Mr. Genius X Mr. Blood Sucker...

Por Ai_Tenshi

7K 470 45

Ito ay continuation ng Book 3: The Last War. Ang Ruins of God ARC ay ang pagsisimula ng panibagong yugto sa b... Mais

NOTE:
Part 1: New Arc
Part 3: Ang Tungkulin ni Oven
Part 4: Milenna
Part 5: Pagbabago
Part 6: Mga Sugo ng Liwanag
Part 7: Salvator
Part 8: High Priest
Part 9: Huwad na Ehemplo
Part 10: Victor
Part 11: Artista
Part 12: Kalatas
Part 13: Lumang Tala
Part 14: Ang Pagluhod ni Herard
Part 15: Pagnanasa at Kasalanan
Part 16: Ang Sutin Beach
Part 17: Tungkulin at Kapanalig
Part 18: Kahon ng Panganib
Part 19: Selyo ng Kaligtasan
Part 20: Sinumpaang Pag-ibig
Part 21: Practice Para Sa Ekonomiya
Part 22: Unang Hakbang
Part 23: Magandang Araw
Part 24: Itinakdang Pagsalakay
Part 25: Ang Pagdakip
Part 26: Paghuhukom
Part 27: Belial Alaikum
Part 28: Awakening
Part 29: Ang Mensahe ng Dilim
Part 30: Ang Bigong Propeta
Part 31: Ang Puso ng Blood Sucker
Part 32: Gaskin
Part 33: Liga ng mga Diyos
Part 34: Ang Isinumpang Lakas
Part 35: Pagbibikis
Part 36: ENCHONG VS. SUYON
Part 37: Ang Ulan ng Kamatayan
Part 38: Ang Templo
Part 39: Layuning Manalo
Part 40: Laro ng Tadhana
Part 41: Ang Daan Pabalik
Part 42: Pabalik sa Simula
Part 43: Mga Espesyal na Kapanalig (ARC FINALE)

Part 2: Pasasalamat

178 16 0
Por Ai_Tenshi

MGXMBS: RUINS OF GOD ARC

AiTenshi

Part 2: Pasasalamat

ENCHONG POV

"Hon, halika dali may ipapakita sa iyo si Rouen, may bago siyang talent na ipapamalas!" ang pagtawag ni Rael habang nasa balkunahe ng aming silid sa ikalawang palapag ng bahay.

"Hmm, ano naman kaya iyan? Bagong sing and dance song ba? Bagong dance move?" tanong ko habang nakangiti.

Umiling si Rouen, "hindi po papa," ang wika nito habang nakangiti.

"Oh? Tutula ka ba? O magrerecite ng table of elements?" tanong ko ulit.

"Hindi rin po," ang cute na sagot niya.

"Eh ano? Anong talent ang ipapakita mo? Rael ano ba iyon?" tanong ko na may halong pagtataka.

"Eto oh, ipakita mo nga baby!" ang wika ni Rael sabay buhat sa anak at saka ito itinapon ng malakas sa ere. Sumibat ang katawan ni Rouen sa itaas na parang papel. Hindi ako makapaniwala na ang batang anak ko ay pinalipad ng ganoon.

Napasigaw ako sa takot! "Tangna Rael gago kaaaaaa!!" ang sigaw ko sabay suntok sa kanya.

"Chillax lang, bakit ba nang aaway ka?" ang sagot nito habang sinasangga yung mga hampas ko.

"Gago ka, pag may nangyaring masama sa anak ko papatayin kitaaaaa!" ang sigaw ko sa kanya.

Maya maya ay bumulusok pa ibagsak si Rouen dahilan para lalo akong matakot at mapasigaw. Habang bumubulusok ito ay biglang nagliwanag ang kanyang katawan at naging mga paniki na animo mga paru-parong maliit. Lumipad ito at bumalik sa aming kinalalagyan.

Pumalibot ito sa akin saka naging bata ulit. Tuwang tuwa ito at saka yumakap sa akin. Sumampa pa ito nagpabuhat. Putlang putla ako sa takot at halos tumigil ang pag ikot ng aking mundo. Tuwang tuwa naman si Rael at saka binuhat ang anak. "Natutuwa ako at maagang na master ni Rouen ang flight technique ng mga blood sucker," ang paliwanag nito.

