I'M INTO YOU SEASON 1

By bluereinventhusiast

6.4K 2.1K 1.2K

They say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Author's Note

Chapter 81

14 1 3
By bluereinventhusiast

6:58 AM

Ilang araw na ang nakalipas at tila'y wala namang espesyal na naganap na pangyayari sa aking buhay.

Ngayong araw magaganap ang Concert For A Cause ng Music Club. 

Sobrang nakakatuwa na parte ako ng malaking event na maaring makatulong sa ibang tao. 

Isa pa, makikita ko na rin siyang mag-perform sa stage. 

I know, you bringing out the best of yourself. 

I am always here to support you!

Even the music stops and the spotlight got you.

"Anak, bakit hindi ka pa nagpre-prepare? Male-late ka diyan. 8 AM ang call time diba?" nagtatakang tanong sa akin ni Mommy.

"Kagigising ko lang Mommy, late na rin kasi akong nakatulog kagabi. Marami akong ginagawang duties as President of the class and the club." malumanay na sagot ni Mommy sa akin.

"O siya, mag-prepare ka na ah? May breakfast na rin sa baba, huwag mong kakalimutan kumain." nakangiting paalala sa akin ni Mommy.

"Yes Mi, thank you! Punta kayo later sa concert ah? Iintayin ko kayo roon." nakangiting sabi ko kay Mommy.

"Oo naman! Minsan ko lang ulit mapapanood ang gig ng Kuya mo eh, tinanggap nila yung invitation ng SHS department." nakangiting sagot sa akin ni Mommy.

"Talaga Mi? Omg! Akala ko hindi na sila matutuloy kasi hindi kumpleto ang banda nila." nasasabik kong sabi kay Mommy.

"Yup, that's why mag-bihis ka na. Pupunta rin ang Daddy at Kuya Adrixennon mo kasama natin." nakangiting sagot sa akin ni Mommy.

Kumuha na ako ng damit sa closet ko ng pang-civilian kong damit dahil may event kami sa school.

Umalis naman na si Mommy sa kwarto o at bumaba na ng hagdan.

Kinuha ko ang wardrobe ko at hinubad ko na lahat ng saplot ko sa bathroom. Nag-shower na ako pagkatapos ay kaagad na nag-toothbrush ng ngipin ko.

Sinuot ko agad ang wardrobe ko at ibinalot ko ang towel sa ulo upang mabilis matuyo ang buhok ko.

Lumabas na ako ng bathroom pagkatapos ay nag-bihis na ako ng damit ko.

Sinuot ko ang white long-sleeves shirt, brown pants at white sneakers ko para sa outfit ko today.

Tinuck-in ko yung white long-sleeves shirt ko sa brown pants ko pagkatapos ay nilagyan ko ng white belt.

Matapos kong magbihis ay kinuha ko na ang morning skin-care routine ko para i-apply sa mukha ko. Naglagay na ako ng morning skin-care routine ko at perfume para maging presentable ako mamaya.

Nagsuklay na ako ng buhok pagkatapos ay gumamit ako ng blower at hair iron para magstraight ang buhok ko. Cinurl ko ng kaunti sa may bandang dulo ang buhok ko para naman magkaroon ako ng hair style.

Tinanggal ko na ang charger ko sa pagkakasaksak gayundin ang phone ko. Kumuha ako ng maliit na back-pack para paglalagyan ng mga importanteng gamit na dadalhin ko.

Kinuha ko na ang mga importanteng bagay at ini-organize ko iyon sa mallit na back-pack na mayroon ako sa kwarto.

Bumaba na ako ng hagdan pagkatapos ay natamaan ko sina Mommy na naguusap-usap kasama sina Kuya Adrixennon, Kuya Adrixennus at Daddy.

Napalingon sila sa direksyon ko at kaagad akong ngumiti sakanilang lahat.

Napaka-gandang gumising ng umaga kapag ganito magmahalan ang pamilya.

I really loved this family!

"Oh ready ka na ba Kuya Adrixennus sa gig niyo later?" nakangiting tanong ko kay Kuya Adrixennus.

"Oo naman, parang kailan lang nung tumakas ako sa family reunion natin dahil may practice ang banda." natatawang sagot ni Kuya Adrixennnus sa akin.

"Pasalamat ka nga at hindi ka hinanap ng Lola mo kundi lagot ka!" nakangising sabi ni Daddy kay Kuya Adrixennus.

"Wala ka pala dude eh, tumatakas kapag may family reunion dahil may practice ang banda." natatawang biro pa ni Kuya Adrixennon kay Kuya Adrixennus,

"Isang beses ko lang talaga ginawa yun, grabe naman kayo sa akin ah!" natatawang sabi sa amin ni Kuya Adrixennus.

