Chasing The Bad Girl

Oleh hiamenaj18

4.5M 97.7K 6.6K

#TBR book 2 I am not cold. Actually I am just warming up. Wanting to show everyone that I'm no longer that b... Lebih Banyak

Author's Note
Prologue
K1
K2
K3- The Badboy
K4
K5
K7
K8
K9-LM
K10
K11
K12
K13
K14
K15
K16
K17
K18-LM
K19
K20
K21
K22
A/N (2)
K23-Lucas
K24
K25
K26-LM
K27
K28
K29
K30
K31
A/N
K32
K33
K34
K35
Epilogue
SC-1
SC-2
SC-3
SC-4
SC-5
SC-6
SC-7
SC-8
SC-9
SC-10

K6

88.8K 2.1K 133
Oleh hiamenaj18

Masakit ang ulo ko habang nasa byahe pauwi. Punung-puno na ako sa mga directors na iyon. Anong karapatan nilang magmeeting nang hindi nila pinapaalam sa akin?

Worst! Kasama pa nila ang Fortalejo na iyon. That jerk! How dare him approach me then ask what happened to my forehead na siya ang may kagagawan. May gana pa siyang magmukhang concern?

Ganoon na ba ako kastupid sa tingin niya at iniisip parin niya na mahuhulog ulit ako sa mga pautot niya!? I will not give him the satisfaction of hurting me again. Once is tolerable, twice is too much to bare. Sobrang martir ko na kung magawa pa niya akong gaguhin for the third time.

He wants to be closer? It's not a problem with me. Ako pa mismo ang lalapit sa kanya. Let's see kung sino ngayon ang mahuhulog.

"Ah..eh..Ma-Ma'am yu-yung da-damit ko po."

Napalingon ako sa secretary kong utal. Bakit hindi ko alam na nandito yan sa tabi ko? Bumaba ang tingin ko sa kanang kamay ko na halos punitin ang polo ng secretary ko.

Of course! Binitawan ko. Hindi ko alam na sa kakaisip ko sa Fortalejo na yun pinanggigilan ko na ang katabi ko.

"Hindi mo naman siguro ipapabayad sa akin yan?" Tanong ko. Halatang nagulat ito at sunud-sunod na umiling.

"Good. Mabuti ng nagkakalinawan." I said. Medyo nakahinga ako ng maluwag doon. Wala kaso akong dalang cold cash. Puro credit cards. Wala akong mapambabayad.

Nang makarating kami sa bahay ay agad hinarang ng mga guards ang secretary ko.

"Bakit?" Tanong ko sa mga guards. Ngayon lang napansin na bago ang mga ito.

"Mukha kasing goons ma'am." Sagot sa akin ng isa. Tinitigan ko naman ng mabuti ang secretary ko. Payat. Matangkad. Maputi. Singkit.

Nasaan yung goons?

"Just let him go. Secretary ko yan." I said. Nauna na akong pumasok sa kanya. Isinama ko siya dito para maidiscuss ko yung mga details para sa party sa Sunday. I will ask him to coordinate with Precy para pulido na ang plano.

Nahinto ako sa paglalakad nang makarinig ng malakas na music. Gusto ko ng matawa dahil ang music ay wanna be ng Spice Girls. I can hear Chloe's voice and believe it or not even Vaughny's voice.

"If you wanna be my lover..." I took a peak on what they're doing and I almost laugh out loud seeing Lucas dancing with them.

May wig pa itong kulay blonde at sinasabayan sa pagkanta si Chloe na seriously gustung-gusto ang pagkanta at sa kasamaang palad ayaw sa kanya ng kanta. Si Vaughny naman ay nakashades ay di ko maintindihan ang steps. Parang Michael Jackson dance na nakatip toe at nakahawak sa downthere.

Who the hell taught that to him?!

