'Yung katabi ko sa Jeep

By stylistnoona

153K 4K 1.3K

[Do Kyungsoo FF, XOXO Basketball Team Series Part 2] Part 1 - COMPLETED Part 2 - COMPLETED Ang magulong buhay... More

PART 1
UPDATE 1
UPDATE 2
UPDATE 3
UPDATE 4
UPDATE 5
UPDATE 6
UPDATE 7
UPDATE 8
UPDATE 9
UPDATE 10
UPDATE 11
UPDATE 12
UPDATE 13
UPDATE 14 (1/2)
UPDATE 14 (2/2)
UPDATE 15
[!!!] MUST READ [!!!]
UPDATE 16
UPDATE 17
UPDATE 18
UPDATE 19
UPDATE 20
UPDATE 21
UPDATE 22
UPDATE 23
UPDATE 24 (1/2)
UPDATE 24 (2/2)
UPDATE 25
END OF PART 1
PART 2
UPDATE A
UPDATE B
UPDATE C
UPDATE D
UPDATE E
UPDATE F
UPDATE G
UPDATE H
UPDATE I
UPDATE J
UPDATE K
UPDATE L
UPDATE M
UPDATE N
UPDATE O
UPDATE P
UPDATE Q
UPDATE R
UPDATE S
UPDATE T
UPDATE V
UPDATE W
UPDATE X
UPDATE Y
UPDATE Z (1/2)
UPDATE Z (2/2)
END OF PART 2
PROMISE
PROMISE 1.0

UPDATE U

855 41 97
By stylistnoona

Check out the picture, it's Thomas Jocson!

UPDATE (U)

Wala kaming ibang ginawa ni Venice kundi ang magbonding buong araw at magdamag hanggang sa hindi na kaya nang mata naming dumilat pa. Isang taon din kaming hindi na nakapagkita.

Dumating ang araw nang party, maagang umalis si Venice dahil pupuntahan niya pa daw ang mommy niya, binigyan niya ako nang spare key nang condo niya bago siya lumisan.

Ako naman ay nakahilata lang sa malaki niyang kama, iisa lang kasi ang kwarto ng condo unit niya pero malaki ang living room at may second floor pa iyon. Iba na talaga kapag mayaman ka, 'no? Ang alam ko ay milyon ang ganitong klaseng unit, malabo para sa isang tulad ko na mabilhan nang nanay ko.

Ala una daw nang hapon ako susunduin ni Tom para mabilhan ako nang susuotin para sa pangge gate crash namin sa pre nuptial party nang ate niya, kailangan daw ay ubod nang ganda ako. Kahit ibanned pa daw ako nang ate niya sa guest list ay makakalusot pa rin daw kami dahil kasama ko siya.

Hindi pa rin nawawala ang abnormal na pagpintig ng puso ko tuwing maaalala kong nalalapit na ang kasal ni Darius. Malapit nang matapos ito pero hindi ko pa rin maintindihan ang sarili ko.

I took a quick nap before preparing myself for the 1pm appointment, naglinis din muna ako ng condo unit ni Venice dahil ang dami naming kalat.

Nagkita kami ni Tom sa isang coffee shop malapit sa condominium, wala akong ibang dala kundi panyo at cellphone ko. Wala akong balak gumastos ng kahit isang sentimo para sa party ni Darius. Ano ako masokista? Masasaktan na nga ako, gagastos pa? Though, I know Tom will pay for the expenses.

"Bagal mo kumilos. 1:30pm na kaya!" Angal niya nang makaupo ako sa coffee table kung saan siya nakaupo. "O, nga pala? Nasaan na best friend mo?" Tanong niya.

Umirap ako, "Mamaya pa namang 8 ang party, 'di ba?" Hinigop ko ang frappuccino na inorder niya para sa akin, gan'un naman siya- umoorder na bago pa man ako dumating. "May iba siyang lakad ngayon eh." Dugtong ko.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Oo! 8 pa 'yung party pero iyong pagwawax sa mga balahibo mo aabutin tayo ng 8pm!" Inis niyang sabi.

Ngumuso ako, "Ayokong magpa bikini wax, masakit 'yun eh." N'ung stag party kasi pina bikini wax niya ako, pakiramdam ko binalatan ako nang buhay. Iniisip ko pa lang 'yung sakit, ayoko nang maulit 'yun!

Umiling siya, "Bahala ka nga. Mukhang effective naman 'yung mildang eh," nagkibit balikat siya at isinubo ang croissant na inorder niya, "Basta, siguruhin mo lang na mapipigilan natin iyong parating nilang kasal." Dugtong pa niya habang ngumunguya.

