'Yung katabi ko sa Jeep

By stylistnoona

153K 4K 1.3K

[Do Kyungsoo FF, XOXO Basketball Team Series Part 2] Part 1 - COMPLETED Part 2 - COMPLETED Ang magulong buhay... More

PART 1
UPDATE 1
UPDATE 2
UPDATE 3
UPDATE 4
UPDATE 5
UPDATE 6
UPDATE 7
UPDATE 8
UPDATE 9
UPDATE 10
UPDATE 11
UPDATE 12
UPDATE 13
UPDATE 14 (1/2)
UPDATE 14 (2/2)
UPDATE 15
[!!!] MUST READ [!!!]
UPDATE 16
UPDATE 17
UPDATE 18
UPDATE 19
UPDATE 20
UPDATE 21
UPDATE 22
UPDATE 23
UPDATE 24 (1/2)
UPDATE 24 (2/2)
UPDATE 25
END OF PART 1
PART 2
UPDATE A
UPDATE B
UPDATE C
UPDATE D
UPDATE E
UPDATE F
UPDATE G
UPDATE H
UPDATE I
UPDATE J
UPDATE K
UPDATE M
UPDATE N
UPDATE O
UPDATE P
UPDATE Q
UPDATE R
UPDATE S
UPDATE T
UPDATE U
UPDATE V
UPDATE W
UPDATE X
UPDATE Y
UPDATE Z (1/2)
UPDATE Z (2/2)
END OF PART 2
PROMISE
PROMISE 1.0

UPDATE L

826 34 29
By stylistnoona

UPDATE (L)

"Saan tayo pupunta?"

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko na tinanong 'yan sa kaniya, kanina pa kasi niya ako hindi pinapansin. Parang tanga lang.

Mas pinili ko na lang pagmasdan ang mga gusaling nadaraanan namin kaysa naman na mamaos ako sa pangungulit kay Darius, hindi niya rin naman ako bibigyan ng atensyon para kausapin. He's mean.

Nahilo na ako sa kakamasid sa labas at hindi ko napansing nakatulog na pala ako.

I felt a soft nudge, bahagya kong kinunot ang noo ko na madalas kong ginagawa kapag naaalimpungatan ako. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Bumungad sa akin ang maamong mukha ni Darius, just don't mind the stares he's giving me. Because seriously speaking, it really creeps me out. Parang anytime ay kakainin niya ako ng buhay.

Nag-inat ako at ibinaba ang car window, pinagmasdan ko ang nasa labas. Parking Lot iyon, really don't know where exactly we are as of the moment. I looked at him, "Where are we really?" Tanong ko, hindi ko na siguro mapipigilang saktan siya kapag 'di niya ako tinantanan sa pambabalewala niya. Even though I am already used to it, somehow.

"I am renting you a gown." Pagkasabi niyon ay bumaba na agad siya sa kotse. Ngayon ko lang napansin na ibang kotse ang gamit niya, naku-curious tuloy ako kung ilang kotse ang meron siya. O, kung hiniram niya lang ba 'to? Lol.

Lumabas na rin ako ng kotse niya, as usual ay iniwan ko ang mga gamit ko sa kotse niya. Dali dali akong sumunod sa kanya, this is the first time I saw him wearing his jersey uniform personally. Hindi gan'on kalaki ang katawan niya, medyo payat siya sa unang tingin pero kung makikita niyo ang topless niyang katawan you would not expect that he has toned abs. Pero, syempre, off limit sa inyo 'yon kaya kinukuwento ko lang sa inyo.

Hindi ko maiwasang mapangiti, napapadalas na kasi ang pagkikita namin. Nagkakilala kami nang dahil lang sa nakatabi ko sa Jeep, hindi man romantic ay okay lang as long as I am with him.

"Ang bagal mo kumilos!" Nakakunot ang noo niya habang hinihintay akong makaabot sa kaniya. His filipino accent... gah!

Nang maabutan ko siya ay hinila niya ang braso ko papasok sa isang mukhang mamahaling dress shop. Now that I think about it, bakit niya ako rerentahan ng gown?

May iniabot siya sa aking isang makapal na magazine-like na libro, "Ano gagawin ko dito?" Nakakunot ang noo ko habang tinititigan ang front page n'on.

Tumikhim siya at padabog na umupo sa sofa ng shop, probably for waiting customers. Umupo rin ako, malayo ng kaunti sa kaniya. "Titigan mo lang hanggang sa matunaw." Sarkastiko niyang sabi, aalma pa sana ako ngunit biglang nagring ang phone niya kaya imbes na makipag away sa kanya ay tinikim ko na lang ang labi ko. He slid his phone from his pocket, "Hello, Kai?" Maliwanag ang mukha niya ng sagutin niya ang tawag na iyon. Instead of staring at him I started scanning the gowns and dresses inside the magazine-like book.