"O siya tara na! Male-late pa tayo sa call time kaka-bardagulan niyong apat diyan!" natatawang aya sa amin ni Mommy.

Nagsi-tawanan lang kaming lahat pagkatapos ay nag-lakad na kami papuntang garahe at sumakay na kaming lahat sa kotse.

Nag-drive na si Daddy papuntang school at mabilis naman kaming nakarating doon.

7:55 AM

Natanaw ko na ang mga friends ko kasama ang family nila pagkatapos nagkaroon ng kaunting introduction at little chit-chats ang mga magulang ko at magulang ng friends ko.

Sabay-sabay na kaming naglakad papunta sa gynaniusm kasama ang family at friends ko.

Maraming mga booth ng bawat club na maari niyong pagkaabalahan bago maganap ang concert mamaya.

Pinaupo ko muna ang family ko sa bleachers at sumama ako kay Kuya Adrixennus para makita ko si Czheandrei sa Music Club.

9:18 AM

Nag-punta na ako sa headquarters ng Music Club kasama si Kuya Adrixennus pagkatapos ay kaagad akong sinalubong ni Czheandrei.

"Uy! Tinupad mo ang pangako mo sa akin na manonood ka. Thank you for the love and support sa akinlalong-lalo na sa Music Club!" nakangiting pasasalamat ni Czheandrei sa akin pagkatapos ay niyakap akong mahigpit.

"You're welcome! Galingan mo ah? Manonood rin ang family ko dito." nakangiting sagot ko kay Czheandrei pagkatapos ay niyakap ko rin siyang mahigpit pabalik.

"Ay talagang nagpunta ka rito para maglandian kayo sa harap ko?" taas-kilay na tanong ni Kuya Adrixennus sa amin kaya kumalas agad kami sa yakap.

"Sorry naman Kuya, bakit kasi ayaw mo pang magkaroon ng girlfriend?" natatawang biro ni Czheandrei kay Kuya Adrixennus.

"Wala rin naman kayong label ng kapatid ko kaya hindi mo pa siya girlfriend! Bawal muna yan mag-boyfriend, minor pa siya." seryosong sabi ni Kuya Adrixennus kay Czheandrei.

"Handa naman akong mag-hintay sakaniya Kuya kahit anong mangyari. Siya pa rin ang babaeng gusto ko sa tatlong milyong babae na nabubuhay sa mundo." nakangiting sagot ni Czheandrei kay Kuya Adrixennus.

"Mabuti na yung malinaw tayo. Magpaalam ka muna sa parents at sa aming dalawa Kuya niya. Siya ang prinsesa ng pamilya namin kaya dadaan ka muna sa amin bago mo siya makuha." istriktong sabi ni Kuya Adrixennus kay Czheandrei.

"Pagsusumikapan ko ang lahat Kuya para makuha ko ang approval niyo para sa amin. Gagawin ko lahat para lang maging karapat-dapat ako sakaniya." nakangiting sagot ni Czheandrei kay Kuya Adrixennus.

Nakita ko ang malamig na lemonade at kaagad akong kumuha ng dalawa doon. Inabot ko kina Adrixennus at Czheandrei dahil ang intense ng pinaguusapan nila.

"Oh mag-lemonade muna kayo, mag-chill nga kayo diyan. Wala pa naman akong balak mag-boyfriend at ine-enjoy ko lang muna ang pagka-dalaga ko as of now." inabot ko sakanilang dalawa ang lemonade at kaagad naman silang uminom doon.

"Oh narinig mo yun? Ine-enjoy muna daw niya ang pagka-dalaga niya at wala pa siyang balak mag-boyfriend okay? Hintayin mo na muna siyang maging legal age." seryosong sabi ni Kuya  Adrixennus kay Czheandrei.

"Yes Kuya! Mag-iintay po ako kahit gaano katagal." nakangiting sagot ni Czheandrei kay Kuya Adrixennus.

"Magre-rehearse na daw tayo mga dre! Tawag na tayo."  nakangiting singit ni Edward sa usapan.

Nagpaalam muna sila sa akin pagkatapos ay sumama sila kay Edward dahil rehearsal time na nila.

10:08 AM

Naglakad naman ako papuntang head-quarters ng Creative Writing Club pagkatapos ay natagpuan ko ang mga officers na sobrang busy.

"Oh kamusta ang documentary natin? Ilan ang mga nagpi-picture sa labas?" malumanay kong tanong sa mga officers.

"May sampo na nagpi-picture sa labas. Nag-kalat sila diyan sa for documentary." kalmadong sagot sa akin ni Sylvien.

"Sa mga clips and videos, may lima doon na kumukuha ng shots." malumanay na sagot sa akin ni Gianna.