Tumango na lang ako, naalala ko na naman 'yung kasal nila. Hindi pa rin ako sigurado kung makakatulong nga talaga ako kay Tom dahil wala naman talaga akong alam sa kung ano ang tunay na gustong mangyari ni Darius. Kung totoo ba ang mga sinabi niya o talaga bang pinaglalaruan niya lang ako.

Pagkatapos naming kumain ay nagtungo agad kami sa dress shop para mamili ng isusuot mamaya. Kulay puti ang motif ng party pero dahil nagluluksa daw kami ay itim ang pinili ni Tom na kulay.

Hindi din kami nagtagal sa dress shop dahil pupunta pa kami sa hair and spa salon para magpaayos.

"Wala ka bang girlfriend, Tom?" I asked out of the blue, nasa kotse na kami papunta sa hotel na kung saan magaganap ang pre nup party.

Bahagya niya akong sinulyapan pero ibinalik ang tingin sa daan, "Uhm, secret?" Patanong na sabi niya sabay halakhak.

Hinampas ko siya sa braso, "Pashowbiz ka!" Hindi siya tumigil sa kakatawa, habang pinagmamasdan ko siya ay narealize kong gwapo rin si Tom at hindi na ako magugulat kung may girlfriend na ito. Pinagtataka ko lang ay masyado siyang focused sa pag oppose sa kasal ng ate niya. Darius is not that bad, gwapo ito at mayaman din naman. Walang magiging problema sa pamilya nila.

Tinigilan ko siya at tumingin na sa labas ng kotse, kinakabahan na ako dahil malapit na kami sa hotel. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, wala naman kasing instructions na sinasabi si Tom.

"Actually, meron kaso hindi ko alam kung ano na kami ngayon." Narinig kong sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.

Kinulit ko siya tungkol dun, kaso hindi na niya sinagot lahat ng tanong ko. Tinatawanan niya lang ako.

**

"Kinakabahan ako, Tom." Bulong ko sa kaniya nang makapasok kami sa ballroom n'ong hotel, nagsimula na ang party at nagbibigay na ng opening speech ang host ng party.

Hinawakan ni Tom ang kamay ko at bahagyang pinisil iyon, "Relax, I know you can do it." He cheered me, naramdaman niya ang panginginig ko.

Tumango ako, "Puntahan mo si D.O, nand'un siya sa room na iyon." Tinuro niya ang pinto sa may bandang gilid ng stage.

Siniko ko siya, "Ano?! Paano kapag nahuli ako ng security guards?" Nag aalalang tanong ko.

Nginitian niya ako, "Ako na bahala d'un. Pumunta ka na!" Tinulak niya ako palayo.

Dahan dahan akong naglakad papunta roon, iyong tipong hindi nagpapahalata. Madami daming tao at nakatuon ang atensyon nila sa host na nagsasalita sa gitna.

"Jade?" Halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses ni Venice kaya napalingon ako.

Nanlaki ang mata ko, "Ven? Anong ginagawa mo rito?" Takang tanong ko, akala ko ay pupunta lang siya sa isang business party?

Ngumuso siya, "Ito 'yung party na dadaluhan ko, akala ko nga business party 'to eh, pre nuptials pala." Sabi niya at inilagay ang hawak niyang wine glass sa tray ng dumaan na waiter.

I awkwardly smiled, "Be, maya na tayo mag usap, ah? May importanteng gagawin pa ako." Apologetic ang tono ko dahil gusto ko pang makipag usap sa kanya kaso may mission impossible pa ako.

Ngumiti siya at tumango sa akin. "Gambatte ne?" She said stroking me to leave, I smiled back at her. At, dali daling naglakad patungo kwarto na itinuro ni Tom.

Tumingin muna ako sa paligid bago ipinihit ang seradura ng pinto, walang nakatingin sa gawing ito.

Pumasok ako doon, dahan dahan kong isinarado ang pinto at sumandal rito para pakalmahin ang sarili ko.

Nang idilat ko ang mata ko ay bumungad sa akin si Darius na nagbibihis ng coat and tie suit niya. Nakanganga siyang nakatingin sa akin at natigilan.

Lumunok ako bago humakbang palapit sa kanya, agad niyang itinikom ang labi niya at nag igting ang panga.

"What are you doing here?" Walang emosyon na sabi niya at nagpatuloy sa pag ayos ng kanyang susuotin.

Napalunok ako, "I'm here to congratulate you." Kabado ako ng sinabi ko iyon.

Kumunot ang noo niya, "I don't need your greetings!" Mariin niyang sabi, "Are you a sadist? You know what I felt, Jade! Tapos sasabihin mo sa akin na congratulations? Are you kidding me?" Humakbang siya palapit sa akin.