"I'm going to wear black, so you should pick the same color." Para saan ba talaga 'to? Aattend ba ako ng kasal at kailangan pang naka gown?

Ngumuso lang ako at naghanap ng mga gowns na kulay itim.

"I'll be there, I just need to fix her up first." Rinig kong sabi niya sa kausap niya sa phone, ako ba ang pinag uusapan nila? Ano ako sira? At kailangang ipaayos? Tss.

Umirap na lang ako sa kawalan, at the end pinili ko ang see-through longsleeve gown na may kung anu anong design sa buong disenyo nito. Ayoko kasi n'ung ibang design, kung hindi kasi backless, sleeveless iyon, karamihan pa ay labas ang cleavage. Eh wala naman akong gan'on, 'di naman ako flat chested pero naiilang lang talaga akong magsuot nang gan'ong klaseng mga disenyo.

Nang ipinakita ko kay Darius ang gusto kong suotin (kailangan kasing sukatin daw) ay hindi naman siya nagreklamo, 'di rin siya sumangayon.

"What do you think?" Umikot ikot pa ako sa harap niya, I want him to praise me. I want him to notice me, at least.

Tinitigan niya lang ako, walang kahit anong ekspresyong nakaguhit sa kaniyang mukha, "You look fine. It's just a formal party, you don't have to show off." Napanganga ako, seriously? Wala ba siyang pakialam sa nararamdaman ko? Pagkasabi niya n'on ay tumayo na siya. Bwisit talaga ang lalaking iyon.

Lumapit siya d'on sa staff na kanina pa nag-a assisst sa amin. "We will take it," iniabot nito ang isang kulay black na credit card.

Umirap na naman ako sa kawalan, nakakainis na talaga. Padabog akong bumalik sa dressing room para magpalit ng damit. Ang kati kati pala sa katawan ng ganoong klaseng damit. Pipitsuging dress lang kasi binibili ko kapag may party, at madalas namang modern ang napupuntahan ko. Kung meron mang party na kailangan na nakaayos ay madalas na semi formal party lang.

Napatingin ako sa relo ko ng makapasok kami sa kotse niya, alas quatro y media na ng hapon. I assumed that my supposed-to-be class at this moment is having their long test. Kung bakit kasi inuna ko pa kalandian ko. Psh.

"Saan ba talaga tayo pupunta? Bakit kailangan pang naka gown? Akala ko ba hangout lang?" Napipikon na sabi ko. Uminit na naman ang ulo ko dahil hindi ako nakapag test.

"Yup, we will hangout. But first, I need to produce you. I can't let you face my parents tonight, if you'll be looking like that. Plain and ordinary." Halos malunok ko na ang sarili kong dila sa sobrang inis kay Darius. Alam kong hindi ako maganda at wala akong kapuna punang asset pero para ipamukha niya 'yon. Sumosobra na siya! (Kahit sobrang gwapo niya)

Hindi na lang ako umimik at hinayaan siyang mapanis ang laway. Mas gusto ko pang mamatay na lang sa sobrang pagkapanis ng laway kaysa makipag usap sa Darius na 'to na walang ibang sinabi kundi masasakit na salita sa akin.

Tinotoo niya nga ang sinabi niyang ipo-produce niya ako. Ibig sabihin, pagagandahin at pag-aamuying mabango dahil dinala niya ako sa isang hair and spa salon. Wala naman akong tigyawat sa mukha kaya di ko na kinailangan magpa facial. Pina-hair and makeup niya lang ako, at pina bikini wax lang naman ang buong katawan ko.

"You're done," maarteng sabi nitong baklang nag-ayos sa akin, 'di ko nga alam kung inayusan niya ba talaga ako o lalong pinapanget eh. Kung anu-ano kasing pinaglalagay niya sa mukha ko.

Tatlong oras na akong narito, at talong oras ko na ring hindi nakikita si Darius. Kung nasaan siya ngayon ay hindi ko rin alam.

Napatingin ako sa relo ko, alas otso na ng gabi. Hindi ko pa nakikita ang sarili ko, pero suot suot ko na ang gown. Mamayang alas nueve daw kasi ang party, 'yun ang pagkakaalam ko dahil narinig ko ang usapan ni Darius at n'ung mga staffs dito.

"Is she done?" Rinig ko mula sa likuran ko ang boses ni Darius, bigla akong kinabahan. Natatakot akong magpakita sa kanya.

Napatingin ako sa nag-ayos sa akin, tumango ito at nginitian si Darius, "She's done." Sabi nito at inikot ang inuupuan kong swivel chair. Halos malaglag ang panga ko ng makita siya, naka 3-piece suit siya na kulay itim. Nakaayos ang kaniyang buhok at mukhang napakabango niya. Agad kong itinikom ang labi ko.

Pinagmasdan ko ang magiging ekspresyon ni Darius, nagtaas baba ang kaniyang adam's apple. Hindi ko ma-identify kung ano ang iniisip niya, "Do I look decent?" Tanong ko, ayoko na lang mag expect na pupurihin niya ako. Dahil baka hindi ko lang magustuhan kung ano ang sasabihin niya.

Tinitigan niya ako ng ilang segundo at agad na nag iwas ng tingin, naramdaman niya 'atang naiilang ako sa mga unusual na titig niya. "You look okay." Sabi nito at agad na naglakad palabas sa salon.

Napapikit ako ng mariin, kahit ano sigurong gawin sa akin. Pagandahin man o papangitin ay iisa lang ang magiging reaksyon niya. Hindi siya maaapektuhan dahil wala naman siyang gusto sa akin. Damn life!

Masama ang loob kong tumayo at sinundan siya, hindi naman ako nag e expect na purihin niya ako pero hindi ko pa rin maiwasang mawalan ng gana.

Nasa loob na siya ng kotse niya kaya pumasok na rin ako, "You seat at the back," Hindi siya nakatingin ng sinabi iyon, nakatungo siya. Napansin ko rin ang pamumula ng kaniyang tainga, problema nito?

Dahil wala rin naman akong ganang makipagtalo sa kaniya, ay sinunod ko na lang ang mga sinabi niya at umupo sa back seat. Iniayos ko ang suot kong gown ng makaupo ako, mabuti na lang at kumportable sa paa ang pinasuot niyang heels. Nang makaupo ako ng maayos ay nahuli ko siyang nakatingin sa akin pero agad din namang nag iwas ng tingin at nagsimula siyang magmaneho palabas ng parking lot.

Saglit lang ang naging biyahe papunta d'un sa party na sinasabi niya, nasa Sofitel kami. Pinagbuksan niya ako ng pinto na siyang kinagulat ko, inalok niya pa ang kamay niya para alalayan akong makababa sa kotse. Now, this is getting weird.

Nang makababa ako ay napansin kong nakaarko ang kaniyang braso kaya nakakunot akong nakatingin sa kaniya. "Link your arms." Sabi pa niya, hindi nakatitig sa akin at nananatili ang pamumula ng kaniyang tainga.

"Bakit? Kaya ko namang maglakad ng naka heels?" Sabi ko, nawi-wirdohan na talaga ako sa kanya.

Binalingan niya ako ng tingin at pinandilatan ng mata kaya agad akong kumapit sa nakaarko niyang braso. Hindi ko alam kung bakit pero ang lakas ng kabog ng dibdib ko, pakiramdam ko anytime soon ay mahihimatay ako dahil sa nanlalambot na rin ang tuhod ko. Sabay kaming pumasok sa hotel, may nag assisst naman sa amin papunta ng event hall.

Nang makapasok sa event hall ay pinigil ko talaga ang sarili kong mamangha sa interior ng party. Everything here is elegant!

"Ano bang event 'to?" Bulong ko kay Darius, para naman siyang naalarma sa ginawa ko dahil napaigtad siya.

Huminga siya ng malalim, "My engagement party."

Halos malunok ko ang sarili kong dila, parang may nakabara sa lalamunan ko. "O-Oh?" Hindi ako makatingin sa kaniya, lumuwag na rin ang pagkakakapit ko sa braso niya. "Restroom muna ako," aalis na sana ako kaso pinigilan niya ako, hawak hawak niya ang braso ko. Gusto kong makaalis saglit para makahinga kasi parang ang sikip ng dibdib ko.

"Can you do that later?" Pagsusumamo niya, is he torturing me?

Kakawala sana ako sa pagkakahawak niya ng biglang may lumapit sa amin. May edad na ang mga ito, ang babaeng nasa harap ko ay sopistikada at mukhang istrikto, ang lalaking kasama naman nito mukha ring istrikto at 'yung tipong kung ano ang sasabihin niya ay hindi mababali.

Bahagyang ngumiti ang babae, samantalang ang kasama nito ay nanatiling seryoso. "I'm glad you came, Olen." Pagkasabi nito ay hinalikan niya sa pisngi si Darius, saglit niya akong tinapunan ng tingin. "Who is she?" Baling niya kay Darius.

Lumunok si Darius at bahagya akong tinitigan, "She's a friend, mom."

〜〜

Bawi lang. Sorry for the typo and grammatical errors. Sorry kung lame at maikli 'yung update. Forever masungit na talaga 'ata si D.O dito. :D

Continue Reading

You'll Also Like

800K 41.1K 61
• NOW A PUBLISHED BOOK • Available in National Book Store and Fully Booked, also in Precious Pages Bookstore's Shopee, Lazada, and TikTok shop. • Fea...
1.5K 90 32
Dahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San Andres. Sa paghahanap ay may nakita sila...
753K 26.7K 72
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
772K 37.7K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...