Suddenly, Everything Has Chan...

By LeyDelosSantos_

1.9K 180 12

Paano kung ipagtabuyan ka ng lalaking sobra mong mahal? Paano kapag nalaman mong dati pala, kinamumuhian ka n... More

Prologue
Chapter1: Mr.Antipatiko
Chapter2: Why so Misteryoso?
Chapter3: Pagbabakasakali
Chapter4: Wag sya iba nalang
Chapter5: Curiousity
Chapter6: Timaan nga ako
Chapter7: Im so dead
Chapter9: Parang gusto ko na sya
Chapter10: Walang puso
Chapter11: Ayoko kasi ng ganyan ka
Chapter12: Nahulog na sayo
Chapter13: Ayokong mapahamak ka
Chapter14: Kaba
Chapter15: Pain
Chapter16: Ramdom Thoughts
Chapter17: Mga hinanakit
Chapter18: Bastardo
Chapter19: Back to normal
Chapter20: Ilangan mode
Chapter21: Pag-amin
Chapter22: Let's do this
Chapter23: GORG!
Chapter24: Dito ka nalang
Chapter25: Broken
Chapter26: Walang sisihan
Chapter27: Confusion
Chapter28: Walang "kami"
Chapter29: Eto nanaman tayo
Chapter30: Kuya's love
Chapter31: Patawarin mo ako
Chapter32: Akin ka na
Chapter33: Day One
Chapter34: Moments
Chapter35: Sweetness
Chapter36: Ice Buko
Chapter37: Yosi
Chapter38: Mga halik
Chapter39: Serena Cruz
Chapter40: Xavier Madrigal
Chapter 41: Hello, Canada.

Chapter8: Nabihag mo

40 7 0
By LeyDelosSantos_

Naiwan akong tulala at nawala sa ulirat. Bawat lakad ni Xavier palayo nagsisilbing yanig sa puso ko. Parang nililindol ang buo kong pagkatao. Naghuhuramentado ang puso ko ng iniwan nyako.

Hindi ko namalayang, tumulo na pala ang luha sa isa kong mata. Dire-diretcho at mabilis. Muling bumagsag ang librong hawak ko, nanginginig ang buo kong sistema at parang nanlambot ako sa sinabi nya.

"Layuan mo nako, wala kang mapapala sakin."
"Layuan mo nako, wala kang mapapala sakin."

Nageecho ang huli nyang sinabi sa isip ko. Pakiramdam ko nanunuot yun hanggang laman. Hindi ko alam pero, may kung ano sa sinabi nya ang nakapagpakirot sa puso ko. Parang kinukurot.

"Hey." wika ng isang babaeng nasa tapat ko na pala. "Are you alright?" aniya habang pinupulot ang mga libro ko sa sahig.

Hindi ko parin sya agad napansin. Pakiramdam ko tulala padin ako.

Ilang segundo pa ay pinitik pitik nya ang daliri sa tapat ng mata ko. Nang marealize kong natuyo na pala ang luhang pumatak sa mata ko ay napapikit ako at napailing iling.

Tiningnan ko kung sino ang babae at ito ay si Serena. Idinilat ko ang mga mata ko at nanlaki ito ng malaman kong nakita nya kung anong itchura ko kanina.

"Serena, ikaw pala." nasabi ko nalang.

"Are you okay, Gabrielle? Naabutan kitang tulala at parang wala sa sarili. May nangyari ba?" aniya sa tonong may pagaalala.

"No. Nope. Wala. Im okay." aligaga kong sabi.

Kumunot ang noo nya, "Sure darling?" aniya.

Tumango ako na napilitang ngumiti, "Yes ofcourse Im alright." sa tonong may pangungumbinsi.

"Okay." matabang na sabi ni Serena, "May klase ka pa ba?"

"Ah oo meron pa." sabi ko sabay ngiti.

"Oh tara na?" pagaaya nya.

Ngumiti ako, "Sige tara na."

Naglakad kami papalayo ni Serena na ramdam ko parin ang sakit sa sinabi ni Xavier. Pero, bakit ako nasasaktan? Dahil ba sa gusto nya akong lumayo? No. Wala namang makakapigil sakin sa kahit na anong gusto ko. But the mere fact na, umiyak ako sa sinabi nya that means na, masakit. Nasaktan ako. Hindi ko alam kung sa anong dahilan pero ang alam ko, masakit. Hindi ang likod ko dahil tinamaan ako ng bola kundi sa dibdib, sa puso. Parang bumaon ata sa puso ko ang unang pinakamahabang salitang binitiwan ni Xavier sakin.

