The Ocean Tail: Loving The Me...

By Ai_Tenshi

37.7K 3.3K 59

It follows the life of a merman named Yuelo who will try to live on the land to achieve his mission to assass... More

Part 1: Painting
Part 2: Poison
Part 3: The Silver Moon
Part 5: Similarity
Part 6: Legs
Part 7: Special Lesson
Part 8: Mission
Part 9: A New Day
Part 10: City
Part 11: Jihan's Rival
Part 12: The Call
Part 13: First Date
Part 14: Extraordinary
Part 15: Sign
Part 16: Remembering
Part 17: Ancestor's Gift
Part 18: Attraction
Part 19: Courage
Part 20: Chase Me
Part 21: Deal and Confession
Part 22: For Love or For Mission?
Part 23: What If?
Part 24: Kindness
Part 25: Desperate
Part 26: Exhibit
Part 27: Romantic Night
Part 28: Imagination
Part 29: Publicity
Part 30: Contest
Part 31: Model
Part 32: Supremacy
Part 33: Dark Heart
Part 34: Obsession
Part 35: The Best Part
Part 36: Curse
Part 37: Big Night
Part 38: Face Off
Part 39: Moment of Truth
Part 40: Conclusion
Part 41: A Night To Remember
Part 42: Successor
Part 43: Failure
Part 44: Escape
Part 45: Seito
Part 46: Secrets
Part 47: Cruelty
Part 48: Sadness
Part 49: New Beginning
Part 50: Missing
Part 51: Value
Part 52: Ancestors
Part 53: Forbidden
Part 54: Extinction
Part 55:Imitation
Part 56: Insecurity
Part 57: Hatred
Part 58: I Found You
Part 59: First Wave
Part 60: Hidden Ability
Part 61: Breathe
Part 62: Play Along
Part 63: Singh Cosmetics
Part 64: Music
Part 65: Offer
Part 66: Shine
Part 67: Vision
Part 68: The Secret Garden
Part 69: Invasion
Part 70: Abduction
Part 71: Monster Within
Part 72: Superior
Part 73: Betrayal
Part 74: Atonement
Part 75: Ocean's Payback
Part 76: To Be With Tomorrow (END)

Part 4: Yuelo

907 74 1
By Ai_Tenshi

Part 4: Yuelo

"Arrrggghh!" ang sigaw ni Yue nang hampasin ang kanyang likuran gamit ang buntot-page. Ito ang iginagawad na kaparusahan sa mga sirenang sumasaway sa kautusan ng kanilang tahanan.

"Pero ginawa ko lang ang tama dahil winasak nila ang karagatan! Ano pa'ng matitira sa atin?" ang katwiran ni Yue.

Muli siyang hinagupit. Nagdudugo na ang kanyang balat.

"Hindi tayo nagpapakita sa mga tao dahil lahat sila ay masasama! Kaya nga nagtatago tayo dito upang hindi tayo mapahamak! Ilang mga sirena na ang nawawala? Lahat ay dinadala sa ibabaw ng karagatan at binabalatan nang buhay. Pinuputol ang buntot, inaalisan ng mga kaliskis at ibinebenta sa malaking halaga!" sigaw ng matandang sirena kay Yue.

"Nais kong malaman n'yo na wala akong pinagsisihan sa aking nagawa! Tama lang na ilubog ang mga mangingisda sa karagatan dahil lahat sila ay masasama!" ang tugon ni Yue sa mga matatandang sirena na nagpapataw ng kaparusahan.

Sadyang matigas ang ulo ni Yue. Kadalasan kasi ay pasaway ito kaya't parating napaparusahan.

"Sampung hagupit pa ang ipataw n'yo sa kanya! Tingnan ko lang kung hindi siya magtanda!" ang utos ng matatanda gabay na sirena. Hinagupit pa ng sampung beses ang merman bilang kaparusahan sa kanyang pagiging pasaway.