"Gago ka Rael, akin na nga iyan! Ako na lang mag aalaga sa anak ko, kung ano anong pinag gagagawa mo, aatakihin sa puso sa takot alam mo ba iyon? Bakit hindi mo na lang ito iyang teknik na iyan sa mga kawal mo para lahat sila ay nakakalipad at hindi na GGG sa laban!" ang masungkit kong sagot.

"Huwag ka na nga magalit, natutuwa lang ako sa anak natin dahil nabubuksan na ang mga ability niya sa murang edad. Yung teknik na ito ay hindi maaaring ituro sa mga kawal sapagkat ito ay ipinagkaloob lang ni Leandro sa akin. Sa lahat ng hari ng blood sucker na naupo sa Kailun ay tangin si Leandro lamang ang may flight technique kaya nakakapunta siya sa iba't ibang lugar. At dahil ipinamana niya sa akin ang kanyang kapangyarihan ay namana rin ito ni Rouen, astig diba?" ang paliwanag ni Rael habang nakasunod sa akin.

"Astig nga, pero hindi tamang paglaruan mo ang anak natin. Ang bata bata pa nito para gawin mong paniki," ang sagot ko naman. Samantalang si Rouen naman ay nakayakap lang sa akin at waka itong pakialam sa aming pinag uusapan. Kung sabagay ano nga ba ang alam ng batang paslit. Ang ayaw lang niya ay kapag nag aaway kaming dalawa ang tatay niya. At ang worst senaryo ay doon siya kumakampi kay Rael kadalasan.

"Paaaa, si Rael pinaglalaruan si Rouen, itinatapon sa balkunahe at ginagawang paniki!" ang pagsusumbong ko noong makababa sa sala.

"Ang ginagawa ko ay training at pag eensayo, hindi ka talaga makakarelate dahil hindi ka naman blood sucker," ang pagtatanggol ni Rael sa kanyang sarili.

"Anak, hindi naman gagawa si Rael ng mga bagay na ikapapahamak ni Roeun. Relax ka lang dyan at huwag mong masyadong istress ang sarili mo," ang sagot naman ni papa, si Rael naman ay nakangisi lang sa akin.

"Huwag ka na magalit sa akin, halika maligo na tayo tapos gumawa na lang tayo ng bagong baby natin," ang bulong ni Rael kaya naman siniko ko siya.

At habang nasa ganoong posisyon kami ay dumating naman si mama sa sala may dala itong mga kakanin, "Enchong, hijo may naghahanap sa iyo doon sa labas," ang wika nito.

"Sino daw ba?" tanong ko naman.

"Dalawang lalaki hijo," ang sagot ni mama.

Hinawakan ni Rael ang aking braso. "Sabi na nga ba may lalaki ka at dalawa pa. Hindi ka nakontento sa akin? Sobrang hot at handsome ko na, tapos ipagpapalit mo pa ako?" ang gigil na bulong nito.

"Ngi, ano bang sinasabi mo dyan? Bitiwan mo nga ako," ang hirit ko naman.

"Ayun naalala ko na, artista yung isa doon, yung bida sa Paranomal Episodes sa ADS GCN," ang wika ni mama.

"At artista pa ipapalit mo sa akin?!" ang gigil na tanong ni Rael.

"Sira ka talaga, si Devon iyon! Halika na doon sa labas," ang paghila ko naman sa kanya.

Agad kaming lumabas ni Rael at hindi naman kami nagkamali dahil tama nga kami, sina Devon at Yul ang nasa gate, nakatayo ang dalawa doon at may hawak na basket ng prutas at kakanin. Natuwa kami ni Rael at agad namin silang pinapasok sa loob.

Noong matapos ang huling digmaan ay nagbalik sina Devon at Yul sa kani-kanilang mga normal na buhay bilang mag asawa. Si Devon nagbalik sa pagiging isang artista at sa ngayon ay silang dalawa ni Boss Lu ang may pinakamataas na posisyon sa Hell Society. Si Yul naman ay nag momodelo pa rin at patuloy ang pagiging heneral niya sa Heave Society bilang si Hariel.

"Magandang araw, mabuti naman at dinalaw niyo kami? Kumusta na ba?" tanong ko sa kanilang dalawa. Noong makaupo sa sofa ay tinawag ko si Rouen, "anak, mag bless kina Tito Devon at Tito Yul."

Nagbless ang bata, "ang cute, ang gwapo ng anak mo. Kung sabagay nakita naman natin yung future version niya na talagang mala halimaw sa lakas. Kapag hindi kayo busy maaari kayong dumalaw sa set namin doon sa Paranomal XR, ipapasyal ko kayo doon," ang wika ni Devon sabay gusot sa buhok ni Rouen.