Nakapasok na ako sa mga natitira ko pang subject. Kagaya ng dati, wala naman akong ginagawa. Nga nga lang. Mas lalo pa ata sa araw na 'to. Wala na nga akong ginagawa, tulala pa ako at walang kahit na anong pumasok sa isip ko tungkol sa pinagsasabi ng mga teacher kanina. Nakakapanlumo padin. Hindi ko padin lubos maisip kung bakit parang galit sya sakin. Anong problema? Hindi naman ako nagpapapansin sa kanya. Nagkakataon lang naman talaga e. Hays.

Nakaupo ako ngayon sa bench sa loob ng campus. Inaayos ko lang ang gamit ko dahil may pinapapasa na requirements yung isa kong prof.

Paalis nadin sana ako at lalabas na ng school ng mapalingon ako sa isang bahagi ng school dala ng nakarinig ako ng pamilyar na boses sa hindi kalayuan.

Dahil medyo blurry ang paningin ko dulot ng malakas na hangin na nakakapuwing, kinusot ko sandali ang mata ko para makita ng malinaw kung sino ang taong ito.

Nanlaki ang mata ko ng marecognize ko kung sino. Napakaganda padin talaga ng tinig nya. Nakakaiba at nakakahalina. Para kang sanggol na hinihele kapag narinig mo syang kumanta.

Huminto ako sumadali at nagtago sa isang puno para damhin at pagmasdan syang kumakanta. Itinago ko ang katawan at isinilip ang ulo.

Nakita kong nagsimula syang i-strum ang gitara. Pumikit sya na parang dinadama ang paggigitara at ilang saglit lang ay kumanta na din sya.

"It took.

One look.

And forever laid out in front of me."

Napapikit ako para mas maramdaman pa ang pagkanta nya. Para akong kinikiliti sa pagkanta nya. Tatlong linya palang ang nakakanta nya, naloloka na ako. Nakakawindang ng puso.

"One smile

Then I died

Only to be revived by you

There I was

Thought I had everything

Figured out."

Ang sarap sa tenga. Napapalunok nalang ako sa lamig ng boses nya.

"I take one step away
And I find myself coming back
To you
My one and only
One and only you. ...ohoooo..."

Nang dumating nasa chorus ng kanta, tinititigan ko nalang ang mukha nya. Nakapikit padin sya at..

Nakita kong pumatak ang luha sa mata nya. Napakuyom ang panga nya at kinagat ang labi na wari bang nagpipigil ng paghikbi. Mabuti nalang at wala ng masyadong tao dahil matatapos na ang huling klase.

Naramdaman ko ang hinanakit sa bawat linya ng kantang binibitawan nya. Nakakaawa sya. Ganyan ba ang tinatawag nilang badboy? Alam kong may problema lang sya.

Dumilat sya at agad na pinunasan ang luha sa mata gamit ang panyo na nanggaling sa bulsa. Agad namang sumilip ang sigarilyo sa bulsa nya pagkakuha nya ng panyo. Napailing iling nalang ako. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Tutunganga nalang ba ako dito? Gusto ko syang lapitan pero natatakot ako. Dahil pinagbantaan na nya ako.

Nang matapos syang kumanta nagbalik sa ala ala ko ang paghahanap ni Dexter ng singer para magrecord ng kanta at maiproduce na. Yun nalang kasi ang hinihintay para makumpleto. Bakit kaya hindi nalang si Xavier?

Bakit ba kasi pinangungahan ako ng panghuhusga. Edi sana noon palang, nakuha na syang singer para kay Dexter at di narin namomroblema itong kapatid ko.

Nangangatog ang tuhod ko't gusto ko na syang lapitan ng kalabitin ako ng guard.

"Maam kayo po ba si Ms.Trinidad?" aniya.

Napalingon naman agad ako, "Ay opo ako nga."

"Hinahanap po kasi kayo ng lalaking nasa labas. Kuya nyo po ata." wika ng Guard.

Nanlaki naman ang mata ko at naisip ko agad si Kuya Kita. Patay ka Gabrielle! "Ganun po ba? nasaan po sya?" untag ko.

"Nasa labas po maam." aniya sabay turo sa gate.

Tumango tango nalang ako at umalis na ang guwardya sa harapan ko. Lumingon akong muli sa nakaupong si Xavier pero ng makita ko sya, naglalakad na sya palalayo habang nakasukbit na ang gitara nya sa likod. Seryoso at medyo namumula ang ilong. Halatang kakagaling lang niya sa pag iyak. Naalala ko nanaman ang usapan namin kanina. Hindi ko alam. Nagugulumihanan na ata ako.

A/N: Mas nagiging misteryoso si Xavier sa paningin ng bidang si Gabrielle ah. Uhm.
Follow me. Read. Vote and please Spread. ×

Continue Reading

You'll Also Like

37.8K 1.5K 64
SYNOPSIS: Hiyal is a type of girl who makes her own life simple and normal. Para sa kanya, nasa kamay lang din nating mga tao kung paano tatanggalin...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
1.1M 85.7K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...