I'M INTO YOU SEASON 1

By bluereinventhusiast

6.4K 2.1K 1.2K

They say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Author's Note

Chapter 71

13 1 6
By bluereinventhusiast

9:58 AM

Umalis na ako sa kinatatayuan ko at nagulat sila sa pagsulpot ko.

"Kanina ka pa diyan?!" kinakabahang tanong sa akin ni Kuya Adrixennus.

"Hindi, kadarating ko lang. Anong pinaguusapan niyong dalawa?" mausisa kong tanong sa dalawa kong Kuya.

"Wala, pumasok na tayo sa loob." pagiiba ng usapan ni Kuya Adrixennon.

Mga sinungaling!

Malalaman ko rin kung anong tinatago niyo sa akin.

Hinding-hindi ako titigil sa paghahanap ng ebidensiya. 

"Mabuti pa nga, mahaba-haba rin ang biyahe natin kanina. Magpapahinga muna ako." inakbayan ni Kuya Adrixennus si Kuya Adrixennon upang pumasok sa loob.

Nagpasya akong puntahan si Shai sa guestroom kung saan nagpalipas ng gabi sina Ate Cherry at Trevyn.

Naglakad ako papunta roon at nadatnan ko si Shai na mahimbing ang pagkakatulog. Tinapik-tapik ko ang kaniyang balikat at kaagad naman niyang iminulat ang kaniyang mga mata.

"Anong nangyari? Nasaan sina Trevyn at Ate Cherry?" kinukusot-kinusot ni Shai ang kaniyang mga mata upang luminaw ang kaniyang paningin.

"Nakauwi na sila, ikaw na lamang ang naririto. Hindi ka na nila ginising dahil sobrang himbing  daw ng tulog mo pero malaki ang pasasalamat nila sayo." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Ah, ganoon ba? Sayang, hindi man lang ako nakapagpaalam sakanila ng maayos pero salamat sa paggising sa akin ha?" nakangiting sagot niya sa akin.

"Walang anuman, saan ka nga pala uuwi? Gusto mo ipahatid na kita sa family driver namin?" nakangiting tanong ko sakaniya.

"Pupunta ako ngayon kina Nicole, inaya niya ako sakanila para may magbantay kay Nathan." nakangiting sagot niya sa akin.

"May susundo ba sayo ngayon? Kung wala, sabihin mo sa akin. Magpapahatid na lang tayo, aalis rin ako ngayon. May kailangan akong puntahan." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Sasabay na lang ako, magre-ready lang ako saglit. Intayin mo ako." nakangiting sabi sa akin ni Shai.

Nginitian ko naman siya at lumabas muna ng guestroom upang kunin ang mga gamit ko nang mailagay ito sa bag ko.

Naglakad ako papuntang hagdan at kaagad akong umakyat sa kwarto ko.

Binuksan ko ang pinto pagkatapos ay hinanap ko  agad ang bag na paglalagyan ko ng mga gamit na dadalhin ko mamaya.

Nag-ayos ako ng sarili at nag-bihis na ako nang pang-alis para makababa na agad ako ng hagdan.

Nilagay ko na ang mga mahahalagang gamit sa bag ko at sinukbit  na ito sa likod ko. Isinarado ko na ang pinto ng kwarto pagkatapos ay bumaba na ako ng hagdan.

Nakita ko si Shai na dala-dala ang mga gamit niya at sumenyas ako sakaniya na sumunod siya sa akin.

Kaagad kong tinawag si Mang Ernesto upang magpahatid kami ni Shai sa bahay ni Nicole.

"Sakay na kayo." nakangiting sabi sa amin ni Mang Ernesto habang iniistart ang kotse upang makaalis na kami agad.

Sumakay naman kami kaagad ni Shai sa kotse pagkatapos ay minaneho na ni Mang Ernesto ang kotse papunta kina Nicole.

Nagkwentuhan muna kami ni Shai upang hindi kami mainip habang nasa biyahe.

"Madalas ka bang bantay ni Nathan sa bahay nina Nicole?" malumanay kong tanong kay Shai.

"Well, hindi naman. Kapag umuuwi ako sa probinsya namin, madalas kay Nicole talaga siya naiiwan dahil palaging busy ang parents nilang dalawa sa business ng pamilya nila." malumanay na sagot ni Shai sa akin.