Matapos ang pagpaparusa sa kay Yue ay naiwan na siya sa loob ng kuweba at nahandusay na lamang sa mga batuhan doon. Walang liwanag ng buwan kaya't walang maghihilom ng kanyang mga sugat. Wala ring magulang o kaibigan ang dadamay sa kanya dahil ang totoo ay ayaw naman talaga sa kanya ng lahat dahil naiiba ang kulay ng kanyang buntot. Kasing-kinang ito ng pilak na buwan kaya madalas siyang kinalulugdan nito. Isang pambihirang kulay na madalang sa kanilang lahi dahil ang karaniwang kulay ng kanilang mga buntot ay asul, dilaw, berde at kulay kahel.

Si Yuelo ay tinaguriang "malas" dahil siya ipinanganak sa ilalim ng buwan. Isang pambihirang pangyayari ang kanilang nasaksihan noong ipanganak ang isang lalaking sirena o merman sa ilalim ng kabilugan na buwan. Ang pangyayaring ito ay pinaniniwalaang magdadala ng kamalasan sa kanilang lahi. At dahil dito ay matatatak sa pangalan ng sanggol ang salitang "kamalasan", bagama't ito ay paniniwala lamang na wala namang makapagpapatunay kung totoo nga ba o hindi.

Si Yue ay pinalaki ng kanyang ina. Namuhay sila ng normal at malayo sa kaguluhan. Habang lumalaki siya ay maayos naman at walang kamalasang nagaganap kaya kahit paano ay walang sisi na nabubunton sa kanila. Bukod pa roon ay hinubog si Yue na masayahin at may positibong pag-uugali, mga bagay na nagugustuhan sa kanya ng mga kaibigan na talagang tina,nggap siya nang buong-buo sa kabila ng pagkakaiba ng kulay ng kanilang mga buntot.

Ngunit gayon pa man ay dumarating pa rin sa punto na tinatawag siyang malas ng mga kalaro lalo kapag inaasar siya ng mga ito o nagkakaroon ng away.

"Inay, kaya po ba namatay si Itay ay dahil malas ako? Iyon kasi ang sabi ng mga kalaro ko," ang wika ng batang Yuelo sa kanyang ina habang nagsusumbong.

Natawa ang kanyang ina. "Anak, hindi totoo iyan. Ang iyong ama ay naglakbay lamang sa malayong lugar. Malay mo, isang araw ay bumalik siya sa atin," ang wika ng kanyang ina.

"Inay, kapag puwede na akong magkaroon ng paa ay hahanapin ko si Itay doon sa lupa," ang wika ni Yue.

Muling natawa ang kanyang ina. "Ang anak ko talaga, huwag kang masyadong mag-apura sa pagkakaroon mo ng mga paa. Kapag tumuntong ka na sa edad na 21 ay magkakaroon ka ng mga paa na mailalakad mo doon sa lupa. Ngunit ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa iyo na delikado at mapanganib doon sa ibabaw. Maraming tao ang hindi tayo mauunawaan at ang iba sa kanila ay ituturing tayong mga halimaw."

"Eh bakit sabi ng mga kalaro ko malas daw ang buntot ko?" tanong ulit ni Yue. Kitang-kita sa kanyang inosenteng mata ang labis na pagtataka.

"Alam mo, huwag kang maniwala diyan sa mga kalaro mo. Iniinis ka lamang nila. Ang iyong buntot ay namana mo sa iyong ama. Espesyal ito kaya dapat kang matuwa at ipagmalaki mo ito," ang sagot ng kanyang ina. Wala namang nagawa si Yue noong mga sandaling iyon kundi ang yumakap sa kanyang magulang. Para kay Yue, ang pagmamahal ng kanyang ina ay sapat na upang siya ay maging masaya at ipagpatuloy ang positibong pananaw sa buhay sa kabila ng panghuhusga sa kanya.

Kapag nag-iisa ay madalas natatagpuan si Yue sa mga nasirang barko, sa mga lumubog na parte nito habang nangungulekta ng mga kagamitang doon lamang niya nakikita katulad ng mga kutsara, tinidor, mga alahas at iba pa. Iniipon niya ito at inilalagay sa isang kuweba upang doon iayos. Maingat siyang lumalangoy sa tubig dahil ang karagatan ay mistulang kagubatan din na maraming mga hayop na mapanganib. Nariyan ang mga pating at mga malalaking octopus na maaaring kumain at puminsala sa kanila.

