'Yung katabi ko sa Jeep

By stylistnoona

153K 4K 1.3K

[Do Kyungsoo FF, XOXO Basketball Team Series Part 2] Part 1 - COMPLETED Part 2 - COMPLETED Ang magulong buhay... More

PART 1
UPDATE 1
UPDATE 2
UPDATE 3
UPDATE 4
UPDATE 5
UPDATE 6
UPDATE 7
UPDATE 8
UPDATE 9
UPDATE 10
UPDATE 11
UPDATE 12
UPDATE 13
UPDATE 14 (1/2)
UPDATE 14 (2/2)
UPDATE 15
[!!!] MUST READ [!!!]
UPDATE 16
UPDATE 17
UPDATE 18
UPDATE 19
UPDATE 20
UPDATE 21
UPDATE 22
UPDATE 23
UPDATE 24 (1/2)
UPDATE 24 (2/2)
UPDATE 25
END OF PART 1
PART 2
UPDATE A
UPDATE B
UPDATE C
UPDATE D
UPDATE E
UPDATE F
UPDATE G
UPDATE H
UPDATE I
UPDATE J
UPDATE K
UPDATE L
UPDATE M
UPDATE N
UPDATE O
UPDATE P
UPDATE Q
UPDATE R
UPDATE S
UPDATE T
UPDATE U
UPDATE V
UPDATE W
UPDATE Y
UPDATE Z (1/2)
UPDATE Z (2/2)
END OF PART 2
PROMISE
PROMISE 1.0

UPDATE X

711 42 40
By stylistnoona

UPDATE (X)

Nang makapasok si Venice sa kwarto niya ay agad niyang idinial ang number ni Chase (dahil 'yun lang naman ang alam niyang phone number bukod sa phone number ni Darius, hindi niya naman matatawagan si Darius kasi wala itong dalang phone), naisip niya na kailangang malaman ni Darius ang pagpunta ni Sabrina sa condo unit niya. Alam niyang walang magandang maidudulot ang pagpunta nito rito.

Nakatatlong tawag siya bago tuluyan itong sinagot ni Chase, baka nakulitan na sa kaniya kaya sinagot, "What is it now, V?" May halong iritasyon sa boses nito, "I have no time to talk about us." Dugtong pa nito.

Napapikit na lang nang mariin si Venice para hindi siya mainis at pagbabaan ng telepono si Chase, "I don't care about us." Kalmado niyang sinabi pero mariin niyang ipinarating iyon.

Narinig niya ang pag ismid nito sa kabilang linya, truth to be told that people change as the time goes by. "Then, why are bothering yourself calling me at this hour? Don't you know that I'm busy?" Hindi pa rin naalis ang pagka irita nito sa kanyang tono.

Gusto nang ibato ni Venice ang phone niya sa sobrang pagkairita, kundi lang talaga kailangang tumawag ay hindi niya gagawin iyon. "Bakit mo ba laging iniisip na tungkol sa ating dalawa ang pag uusapan natin tuwing tatawag ako? Hindi ba't ikaw ang naghabol sa akin noon?" Hindi niya na naiwasan ang panunumbat.

Narinig niya ang mumunting mura ni Chase sa kabilang linya, "No, I did not!" Agad na depensa nito.

Napabuga na lang ng hangin si Venice at nilamon ang pride para ipagpatuloy ang usapan, "Seriously, Chase? Grow up! Tumawag lang ako sa'yo ngayon para ipaalam mo kay D.O na sumugod dito ang fiancee niya!" Singhal niya kay Chase at agad na ini end ang call.

Napasalampak siya sa malaki niyang kama at tinitigan ang puting kisame. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siyang makipag usap kay Chase, kailangan niya lang sigurong itulog iyong inis niya para mawala agad pagkagising niya.

Malapit na sana siyang makatulog nang bigla siyang makarinig na ingay sa ibaba ng unit niya. Dinapuan siya ng kaba sa kanyang dibdib kaya agad siyang bumangon para tignan kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa.

Nang sumilip si Venice para icheck kung ano na ang nangyari sa dalawa, kay Jade at Sabrina ay ikinagulat niya ang nakita.

Nagpanic siya agad nang makita niyang pinagsasampal na ni Sabrina si Jade, dinaganan pa nito si Jade at sinakal. Halos madapa na siya pababa nang hagdan ng masaksihan iyon, namumula na rin kasi ang mukha ni Jade at hindi na makahinga.

"Sabrina!" Sigaw niya at pilit na pinaghihiwalay ang dalawa, hinila ni Sabrina ang buhok niya kaya siya napangiwi sa sobrang sakit. Si Jade naman ay naghahabol nang hininga at napaubo.

Marahas na hinila ni Sabrina ang buhok ni Venice, "Pare pareho lang kayong magkaibigan, mga impakta!" Singhal niya, hindi pa rin makahinga ng maayos si Jade mula sa pagkakasakal sa kanya ni Sabrina.

Hinawakan ni Venice ang kamay nitong sumasabunot sa kaniyang buhok at mahigpit na ibinaon ang mahahaba niyang kuko sa braso nito, hindi niya na inintindi na kakapa nail art niya lang kahapon.