"Hanga talaga ako kay Nicole dahil siya na halos ang tumatayong magulang kapatid niya. Sila palagi ang magkasama sa buhay. Buti naman at nagkaroon siya ng kasama sa pagaalaga kay Nathan." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Kung hindi naman pagiging nurse ang kurso ko ay malamang na probinsyana pa rin ako. Inoffer lang sa akin ni Tita ang pagaaral rito sa Manila. Sila ang nagpapaaaral sa akin dahil hindi na kaya ng mga magulang ko na pagtapusin ako ng kolehiyo dahil lumalaki ang gastusin namin. Madali naman akong nakapag-adjust kay Nicole at Nathan dahil ang turingan namin ay magkakapamilya sa bahay na nagtutulungan para sa pag-angat ng bawat isa." nakangiting sagot niya sa akin.

"Noong Junior High School namin nina Nicole, kami lang talaga ang kasama niya noon sa apartment kasama ang kapatid niya. Salit-salitan kami sa pagaalala pero talagang hands-on siya sa responsibility niya bilang Ate. Kahit sinong kasama nila sa bahay ay matutuwa sa nabuo nilang samahan bilang magkapatid." nakangiting sabi ko sakaniya.

"Totoo, mararamdaman mo din na parte ka ng pamilya nila. Bilang pinsan ni Nicole, nakakatuwa kung paano niya napalaki ng ganiyan ang kapatid niya dahil bihira lamang sila nagkakasama ng mga magulang niya. Hindi na nakakapagtaka na magiging mabuti siyang ina balang araw sa mga magiging anak niya." nakangiting sabi niya sa akin.

"Malapit na pala tayo sa bahay nina Nicole, mag-ready ka na." nakangiting sabi ko sakaniya.

Ilang minuto ay nakarating na kami sa bahay nina Nicole pagkatapos ay sinalubong naman siya ni Nathan.

"Salamat sa paghatid ha? Ingat ka sa pupuntahan mo." nakangiting sabi sa akin pagkatapos ay yumakap sa akin si Shai.

"Walang anuman, iparating mo na lamang ang aking pagbati kay Nicole dahil may pupuntahan pa ako. Babawi na lamang ako sakaniya." nakangiting sagot ko sakaniya pagkatapos ay niyakap ko rin si Shai pabalik.

Bumaba na ng kotse si Shai at kumaway ito sa akin.

12:16 PM

"Iha, saan ang lakad natin ngayon?" kalmadong tanong ni Manong Ernesto habang nagmamaneho ng kotse.

"Sa bahay po ng mga Florez. May kailangan lamang po kaming pag-usapan ngayong araw."  nakangiting sagot ko kay Manong Ernesto.

Kaagad namang tumango sa akin si Manong Ernesto pagkatapos ay binago na ang kaniyang ruta upang magpunta sa bahay ng mga Florez.

Kinuha ko ang phone ko pagkatapos ay kinabit ko ang earphones ko. Ipinasak ko iyon sa tenga ko pagkatapos ay naglagay ng music na nasa playlist ko. 

Pumikit muna ako at hinayaang magpahinga ang utak ko dahil sa napaka-daming nangyari ngayong araw.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako at paulit-ulit na tinatawag ni Manong Ernesto ang pangalan ko upang magising ako.

Iminulat ko ang mga mata ko at kinusot-kusot upang makita kung nasaan na kami.

Nandito na kami sa bahay ng mga Florez. Isinukbit ko ang bag ko sa likod ko pagkatapos ay bumaba na ako ng kotse. 

Nag-door bell ako sa bahay nila at kaagad naman akong pinagbuksan ng kasambahay nila.  

"Anong kailangan mo iha?" malumanay na tanong sa akin ng kasambahay nila.

"Kailangan ko po makausap si Mr. and Mrs. Florez ngayong araw, may mahalagang paguusapan po kami." malumanay kong sagot sa kasambahay nila.

"Pasok ka iha." sumenyas ang kasambahay nila na pumasok ako sa loob at kaagad akong sumunod.

"Maraming salamat po!" nakangiting pasasalamat ko sa kasambahay nila.

"Maupo ka muna sa sala at ipaghahanda kita ng makakain rito. Tatawagin ko na rin sina Ma'am at Sir upang makapag-usap na kayo kaagad." malumanay na sabi sa akin ng kasambahay nila.

Umupo na ako sala at hinintay ko sina Mr. and Mrs. Florez upang makausap sila at makuha ang aking pakay.

Ilang minuto ay may narinig akong naglalakad na pababa ng hagdan at kaagad akong lumingon doon.

Nakita ko na ang parents ni Trevyn na papalapit sa aking direksyon.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, bakit ako nagkakaganito?