Maya-maya tawa na sila ng tawa. Si Chloe kasi nagsway ng katawan parang tuod. But I'm proud of them. Wala naman kasi akong talent maliban sa makipagbasag ulo sa kapitbahay noon. Now I wonder, kanino nila naman yan?

Hindi naman siguro kay Fortalejo? Damn! Pagtatawanan ko talaga siya pag nagkataon. I can't even imagine him doing what Vaughny's dancing earlier.

"Aaaaaaaaaaaah! Mama!!!" Nagulat nalang ako nang tumili ng malakas si Chloe at parang nagpapanic. Lumapit ito sa akin kaya napaluhod ako para makapantay siya.

"Mama! Mama! What happened to your head? Is it ouchy?! Did that bad guy at your back do that? Hey Vaughny!!! Attack the bad guy!!" Halos maiyak naman ang anak ko habang tinuturo ang noo kong may benda. Namumula na rin ang ilong nito tanda na paiyak na.

"A-Arayyy! " napalingon ako sa secretary ko na hinahabol ni Vaughny at tinutusok ng plastic sword.

"Vaughny stop that." I heard Lucas shouted na nang tignan ko ay kunot noo rim nakatingin sa akin.. Mabilis naman sumunod si Vaughn at lumapit sa akin. Mapula na rin ang ilong nito.

"Oh my babies. Mama is fine. Besides that guy is mama's secretary. So say sorry Vaughny, you hurted him. You know that's bad right?" I told Vaughny. He nodded and went to my secretary.

"Sorry Mr.?" Vaughny asking for his name.

"Stunner." My secretary said.

"Stutter. Sorry po Mr. Stubber." Sabi ng anak ko. Pareho pa kaming napangiwi ng secretary ko dahil sa sinabi ng anak ko. Mukhang makoconvince na ako sa sinasabi ni kuya na ugali lang nakuha sa akin ng mga anak ko. Pati pagiging makakalimutin sa pangalan namana sa akin.

Lumapit naman sa akin ang anak ko at sabay na yumakap.

"Mama, what happened to that? Is it ouchy? Gusto mo po icure ko po? " I shook my head.

"Mama's fine. I bumped in glass window. Ayan nagkasugat si mama."

"Mama, how come the glass window is so stupid. You should fire it." Sabi ng anak kong lalaki.

Bubugbugin ko talaga si Kuya pagbalik niya! Pinaririnig ba niya sa mga anak ko kung paano siya magpasesante ng empleyado?!

"Baby , stupid is a bad word" Lucas said.

" I'm sorry papa. I thought it's good. Tito Ash keeps on saying it po kasi." My son explained.

I knew it! Bad influence talaga yung kapatid ko na yun!

"Alright kids. Mama and papa are going to talk. Go to the entertainment room first okay? " Lucas said.

Tinignan ko muna ang secretary ko giving him the sign that we need privacy. Naiwan naman kaming dalawa ni Lucas na agad lumapit sa akin at hinawakan ang mukha ko.

"This is because of that damn demolishing right?" He said.

"Paano mo nalaman?" I asked.

"It's all over the news! What were you thinking? How was that? Does it hurt?" He said. Napaaray pa ako, pinindot ba naman.

"See it hurts! Nasaktan ka!" Sigaw pa nito.

"Kung di mo kaya dinudutdot ng daliri mo!" Sigaw ko dito.

I heard him sigh.

"Ang tigas kasi ng ulo mo. " he said.

"I have to do it. If not mas marami ang masasaktan. It's better na ako nalang. Besides, malayo ito sa bituka." I said.

Napakamaywang na si loko.

"Ngayon malayo sa bituka. What about the next time?" He said. I rolled my eyes.

"Wala ng next time. Sisiguruhin ko yan. "

"He's not giving up. I also heard he pushed meeting in your company just to give that proposal a try? Nakikiramay ako sa kanya." He said. Natatawa na rin ito. Lucas knows me well.

Lumapit ito sa akin para hawakan ang pisngi ko. He's caressing my face then later on he's kissed my forehead down to my nose and to my cheeks. He then brush his nose to mine.

