Mr. Genius X Mr. Blood Sucker...

By Ai_Tenshi

7K 470 45

Ito ay continuation ng Book 3: The Last War. Ang Ruins of God ARC ay ang pagsisimula ng panibagong yugto sa b... More

NOTE:
Part 1: New Arc
Part 2: Pasasalamat
Part 3: Ang Tungkulin ni Oven
Part 4: Milenna
Part 5: Pagbabago
Part 6: Mga Sugo ng Liwanag
Part 7: Salvator
Part 8: High Priest
Part 9: Huwad na Ehemplo
Part 10: Victor
Part 11: Artista
Part 12: Kalatas
Part 13: Lumang Tala
Part 14: Ang Pagluhod ni Herard
Part 15: Pagnanasa at Kasalanan
Part 16: Ang Sutin Beach
Part 17: Tungkulin at Kapanalig
Part 18: Kahon ng Panganib
Part 19: Selyo ng Kaligtasan
Part 20: Sinumpaang Pag-ibig
Part 21: Practice Para Sa Ekonomiya
Part 22: Unang Hakbang
Part 23: Magandang Araw
Part 24: Itinakdang Pagsalakay
Part 25: Ang Pagdakip
Part 26: Paghuhukom
Part 27: Belial Alaikum
Part 28: Awakening
Part 29: Ang Mensahe ng Dilim
Part 30: Ang Bigong Propeta
Part 31: Ang Puso ng Blood Sucker
Part 32: Gaskin
Part 33: Liga ng mga Diyos
Part 34: Ang Isinumpang Lakas
Part 35: Pagbibikis
Part 36: ENCHONG VS. SUYON
Part 37: Ang Ulan ng Kamatayan
Part 38: Ang Templo
Part 39: Layuning Manalo
Part 40: Laro ng Tadhana
Part 41: Ang Daan Pabalik
Part 43: Mga Espesyal na Kapanalig (ARC FINALE)

Part 42: Pabalik sa Simula

208 15 1
By Ai_Tenshi


Part 42: Pabalik sa Simula

THIRD PERSON POV

"Handa akong paglingkuran ka panginoong Hakal, handa akong maging matapat sa iyo sa lahat ng oras!" ang wika ni Victor habang nakaluhod at inaalay ang gaskin sa harap nito.

Kinuha ni Hakal ang Gaskin, matatandaang naglalaman ito ng kaunting enerhiya niya na nakuha ni Suyon kanina lamang sa kanyang katawan. "Kung gayon ay humayo ka matapat kong alagad," ang wika ni Hakal. Hinakawan niya ang mukha ni Victor at ibinukas ang bibig nito.

Sunod sunuran si Victor, nakanga-nga ang binata, at habang nasa ganoong posisyon siya ay binuksan ni Hakal ang Gaskin at dinukot niya ang itim na enerhiya dito at saka inilagay sa bibig ni Victor.

Pumasok ang enerhiya sa kanyang katawan dahilan para magliwanag ang mga mata nito, gumuhit ang itim na linya at simbolo sa kanyang katawan at dito namalipit ito sa sakit habang kumakalat ang itim na enerhiya sa kanyang mga ugat. Namuti ang kanyang mata na para bang nalasong hindi malaman.

Nakatayo lang si Hakal at wala itong pakialam sa hirap na nararamdaman ni Victor, hanggang sa makalipas ang halos 2 minuto ay tumigil ito at muling tumayo. Kitang kita ang pagbabago sa pisikal na anyo nito. Nagkaroon na ng muscles ang katawan mula sa pagiging payat na makinis.

Ang maamong mata ay naging matapang at ang kanyang buhok ay nagkaroon ng pulang mga hibla. Tumaas na rin ang antas ng kanyang kapangyarihan at mas naging malakas rin ang kanyang sex appeal. Dahil literal na p0kp0k at malibog si Victor ay ito ang inenhance sa kanya ng kapangyarihan ni Hakal. Ang lust at poison na parang ganoon kay Sato noon.

"Hayop na Victor iyan, sana pala pinatay na natin siya agad bago pa mag upgrade ang pagiging prosti niya!" ang hirit ni Oven.

Samantalang nakatahimik lang si Heneral Liad, dito ay unti unti niyang naalala ang ginawa nito sa kanya noon bagamat malabo ang lahat. Hanggang doon lamang ang kanyang naabot sa eksenang napasailalim na siya sa sumpa ng mga ito. Hindi pa rin niya malinaw na naalala na ginawa siyang pambasang parausahan nina Victor at Herard noong mga panahong nasa ilalim siya ng kapangyarihan ng Salvator.