Sobrang lakas ng dibdib ko!

Nanginginig ang mga kamay ko at sobra akong namamawis! 

"Iha, anong kailangan nating pag-usapan?" bungad sa akin ng Mrs. Florez.

"Mr. and Mrs. Florez, nasa presinto po ang anak niyo ngayon. Anumang oras po ay kailangan niyo nang ihanda ang abogado na hahawak ng kaso niya para hindi na siya magtagal ng kulungan." kinakabahang sabi ko kina Mr. and Mrs. Florez.

"Don't call us, Mr. and Mrs. Florez okay? Call us Tita and Tito, hindi ka na naman iba sa pamilya namin." nakangiting sagot sa akin ng tatay ni Trevyn.

"Tumawag sa amin si Cherry at ipinakulong ng kapatid mo ang anak namin. Tama ba?" paninigurado ng nanay ni Trevyn.

"Opo Tita, pasyensya na po kayo sa mga nangyari. Wala po talaga akong kaalam-alam na gagawin ng pamilya ko ito sa pamilya niyo." nakayuko ako at humingi ng patawad sa mga magulang ni Trevyn.

"Huwag kang humingi ng kapatawaran sa mga kasalanang hindi mo ginawa, iha." nakangiting sabi sa akin ng nanay ni Trevyn.

"Alam kong nararapat na malaman mo ang totoo kaya sasabihin na namin sayo ang buong istorya." kalmadong sabi sa akin ng tatay ni Trevyn.

Anong katotohanan ang kailangan kong malaman?

Ano ba ang totoong istorya ng lahat?

Bahala na, haharapin ko na ang lahat ngayon kahit anong mangyari. 

"Ano po ang dapat kong malaman Tito?" malumanay kong sagot sa tatay ni Trevyn ngunit kinakabahan na ako sa aking kaloob-looban.  

"Lahat ng nasaksihan mo ay isang palabas lamang." malumanay na sabi ng nanay ni Trevyn sa akin.

"Ano po ang ibig niyong sabihin Tita?" naguguluhang sagot ko sa nanay ni Trevyn.

"May naging kasunduan ang kapatid mo at si Trevyn tungkol sa pagkamatay ni Alyana." kalmadong sabi sa akin ni Tito.

Parang tinarakan ng itak ang puso ko nang marinig ang mga salitang iyon.

Hindi agad maproseso ng utak ko.

Anong sabi niya? Kasunduan?

Bakit?

Bakit kinailangan niyong magsinungaling sa aking lahat?

Hindi ko maintindihan.

Ang bigat-bigat sa kalooban. 

"A-anong k-kasunduan p-po?" nauutal kong tanong sa tatay ni Trevyn.

"May leukemia si Trevyn, iha. Iyon ang matagal na niyang sikreto mula noon pa." malumanay na sagot sa akin ng nanay ni Trevyn.

Leukemia is cancer of the body's blood-forming tissues, including the bone marrow and the lymphatic system. Many types of leukemia exist. Some forms of leukemia are more common in children. Forms of leukemia occur mostly in adults. Leukemia usually involves the white blood cells.

Leukemia results from an as-of-yet undetermined combination of genetic and environmental factors that can lead to mutations in the cells that make up the bone marrow. These mutations known as leukemic changes cause the cells to grow and divide very rapidly.

Leukemia is a type of cancer that affects the body's blood-forming cells in the bone marrow and lymphatic system. It can take one of several forms and spread at different rates but most types of leukemia disrupt the production of healthy white blood cells that are designed to multiply and fight infections and die off.

Ano, leukemia?!

Lord, bakit siya pa?

Napakabuti niyang tao lalong-lalo na ang kaniyang puso.

Bakit?!

Kung panaginip lang ito, maari niyo na akong gisingin.

"Tita, sabihin niyo po sa akin na nagbibiro lang po kayo. Hindi po yan totoo diba?" unti-unti nang namamasa ang mga mata ko. 

Hindi ko mapigilan ang maiyak sa mga pangyayari.

Ang sakit!

Bakit kailangan mong itago?!

Hindi ko ba deserve malaman ang totoo?

Hanggang dito na lang ba talaga tayo, Trevyn?

"Iyon ang katotohanan, iha. Masakit man pero kailangan na nating tanggapin." pumatak ang mga luha ni Tita sa kaniyang mga mata na sanhi na nagsasabi siya ng totoo.

Eyes can never lie and heart can't hide the feelings inside.

Hindi.

Ayoko tanggapin!

Bakit kasi sayo pa, Trev? 

