I'M INTO YOU SEASON 1

By bluereinventhusiast

6.5K 2.1K 1.2K

They say, if you are in love with someone. Time stops and slows down whenever you see him, it almost feels l... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96
Chapter 97
Chapter 98
Chapter 99
Chapter 100
Author's Note

Chapter 68

22 1 7
By bluereinventhusiast

7:22 PM

Nakita ko ang magagandang ngiti ng mga kaibigan ko habang nakatingin kaming lahat sa camera.

Napakagandang pagmasdan nito na tila'y isang bahaghari na punong-puno ng kulay.

Kaniya-kaniyang pose ang ginawa namin upang magsilbing sining sa aming mga larawan.

Kinuha ko kay Kuya Zach ang DLSR camera ko upang tingnan ang mga larawan na aming nakuhanan.

Maliliit na sandali ngunit malalaking alaala sa buhay ko.

"Tara na pumasok sa loob, magluluto pa ako ng dinner." nakangiting aya ko sakanilang lahat.

Naglakad na kami na papasok sa loob at biglang natumba si Trevyn sa damuhan.

Nagulat ako sa pagbagsak nito at hindi agad ako nakapag-react sa mga pangyayari.

Kaagad na binuhat nina Kuya Zach si Trevyn papuntang sofa at kaagad silang sumunod doon.

Naiwan kaming dalawa ni Czheandrei at hinawakan nito ang mga braso ko.

"Huwag kang magalala sakaniya, strong boy yun si Trevyn. Magiging ayos lang ang lahat, tinitingnan siya ngayon ni Shai." niyakap niya ako at hinimas-himas ang buhok ko. 

Nagsimulang magsi-bagsakan ang mga luha ko na kanina ko pang pinipigilan.

Ayokong maging mahina at ipakitang nasasaktan ako para sa childhood bestfriend ko.

"Pero paano kung may malalang mangyari sakaniya?" sumandal ako sa balikat niya at doon ko inilabas ang lahat ng luha ko habang yakap-yakap niya ako sakaniyang bisig.

"Walang mangyayari sakaniya okay? Huwag kang mag-overthink diyan, tumingin ka lang sa mata ko at maniwala." nakangiti nitong sabi sa akin habang nakayakap pa rin siya sa akin at nakasandal ako sa mga balikat niya habang umiiyak.

Overthinking is when you dwell or worry about the same thought repeatedly. Overthinking can be caused by — and can contribute to — depression, anxiety and other mental health disorders.

The two basic things that causing overthinking is stress and anxiety. It has many issues with one's self-esteem and self-doubt are other common causes of overthinking.

Overthinking can affect how you experience and engage with the world around you — preventing you from making important decisions, keeping you from enjoying the present moment and draining you of the energy you need to handle daily stressors.

"CJ, natatakot akong mawala ang mga taong pinapahalagahan at pinakamamahal ko. Ayoko, hindi ko kaya!" nakaramdam ako ng takot at pagaalala na halos naririnig ko na ang malakas na kabog ng dibdib ko.

Nanginginig ang mga kamay ko at nanlalambot ang katawan ko. 

"Huwag kang matakot, kasama mo ako." hinawakan niya ang mga nanginginig kong mga kamay at inayos ang nagulo kong buhok.

"Sa mundo natin, bilang lamang ang mga sandali. Hindi man natin gustuhin, ang oras ay hindi sa atin." tumitig ako sa mga mata niya habang sinasabi ang mga katagang iyon. 

"Ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin sa susunod na habang buhay." nakangiting sabi niya sa akin pagkatapos ay humalik siya sa akin noo na tanda ng kaniyang pagmamahal para sa akin.

"Maraming salamat." nakangiti kong pasasalamat sakaniya.

"Pumasok na tayo sa loob, nagiintay na sila sa atin." nilahad niya ang kamay niya at ngumiti ito nang napakalapad.

Inabot ko ang kaniyang kamay at magka-holding hands kaming dalawa habang papasok sa loob.

Nagsi-tinginan silang lahat sa amin maliban kay Trevyn na mahimbing ang pagkakatulog. 

"Uy ano yan!" mapanuksong sabi sa amin ni Gladys sabay turo sa mga kamay naming magkahawaK.

Nahiya ako at biglaang namula ang mga pisngi ko. Kaagad akong kumalas sa paghahawak niya sa kamay ko.

"Vee, hawakan mo nga din ang kamay ko para ganado din ako kapag nag-grind tayo sa ML mamaya." natatawang biro ni Danerie habang nakatingin sa aming dalawa ni Czheandrei.

"Sana all may ka-holding hands buff, lugi tuloy ang gold laner ng Blacklist." gatong pa ni Kiel.

"Hoy huwag nga kayong ganiyan kay Pres, kinilig tuloy ng sobra sa holding hands." nakangiting asar ni Edward sa akin.

Tumingin naman si Czheandrei sa mukha upang maging dahilan ng pagkailang ko.

"U-uy h-hindi a-ah!" nauutal na pagtanggi ko sa pangaasar nina Edward sa akin.

"Eh bakit ka nauutal Pres, hmmm?" natatawang tanong ni Claire ngunit may bahid nang pangaasar.

"Wala! Kayo naman kasi, asar ng asar!" namumulang sagot ko kay Claire.

"Kayo Pres ha, huwag kayong mahihiyang magsabi sa amin ng mga latest chika!" natatawang sabi sa akin ni Vee.

"Ate Cherry, kamusta pala ang kalagayan ni Trevyn? Anong nangyari sakaniya?" nagaalalang tanong ko kay Ate Cherry.

"Nagkaroon lang siya ng fatigue dahil sa stress lalong-lalo na sa pagod." malumanay na sagot ni Ate Cherry.

Fatigue is a feeling of constant tiredness or weakness. It can be physical, mental or a combination of both. It can affect anyone so they will experience fatigue at some point in their life.

There are three types of fatigue: transient, cumulative and circadian.

Fatigue can be caused by a number of factors working in combination such as medical conditions, unhealthy lifestyle choices, workplace problems and stress.

Fatigue can cause a vast range of other physical, mental and emotional symptoms including chronic tiredness or sleepiness, headache and dizziness.

"Chineck ko siya kanina, wala namang malalang nangyari sakaniya Adri. Kailangan niya lang ng sapat na pahinga para makabawi ng lakas at maka-recover ng mabilis." nakangiting sabi sa akin ni Shai.

"Uy salamat Shai ah! Akala ko talaga may nangyaring masama na sakaniya." nakahinga na ako ng maluwag nang malaman ko ang kalagayan ni Trevyn.

"No worries! Masaya akong nakakatulong sa mga taong nasa paligid ko." nakangiting sabi niya sa akin.

"Anong gusto niyong dinner tonight?" nakangiting tanong ko sa lahat.

"Kumain na lang tayo sa Tokyo-tokyo!" nakangiting aya ni Ysabel sa aming lahat.

"Good idea! Ang tagal na rin talaga noong nakatikim ulit ako ng Japanese foods." nakangiting sabi ni Chezka kay Ysabel.

"Oo, matagal na talaga. Last school year pa yung huling ayaan sa Tokyo-tokyo eh." nakangiting sagot ni Nicole kay Chezka.

"Pwede ba ang deliver sa Tokyo-tokyo?" malumanay kong tanong kay Ysabel.

"Ay hindi ba tayo sa labas kakain?" nagtatakang tanong ni Ysabel.

"Kayo bahala, kaninong sasakyan ang gagamitin sa pagpunta doon?" malumanay kong sagot kay Ysabel.

"Pwede kong tawagan ang family driver namin, itatanong ko kung along sasakyan ang available tonight para makasama lahat." nakangiting alok ni Vincentius sa aming lahat.

"Naks, sponsor ng transpo ngayon si Vince ah!" nakangiting sabi ni Kuya Zach kay Vincentius.

"Ikaw na talaga dre! Yayamanin ang datingan ah." nakangiting sabi naman ni Yohannes kay Vincentius.

"Tumigil nga kayo, gusto ko lang din makasama lahat at makakain ng dinner." kalmadong sabi ni Vincentius kina Kuya Zach at Yohannes.

"Sus! Pa-humble!" asar naman ni Yvonne kay Vincentius.

"Well, totoo naman." natatawang sakay sa biro ni Vincentius.

"Sinong sasama papuntang Tokyo-tokyo?" malumanay kong tanong sa lahat.

Tumaas sila ng kamay maliban kina Ate Cherry, Shai at Trevyn.

"Maiiwan akong magbabantay sa kapatid ko." malumanay na sabi ni Ate Cherry sa akin.

"Ako ang magmo-monitor sa kondisyon ni Trevyn. Hindi muna ako makakasama, pass muna ako." malumanay na sabi sa akin ni Shai.

Si Trevyn ay nanatili pa rin mahimbing ang pagkakatulog at hindi na ako nag-abala na gisingin pa siya.

Kailangan niya ng sapat na lakas at pahinga upang maka-recover agad siyang mabilis.

Ayokong sirain ang pahinga niya ngayong gabi.

"Sabihin niyo na lang kung anong order ang gusto niyo sa Tokyo-tokyo para io-order na lang namin kayo." nakangiting sabi ni Vee kina Ate Cherry at Shai.

"Kayo na bahala sa akin, hindi naman ako maarte sa pagkain basta masarap." nakangiting sagot ni Shai kay Vee

"Message ko na lang mamaya, hindi ko pa rin alam ang trip kong kainin ngayong gabi." nakangiting sagot ni Ate Cherry kay Vee.

"Sure! No worries! Io-open ko na lang ang account ko later." nakangiting sabi ni Vee kay Ate Cherry.

Tumango naman si Ate Cherry at ngumiti ng malapad kay Vee.

"Tatawagan ko na yung number ng family driver namin, ilan ba ang kasama natin tonight?" kalmadong tanong sa akin ni Vincentius.

"15 persons ang sasama papuntang Tokyo-tokyo." malumanay kong sagot kay Vincentius.

"Got it!" nakangiting sabi niya sa akin sabay naglakad papalabas upang tawagan ang family driver nila.

Naghanda na kami sa aming pag-alis at kaagad namang bumalik si Vincentius.

"May available ba kayong sasakyan para sa 15 persons?" malumanay kong tanong kay Vincentius.

"Mayroon. Papunta na yung sasakyan kasama ang family driver namin. Susunduin niya tayo dito." kalmadong sagot ni Vincentius sa akin.

"Mag-ready na kayo, aalis na tayo maya-maya." kalmadong sabi ni Kuya Zach sa aming lahat.

Nagsi-tanguan naman kaming lahat at nag-ready na ng mga dadalhin namin.

Ilang minuto pa ay bumusina na ang van na sasakyan namin papunta sa pinaka-malapit na mall upang kumain sa Tokyo-tokyo.

Nagpaalam muna ako kina Shai at Ate Cherry bago kami umalis.

Sumakay na kami ng van at katabi ko ngayon si Czheandrei.

Napakalamig ng aircon ng van nila Vincentius kaya medyo nanginginig ang mga kamay ko.

Hinawakan iyon ni Czheandrei upang hipan at maging mainit sa pakiramdam.

"Ayos ka lang ba? Sabihin mo kung nilalamig ka pa." kalmadong sabi sa akin ni Czheandrei.

"Ay hindi, okay lang ako. Salamat!" nakangiting sagot ko kay Czheandrei.

"Gusto mo ba munang sumandal sa mga balikat ko? Alam kong pagod ka ngayong araw." nakangiting alok niya sa akin.

Sumandal ako sa mga balikat niya at nahawak rin ako sa mga braso niya.

Habang nasa byahe ay rinig na rinig ko ang kwentuhan ng mga nasa likod ko.

Nakakatuwa na sa isang saglit lamang ay nagkaroon agad sila ng connection sa isa't-isa para ma-build ang friendship naming lahat.

Kaniya-kaniyang paglalahad ng iba't-ibang kwento sa buhay ng bawat isa.

Ang sarap sa pakiramdam na tila'y ayaw ko nang matapos pa.

Ilang minuto pa lamang ay nakarating na kami sa mall at chineck ang mga bag ng mga kasama ko.

The security guards needs to check their clothes specially the pockets, bags and purses to see if they are carrying anything harmful. They take a sharp notice on the people who are in the mall. If anything suspicious is caught into notice, they will take necessary action.

Naglakad na kami ng mga kasama ko papuntang Tokyo-tokyo upang kumain.

Mago-order na sina Vee at Danerie ng mga pagkain para sa aming lahat.

Pinagtabi-tabi namin ang lamesa at upuan para sabay-sabay kaming kakain rito.

Nilista na nila Vee at Danerie ang mga orders naming lahat para madaling sabihin sa counter kung ano mga pagkaing oorderin namin.

Nag-order na sila Vee at Danerie ng mga pagkain at tumulong ang iba upang dalhin ang mga pagkaing inorder namin.

Nagbigayan na ng order at chineck naming mabuti kung kumpleto ba ang mga naorder namin at kung tama lahat ang mga orders na nasa listahan.

Kumpleto at tama naman ang mga orders na naibigay sa aming lahat.

Ang sasarap ng mga pagkain!

This time, libre ni Kuya Zach ang pagkain.

Napaka-galante talaga niya! Grabe ang mga paayuda ha.

Nag-pray muna kaming lahat bago kumain.

Nag-kwentuhan at nag-tawanan lamang kami.

Kaniya-kaniyang IG story at post sa mga social media accounts.

Binuksan ko na ulit ang mga social media accounts ko ay reni-activate ko na ulit sila.

Nakita ko ang mga post nila at kaagad akong nag-react doon.

Nag-picture muna kami bago kami umalis.

Kinuha na nila Vee at Danerie ang pina-take out na pagkain para kina Ate Cherry, Shai at Trevyn.

9:16 PM

Naglibot-libot lang kami saglit sa mall pagkatapos ay umuwi din kami kaagad.

Sumakay na kami ng van at ganoon ulit ang pwesto namin.

Katabi ko ulit si Czheandrei.

Nilalamig na naman ako, naka-todo yata ang aircon nito.

"Kuya, pwede po bang pahinaan itong aircon? Nilalamig po kasi si Adrixeinna." kalmadong sabi ni Czheandrei sa family driver nina Vincentius.

Tumango lamang ang family driver nina Vincentius kay Czheandrei pagkatapos ay pinahinaan na nito ang aircon ngunit sapat ang lamig para sa aming lahat.

Kinurot ko ang tagiliran ni Czheandrei dahil sa hiya.

"Bakit mo ginawa yun? Nakakahiya tuloy kay Kuya." namumulang sabi ko kay Czheandrei.

"Nanginginig ka na diyan sa lamig kanina pa. Hindi talaga ako mahihiya para sa mas mabuting kondisyon ng katawan mo." kalmadong sagot niya sa akin.

Niyakap niya ako kaya nakaramdam ako ng init galing sa kaniyang katawan.

"Tandaan mo, gusto ko palagi ang best para sayo. You deserve everything." mahina niyang bulong sa aking tenga habang yakap-yakap niya ako.

"Thank you for making me feel safe and at peace." nakangiting sabi ko sakaniya habang yakap-yakap niya ako.

"Ang sweet niyo naman diyan! Kung hindi ko kayo kilala, iisipin kong magjowa na kayo!" natatawang asar ni Ysabel sa amin ni Czheandrei.

"Tumigil ka nga. Nilalamig lang ako kaya niya ako niyakap." nahihiyang sabi ko kay Ysabel.

"Weh? Nilalamig lang ba talaga?" gatong pa ni Nicole.

"Oo! Kayo talaga." natawa na lang ako sa ekspresyon ng mukha ni Nicole.

"Uy natatawa siya!" asar pa sa akin ni Chezka.

"Nandito na tayo, sigurado akong gutom na sila kaya pumasok na tayo." kalmadong sabi ni Vincentius sa aming lahat.

Bumaba na kaming lahat at nagpasalamat sa ride na binigay ni Vincentius sa amin papuntang mall.

Hinanap agad ng mata ko si Trevyn sa sofa ngunit wala siya doon.

Napansin naman ako kaagad ni Ate Cherry kaya bigla siyang nagsalita.

"Nandoon siya sa garden niyo, may tatawagan lang daw siya." nakangiting sabi sa akin ni Ate Cherry.

"Salamat Ate!" nakangiting pasasalamat ko kay Ate Cherry.

Tumango lang sa akin si Ate Cherry at ngumiti nang malapad.

Kinuha ko ang take-out na pagkain para kay Trevyn kina Vee.

Nakita ko si Trevyn at may kausap ito sa telepono.

Hindi ko sinasadyang marinig ang mga usapan nila.

His last line was . . .

"It's time to fullfill my wish." iyon ang mga katagang sinabi niya bago niya patayin ang tawag.

I made a wish, you came true.

Thanks for reading! Please leave your thoughts and reactions so i can read it! Lovelots!

Your author, bluereinventhusiastwp.

Continue Reading

You'll Also Like

64.9K 4.6K 54
ᥫ᭡ 𝐇𝐀𝐑𝐔𝐓𝐎 𝐖𝐀𝐓𝐀𝐍𝐀𝐁𝐄 ━ ❝ Naglalaro ka ba ng slither.io? ❞ 트레저 series #1 ╰──╮ completed あ : epistolary + short narrations ♡ ً taglish © t...
3.9K 570 17
Hortencia developed a crush on a complete stranger. The first time she saw him, he caught her attention, and eventually he captured her heart. They h...
22K 2K 63
KF BOOK 2: SEMI EPISTOLARY Date Ended: November 16, 2022