Sa karagatan, ang mga pating ang pangunahing kalaban at banta sa kanilang mga kaligtasan. Kaya naman ang ilan sa kanila ay nagdadala ng mga sandata katulad ng mga sibat na gawa sa pinatulis na korales at kabibe.

Walang espesyal sa mga sirena. Wala silang mga kapangyarihan ngunit ang ilan sa kanila ay may mga kakaibang abilidad na tinataglay, mga natural na kakayahang likas sa kanilang mga katangian katulad na lamang ng bilis sa paglangoy, nakakakausap at nakakaunawa ng mga isda at iba pang lamang dagat, at ang iba naman ay may kakayahang sumakay sa alon at gamitin ito bilang depensa. Ito ang mga katangiang ipinagkaiba at iniaangat ng mga sirena sa iba pang lamang-dagat.

Ang mga sirena ay lumuluha ng mga perlas, depende sa kanilang emosyon. Kapag sila ay umiiyak ay puting perlas ang inilalabas ng kanilang mga mata. Kapag naman luha ito ng kaligayahan ay naglalabas sila ng asul o pulang perlas. Ito ang pinakamahal kung ibebenta sa itaas ng lupa.

Sinasabi rin na ang mga sirena ay may kakayahang tumupad ng kahilingan ngunit wala pang nakapagpapatunay nito. Bihira sa kanila ang umaakyat sa lupa dahil ito ay maituturing na impyerno; mapanganib at punong-puno ng masasamang nilalang. Karaniwan, sila ay nakakulong lamang sa paligid ng Liquara at hindi sila umaalis sa proteksyon ng mga alon nito.

"Hijo, ano na naman ang kinuha mo doon sa lumubog na barko?" tanong ng ina ni Yue nang makita ang anak na inilalagay ang mga napulot nitong gamit.

"Tingnan mo ito, Inay, nakikita ko ang aking sarili," ang wika ng bata at itinapat sa kanya ang salamin bagama't hindi niya alam kung ano ba ang tawag dito.

"Isang salamin iyan, anak. Iyan ang ginagamit ng mga tagalupa upang makita ang kanilang pisikal na anyo," ang paliwanag naman ng kanyang ina.

"Tapos, Inay, may nakita pa ako. Isang kuwadernong naglalaman ng mga nakakatuwang larawan," ang dagdag pa ni Yue. Ang kanyang nakita ay isang photo album na naglalaman ng mga larawan ng mga batang may paa, mga taong nakasuot ng magagarbong damit.

Namangha si Yue sa kanyang nakikita. Masyadong magandang ang mga palamuti ng mga tao sa kanilang mga katawan. "Ganito pala ang itsura ng mga tao, Inay. Nakakatuwa ang kanilang mga paa at nakakatuwa rin 'yung mga nakabalot sa kanilang katawan!" ang namamangha niyang salita na ang tinutukoy ay ang mga damit na suot ng mga tao sa larawan.

"Hijo, kapag umakyat ka sa lupa ay obligadong nakasuot ka ng ganyang bagay upang hindi ka mainitan at lamigin nang husto. Nakakatuwa ka talagang bata. Ikaw lamang yata ang batang sirena dito na mahilig manguha ng mga kagamitan ng mga tao. Mukha yatang masyado kang interesado sa kanila," ang wika ng kanyang ina.

Nangiti si Yue. "Inay, kapag puwede na akong magkaroon ng mga paa ay hahanapin ko si Itay doon sa lupa at iuuwi siya sa atin," ang wika niya na punong-puno ng pag-asa.