"May tatlong editor din tayo, dadagdagan ko pa ba?" malumanay na tanong sa akin si Cassandra.

"Dagdagan mo na lang, gawin mo silang anim o walo para mabilis ang trabaho. Sayang kasi ang oras kung kakaunti lang ang taga-edit." malumanay na sagot ko kay Cassandra.

"May 27 na tayo sa writing production, marami silang napro-produce. Tulong-tulong na sila sa paggawa ng mga articles about sports teams, clubs, teachers, administrators, school changes, cafeteria food, school staff and extracurricular activities." kalmadong sabi sa aming lahat ni Dominic.

"May lima din tayo sa mga printing at pagbo-book bind. Magagawan naman din natin ng paraang yung sa news paper." malumanay na sabi sa aming lahat ni Gianna.

"Yung flyers ba naipamigay na sa labas? Sinong nandoon?" malumanay kong tanong sa kanila.

"Mayroon naman tayong tao doon sa labas na namimigay ng flyers. Nakatanggap ba kayo?" malumanay na tanong ni Eunice sa akin.

"Yup, nakatanggap naman kami kanina ng flyers." malumanay kong sagot kay Eunice.

"Don't worry, magpa-facilitate ako mamaya. Iche-check ko kung ayos na ba lahat ng members ng club." kalmadong sabi ni Kaizen sa aming lahat.

"Ayun, mas mabuti na magpa-facilitate na tao sa mga members ng club para makita ang kilos ng bawat isa." malumanay kong sagot kay Kaizen.

"Pres, kamusta nga pala ang ibang clubs? Ready na ba sila?" mausisang tanong ni Sylvien sa akin.

"Sa tingin ko naman ay ready na sila para mamaya. Nakakatuwa ang mga estyudyante na tulong-tulong para sa maayos at magandang concert mamaya." nakangiting sagot ni Sylvien.

"Nakita ko kanina habang papasok ako ng school ay napakaraming tao na naririto. Ang lakas talaga ng LCSHS!" nakangiting sabi sa aming lahat ni Dominic.

"Grabe yung overwhelming na love and support ng mga tao sa school natin. Sigurado akong mas dadami pa mamaya ang tao dito kapag nag-umpisa na yung concert mamaya." nakangiting sabi sa aming lahat ni Cassandra.

"Totoo! Maraming nagaabang sa Concert For A Cause at halos na-sold out lahat ng ticket natin." nakangiting sagot ni Gianna kay Cassandra.

"Ang lakas pa ng engagements natin sa social media lalo na sa mga influencers na nandito sa school natin." nakangiting sabi naman sa aming lahat ni Eunice.

"Kahit mga Former SSG Council, ang lakas ng promotion nila kagabi. Patok na patok ang Concert For A Cause." nakangiting sagot ni Kaizen kay Eunice.

"Ang swerte natin no? Kasama natin ang Former SSG President sa Creative Writing Club." nakangiting sabi naman sa aming lahat ni Sylvien.

"Huwag nga kayo diyan! Maswerte din naman ako sa huling taon ko sa SHS ay kayo ang nakasama ko sa club." nakangiting sagot ko kay Sylvien.

"Pero hindi ka ba tatakbo ngayong darating na eleksyon para sa Student Council?" mausisang tanong ni Gianna sa akin.

"Pinagiisipan ko pa ang lahat, napaka-daming responsibilidad na ang nakaatang sa akin at ayokong biguin ang kapwa-estyudyante ko kung sakaling hindi ko magampanan ang posisyon ko as President ng Student Council." malumanay kong sagot kay Gianna.

"Ay ganoon? Nakakalungkot naman kung hindi na ikaw ang President sa SHS 12, isa pa naman kami sa mga boboto sayo." malungkot na sabi sa akin ni Kaizen.

"Pinagiisipan pa naman niya, hindi naman niya sinabing hindi siya tatakbo for President. Kumbaga iniisip niya lang ang possible outcomes na pwedeng mangyari kung tatakbo siya as President ng Student Council." kalmadong sagot ni Sylvien kay Kaizen.

"Tama si Sylvien, huwag kayong magaalala. Pinagiisipan ko pa naman siya pero salamat sa suporta." nakangiting sagot ko kay Kaizen.

2:43 PM

Nagpaalam muna ako sakanila at nag-check ako ng iba't-ibang clubs at nakita ko talaga ang pagtutulungan nila simula umaga hanggang ngayon na hapon na.

Sinamahan ko ang family ko upang mag-enjoy kaming lahat at magkaroon naman kami ng bonding.

Malapit na ang concert, excited na ako!

Makikita na ulit kita.

Mapapanood ko na ang performance mo.