"Dapat ay Kailun kami dadalaw, ngunit naramdaman ko na nandito lang kayo sa mundo ng mortal. Ang ibig kong sabihin ay naramdaman ni Hariel ang inyong nag uumapaw na lakas, kahit itago ito ay talagang lumalabas pa rin," ang wika naman ni Yul.

"Ang naganap na digmaan ang nagpalakas sa ating lahat. Sana ay tuloy tuloy na ang kapayapaan sa mundo," ang wika ni Rael habang nakangiti.

"Sana nga, mahal na hari. Naparito kami upang ibigay medalyong ito sa inyo ni Enchong, ito ay galing sa Hell society, bilang pasasalamat at pagkilala sa inyong pagtulong sa amin. Nakita ng Hell Society ang sakripisyong ginawa ni Enchong upang wakasan ang kasama ni Xandre kaya't labis nila itong ikinatuwa. Ako, sampung ng lahat ng nilalang na naninirahan sa Hell Society nagpapasalamat sa inyong dalawa. Isang malaking tagumpay na wakasan ang kasama ng dating pinuno ng Supremo De Guardine na si Xandre Del Viuri," ang paliwanag ni Devon sabay abot sa amin ng gintong kahon na naglalaman ng dalawang medalyon.

Kinuha namin ito at nagpasalamat kami sa karangalang kanilang ibinigay. "Kumusta ang Hell Society?" ang tanong ko naman.

"Sa ngayon, ang Hell Society patuloy pa ring bumabangon matapos itong sirain ni Xandre. Ang progresso ay tuloy tuloy lamang at sana ay mas mapabilis ang dating kaunlaran nito. Nandoon naman si Boss Lu upang tumayong punong Heneral sa mga bagong guardian," ang sagot ni Devon.

"Mabuti naman kung ganoon, ang aking kaharian at ang buong Kailun ay patuloy pa ring bumabangon hanggang ngayon. Matagal na proseso pa para maabot ang dating antas ng kaunlaran nito ngunit mahalaga ay nakamit na natin ang kapayapaan," ang tugon ni Rael.

Habang nasa ganoong pag uusap kami ay dumating si mama sa sala at nagserve ng kakanin at malalamig na drinks, "naku napaka gwapo mo pala sa personal hijo, parati akong nanonood ang mga episodes ng Paranormal XR!" ang hindi mapigilang hirit ni mama.

"Salamat po tita, minsan po ay ipapasyal ko kayo sa set at sa taping," ang nakangiting sagot naman ni Devon.

"Naku, hindi ko tatanggihan iyan hijo, marami salamat sa iyo," ang hirit ni mama.

Tahimik.

Nagsimula kaming kumain ng sabay sabay, naka kandong sa akin si Rouen at sinusubuan ko ito. Wala kaming ibang pinag usapan kundi ang pagbabalik tanaw sa mga alyansa at pagkakaibigang nabuo noong digmaan. Marami kaming natutunan noong mga sandaling iyon at kahit natapos na ang lahat ay napapanaginipan pa rin namin ang mga pangyayaring labis na nagbigay ng takot at pangamba sa amin noon.

"Ang akala ko ay ako lamang ang hindi makatulog ng maayos sa gabi," ang wika ko at dito ay binahagi ko ang itim na imaheng madalas kong nakikita sa aking panaginip.

"Hindi rin ako nakakatulog ng maayos lalo na noong unang dalawang buwan matapos ang digmaan. Ito yung pinakamahirap na parte ng isang mandirigma," ang sagot ni Devon.

"Katulad ng sinasabi ko sa inyo, imortal tayong lahat, ang digmaan ay hindi nagtatapos kay Xandre, marami pang parating kaya't dapat ay mas magpalakas pa tayo," ang tugon ni Rael.

"Tama si Haring Rael, tiyak na marami pang parating," ang pagsang-ayon ni Yul. Ako naman ay natahimik lang dahil kung ako ang tatanungin ay ayoko na talaga ng kahit anong kaguluhan.

Tumagal ng ilang oras ang pakikipagkwentuhan namin kina Devon bago sila magpaalam dahil may taping pa silang pupuntahan. Nagpasalamat naman ako sa kanilang pagdalaw, kahit paaano ay naalala pa rin nila kami.