Sa sobrang hapdi nang pagbaon ng kuko ni Venice sa braso ni Sabrina ay napabitaw ito sa pagsabunot sa kanya, sinamantala iyon ni Venice at tinulak si Sabrina na siyang dahilan sa pagkakasubsob nito sa sahig.

"What's going on?" Nakakunot ang noo ni Darius nang maabutan niyang estado ng tatlo.

Ika ikang tumayo si Sabrina at kumapit kay Darius, "Pinagtulungan nila akong dalawa." Pagsusumbong nito habang tinuturo pa ang dalawa, si Venice at Jade.

Napairap na lang si Venice, inayos niya saglit ang magulo niyang buhok at tinulungang tumayo si Jade na kasalukuyang nakahawak sa leeg nito. "Alam mo D.O, wala akong ie explain sa'yo sa nangyari ngayon dito." Masungit na sambit ni Venice, si Jade naman ay nakatingin lang sa magiging reaksyon ni Darius. Hindi siya magsusumbong o kahit ano, gusto niya lang malaman kung ano ang nasa isip nito tungkol sa nangyaring pag aaway.

Hindi umimik si Darius at pinagmasdan lang ang itsura nilang tatlo. Ang naabutan niya lang naman ay ang pagtulak ni Venice kay Sabrina, hindi niya alam ang tunay na nangyari kaya wala siyang karapatang manisi. Ang itsura ni Jade ay may pasa sa kanang pisngi at nakahawak sa namumula nitong leeg (hindi niya naiwasang mag alala pero pinilit nyang kalmahin ang sarili), si Venice naman ay gulong gulo ang buhok at may kalmot sa noo.

Napatingin siya kay Sabrina na ngayon ay humigpit ang pagkakakapit sa braso niya, napansin niya rin ang namuong dugo sa braso nito pero bukod pa d'un ay maayos ang itsura nito.

"Why are you here?" Kaswal na tanong niya kay Sabrina.

Ngumuso si Sabrina at idinikit pa ang sarili kay Darius, si Venice naman ay kanina pa nagmumura sa lenggwaheng hapon at ingles, samantalang si Jade naman ay hindi pa rin natitinag ang mga titig niya sa pagkapit ni Sabrina kay Darius. "Pumunta lang ako dito para sunduin ka, kagabi ka pa hinahanap nila Tita, imomove na lang daw next week ang pre nups at saka n'ung sinabi nilang wala ka dito ay hindi ako naniwala kaya pumasok ako. Nakikipag usap naman ako ng matino sa kanilang dalawa nang bigla nilang akong pinagtulungan. Look oh, kinalmot nila ang braso ko kaya nagdugo. Magsasampa ako ng kaso against sa kanilang dalawa." Pagsusumbong nito at pinakita ang nasugatan niyang braso na kagagawan ni Venice.

Hindi na napigilan ni Venice at akmang susugurin na naman si Sabrina kaso pinigilan siya ni Jade, "Eh putang ina mo pala eh. Paanong 'di kita sasaktan eh sinasakal mo ang best friend ko!" Hindi na nito napigilan ang galit nito, siniko naman siya ni Jade para sana magtigil siya pero hindi niya iyon pinansin. "Self defense 'yon! You can't sue us!"

Nag igting ang panga ni Darius, "You strangled her?" Nakita ang pagtitimpi sa mukha ni Darius, pero kahit na nagtitimpi siya ay naramdaman pa rin ni Sabrina ang galit nito.

Napaatras ng kaunti si Sabrina, hindi pa rin tumitigil sa kakamura si Venice. "I-I had to-" napatutop kaagad siya sa kaniyang bibig ng madulas siya.

Napakuyom si Darius, "Whyyy?!" Singhal nito, susuntukin sana ni Darius si Sabrina kaya napapikit ito habang humihikbi pero huminto iyon sa ere.

Ibinaba na lamang ni Darius ang kamao niya at napasalampak sa pader, "Why do you have to wreck me, Sabrina?" Punong puno ng emosyon ang boses niya ng sinabi iyon. Natahimik naman si Venice, si Jade ay nakatingin lang at mabigat pa rin ang paghinga.

Hahawakan sana ni Sabrina si Darius pero hindi niya na naituloy dahil sa takot niyang masaktan siya ni Darius, "Hindi ko ginusto iyon. Ang gusto ko lang ay bumalik na tayo sa dati. Bumalik ka na sa akin." Lumuhod si Sabrina sa harapan ni Darius at nagmakaawa, "Hon, please. I can't leave without you." Patuloy ang paghikbi ni Sabrina, napahawak naman ng mahigpit si Jade sa balikat ni Venice bilang suporta dahil nanlalambot ang kaniyang tuhod.

Tumingala si Darius at tinignan ng punong puno ng awa si Sabrina, "We are done, Sabrina. Get out!" Singhal niya rito, pilit namang hinawakan ni Sabrina ang kamay ni Darius pero itinutulak lang siya nito palayo.