"You need time with your secretary right? Balik lang ako sa mga bata." He said.

"Nga pala! Ikaw ba nagtuturo kay Vaughny sumayaw?" Hindi ako sinagot nito at tumalikod nalang.

Maya-maya lang ay pumasok na ang secretary ko. I reminded him the details that I want for the party. Maging ang mga susunod kong meetings ay pinacancel ko na dahil nagbabalak ako mamasyal kasama ang mga bata. Para bago man lang sila magstart ng school ay nakapagbonding naman kami.

"You'll have to cooperate with Precious Delafuentes, sister of Aries. " I said.

"Ah yes ma'am yun-yun po yung babaeng ma-may kulay yung buhok diba?" Tinaasan ko ito ng kilay.

"Yes." I said while scanning some documents on my drawer.

"Ang ganda--" tinitigan ko siya bigla.

"Pero mas maganga po kayo!" He said. Nabalik naman ang atensyon ko sa mga files ko sa drawer.

"Anything else that we have to talk about ?" I asked.

"Ah..Ma'am re-regarding po sa-sa car show po sa Ta-taguig. May isa pa po-po tayong kulang na mo-model."

"May napili na kayo?"

"Wala pa po-po. Actually da-dala ko po yung mga files ng mga suggested mo-models po."

I extended my hand. He then handed me the files. Isa-isa kong iniscan ang mga profile ng mga models when I noticed one.

"That's Laureen Mendrez Ma'am."

"Nabasa ko nga." I said. Pambihira itong secretary ko. Tingin niya sa akin di marunong magbasa?

"I like her." I said.

"Po-po?"

"Siya ang kunin nyo." I said.

"Me-medyo matatagalan po-po siguro yun. Ka-kasi masyadong he-hectic ang sched niya--"

"Oh! Sikat pala siya? How come I don't even know she exists?"

"Hehehe. Ma'am baka po-po kasi--"

"Anyway, Gusto ko siya ang magmomodel sa car show. Name her price. Tell her management na pauwiin siya immediately. I want to have a personal appointment with her . Got it?"

"Yes ma'am. Ahm..if you don't mind asking, paano po kung itanong kung anong sasakyan ang imomodel niya? Yung Ashton Martin po ba? Audi or Porsche?"

Bigla akong napangiti.

"Kotseng kuba." I said. Pinigil kong matawa dahil honestly iniimagine ko na siyang katabi ng isang lumang kotseng kuba.

"P-po?"

"Just kidding. I'll be the one to tell her personally."

After my secretary bid his goodbye I felt this urge to smile like crazy. Tignan mo nga naman ang pagkakataon. Hindi ko na pala kailangang hintayin na pauwiin ni Fortalejo ang asawa niya. Kusa naman palang lalapit sa akin.

"Laureen...Laureen...Laureen..Akalain mo, tatlong beses palang kitang nakakausap, tanda ko parin ang pangalan mo?" I whispered through the air.

I played with my ballpen. Tap it on my table and reminisce every encounter I had with her.

"Tignan natin kung sinong stupida na iikot sa mga palad ko ngayon."

---------------------------------------

A/N

Medyo sabaw ang update dahil sa hilo. Haha! Tinapos ko na rin ang update kahit masama na paliramdam ko kasi labs ko kayo! Hahaha. Chos.

Please vote and comment :)


Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

6.6M 135K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
24.5M 250K 99
UNEDITED VERSION. Maraming errors. Maraming wrong grammar at maraming emoticons. Read at your own risks.
83.3K 2.3K 42
In fact, you're already mine since day one, do you hear me? Eres mío, pumpkin. [Hans Gabriel stand-alone story.]
5.6M 118K 45
(Finished) Because of her best friend and boyfriend's betrayal, napag-isipan ni Cheska Monique Torres na magbakasyon muna sa France para makalimot. S...