Ngumiti ang kanyang ina at hinaplos ang kanyang mukha. "Anak, kahit na kailan ay hindi ako hahadlang sa mga bagay na nais mong gawin. Balang araw ay lalaki ka, magkakaroon ng sariling pag iisip at desisyon. Nais kong malaman mo na kasama mo ako sa lahat ng pagkakataon. Pero sa ngayon, sa tingin ko ay masyado ka pang bata para sa mga ganyang kaisipan. Ang mga kasing-edad mo ay naglalaro lamang at ninanamnam ang sarap pagiging bata. Minsan ka lang magiging ganyang kaliit kaya hangga't maaari ay gusto kong maging masaya ka lang dahil ang iyong inosenteng ngiti ang pinakamagandang bagay na nasisilayan ko sa araw-araw," ang masayang wika ng kanyang ina. Niyakap niya ang anak at saka hinaplos ang buhok nito.

Ang relasyon nilang mag-ina ay perpekto at walang oras na hindi nila pinararammdam sa isa't isa ang kanilang pagmamahal. Para kay Yue, ang kanyang ina lamang ang kanyang natatanging kayamanan. Siya rin ang kanyang kaligayahan. Ngunit sadyang dumarating sa punto kailangan nilang maghiwalay. Noong sumapit ang ikawalong kaarawan niya ay nagpaalam ang kanyang ina.

Batid naman ni Yue na ang kanyang ina ay may karamdaman simula pa noon. Hindi na rin ito nakalalangoy nang maayos kaya madalas lamang itong nasa kanilang kuweba. Saksi siya sa panghihina ng katawan ng kanyang ina kaya wala siyang nagawa kundi ang samahan na lang ito hanggang sa huli.

Sa edad na walo ay naulila na si Yue. Paminsan-minsan, siya ay inalagaan na lamang ng malalapit na kaibigan ng kanyang ina ngunit kadalasan ay siya lamang mag-isa sa buhay. Walang naiwan sa kanya kundi ang kuwintas ng kanyang ina, isang pambihirang perlas na iniregalo ng kanyang ama noong magkakilala ang dalawa. Iningatan ito ni Yue at itinuring na kayamanan.

Masakit, ngunit kailangan niyang magpatuloy. Kailangan niyang mabuhay at maging matatag katulad ng ipinangako niya sa kanyang ina bago ito pumanaw.

Sa dapithapon ay madalas nakasampa si Yue sa batuhan, pinagmamasdan ang magandang tila paglubog ng araw sa karagatan. Tahimik lamang siya habang hinahangin ang kanyang kulay itim na buhok, malayo ang tingin sa kawalan.

Noong mga sandaling iyon ay paulit-ulit niyang iniisip kung saan siya dadalhin ng mapaglarong alon ng kapalaran. Makakayanan pa ba niya itong harapin nang nag-iisa? Para sa kanya, ang buhay ay isang mahabang paglalakbay. Isang pakikipaglaban na hindi tiyak kung paano mananalo.

Habang nakatanaw si Yue sa kawalan ay may nakita siyang isang barko na dumadaan sa kalayuan. Huminga siya nang malalim at muling tumalon sa ilalim ng karagatan.

Sa muling paglubog at paglutang ng kanyang katawan sa tubig ay makikitang binata na siya. Mahabang panahon na ang lumipas. Isa na siyang matipunong lalaking sirena na may perpektong katawan. Mabilis siyang kumilos na parang hangin sa paglangoy at nagliliwanag ang kulay pilak na buntot. Hindi maitatanggi na napaka gwapo ni Yue noong ito ay magbinata; perpekto ang kanyang ngiti at nakapanghihina ng tuhod. Ang kanyang mga mata ay medyo singkit at ang labi ay mapula.

Kapag siya ay lumalangoy ay natutulala ang kanyang mga kalahing sirena dahil sa sobrang laki ng kanyang pagbabago. At dahil na rin sa maaga siyang naulila ay mas naging matatag siya at madiskarte sa buhay.

Itutuloy.


Continue Reading

You'll Also Like

144K 9.4K 43
Hanggang sa Lokohan na nga lang ba?
1.6M 64.4K 79
Previous title: SIGNUS ACADEMY Her family was killed. The kings and queens were their murderers. Having the unique ability like no other, she decided...
125K 6.9K 67
What will happen if the IDOL meet his biggest fan??? What will happen if a FAN meet his ultimate Idol???