Tumayo si Sabrina, pinahid ang mga luha sa kanyang pisngi. "You can't run away from me." Deklara nito, "Alam mong hindi matatanggap ni Tita ang kahit na sinong babae bukod sa akin, she will take everything from you unless you marry me. You can't runaway." Dugtong pa nito, parang sinaksak si Jade sa kaniyang puso ng marinig iyon, sa sobrang bigat sa pakiramdam.

Umismid si Darius, "I can. And, it's already done." Tumayo na si Darius at pilit na pinalabas si Sabrina sa condo unit ni Venice. Agad niyang ini lock iyon at bumalik sa living room.

Nakaupo na si Jade nang makabalik siya, si Venice naman ay kagagaling lang sa kusina at may dala dalang isang pack ng ice at inilagay sa namumulang leeg ni Jade.

Umupo siya sa tabi nito at niyakap ng mahigpit si Jade, "I'm sorry if I wasn't there to protect you." Bulong niya rito, hindi maman umimik si Jade ni pagkibot ng labi ay hindi nito ginawa.

Napabuntong hininga si Venice habang pinapanuod silang dalawa, "Nako D.O, kausapin mo ng matino 'yang bruha na 'yan. Kanina pa nagtatampo sa akin 'yan." Sabi nito habang kinakain ang dala rin nitong tinapay kanina.

Napatingin sa kaniya si Darius, si Jade naman ay pinanlakihan siya ng mata. "Huh, why? Did you do something wrong?" Nahimigan ni Venice ang pagbabanta na tono ni Darius kaya agad niya itong pinakyuhan. Nagulat naman si Darius sa inakto ni Venice kaya hindi niya naiwasan ang matawa.

"Animal ka talaga, no?" Inis na sambit ni Venice, "Ikaw nga 'tong may kasalanan." Dugtong pa niya at isinubo ng buo 'yung club house sandwich.

Kumunot ang noo ni Darius, "Why me?"

Napairap sa kawalan si Venice, si Jade naman kanina pa siya sinesenyasan na manahimik pero hindi niya ginawa, "Kasi, sabi ba naman niyan sa akin kanina pagkaalis mo, nagseselos daw siya sa akin dahil mayaman ako at madami akong alam tungkol sa'yo-" hindi niya na natapos ang mga sasabihin niya ng binato siya ni Jade ng remote control sa mukha. "Gago ka!"

"Huwag ka kasing salita ng salita dyan! Ang ingay mo." Inis na sabi ni Jade at pinulot ang remote control na nasira dahil sa pagkakabagsak.

"Hay, ewan ko sa inyo." Tumayo ito at naglakad na patungo sa ikalawang palapag, "Ikaw D.O, kausapin mo ng matino 'yan." Iyon ang huling sinabi ni Venice bago umakyat sa kanyang kwarto.

Nagkatinginan si Darius at Jade pero agad na nag iwas ng tingin si Jade, "Bakit mo naman nasabi iyon?" Nag aalalang tanong ni Darius.

Umiwas lang si Jade at hindi sinagot ang mga tanong nito. Ayaw niyang pag usapan nilang dalawa iyon, bukod sa nahihiya siya ay wala naman silang magagawa kahit na sabihin niya pa.

Hinuli ni Darius ang tingin niya, hindi siya tinantanan nito sa kakatanong kung ano ang problema niya kaya nang marindi na siya ay napagdesisyunan niyang sabihin na lang ang mga nararamdaman niya, "Para matanggap ako ng mga magulang mo." Iyon na lang ang sinabi niya, iyan lang naman kasi ang inaalala niya,

Para namang natunaw si Darius nang marinig niya iyon kaya agad niyang niyakap ng mahigpit si Jade, "You don't have to be rich to be my girl," sabi nito habang yakap yakap siya, "You don't have to be cool to rule my world." Dugtong pa nito.

Tinulak niya si Darius at natatawang hinampas ng throw pillow, "Kanta na 'yan eh!" Angal niya.

Natatawa naman si Darius na hinarang ang mga binabato nyang unan, "I love you." Hirit nito.

Umirap na lang siya at hindi naitago ang ngiti sa kaniyang labi, "I love you, too." Tugon niya.

Hinawakan ni Darius ang pisngi niya at marahan na inilapit ang mukha nito sa kaniya kaya napapikit siya, dumampi ang labi nito sa labi niya. It was a quick kiss, isinandal ni Darius ang noo niya sa balikat ni Jade. "I will do everything to satisfy you. We will sort things out. I can tame my mom."

**

Inaantok na ako pero sige pa rin ang type. Hahahaha. So lame ng update, so ikli pa, no? Madaming typo at grammatical errors!

Continue Reading

You'll Also Like

3.6K 514 31
Ang pangalan niya ay Je'ir,isang matapang at malakas na manlalaro sa larangan ng mahika't pisikal na lakas.Bantog ang pangalan niya sa buong lupain n...
908K 31K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
5K 135 7
Siya si Augusteus, ang lalakeng nagpapabaliw sa akin. Hindi kami magkaaway at lalong hindi magkaibigan pero kung makapanira ng araw wagas. Pinakabast...
10.3M 237K 85
Just when you thought fanfics can't be published. Published under Pop Fiction. Former EXO University.