Suddenly, Everything Has Chan...

By LeyDelosSantos_

1.9K 180 12

Paano kung ipagtabuyan ka ng lalaking sobra mong mahal? Paano kapag nalaman mong dati pala, kinamumuhian ka n... More

Chapter1: Mr.Antipatiko
Chapter2: Why so Misteryoso?
Chapter3: Pagbabakasakali
Chapter4: Wag sya iba nalang
Chapter5: Curiousity
Chapter6: Timaan nga ako
Chapter7: Im so dead
Chapter8: Nabihag mo
Chapter9: Parang gusto ko na sya
Chapter10: Walang puso
Chapter11: Ayoko kasi ng ganyan ka
Chapter12: Nahulog na sayo
Chapter13: Ayokong mapahamak ka
Chapter14: Kaba
Chapter15: Pain
Chapter16: Ramdom Thoughts
Chapter17: Mga hinanakit
Chapter18: Bastardo
Chapter19: Back to normal
Chapter20: Ilangan mode
Chapter21: Pag-amin
Chapter22: Let's do this
Chapter23: GORG!
Chapter24: Dito ka nalang
Chapter25: Broken
Chapter26: Walang sisihan
Chapter27: Confusion
Chapter28: Walang "kami"
Chapter29: Eto nanaman tayo
Chapter30: Kuya's love
Chapter31: Patawarin mo ako
Chapter32: Akin ka na
Chapter33: Day One
Chapter34: Moments
Chapter35: Sweetness
Chapter36: Ice Buko
Chapter37: Yosi
Chapter38: Mga halik
Chapter39: Serena Cruz
Chapter40: Xavier Madrigal
Chapter 41: Hello, Canada.

Prologue

270 10 4
By LeyDelosSantos_

"Hindi ka parin ba tapos magpaikot ikot dyan sa tapat ng salamin Alexa Gabrielle Trinidad?!" untag ni Aiden mula sa labas ng kwarto ko habang kumakatok.

Lagi nalang ba syang ganito sa tuwing papasok ako? Hindi nya ba alam na habang ganyan kainit ang ulo nya e, nangangatog naman ang tuhod ko dahil late enrollee nanaman ano? Deym!

Habang ako natataranta kakaikot sa loob ng kwarto dahil hindi ko alam kung ano bang dapat kong suotin. Nakakaconscious naman kasi e.

At bago pa nga ako tuluyang mabingi ng mga katok at sigaw ni Aiden sa labas ay, lumabas nadin ako ng kwarto at bumaba.

Sinalubong naman ako ng pinakamatagal na naming maid na si Manang tess.

Bumuntong hininga sya, "Darling pakidalian mo na daw lumabas at ang kuya Aiden mo galit na galit na." aniya sa boses na may command.

Nagmamadali naman ako sa pagbaba ng hagdan, "O-opo manang. Thanks." ang nasabi ko nalang at nagpatuloy na ako sa pagmamadali.

Agad akong lumabas ng bahay kung nasaan ang kotse. Pinagbuksan naman agad ako ni Aiden ng pinto na noo'y nakakunot ang noo at nakahalukipkip.

"Make it fast Gab!" aniya sa pasigaw na boses.

Pumasok naman agad ako. Katabi ko si Aiden habang si kuya Kit naman ay nasa driver's seat. Pinaandar nadin kaagad ni manong ang sasakyan.

Hindi kami nagpapansinan ni Aiden kaya naman binalot ng katahimikan ang buong sasakyan habang binabaybay namin ang daan patungong skwelahan.

"Hindi ka nagsasalita Gab. Jetlag baby?" wika ni Kuya Kit habang nakatingin sa salamin sa itaas.

"Yah kuya. Headache too." sabi ko sabay irap sa katabi kong si Aiden.

Bumuntong hininga si kuya Kit, "You must take your medicine baby." aniya sabay iling.