Tahimik..

Nagtagumpay si Victor sa pag anib sa kalaban at ang lahat ay iniwanan na niya. Ito ang mga planong hindi niya sinabi kay Herard, wala na siyang pakialam sa kaibigan matapos makuha ang kanyang nais. Ngayon ay iba na ang kanyang paglilingkuran, ang mabuhay ay ang kanyang pangunahing prayoridad.

"Wala na bang nagnanais na sumama sa akin?" muling tanong ni Hakal. "Binubuksan ko ang aking palad sa huling pagkakataon," ang dagdag pa niya habang nakalahad ang kamay.

"Wala, walang sasama sa iyo! At ito rin ang desisyon ng lahat!" ang mariing sagot ni Rafalgia.

Natawa si Hakal, "kung gayon ay tapos na ang usap! Sana ay huwag niyong pagsisisihan ang inyong naging desisyon. At huwag niyo ring isipin na naging mapag-imbot ako sa inyong lahat!" ang tugon nito at muling lumutang ang kanyang katawan sa ere.

Mula sa kanyang paglutang ay binalot ng malakas na enerhiya ang kanyang katawan. At mula sa kanyang kamay ay nagliwanag ang isang kakaibang uri sing-sing ng kapangyarihan! Mula dito ay lumabas ang maliit na modelo ng mundo. Para itong maliit na globo na gawa sa enerhiya na nagmumula sa kanyang nagliliwanag na singsing.

Isang grapikong representasyon ng mundo na umiikot sa kanyang mga kamay. "Ngayon ay maswerte kayo dahil masasaksihan ninyo ang kapangyarihan ng isang Diyos!" ang sigaw niya at dito ay nagliwanag ang kanyang mga mata at nagsimula na ring magbago ang anyo ng kalangitan, naging pula ito na animo dugo at ang hangin ay para bang may mga umiiyak na kaluluwa na nagbibigay kilabot sa lahat ng tao sa bawat sulok ng mundo.

Sa madilim na paligid na iyon ay nangingibabaw ang itim at lilang kapangyarihan ni Hakal. Ngunit mapapansin na ang gintong liwanag sa dibdib ni Enchong ay hindi nawawala kahit walang malay ito. "Papa, lumalakas rin ang liwanag sa dibdib ni Papa Enchong," ang wika ni Rouen.

"Hindi ko maunawaan kung anong nangyayari ngunit nakakaramdam ako ng matinding panganib!" ang sagot ni Rael.

Patuloy sa paglutang si Hakal sa ere, maya maya ay bumigkas siya ng isang hindi maunawang chant o orasyon at mas lalo pang sumabog ang kanyang enerhiya sa kanyang likuran, literal na naging isang pakpak ito na gawa sa itim na enerhiya. Hawak pa rin niya ang representasyon ng mundo sa kanyang kamay at maya maya ay tumingin siya dito.

Umiikot ang mundo sa normal nitong pag ikot. Maya maya ay hinakawan niya ito at pinigil dahilan para yumanig ng husto at tila huminto rin ang lahat sa buong paligid. "Ngayon ay babalik tayo sa simula at ang mga hindi nababagay sa mundong ito ay hihinto!" ang wika ni Hakal at dito ay binalot ng enerhiyang itim ang maliit na respresentasyon ng mundo sa kanyang kamay at nagsimulang BUMALIGTAD ang ikot nito PABALIK!!

"Nangyayari na, ito ang pangitain ni Lolo Isko, ang lahat ay hihinto at magbabalik sa dati! Magbabalik ang lahat sa simula!" ang wika ni Ibarra na may halong takot.

"Ito na iyon, ang lahat ay nangyayari na," ang wika ni Boss Lu na nakatingin na lang sa paligid na noon ay nagiging mga buhangin at parang nagugunaw na ang lahat.

Noong mga sandaling pihitin ni Hakal pabalik ang ikot ng mundo ay unti unting nagiba ang iba't ibang sulok nito. Ang mundo ang mga mortal ay yumanig at naging buhangin kasama na ang mga tao dito. Ganito rin ang eksena sa ibang lupain katulad ng Bundok Hiraya, Cendril Forest, Apresia at iba pa.

Ang tahimik at walang kamalay malay na mga tao ay mga natunaw na parang buhangin at ganoon rin ang kanilang mga paligid. Isang bangungot, isang hindi mapapatayang sumpa. Ito ang kapangyarihan ni Hakal, ito ang kanyang pangunahing plano. "Ang mga nagmula sa lupa ay babalik sa lupa! Ito ang pangunahing patakaran ng buhay," ang wika nito habang pinagmamasdan ang pabalik na ikot ng mundo.