Alam kong pinaghandaan mo yang mabuti at ng Music Club.

Worth it lahat yan mamaya dahil magkakaroon na kayo ng execution mamaya.

Bumisita rin kami ng family ko sa mga clubs ng mga friends ko upang ma-meet nila yung nadagdag sa squad namin.

4:16 PM

Dumating na ang mga influencers na ininvite ng school namin.

Maraming nagpapa-picture at natupad naman lahat ng fangirl/fanboy goals nila.

Malapit na mag-start yung program!

Nakita ko na ang mga hosts for today at tumayo na sila sa stage.

Hina-hype nila ang audience at talaga namang napakata-taas ng kanilang energy.

Na-establish na lahat ng mga clubs ang kanilang mga agenda ngayong araw.

Nag-start na ang program at nagsimula muna kami sa isang panalangin sa araw na ito.

Nagsalita ang mga mahahalagang tao sa paaralan na sobra ang kontribusyon upang pamahalaan ito.

Nagsimula na ang mga production at ang unang entry ay para sa Film Club.

Nakita ko si Claire na pasimpleng kumakaway sa akin at nag-thumbs up naman ako sakaniya.

Sumunod sakanila ang Dance Club.

Napaka-ganda ng mga performances ng mga club para sa Concert For A Cause.

Nakakatuwa ang mga taong naririto na lahat sila ay nage-enjoy.

Nagkaroon naman ng talk show ang Political Affiliation Club at talagang marami ang mga na-entertain nilang tao ngayong hapon.

Nakita ko rin si Yvonne at ngumiti naman siya sa direksyon ko.

Ang swabe ng pagbato ng mga spiels at punchlines nila!

Nakaka-goodvibes lang talaga!

Nag-perform naman ang Arts Club sa paraan ng kanilang pag-guhit at maraming tao ang naka-appreciate ng sining at disenyo ng bawat taong bumubuo ng club.

Ang gaganda ng mga designs and arts nila!

Pang-promising talaga ang mga gawa nila at pwedeng magkaroon kami ng exhibit kung sakali.

Todo support din ako dahil nandoon ang dalawang kaibigan ko na nagpe-perform.

Nagkaroon naman ng cooking show ang Cooking Club pero may halong content din sila na mga hugot at pick-up lines.

Napaka-ingay ng mga audience sa tuwing magkakaroon ng banat o hugot ang mga nasa club.

Ang daming nakaka-relate sakanila!

Nakakatuwa!

Naki-sigaw din ako sa crowd dahil pinangungunahan ng club na ito ay isa sa mga kaibigan ko, si Chezka.

Nagkaroon pa ng maraming production tungkol sa iba't-ibang club.

Nagsimula nang mag-perform ang mga influencers na ininvite ng school namin.

Todo support ang mga taong naririto at lumabas talaga ang pagka-fangirl at fanboy nila.

Nagkaroon din ng sandaling meet and greet sa mga influencers na naroon.

Ang dami ring naging surprise guests na talagang nagpadagungdong sa buong gynasium.

7:52 PM

Nag-ayos na ng mga instruments ang Music Club at nakita ko roon ang mga taong pinaka-iintay ko ngayong gabi na mapanood sa stage.

Naunang mag-perform sina Kuya Adrixennus at talagang ang lakas ng hiyawan sa banda nila.

Todo suporta naman kami ng family ko sa banda nila Kuya Adrixennus.

Nakita ko rin sina Yohannes at Vincentius na kasama ni Kuya sa stage.

Nakailang kanta at requests ang mga taong nasa crowd at talagang parang nagsi-sync ang lahat ng mga tao na naririto.

Ang ganda ng mga ilaw at sound system!

Walang interruption na nangyari sa performance nila.

Solid na solid lang ang jamming ng banda nila.

Dire-diretso lang ang Music Club sa pagpasok at talagang nagkaroon ng justice ang performance nila.

Nakita ko na si Czheandrei kasama sina Kuya Adrixennus na magpe-perform sa stage.

Ngumiti lang ako at todo cheer lang ako sakanilang lahat.

It's living in all of us and it's brought us here because you are the music in me.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so i can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.



Continue Reading

You'll Also Like

73.9K 4.6K 38
Pano kung sa pagkakamali mo? Maging slave ka ng lalaking kinaiinisan mo at higit sa lahat isa itong... GANGSTER? Kakayanin mo ba? Let the story begin...
Study Buddies By ♡

Teen Fiction

8.2K 370 16
Nagkrus ang landas nilang dalawa nang pinag-partner sila para ilaban sa Science Quiz Bee. Una palang ay hindi na sila nagkasundo dahil panay sila asa...
1.2M 44.4K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...