Tumango nalang ako at tumingin sa labas ng bintana.

Ilang sandali pa, huminto ang sasakyan dulot ng naka red ang stop light. Nang isang lalaki ang nakakuha ng buo kong atensyon.

Isang lalaking naka-white t-shirt at black na pants. Isang lalaking hunk maglakad, may katamtamang kulay ng balat, may matipunong pangangatawan, matangos na ilong, singkit na mga mata, medyo makapal na kilay at mapulang labi.

Napanganga na ata ako ng makita ko sya. Para syang model na naglalakad sa isang red carpet na may silver dust sa likuran sa sobrang pagkaamaze ko sa kanya. Halos tumulo ang laway ko sa nakita ko.

Halos lahat ng babae, mapabata o matatanda ay napapalingon sa paglalakad nya. May nakasukbit na bag sa likuran at ang dalawang kamay ay nakapasok sa bulsa sa harapan.

At ng may nakita syang babaeng sinundan sya ng tingin mula kanina at halos mangisay na sa kilig ay.. ay.. ngumisi sya.

Juskolord para syang isang anghel sa kagwapuhan. Lumabas ang kalat kalat nyang dimples sa paligid ng bibig nya. Oh my god! Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Sinundan ko sya ng tingin since tinted naman ang salamin ng sasakyan. Parang nalaglag yata ang mata ko.

Nang bigla namang umandar ang sasakyan dahil nakagreen na ang stop light.

Saan kaya sya nagaaral? Saan sya nakatira? Taga maynila ba sya? Sana makita ko ulit sya.

Mga bagay na nasa isip ko habang palayo ng palayo ang sasakyan namin sa lalaking yon.

Hanggang sa nakarating na kami ng school, nahihiwagaan padin ako sa kanya. Parang.. hindi sya tao sa kagwapuhan.

Una akong bumaba ng sasakyan at nakasunod naman sakin si Aiden, bumaba din si Kuya Kit para magpaalam samin.

Hinawakan nya ang kamay ko, "Be.. a.. good.. girl.. Gab." aniya sabay ngiti.

Hindi naman ako kumibo at hinalikan na nya ako sa noo at hinimas naman niya ang braso ni Aiden at bumalik na sa sasakyan.

Agad naman kaming pumasok ni Aiden sa school habang nanginginig nginig pa ang tuhod ko.

Paakyat na kami ng hagdan ng nagsalita si Aiden, "Nininerbyos ka ba?" aniya sa tonong may pagtataka at pagsusungit.

Hindi ko na sya kinibo at nagpatuloy kami sa paglakad ng nakaakbay sya sakin. Deym ang sakit sa balikat uh!

Ilang segundo lang ata at narating na namin ang room kung saan ako nabibilang.

Nasa tapat palang ako ng pintuan ng magpaalam sya, "Magpakabait ka Gab. Una na ako." aniya sabay halik sa noo ko.

"Whatever. Thanks Aiden." sabi ko nalang sabay irap sa kawalan.

Nakita ko naman ang reaksyon ng mga babae sa loob na halos mamatay na ata dahil sa pagpipigil ng kilig ng makita si Aiden. Hay.. buhay..

Nanginginig ang buo kong sistema ng tumapat ako sa pintuan para pumasok hawak ang isang ballpen at kapiraso ng papel na nagpapatunay na late enrollee ako.

Inabutan ko doon ang isang matabang teacher na nanenermon.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, bumagsak ang ballpen na kanina ko pa iniingatan bunga ng panginginig ko. At dahil don napunta sakin ang atensyon ng lahat.

Dinampot ko ang ballpen at napailing iling nalang sa nangyari. Katangahan ko naman.

Lumingon ang teacher na nasa harapan sa direksyon kung nasaan ako, "And.. Who are you?" aniya.

Lumapit naman ako kaagad at iniabot ang papel na hawak ko, "L-late e-erollee po ako." sa nanginginig na boses.