Noong mga sandaling iyon, bago pa umabot sa magkakapanalig ang sumpa ng pagkabura ay sumabog ang gintong liwanag sa dibdib ni Enchong. Gumapang ito na parang pisi sa katawan ng bawat isa at gumapos sa kanilang mga braso.

"Kahit anong gawin mo ay hindi mo matatakasan ang sumpa! Lahat kayo ay mabubura at magiging lupa! Dito kayo ginawa kaya't dito rin kayo magbabalik na kusa! At ito ang aking sagradong salita!" ang sigaw ni Hakal at mas gumapang pa ang sumpa sa kanilang paligid.

Nagsimulang maging buhangin ang lahat sa Dark Keeper Gate at gumapang ang sumpa patungo sa kanilang kinalalagyan biglang huling panapos! Umangat ang mga buhangin sa paligid, ang lahat ay ibinabaon ng buhay!

Dito na tumingkad ang gintong pisi sa kamay ng bawat isa. Noong malapit na sa kanila ng sumpa ay isa isang binalot ng gintong liwanag ang kanilang katawan at sa halip na maging alabok ang mga ito ay isa isa silang naglaho na parang bula kasama na sina Lucario, Suyon, Ibarra, Devon at iba pa.

Niyakap nina Rael at Rouen si Enchong, si Oven naman ay nagtatakbo rin sa best friend niya at niyakap ito hanggang sa huling sandali. Ang lahat ay binalot ng gintong liwanag at wala na silang natandaan pa.

Tuluyang nabago ang mukha ng mundo at sa isang iglap ay bumalik ang lahat sa pinaka una. Umikot ikot ng umikot hanggang sa bumalik sa pinakauna kung saan ang lahat ay alabok na lang at buhangin. Sa makatuwid ay winipe-out ni Hakal ang mundo, binura niya ang lahat dito at sila lamang ni Victor ang natirang nakatayo sa ere.

"Nabura ang lahat, ano na ang mangyayari?" ang tanong ni Victor. May halo itong takot dahil sa kanyang nasaksihan.

"Ibabalik ang aking panahon, babalik tayo sa simula!" ang sagot ni Hakal sabay kumpas sa kanyang kamay at dito lumabas ang isang portal. "Ito ay patungo sa aking kaharian, halika at sumama ka sa akin!" ang dagdag niya.

Tumawid sila ni Victor sa portal dito ay lumusot sila sa lumang panahon. Dito ay unting unting bumangon at sumibol ang kaharianp ni Hakal, umangat ang mga pader nito sa isang malawak na disyerto! Noong mga sandaling iyon ay muling itinayo ni Hakal ang kanyang emperyo. At sa isang kumpas ng kamay ay tumubo ang mga halaman, puno at nagkaroon ng pagdaloy ng tubig sa buong paligid.

Hindi kompleto ang emperyo kung walang mga tao, mga taga paglingkod at iba pa. Kaya naman nagdesisyon si Hakal na ibalik ang oras kung saan siya ang hari ng lahat at walang sinuman ang maaaring sumulpil sa kanyang kapangyarihan. Sa makatuwid ay ibinalik ni Hakal ang sinaunang panahon at ang lahat ng mga nabuhay dito ay nagbalik din. Parang isang time travel gamit ang portal na kaniyang nilikha kanina.

"Panginoon, kung ang nais mo lamang pala ay ang magbalik tayo dito sa nakalipas ay bakit binura mo pang ang hinaharap? Bakit lahat sila na winipe-out mo? Sana ay binuksan mo na lamang ang portal at bumalik tayo sa panahong ito, sa panahon kung ikaw ang kaisa isang hari,'' ang tanong ni Victor.

"Victor, kaya ko binura ang mga kalaban doon sa hinaharap ay dahil may kakahayan silang maglakbay sa oras. Gusto mo bang sundan nila tayo dito? Gusto mong wasakin nila ang ating mga pangarap? Ang batang nag ngangalang Rouen ay eksperto sa paglalakbay sa iba't ibang oras, tiyak na susunod iyon dito at malalagay tayo sa alanganin. Kung sakaling binuhay natin ang mga iyon ay tiyak na gagawa sila ng paraan upang sundan tayo dito at babaguhin rin nila ang ating kapalaran. Mabuti ng walang hinaharap, dahil tayo ang huhubog ng bagong hinaharap," ang paliwanag ni Hakal.