Bago lumabas ng gate at tuluyang umalis ay humarap sa akin si Devon at napabuntong hininga ito. Halata sa mukha niya na mayroon siyang gustong sabihin ngunit parang nag aalinlangan pa ito. "Dev, alam kong may gusto kang sabihin, pati ikaw Yul, alam kong bumubwelo lamang kayo," ang puna ko sa kanilang dalawa.

"Ench, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin ito o pwede hayaan na lamang natin," ang sagot ni Devon.

"Bakit hahayaan? Kung importante ito ay dapat mong sabihin," ang wika naman ni Rael.

Tumingin si Devon kay Yul, tumango naman si Yul na para bang sinasabi na sumasang-ayon ito na sabihin ni Devon ang mga bagay na nasa isipan nito. Kaya naman natahimik kami ni Rael at hinayaan namin itong magsalita.

Tahimik.

"Ito ay tungkol lamang sa pangitain ni Lolo Isko, alam niyo naman na may kakahan siyang basahin ang mga butuin," ang bungad ni Devon.

"Anong pangitain ba ito?" tanong ni Rael.

"Sinabi niya na hihinto ang mundo at ang lahat ay matutulog, babalutin sa kadiliman ang buong sanlibutan at mawawalan ito ng kulay," ang wika ni Devon.

"Eh bakit daw? May kalaban na naman bang parating?" tanong ko naman na may pagtataka.

"Iyon nga e, itinatanong namin kay Lolo Isko ang tungkol doon ngunit iyon lang daw ang nakikita niya, maging kami ay naguguluhan rin. Kaya nga nagdadalawang isip kami ni Devon kung sasabihin ba namin ito sa inyo o hindi, at hahayaan na lamang," ang paliwanag ni Yul.

"Malalim ang pangitaing iyon," ang sagot ko naman.

"Huwag kayo mag-alala, kapag may balita ulit ay ipagbibigay alam ko kaaagad. Kung minsan ang pangitain ni lolo Isko ay hindi rin naman nagaganap o matagal pa bago mangyari. Sorry kung ginulo ko ang isipan ninyo," ang saad ni Devon.

"Ayos lang iyon, mas mabuti na yung ganito, para makapaghanda tayo sa mga bagay na pwedeng mangyari," ang sagot ko naman habang nakangiti bagamat nagsimula na namang kumabog ang aking dibdib.

Sumakay sina Devon at Yul sa kanilang sasakyan at nagpaalam sa amin. Hindi nawala ang ngiti sa aking labi habang kumakaway sa kanilang dalawa. Pero noong makalayo sila ay napayakap na lang ako kay Rael at napahilig sa kanyang balikat, "heto na naman e, ayoko na, Rael," ang bulong ko na may halong takot.

"Sssh, hon, wala pa naman, huwag ka muna mag worry okay?" ang bulong nito sabay yakap rin ako, hinalikan pa niya ang aking noo bago kami pumasok sa bahay.

******

DEVON POV

Noong nakaraang linggo ay binisita namin sina Ibarra at Leo doon sa bundok ng Hiraya. Doon kasi kami kinasal ni Yul kaya't doon namin naisipang mag celebrate ng aming anniversary. Binalikan rin namin ang lahat mga memories namin noong kami ay ikinasal mula sa altar ng kalikasan hanggang sa ilog kung saan kami nag niig kinagabihan. Ang lahat ng ito ay espesyal sa aming dalawa. At noong makita namin ay halos ganoon pa rin.

Syempre ay kasama namin sina Leo, Ibarra at iba pang mga kaibigan na nagcelebrate ng aming anniversary. Masasabi kong mas naging matibay ang aming samahan matapos ang huling digmaan at nagpasalamat rin kami lahat kami ay ligtas mula sa mapanganib na pagsibol nito.

Kinabukasan ay dinalaw namin ang matandang gabay ng mga engkanto na si Lolo Isko, ang layunin lamang ng aming pagtungo doon ay ang magpababas lalo't siya ang nagkasal sa amin. Ang basbas ng matandang engkanto ay magdudulot ng swerte pagtitibayin pa nito ang aming relasyon.

Matapos kaming basbasan ni Lolo Isko ay bigla na lamang pumikit at noong dumilat siya ay nagliliwanag na ang kanyang mata habang nakatingala, para bang mayroon siyang nakikitang kung ano sa itaas. Habang nagsasalita ng mga katagang hindi namin maunawaan.

"Mukhang may bagong pangitain si Lolo Isko, hindi pa rin ako nasasanay na nakikita siyang ganyan," ang wika ni Ibarra.