"Nakipagkasundo si Trevyn sa kapatid mo para hindi mo malamang may sakit siya at akalain mong namatay lang siya sa kulungan. Noong una, ayaw pumayag ng kapatid mo pero wala itong nagawa sa pakiusap sakaniya ni Trevyn." malumanay na kwento ng tatay ni Trevyn.

"Ano pong ginawa ni Trevyn para mapapayag si Kuya? Alam ko pong hinding-hindi ipagpapalit ni Kuya ang relasyon naming magkapatid kapag nalaman ko na po ang totoo." malumanay kong sabi sa tatay ni Trevyn.

"Iyon ang huling hiling ni Trevyn sa kapatid mo bago niya lisanin ang mundong ito. Ayaw niyang malaman mo ang totoo pero hindi kaya ng konsyensya namin na itago sayo ang lahat. Ang buong istorya."  malumanay na sagot sa akin ng nanay ni Trevyn.

"Pero bakit po ayaw niyang malaman ko ang totoo? Bakit kailangan niya pong magsinungaling sa akin. Hindi ko po maintindihan. Naguguluhan na po ako." kumunot ang noo ko ngunit lamang sa akin ang malaman ang katotohanan.

"Simple lang, mahal na mahal ka ng anak namin iha." malumanay na sagot ng tatay ni Trevyn.

Mamatay ka na nga sa mundo Trev, inaalala mo pa ako!

Paano ka naman? Paano naman ang sarili mo?

Palagi na lang ba ako Trev? Ako na lang?!

"Pero kung totoong mahal niyo po ang isang tao, hindi po kayo magkakaroon ng sikreto upang makapagsinungaling kayo." nagsi-bagsakan na ang mga luha ko habang sinasabi ang mga katagang iyon sa mga magulang ni Trevyn.

"Ang tunay na pagmamahal ay hindi ka hahayaang masaktan kahit anong mangyari." nakangiting sabi sa akin ng nanay ni Trevyn.

"Tita wala na ba talagang paraan para gumaling si Trev, umaasa pa akong tutuparin niya ang pangako niya sa akin. Magpapakasal pa kami diba?" umiiyak kong sabi sa nanay ni Trevyn.

"Hindi curable ang leukemia niya iha, masyado itong lumalala at kumakalat sa buong sistema ng katawan niya kaya kapag inaatake siya ay hindi talaga niya mapipigilan ang mga maaring mangyari." malumanay na sagot sa akin ng nanay ni Trevyn.

Leukemia is a type of cancer that affects your blood cells and bone marrow. As with other types of cancer, there's currently no cure for leukemia. People with leukemia sometimes experience remission, a state after diagnosis and treatment in which the cancer is no longer detected in the body.

"Gaano na po kalala ang sakit niya Tita? Ilang buwan o taon na lang natitira sakaniya? Gusto ko pong sulitin namin iyon ng magkasama, gusto ko pong ako ang huling babaeng masisilayan niya sa kaniyang huling hininga." malumanay kong sabi sa nanay ni Trevyn.

Kahit anong mangyari, sasamahan kita sa huling hininga mo.

Trevyn Chimera Florez, ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin sa susunod na habang buhay.

"Malala na ang sakit niya. Base sa sinabi sa amin ng doktor niya, dalawang buwan na lang siyang mabubuhay sa mundo. Hindi magtatagal ay babawian rin siya ng buhay." malumanay na sagot sa akin ng nanay ni Trevyn. 

Kahit di man kita makita at mahagkan, pipiliin kong bumangon sa umaga.

Kahit di ka man makuha, mahahanap ko rin ang pahinga tulad nang nasa tabi pa kita.

Huwag kang magalalala, hindi ko na pipigilan ang sakit at luha sa aking mga mata sa tuwing naiisip kita.

Hindi ako mawawalan ng pag-asa sa pagitan ng wakas at ng simula.

"Mauuna na po ako, maraming salamat po sa pag-entertain niyo sa akin sa bahay niyo. Pangako, dadalaw po ulit ako." nakangiting sabi ko sa mga magulang ni Trevyn pagkatapos ay niyakap ko silang dalawa.

I will look for you in every lifetime until we finally stay. 

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so i can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.





Continue Reading

You'll Also Like

1.4K 91 40
Joey's dream was to become a basketball star. She's willing to do everything in order to get that. Even though she come to the point that she would h...
80.9K 2.2K 50
"One word frees us of all the weight and pain of life: That word is love." Sorry, NO SOFT COPIES!
1M 32.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...