"Pero, paano sila?" tanong ni Victor

"Wala ng sila, tapos na ang buhay sa hinaharap at ngayon ay magsisimula tayo sa pinaka una," ang sagot ni Hakal.

Iyon ang dahilan kaya't tinapos ni Hakal ang lahat sa hinaharap kabilang na sina Lucario, Suyon, Malik at iba pa. Dahil natatakot siya na muli siyang hadlangan ng mga ito at sundan siya kahit saan siya magpunta. Balak niyang mag simula muli bilang pinakamalakas na hari ng unang sibilisasyon at sa pagkakataon ito ay huhubugin niya ang bawat panahon ayon sa kanyang nais.

Lumakad si Hakal sa mataas na balkunahe ng kanyang kaharian, lumanghap siya ng sariwang hangin at dito ay natuwa siya dahil ang lahat ay nagbalik na sa dati. At dahil bumalik ang oras ay buhay na muli ang lahat ng tao sa kanyang kaharian. Buhay na muli ang maliliit at payak na bayan mula sa kalayuan.

Ang pinakahuli niyang gagawin ay ang buhayin ang kanyang mga kawal na kung tawagin ay Heroca at buhayin rin ang kanyang limang heneral na naglingkod sa kanya noon.

Ito ang kapangyarihan ng isang Diyos, ang lahat ay kaya niyang ibalik. Ngayon ay literal na rin niyang naibalik ang kanyang dating pamumuhay at nangako siya sa kanyang sarili na hinding hindi na ito bibitawan pa kahit ano ang mangyari.

Habang nakatanaw sa kalayuan ay tila naramdaman ni Hakal na mayroon siyang pagkakamali. Dahil binalik niya ang oras at sinaunang panahon at binuhay ang mga tao na kanyang nasasakupan at nabuhay rin ang kanyang matalik na kaibigang si Surya, ang kaibigang magkukulong sa kanya sa Tangkask at sa Cardin makalipas ang ilang taon.

"Pero bakit ako mangangamba, sa panahon ito ay mahina lamang si Surya, maaari ko na siyang ipapatay kung aking nanaisin!" ang wika ni Hakal sa kanyang sarili.

Samantala noong mga sandaling iyon ay ipinakita ang binatang si Surya na namumulot ng mga palay sa bukid at iniipon sa kanyang bisig. Isang simple buhay ang mayroon ito, palaboy laboy lang at pa extra extra sa mga trabaho para mabuhay. Gayon pa man ay hindi nawawala ang ngunit sa kanyang mapulang labi na punong puno ng pag asa at pagiging positibo.

******

ENCHONG POV

"Enchong, gising na. Imulat mo ang aking mga mata," ang wika ng tinig na aking narinig. Ang boses na ito ay mula kay Kasiya. Tila ba nilukuban ng mainit na pakiramdam ang aking katawan kaya naman marahan kong iminulat ang aking mga mata.

Dito ay natagpuan ko ang aking sarili sa isang malawak na Disyerto, nakahiga at tila walang lakas. Sa aking tabi ay nakita ko sina Rael, Rouen at Oven na walang malay.

Agad kong kinalabit ang aking asawa at noong dumilat ito ay agad niya akong nakita. "Ench, ikaw na ba iyan?" ang agad niyang tanong.

"Oo, ako na ito. Hindi ako makapaniwala na aabot sa ganito kalupit ang lahat," ang wika ko.

Hindi kumibo si Rael agad siyang bumalikwas ng bangon at niyakap ako ng mahigpit. Niyakap ko rin siya at sumusubsob ako sa kanyang matipunong dibdib. Habang nasa ganoong posisyon kami ay nagkamalay na rin sina Rouen at Oven, pati silang dalawa ay emosyonal na lumapit at yumakap sa akin. Tila ba kapwa hindi makapaniwala na ako ay nagbalik na sa dati.

"Teka, sure ba tayo na si Enchong na nga iyan? Baka maya maya ineeme eme lang tayo niya ha," ang taas kilay na wika ni Oven.

"Ako na nga ito, Oven. Maniwala ka," ang sagot ko naman.

"Wa aring? Prove it!" ang panghahamon ni Oven kaya naman nagsalita ako. "Ang first kiss mo ay ang pinsan mo at siya rin ang first fvck mo na umiyak ka dahil navirgin ka niya," ang wika ko pero tinakpan niya ang bibig ko at saka umiyak. "Enough! Okay na! Okay na! Ikaw na nga iyan besfrend! Miss na miss na kita!" ang pag iyak nito at saka yumakap sa akin.

Niyakap ko rin siya at syempre ay niyakap ko rin si Rouen. "Sorry kung umabot sa ganito ang lahat. Kasalanan ko ito," ang wika ko na hindi maitago ang lungkot.

"Halos tayo na lamang ang natira dito sa buong mundo. Prinotektahan tayo ng gintong liwanag na nasa dibdib mo," ang wika ni Rael.

"Medyo mabilis ang pangyayari ang alam ko lang ay yumakap ako sa iyo tapos ay hindi ako naglaho. Teka nasaan sila? Basta ang alam ko lang ay ginapangan sila ng gintong liwanag at naglaho na parang bula ang lahat. Alam mo ba kung nasaan sila besfrend?" tanong ni Oven na gulong gulo na.

"Hindi ko alam, basta ang alam ko lang ay active ang kapangyarihan ko noong mga sandaling iyon, ang nais ko lang talaga ay isalba kayo mula sa pagkalaho. Hindi ko alam kung saan napunta sina Lucario at iba pa. Magulo pa ang isipan ko sa ngayon at nanghihina pa rin ang aking katawan," ang tugon ko naman na litong lito rin.

"Tayong tatlo ay yumakap kay papa tama? Hindi pumayag ang gintong liwanag na mabura si Papa Enchong kaya't nadamay tayo sa kanya. Prinotektahan ng gintong liwanag ang kanyang katawan upang hindi ito maglaho at dahil nakayakap tayo sa kanya ay naprotektahan rin tayo ng liwanag na iyon. Ito lang ang ating alam ko sa ngayon," wika ni Rouen habang inaalala ang pangyayari kanina kung paano sila naligtas.

"Ang gintong liwanag ay ang enerhiya ni Kasiya. Ang hiling ko lang talaga sa kanya ay protektahan ang aking pamilya noong sandaling iyon. Natutuwa ako at ginawa niya ito kahit wala akong kamalay-malay. Tunay ngang maasahan ang kapangyarihan ni Kasiya bagamat ngayon lamang ito muli bumalik sa aking katawan.

Tahimik.

Nanatili kami sa ganoong posisyon, pinilit naming buuin ang mga pangyayari. "Kung ganoon ay tayo na lang ang buhay dito? Ang lahat ng bagay nabura at naging disyerto, umabot sa ganitong kabaliwan si Hakal," ang wika ni Oven.

"Oo at mukhang walang ibang maaasahan sa ngayon kundi tayo lang din," ang wika ko naman.

Tahimik lang din si Rouen, maya maya ay tumingala ito. "Sa palagay ko ay tama ang pangitain ni Rafalgia. Sinabi niya sa akin na buburahin ni Hakal ang lahat at anim na bituin lamang ang matitira."

"At ang "anim na bituin" na tinutukoy niya ay tayo? Pero apat lamang tayo. Ako, si Oven, Rael at Ikaw," ang tugon ko naman.

"Sino yung dalawa pa?" tanong ni Oven.

Ngumiti si Rouen, "ninong naalala mo ba yung pulang ITB o Instant Transportation Ball na pinalipad ko kahapon?"

"Yes naman, yung mother of all ITB?" pag kklaro ni Oven.

"Opo, sa tingin ko ay bumalik na ito," ang sagot ni Rouen at dito nga may kumikisap na bagay kaming nakita mula sa itaas.

"Sa tingin ko ay nandito na ang ating back up," ang tugon ni Rouen sabay pindot sa maliit ba buton na kanyang hawak at bumukas ng portal na kulay puti sa itaas.

Itutuloy.


Continue Reading

You'll Also Like

187K 8.4K 60
Blue ( Aoi ) fell to a man like him at his sixteen years of age. But this man ( ADAM ) broke his heart. Pinatay nito ang kaibigan niyang si Jae, par...
266K 6.7K 35
Zanelli Terrington has a few more months to live. Just like her past lives, nothing changes as she is still the 2nd princess of the Kingdom of Hawysi...
465K 19.6K 74
Si Harold ay isang makulit, palabiro at masayahing binata. kaya naman lahat ng kababaihan at kabaklaan sa kanilang eskwelahan ay nahuhumaling sa kani...
61.9K 3K 29
Dahil sa renovation na ginagawa sa apartment na tinutuluyan nila Alison, nakiusap ang kanyang Mama sa kaibigang matalik na si Jenny na kung pupwede a...