"Mas nakakatakot siya kapag ganyan," ang tugon naman ni Leo.

Patuloy sa pagka possessed si lolo Isko, halos sumasabog ang puting enerhiya sa kanyang buong katawan. Lumakas ito ng lumakas hanggang sa maya maya ay unti unti ring humupa.

Umuusok ang katawan ni Lolo Isko noong matapos ang pagsagap niya ng pangitain. "Asahan mong negatibo ito," ang bulong ni Ibarra.

"Bakit? Paano mo nasabi?" tanong ko naman.

"Dahil lahat ng pangitain ni Lolo Isko ay literal na pangit. Kaya nga "PANGITain" diba? Karaniwan dito ay negatibo talaga," ang sagot ni Ibarra.

Maya maya huminahon si Lolo Isko at uminom ito ng tubig, "pasensiya na kayo, sadyang dumarating ang mga pangitain sa mga oras na hindi inaasahan," ang wika ng matanda.

"Kung hindi niyo po mamasamain, maaari ba namin itong malaman?" tanong ni Yul sa kanya.

"Tiyak na magdudulot lamang ito ng pangamba sa inyo, masisira ang inyong pagdiriwang," ang sagot ng matanda.

Natawa ako, "huwag kang mag-alala lolo Isko, tapos na ang pagdiriwang namin ng anibersaryo kahapon."

Napabuntong hininga si Lolo Isko, "ang aking nakita ay hindi ko tiyak dahil masyado itong malabo ngunit ito parte pa rin ng aking pangitain. Tatlong imahe ang ipinakita sa akin ng mga bituin..

Una, huminto ang oras at ang bawat organismo ay huminto rin. Para bang isang senaryo sa pelikula na ang lahat ay purong itim lamang, isang larawan na walang kulay.

Ikalawa, kahit ang pinakamalakas na mandirigma ay walang magagawa tungkol dito. Ang mundo ay hihinto at ang lahat ay unti unting mabubura.

Ikatlo, ang isang sakrpisyo ay hindi sapat dahil masusundan pa ito ng mas marami pa. Ang lahat ay magiging magulo at mahirap pagdating ng takdang oras.

Mga hijo, napakalabo ng pangitain ngunit batid kong mas masama ito kaysa sa inaakala nating huling digmaan. Mukha ang lahat ay magsisimula pa lamang, mas malaki at mas mapanganib ang parating," ito ang salaysay ni Lolo Isko na nagbigay ng labis na kaba sa amin.

"Kung ganoon ay may bagong kalaban na naman ang parating? Dapat ay malaman ito ng iba upang makapaghanda," ang wika ko naman.

"Ngunit ang tanong ay kailan? May sapat pa ba tayong lakas kapag dumating ang araw na iyon? Kaya pa ba natin?" tanong ni Leo.

"Lolo Isko, kailan?" tanong ko na may halong takot at pangamba.

"Iyan ang hindi ko masasagot hijo, malabo ang pangitain, marahil ay matagal pa itong maganap, huwag kayong mag-alala, kapag may nahanap akong impormasyon ay agad kong ipagbibigay alam kina Ibarra at iba pa," ang sagot ni Lolo Isko, sumandal ito sa kanyang silya at ipinikit ang kanyang mga mata.

Kami naman ni Yul ay hindi nagdalawang na ipaalam kina Enchong ang pangitaing iyon ni Lolo Isko, higit sa lahat ay sila ang may kakayahan upang maipanalo ang laban dahil nakahimlay sa kanila ang kapangyarihan ng malalakas na Diyos.

Sa ngayon ay ito lang ang tangi naming magagawa.

Itutuloy.


Continuar a ler

Também vai Gostar

32.3K 2.9K 26
Tatlong taon - sa mahabang panahon na ito ay nagkukulong lamang si Jam sa sariling mundo nila ng kanyang nobyo. Sa bawat araw na lumilipas, iisa lang...
972K 61.5K 118
Gusto mo bang makatanggap ng RED CARD? Ang kwento ito ay BXB version ng sikat na Asianovelang Meteor Garden.
5.1K 305 31
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil sa ginawang pakikipagbreak saakin ni Khalil at ng maaksidente ako ay napunta ako dito sa panahong ito...
1M 30K 77
[COMPLETE | SIGMS' Parallel Story] Samahan natin si Joel sa kanyang misadventures para mapaamo ang isang HOMOPHOBE.:) GayxBoy | Humor | Teen Fiction...