Napaatras ako hanggang sa wala na akong maatrasan at napasandal na sa malamig na pader ng kwarto, itinukod niya ang magkabilang kamay sa gilid ko. Napalunok ako ng makita ko ang galit niyang mukha, wala akong masabi. Natatakot akong baka pag binuka ko ang labi ko ay magsalita lang ako ng mga bagay na hindi naman naaayon sa nararamdaman ko. Natatakot akong sa padalos dalos kong mga salita ay mas lalong mawala siya sa akin.

Nagulat ako ng isinandal niya ang mukha niya sa balikat ko, "I was wrong, Jade. I'm sorry." Paulit ulit na sabi niya, naramdaman ko ang pamamasa ng balikat ko. Off shoulder kasi ang design n'ong dress na suot ko.

Hindi pa rin ako nagsasalita dahil masyado akong overwhelmed sa mga nararamdaman ko.

"Honey, tawag na tayo sa la-" nanlaki ang mata ko nang makita ko ang gulat na mukha ni Sabrina.

Hindi naman nagpatinag si Darius kahit na alam niyang nasa likod niya lang si Sabrina. Nakita ko ang pagluluha ng kaniyang mga mata, naitulak ko si Darius palayo sa akin.

Hinawi ni Sabrina ang luha sa kanyang pisngi at nag igting ng panga, "Anong ginagawa mo dito, Jade?" Mahina lang ang boses niya pero nanginginig ito. Hindi ako umimik, nag iwas lang ako ng tingin.

Tumayo ng maayos si Darius, "Get out of the room, Sabrina." Mahinang sabi niya rito pero sapat na iyon para marinig namin.

Nanlaki ang mata ko nang marinig ko iyon, si Sabrina naman ay hindi makapaniwalang nakatingin kay Darius, "What?"

"You heard me." Sabi ni Darius at humarap sa akin, "Jade-" hindi niya na natapos ang sasabihin dahil sa sinugod na ako ni Sabrina.

Hinila niya ang buhok ko, "Hayop ka! Hindi mo pa rin talaga tinitigilan ang fiance ko! Ang landi mo!" Punong puno ng pighati ang boses niya, ako naman ay hindi nanlaban at tahimik lang na humihikbi dahil sa sakit na dulot nito.

Pilit kaming pinaghihiwalay ni Darius, "Let go of her," halos mapaos na siya sa pag awat sa amin.

Binitawan ako ni Sabrina nang mapagod na siya sa paghila ng buhok ko, pero nasalo ko ang sampal niya. "Tigilan mo na kami, Aragon. Please lang! Tama na, ayoko na makipagtalo sa'yo. Sorry sa mga ginawa ko sa iyo noon pero please! Don't take my husband away from me." Pagmamakaawa niya.

Napalunok ako at pinahid ang luha ko, hindi ko na naisip na ayusin ang magulo kong buhok. Parang pinipiga ang puso ko dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko. "I'm sorry for intruding." Iyon na lang ang nasabi ko. Bahagya akong hinawakan ni Darius pero tinulak ko siya palayo at lumabas ng room, narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi na ako lumingon.

Patuloy lang ako sa paglalakad, kailangan kong makita si Tom. I'm going home, wala na akong pakialam kung pinagtitinginan ako ng mga guests dito.

"Jade," narinig ko ang tawag ni Venice sa akin pero hindi ko na siya naharap pa.

Nanlalabo na ang mata ko dahil sa walang tigil na pagtulo ng mga luha ko, "What happened?" Narinig ko ang worried na boses ni Tom.

"I'm sorry." Utal ako ng sinabi iyon dahil sa walang tigil kong paghikbi, "I can't take away Darius from your sister." Walang tigil ang luha ko.

Niyakap ako ni Tom at inalo, "Hush. Okay lang 'yun." Pagpapatahan niya sa akin, "I'm sorry if I dragged you into this." Sabi niya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Let's get out of here. I know it's suffocating. Hindi na kita kukulitin, I'm sorry."

**

Ang ikli na naman 'no? Sorry na. Point of view na ni Darius next chapter bilang pambawi. :D Sorry for the typo and grammatical errors!

Sino pupunta sa EXO PH Gathering sa May 16? :) Kita kits tayo d'on. Mehehehe.

Continue Reading

You'll Also Like

19.5K 290 39
An original work of Cris Morata posted in M2M Love Story facebook page. Published on wattpad by Shin Eun Ki. This is a work of fiction. Names, charac...
5K 134 7
Siya si Augusteus, ang lalakeng nagpapabaliw sa akin. Hindi kami magkaaway at lalong hindi magkaibigan pero kung makapanira ng araw wagas. Pinakabast...
2.5M 158K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...