Kumuyom ang panga nya, "Uhm.. I see.. Then introduce yourself." aniya.

Nanlaki ang mata ko, "H-ho?"

Idinantay nya ang kamay sa desk at inulit ang sinabi, "I.. said.. In.. tro.. duce.. your.. self.." aniya sabay taas ng isang kilay.

Lalo akong kinabahan at humarap na sa madla. Bumuntong hininga ako at pumikit sumandali at agad nading nagpakilala.

"I am Alexa Gabrielle Trinidad. 18 years of age. I am from Canad-" hindi pako nakakatapos magsalita ay pinahinto na ako ng prof.

"Okay that's enough. You may now sit down." aniya.

Agad ko namang sinuyod ang buong classroom para maghanap ng upuan ng biglang lumingon ang isang lalaki na noo'y nakatanaw sa bintana.

Isang seryosong tingin ang ibinigay nya sa direksyon ko. At hindi ako pwedeng magkamali! Sya ang lalaking kanina lang ay kinamanghaan ko. OMG!

Nanlaki ang mata ko at nagumpisang kabahan. Uminit ang tenga ko at naramdaman kong namula ako hanggang dibdib.

Wala akong ibang nakitang upuan kundi sa tabi nya.

Kaya naman lumakad na ako habang nanginginig pa at narinig ko naman ang bulong bulungan ng mga babae sa paligi.

"Trinidad sya diba? Bat ganyan sya manamit?"

"Kapatid ba sya ni Aiden?"

"Kapatid sya ni Aiden pero bakit para syang manang."

Napailing iling nalang ako sa mga narinig ko habang na natapat na ako sa bakanteng upuan sa tabi ng mahiwagang lalaki.

Bumuntong hininga ako at nagtanong. "May nakaupo?"

Hindi naman sya lumingon, "May nakikita ka ba?" aniya.

Aba napakasuplado naman pala ng isang to!

Umirap nalang ako sa kawalan at umupo na.

Muli kong sinuyod ang kabuuan ng room ng makita ko si Colline na isa hanggang dalawang upuan lang ang layo sakin.

Ang aking long time bestfriend ay classmate ko sa subject na 'to.

Hindi sya gumagalaw at seryosong nakatingin sa harapan. Napangiti nalang ako ng makita ko sya.

Nang isang malakas na sigaw ang umalingawngaw, "MS.TRINIDAD!!"

Sigaw ng prof na nasa harapan na ikinabigla ko naman kaya halos mapatalon ako sa kaba.

Kumabog ang puso ko, "H-ho?" wika ko sa manginginig na boses.

"Anong ngini ngiti ngiti mo dyan?" untag nya.

Napakagat labi nalang ako at yumuko sa kahihiyan. First day palang jusko lord!

Narinig ko naman ang isang boses na nanggaling sa tabi ko, "Tssss."

Nanggaling ito sa lalaking gwapo pero suplado. Ano naman kayang problema nya?

Iniangat ko ang ulo ko at tiningnan ang teacher na nasa harapan na noo'y nakatalikod at nagsusulat.

"A-anong p-problema mo?" tanong ko habang nanginginig ang boses.

Ngumisi sya at umiwas ng tingin, "IKAW."

Nanlaki ang mata ko at napanganga sa sinabi nya.

Ano daw? Ako daw ba ang problema nya? Paanong.. AKO?

Nageecho sa utak ko ang sinabi niya.

A/N: Please support SEHC. Kakaibang istorya ng pagiibigan :)

Follow me. Read. Vote and Spread. ×

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 51.4K 103
Will Raiven continue to rule the last section if they are starting lost one by one on her grasp? How can she reign the throne if there's no last sec...
1.7M 72.7K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
5.5M 277K 64
(Academy Series #2) Being the son of an acting chairwoman of the academy pushed Jax to keep his identity hidden. Introduced himself as a scholar, he...
57.1K 916 41
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: