 7

79K 2.7K 423
By risingservant

Oh my God! Kailan pa siya nakauwi rito? Bakit hindi man lang ako na-inform kaagad?


Nagpunta na kasi siya ng ibang bansa pagkapatak palang nung summer kaya wala kaming komunikasyon masyado. At ngayon, hindi ako makapaniwala na nandito na ulit siya sa Pilipinas. Mag-aaral kaya siya ulit dito?


Hanggang ngayon talaga, hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na siya. Ang masaklap lang, less ang komunikasyon namin. Para bang secret lover kami dahil hindi alam ng both parents namin na in a relationship kami.


Tinititigigan ko lang siya hanggang ngayon habang naglalakad siya papalapit sa akin. Mas lalo siyang naging attractive dahil tumaba siya ng kaunti. Hindi na siya payat gaya noon.


"Ate, siya ba asawa mo? Parang si inay at itay, mag-asawa sila." Bungad ni Kaye nakatingin sa kalangitan at wari mo'y nag-iisip.


"Hindi pa Kaye, malay natin pagdating ng tamang panahon, siya na nga ang magiging asawa ko." Bulong ko sa kaniya at bigla naman akong napangiti dahil doon.


"Yehey! Gusto ko, ako magiging ate ng anak niyo." Aniya habang tumatalon at pumapalakpak sa tuwa.


"Flowers and chocolates para sa babaeng itinitibok ng puso ko." Bungad ni Charlie pagkarating niya sa kinaroroonan namin sabay kindat pa sa akin.


"Salamat." Pakipot kong sambit sabay abot sa mga ito.


"Chocolates! Gusto ko niyan!" Ani ni Kaye. Todo-todo siyang makangiti at para bang pati tainga niya ay lumulukso na sa tuwa.


"At dahil pinasaya mo ako, sayo na itong chocolates." Turan ko sabay abot nito sa tuwang-tuwang si Kaye.


"Salamat po!" Bibo nitong sagot.


"Wala bang I miss man lang diyan?" Singit ni Charlie habang nagpapacute sa harapan ko.


"Asus, sige na nga! I miss you!" Pahayag ko sabay kiss sa kaniyang pisngi.

"Ang sarap naman nun haha." Aniya sabay akbay sa akin.


"Ayiee, ang sweet." Singit ni Kaye habang nilalantakan na yung tsokolateng ibinigay ko sa kaniya.


"Sino nga pala siya?" Bungad ni Charlie pagkaupo namin sa may bench.

"Nakilala ko lang siya rito sa park. Nakakatuwa siya 'no?" Pahayag ko.


"Oo, ang cute nga niya eh." Aniya.


"Oo nga pala, ilang taon ka na Kaye?" Tanong ko rito.


At dahil busy siya sa pagkain ng tsokolate, iminuwestra na lang niya ito sa akin gamit ang kaniyang kamay. "2" and "4" ang muwestra niya.


"24 ka na pala? Well, Ate ka na pala namin pero dahil sa kondisyon mo, tawagin mo na lang akong Ate Morixette, at siya si Kuya Charlie." Pahayag ko rito. Tumango-tango lang ito bilang sagot.


"So kumusta ka na? May iba na bang nagpapatibok sa puso mo?" Singit ni Charlie. Nakaakbay pa rin siya sa akin hanggang ngayon kaya naman inihilig ko ang aking ulo sa kaniyang balikat.


"Baliw ka talaga! Alam mo namang ikaw lang ang nagpapadagundong sa puso kong abnormal eh." Turan ko.


"Mabuti naman, kasi ikaw lang ang nangangabayo sa puso ko kaya ang bilis ng tibok nito." Aniya sabay turo sa puso niya.


"Naks, pero si Denise ang dating tumatalon-talon diyan 'di ba? So, hindi ako ang una." Pambubuska ko sa kaniya.


"Noon iyon, ang mahalaga ay ang ngayon. Mahal kita, siya'y hindi na. Kaya huwag ka ng magselos pa. Matagal ko na siyang pinalayas sa buhay ko." Paliwanag niya.


"Pinalayas talaga? Haha, parang katulong lang." Panunuya ko at nagtawanan lang kami.


"Morixette, katulong mo ba ako?" Aniya na para bang seryoso.


"Ha? Hindi kita maintindihan. Hindi, bakit?" Nagugulumihanan kong tanong. Ngayon, face to face na kami.


"Kasi naman, ang puso ko'y iyong in-alipin tapos pati ako mismo, sunod-sunuran na sayo." Aniya humagikgik bigla nang tawa.


"Kapal mo, hindi nga kita inuutusan eh." Sagot ko sabay hampas sa kaniyang braso.


"Humanda ka sa akin, ako naman ang hihirit. Battery ka ba?" Pahayag ko.

"O bakit?"


"Kasi, pinapagana mo buong sistema ko kapag nakasaksak ka sa buhay ko." Hirit ko.


"Naks naman, eh paano naman kapag natanggal ako sa buhay mo?" Aniya.


"Hindi na ako gagana. Physically alive but mentally and emotionally dead." Paliwanag ko habang nagpapacute sa harapan niya. Nagpapaawa in short haha.


"Awtsu, huwag kang mag-alala, baterya mo ako't katulong mo, hindi ako mawawala sa piling mo." Aniya.


Na-tats naman ako doon kaya niyakap ko siya. Ramdam na ramdam ko yung init ng kaniyang pagmamahal kaya hindi ako nag-aalinlangan.


"Inay, itay! Sila yung Ate at Kuya ko." Bungad ni Kaye habang kasama pa niya ang magulang niya na ngayo'y nasa harapan namin.


Napabalikwas tuloy kami ni Charlie at humiwalay kaagad kami sa aming pagyayakapan.


"Magandang hapon po." Bati naming dalawa na ngayo'y nakatayo na. Nakakahiya lang sa dalawang matanda dahil nakita nila kaming naglalampungan. Nakayuko lang tuloy ako hanggang ngayon.


"Maraming salamat sa inyo dahil inaliw niyo ang aming anak." Bungad ng nanay ni Kaye.


"Naku, siya nga po ang nagpasaya sa amin dahil nakakatuwa ang pagiging bibo niya." Turan ko.


"Mabuti pa, kain muna kayo sa tindahan namin bilang pasasalamat namin sa inyo." Turan naman ng tatay ni Kaye.


"Naku hindi na po, nakakahiya naman po sa inyo." Pahayag ni Charlie.


"Bawal tanggihan ang grasya." Pangungunsensya ng nanay ni Kaye.


"Ate Morixette at Kuya Charlie, dali na. Masarap ang tinda nina inay at itay." Segunda ni Kaye na madusing na ang mukha dahil sa kinaing tsokolate.


"Okay po, sige." Pagpayag ko at tinungo na nga namin ang kainan nila Kaye.

Continue Reading

You'll Also Like

20.2M 451K 79
AlphaBakaTa Trilogy [Book1]: Alphabet of Death (The Arrival of Unforgiveness) Handa ka na bang harapin ang iyong kamatayan sa pamamagitan ng letrang...
21.6M 751K 62
More crimes, baffling codes and clues. New mystery, same detectives, different deductions. Join Gray and Amber as well as the other characters in dis...
34.8K 612 10
A Mind Confusing Story > Must remember the DATE and TIME.
14K 421 19
Book 3 | IKWKM Trilogy "Sa larong ito, buhay mo at ng iyong asawa't mga anak ang nakataya. Kailangan mong malagpasan ang isang linggong pagsubok na s...